Click Here to See the Episode Topics
BROADCAST DATE(S) EPISODE TITLE / SCRIPT / DETAILS
July 24, 2006   Arsenic and Mine Tailings

Top | Home

Isa sa mga issue ng mga environmentalists laban sa pagmimina ay ang lason na arsenic dala ng mine talings. Ang mine tailings ay tirang material mula sa pagmimina na parang pinong buhangin o putik na may mataas na level ng arsenic.

Ang arsenic naman ay isang uri ng lason na matatagpuan sa kapaligiran lalo na sa mga lugar na may deposito ng ginto, kaya na i-extract ito mula sa mine tailings. Ang arsenic ay ginagamit na pesticide upang proteksyunan ang mga hayop, kahoy, prutas at gulay laban sa mga insekto.  Tanyag rin ang arsenic bilang lason dahil noong araw hinahalo ito sa pain upang sugpuin ang mga daga.

Ang epekto nito sa kalusugan ay depende sa dami at tagal ng pagpasok nito sa katawan.
Kapag marami ang intake sa maiksing panahon severe ang epekto nito o maaaring maging sanhi ng kamatayan. Kung katamtaman sa mahabang panahon magiging sanhi ito ng pagbabago ng balat at ilang mga kanser, at pagkasira ng mga maseselang organs.  Kapag konti lamang ang  intake sa mahabang panahon maaaring kayanin ito ng katawan kaya bale wala itong epekto.

May konting arsenic ang lupa,  hangin, kahit ang pagkain, ngunit ang isa sa pinakamataas na konsentrasyon ng arsenic ay nasa mine tailings.  Nalalanghap ang arsenic kung kasama ito sa alikabok kaya ang mga nakatira malapit sa mina ay nakalalanghap o nakalulunok ng arsenic.

Upang mabawasan ang exposure sa arsenic sa mine tailings,  ipagbawal sa mga bata ang pagkain na nadapuan ng mine tailings. Bawalan rin silang maglaro sa mine tailings mismo. Paliguan at hugasan ng madalas ang mga bata pati na ang kanilang mga kagamitan at laruan.  Huwag magtanim ng mga prutas at gulay malapit sa minahan.  Hugasang mabuti ang mga gulay at prutas bago kainin. Huwag maligo o kumain ng isda o ano mang uri ng hayop mula sa mga dam na gawa sa mine tailings.

Kung inaakala ninyong nalalason kayo ng arsenic, lalo na ang mga naninirahan malapit sa gold mine, komunsulta sa inyong doktor o dumulog sa pinakamalapit na Health Center o DOH office.

Septmeber 21, 2007   Mercury Poisoning

Top | Home

Mercury poisoning ang tawag sa masamang epekto sa tao ng metalic substance na mercury.

Ngayong panahon na alam na ang panganib na dala ng mercury, marami na ang mga safe-guards na inilalagay upang kontrolin ang laganap na paggamit nito. Ngunit may mga mahahalagang gamit pa rin dito na hindi maiiwasan, katulad ng mga thermometer, thermostat, blood pressure aparatus o sphygmomanometer at iba pang industrial uses.

Ang paggamit ng fertilizer at ang waste disposal ng mga planta ay nagpapakawala ng mercury sa hangin. hindi rin mapipigilan ang natural na concentration ng mercury sa environment katulad ng mga watershed dahil sa erosion ng minmeral deposits, natural  emission ng mga tanim, at deposits ng coal. Kahit ang mushroom ay nakakaipon rin ng mercury mula sa lupa.

Ang mercury poisoning ay nakukuha kapag dumampi sa balat, malanghap o makain. Kaya delikado kapag nabasag halimbawa ang thermometer o ano mang bagay na may mercury.
 
Ayon sa World Health Organization(WHO), ang pinakamalaking source ng mercury poisoning ay ang pagkain ng ilang uri ng isda at mga pagkaing dagat katulad ng tuna, swordfish, at pating, dahil ang mga malalaking isda ay mas mataas rin ang concentration ng mercury sa kanilang katawan.ang madalas kumain ng mga isdang ito at mga maliliit na isda na huli sa mga lugar na mataas ang mercury level, ay maaring magkamercury poisoning.

Ang panganib sa mercury poisoning ay depende sa gulang ng biktima, uri, dami, at tagal ng exposure sa mercury.  Inaatake ng mercury ang central nervous system, at may masamang epekto rin ito sa bibig, gilagid, at ngipin.  Kung mataas at matagal ang exposure, mauuwi ito sa paglalaway, nerbyus, panginginig, dementia at kamatayan.  Ang mga batang nasa sinapupunan ay maaaring ipanganak na may kapansanan  o magiging autistic.  Ang sakit na minamata ay sanhi rin ng mercury poisoning.

Ang gamot sa mercury poisoning at iba pang heavy metal poisoning ay chelation therapy na sinasabing nakagagamot ng heart disease.  By the way, hindi totoong nakagagamot ito ng heart disease.

Mag-ingat sa mercury poisoning. Ingatan na hindi mabasag ang mga gamit na may mercury. Huwag kumain ng maraming malalaking isda na nabanggit ko kanina lalo kung buntis.

January 08, 2009 202

Tonsilitis



Top | Home

Infection ng virus o bacteria ang sanhi ng pamamaga ng tonsils at sa mga tissues sa lalamunan na nakapaligid dito.

Halos lahat ng mga bata nakaaaranas ng isa o ilang atake ng tonsillitis. Ngunit dahil sa mga modernong gamot at panibagong paraan ng pag opera, halos walang  nang komplikasyon o namamatay sa sakit na ito..

Ang karamihan ng tonsillitis ay sanhi ng streptococcus pyogenes infection. Viruses katulad ng epstein barr virus, cytomegalovirus, adenovirus at measles virus  ay maaari ring maging sanhi ng tonsillitis.

Ang tonsillitis ay maaaring maging acute, recurrent; chronic at may peritonsillar abcess.

Ang sintomas ng acute tonsilitis ay lagnat, sore throat, bad breath, mahirap at masakit na paglunok, at masasakit na lymph node. Maaaring maykasama itong pananakit ng katawan at panghihina.  Maaaring mawawala ang mga sintomas na ito pagkalipas ng tatlo o apat na araw, o maaaring tumagal ng dalawang linggo kahit ginagamot na.

Recurrent tonsilitis ang tawag sa tonsillitis na paulit-ulit ng ilang beses sa loob ng isang taon.

Ang may chronic tonsillitis naman ay palaging masakit ang lalamunan, mabaho ang hininga, maga ang tonsils at mga kulani sa leeg.

Kung may peritonsillar abcess ang isang tao, palaging masakait ang kanyang lalamunan, may lagnat, mabaho ang hininga, nahihirapang ibuka ang bibig, at paos ang boses kapag nagsasalita.

Madali  madiagnose ng doktor ang tonsilitis. Ginagamot ang tonsilitis sa pamamagitan ng antibiotic regimen, fluid replacement at pain reliever. Kung malala ang kaso maaaring mahospital ang pasyente lalo na kung barado ang lalamunan. Kung paulitulit ang tonsilitis, maaaring kailangang  tanggalin na ito .

August 26, 2009 206

Male Infertility

Top | Home

Iba ang infertility sa sterility. Ang sterile na babae o lalake ay hindi maaaring magkaroon ng anak dahil ang isa o silang dalawa ay may problema at hindi makabuo ng bata. Ang infertile ay maaaring magka anak kapag naalis ang sanhi ng infertility.

Karamihan ng sterile na lalake ay walang sintomas at ibat iba ang dahilan nito. Ang pinakamalimit ay abnormal sperm production o function, mahinang delivery ng sperm, mga bagay na may kinalaman sa general health at lifestyle; over exposure sa mga adverse environmental elements.

Maraming uri ang problema sa sperm production o function katulad ng: abnormal na hugis at kilos ng sperm, walang sperm production sa testicles, mababa ang sperm count, undescended testicles o cryptorchidism na dahilan din ng mababang sperm production, kakulangan sa testosterone, maling agos ng semilya mula sa testicles papunta sa matres, mga sexually transmitted infections katulad ngchlamydia, gonorrhea, at iba pang impeksyon katulad ng beke at inflammation ng prostate at urethra.

Ang ibang sanhi ng infertility dahil sa emotional stress.  May masamang epekto ito sa hormones na kailangan sa paggawa ng sperm. Malnutrition at  kakulangan sa vitamins at minerals, obesity o katabaan, cancer at ang paggamot nito. Ang chemo at radiation therapy ay may masamang epekto rin sa sperm production.  Ang  alcohol, droga at smoking  at ibang medical conditions katulad ng diabetes, hiv/aids, anemia, heart attack liver at kidney failure ay nagdudulot rin ng infertility.

Environmental exposure: kasama dito ang mga harmful chemicals, pesticides, hydrocarbons, benzene, solvents sa pintura at varnish, at lead. Masama rin ang sobrang pagbababad sa sauna at hot tub dahil kapag mataas ang body temperature bababa ang sperm count.  May mga gamot rin na sanhi ng infertility.

Sa madaling sabi, huwag kayong masyadong mabahala sa infertility maliban lamang kung hindi nakakabuntis sa loob ng isang taong pagsisikap o sobra ang baba ng sperm count kung saan kailangang komunsulta sa doktor .

Mga karagdagang impormasiyon: simula sa gulang na 35 years old dadami ang infert-ile na  lalake.  Ang anabolic steroids na nagpapalakas at nagpapalaki ng muscles ay nagpapaliit ng testicles at nagpapababa ng sperm count. Kung kayo ay may kanser at nais pang magkaanak ipa freeze ang sperm bago simulan ang radiation o chemotherapy.

August 27, 2009 207

Female Infertility

Top | Home

Iba ang infertility sa sterility. Ang sterile na babae o lalake ay hindi maaaring magkaroon ng anak dahil ang isa o silang dalawa ay may problema at hindi makabuo ng bata. Ang infertile ay maaaring magkaanak kapag naalis ang sanhi ng infertility.

Ang pinakamadalas na dahilan ng infertility ng babae ay: damage o bara sa fallopian tube, endometriosis, mga problema sa ovulation o paggawa ng itlog, polycystic ovary syndrome, early menopause, myoma at mga pelvic adhesions. Ang iba pang mga dahilan ay: pansamantalang infertility dahil gamot tulad ng oral contraceptives. Nanunumbalik ang fertility kapag itinigil ang gamot. Sakit sa thyroid gland- ang sobra o kulang na thyroid hormone ay nagpapatigil ng menstrual cycle at nagiging dahilan ng inferility. Mga kanser, lalo na ang kanser sa reproductive organ.  Radiation at  chemotherapy para sa kanser, at iba’t ibang mga sakit katulad ng delayed puberty,  hiv/aids, kidney disease at obesity.

Nandyan rin ang mga risk factors katulad age o gulang. Paglampas ng 32 years of age, ang potential fertility ng babae ay pababa na. Hindi na napapalitan ang mga itlog o ocytes at malamang magkaroon siya ng problema sa chromosomes ng itlog. Mas madaling makunan, at dapuan ng mga sakit na may epekto sa fertility.  Risk factor rin ang smoking dahil mas madalas makunan ang mga smokers samantala ang alcohol naman ay masama sa bata sa sinapupunan. Ang sobrang katabaan ay may kinalaman sa ovulation ngunit ang sobrang kapayatan naman ay masama rin. Dahil ang mga anorexic at mga bulemic, kasama ang mga vegetarian ay kinukulang sa mahalagang nutrients katulad ng vitamin B-12, Zinc, Iron at Folic acid na mauuwi sa irregular na menstruation.

Ngunit, huwag kayo masyadong mabahala sa infertility maliban lamang kung hindi ka nabubuntis sa loob ng isang taong pagsisikap, paulit ulit ang miscarriage, nawala ng anim na buwan ang inyong mens o irregular o napakasakit nito, o may mga sakit kayo katulad ng mga nabanggit na.  Kung gayon kailangan komunsulta agad na sa doktor.

October 4, 2007 58

Hair Loss



Top | Home

Narito ang mga haka-haka at katotohanan tungkol sa hair loss o pagkakalbo.

Kapag lalaki raw ang nakakalbo, mana raw ito sa ina at kapag babae naman, mana raw sa ama. Hindi po ito totoo. Ang pagkakalbo ay namamana mula sa dalawang magulang, sa tatay at sa nanay.

Nakakakalbo raw ang tina sa buhok, hair spray, at sobrang pag-sha-shampoo. Hindi rin po ito totoo.  Nai-stress tayo kapag nakikita natin ang dami ng nalalagas na buhok tuwing tayo ay mag sha-shampoo, magsusuklay, magbo-blow dry, o magtitina ng buhok.

Actually, we lose 100 to 150 strands of hair every single day. Normal lang ito.  Normal rin na tutubo itong muli. Ang problema sa mga nakakakalbo, kapag nalagas ang buhok, ang tutubong kapalit nito ay hindi magiging kasing haba at kasing kapal ng dating buhok at darating ang panahon na sadyang wala nang tutubong kapalit ang nalagas na buhok at tuluyan na siyang makakalbo.
 
Ang madalas na paggamit ng hair dryer ay masama raw.  Isang myth rin ito.  Maliban na lang kung sobra ang init ng hanging lumalabas sa hair dryer at sobrang lapit nito sa anit at nasusunog na ang ugat ng buhok o hair follicles. Kaya kapag nag hair dryer, tiyakin na komportable lamang ang init nito at hindi mapapaso and anit ninyo.

Ang hair loss raw ay nagsisimula sa gulang na singkwenta anyos. Sa malas ay walang katotohanan  ito. Kahit bata pa kung mayroong hereditary factor,  maaaring magsimula na ang pagkalagas ng buhok at magpapatuloy ito hanggang tuluyang  maubos  ang buhok.

Ang matagal na pagsuot ng sombrero raw ay sanhi rin ng hair loss. Isa na ring myth ito. Ang totoo, palaging nakasombrero ang nawawalan ng buhok dahil itinatago nila ang pagkakalbo.

Ang kulang daw sa sex ay nakakalbo. Walang kinalaman ang kakulangan ng buhok sa kakulangan sa sex. 

Ang tanging magagawa natin para sa ating buhok ay ang panatilihing palagi itong malinis at harinawa ay hindi umiral ang hair loss genetic factor mula sa ating mga magulang.
August 28, 2006 64

Gout



Top | Home

Ang gout ay isang uri ng arthritis. Sanhi ito ng mataas na level ng uric acid sa dugo. Kapag mataas ang level ng uric acid sa dugo, nagiging crystals ito at naiipon sa mga kasu-kasuan o joints lalo na sa hinlalaki ng paa o big toe at sa bukong bukong o ankle.

Ang mga sintomas nito ay matinding pananakit, pamumula at pamamaga ng mga joints na nabanggit.  Kung kasama ang pananakit ng iba pang joints tulad ng tuhod at mga daliri sa kamay, malamang ito’y hindi gout.

Ang gout ay sanhi ng sobrang produksyon ng uric acid mula sa atay at pagtaas ng konsentrasyon nito sa dugo na hindi kayang salain ng kidney. Ang gout ay tumatakbo sa pamilya.  Ang gout ay maaari ring sanhi ng madalas na pagkain ng pagkaing mayaman sa purine o uric acid katulad ng mga laman loob, sardinas, dilis lentehas o beans, nuts at iba pa.  Ang pag-inom ng whiskey at beer ay nakatataas rin ng uric acid.  Ang mga may diabetes at sakit sa bato ay susceptible rin sa gout.  Kapag hindi magamot kaagad ang gout maaaring makasira ito ng joints.
 
Ang diagnosis ng gout ay nagagawa sa pamamagitan ng eksaminasyon sa apektadong joint.  Kung kinakailangan,  maaaring kumuha ng fluid sa apektadong joint upang alamin kung may uric acid crystals ito.

Ang layunin ng paggamot sa gout  ay ang pawiin ang mga sintomas nito at pigilan ang mga susunod pang atake.  Maaaring mag-reseta ang doktor ng mga gamot katulad ng colchicine, nsaids o nonsteroidal anti-inflammatory drugs, at corticosteroids.

Upang maiwasan ang atake ng gout ang doctor ay maaaring magreseta ng allupurinol, isang gamot ng nakakababa ng uric acid levels sa katawan.

Prevention pa rin ang pinakamabisang gamot para sa gout, sabayan pa ng maagang pag-inom ng wastong gamot, pag-iwas sa masasamang pagkain, pag-inom ng maraming tubig, at regular exercise.

September 1, 2006 209

Earache or Otitis Media



Top | Home

Sa paglaki ng mga bata, hindi naiiwasan na sila’y makaroon ng masakit na tenga. Ang sanhi nito ay impeksyon ng tenga na kung tawagin ay otitis media.

Kadalasan, ito ay lumalabas pagkatapos ng sipon.

Ang mga sintomas ng otitis media ay: lagnat,  madalas hilahin ang tenga; panay ang iyak nga bata at palagi ito balisa; masakit ang tenga paghinahawakan; masakit ang tenga kapag lumulunok o suminga; may pakiramdam na parang na sa ilalim ng tubig at kung minsan nakakarinig  ng ringning sound.

Ang impeksyon sa tenga ay maaaring magdulot ng pansamantalang pamimingi lalo na kung nabasag ang eardrum. Ang isang palatandaan na basag na ang eardrum ay ang pagtagas ng nana o dugo sa tenga. Sa ganitong sitwasyon, ang doctor ay magbibigay ng antibiotic. Matapos ng ilang araw mawawala na ang sakit ng tenga ngunit kailangang tapusin lahat ng antibiotic na bigay ng doctor. 

Tandaan, pumunta agad sa doktor kung ang bata ay: antukin; mataas ang lagnat, panay ang iyak,  panay ang hila sa tenga, at kung namamaga ang paligid ng tenga at  masakit ang leeg.

September 08, 2009 201

Obesity: Who are at Risk and How to Avoid It



Top | Home

Parami ng parami ang mga obese na tao. Pati sa mga kabataan ay pataas rin ng pataas ang bilang nito. Dito sa atin nakababahala ang pagtaas ng mga overweight at mga obese nitong nakaraang ilang dekada lamang..

Ang obesity ay dahilan ng sari saring sakit katulad ng hypertension, stroke, diabetes, sleep apnea, heart disease, heart failure, sakit sa bladder, sakit sa reproductive system, depresyon, risk for colon at breast cancer o kamatayan.

Masamang balita rin ang obesity para sa katawan at sa pag-iisip. Hindi lang ito sanhi ng madaling pagkapagod, pagkasira ng mga joints at hirap sa paglalakad, paglalaro,at paghinga, kundi dahilan rin ito ng  severe depression.

Ang common cause ng obesity ay genetic predisposition at sobrang dami ng kinakakain, pagkain ng mga matatamis, matataba,  alcohol, depresyon at kakulangan ng exercise.

Isang billion at kalahati ang mga taong overweight sa mundo at 300 million sa mga ito ang obese. Sa mga batang anim na taon ang gulang, 15 % ang overweight. Mas malamang na tumaba ang mga babae kaysa sa mga lalake. 

Simple lang ang pag-iwas sa katabaan: exercise at healthy eating habits lamang ang kailangan. Ang  tuloy- tuloy na paggalaw sa loob ng 30 to 60 minutes bawat  araw, katulad ng walking,  light jogging, swimming, cycling,  skating or even dancing should do it. Makakatulong rin ang paggawa ng mga trabahong pambahay katulad ng pagbubunot, paglilinis ng bahay at kapaligiran. Bawasan ang panonood ng tv, paglalaro ng video games at pag-upo sa computer sa mahabang oras.

Iwasan ang mga sumusunod: pag-inom ng soft drinks, sports drinks, at fruit juices. Uminom ng fat free milk, o tubig lamang; kumain ng mga limang servings ng prutas at gulay bawat araw;  iwasan ang pagkain ng matataba,   malangis at matatamis na pagkain.  Iwasan rin ang mga fast foods at bawasan ang portions ng kinakain.

Kung kayo ay overweight o obese, makipag-usap sa doctor o dietician. Kung bata  ang may problema kausapin pati ang mga parents. Kailangang bumuo ng plano na magkasama ang exercise at tamang eating habits. Sundin ito hanggang makamit ang tamang timbang.

Ang obesity ay nangyayari sa mahabang panahon. Kaya hindi madali ang magpapayat. Tiyaga, commitment, support ng kapamilya, at supervision ng doktor o dietician ang kailangan. Ang importante ay huwag mag atubili. Mas maaga makapagsimula mas maagang gaganda ang inyong kinabukasan.

October 31, 2007 218

Meningococcemia



Top | Home

Ang meningococcemia ay isang malalang sakit na sanhi ng gram negative bacteriang nagngangalang neisseria meningitidis o meningococcus.  Ang sakit na ito ay maaaring walang sintomas sa umpisa.  Kung minsan naman, ang may sakit ay nakakaramdam lamang ng sintomas ng upper respiratory tract infection katulad ng ubo o sipon.

 Bukod sa meningococcemia, kung saan ang impeksyon ay kumakalat sa buong katawan sa pamamagitan ng dugo, ang meningococcus ay maaaring maging sanhi ng pneumonia o kaya ay meningitis.
 
Kadalasan, ang may sakit ng meningococcemia ay magkakaranas ng biglaan at walang tigil na mataas na lagnat, kasabay nito ang paglabas ng petechial rashes na nagdudulot ng pagdurugo sa ilalim ng balat.  Magkakaroon rin ng sintomas ng meningeal irritation katulad ng sakit ng ulo, pagsusuka, stiff neck, seizure o convulsion at deliryo.

Nakukumpirma ang sakit na ito sa pamamagitan ng pag-eeksamin ng cerebro spinal fluid para sa bacteriang meningococcus.

Ang sakit na ito ay nakakahawa lalo na  kung siksikan ang mga nakatira sa isang lugar. Naililipat sa iba ang mikrobyo mula sa sipon o laway ng mga may impeksyon.
Marami ang naililigtas kung mabigyan agad ng antibiotics katulad ng penicillin, chloramphenicol o kaya rifampicin. 

Mataas ang fatality rate ng meningococcemia kaya kailangang ma-diagnose ito ng maaga at malapatan ng kaukulang gamot.

September 22, 2006 152 SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome)

Top | Home

Sars! Bagong kilalang respiratory illness na may kasamang lagnat, pulmonia na mabilis nagiging severe at maaaring makamatay.  Ang pinagmumulan ng sars ay isang bagong uri ng corona virus na may kinalaman sa ordinaryong colds.

Ang isang tao na bumiyahe sa isang bayan na may sars o nagkaroon ng close contact sa isang pasyente na may sars ay maaaring magkaroon ng mga palatandaan o sintomas kagaya ng mga sumusunod:  Mataas na lagnat: 38 degrees centigrade o mahigit pa, masakit na ulo, masamang pakiramdam sa buong katawan, pananakit ng kalamnan, tuyong ubo, mahirap huminga pagkalipas ng dalawa hanggang pitong araw.  Nasasagap ang sars kapag nalanghap ang contaminated na hangin na may sars virus mula sa pag-ubo o paghatsing, close person to person contact with sars patients katulad ng care givers o kasam-bahay, direct contact sa mga gamit ng taong may sars,  paghipo sa balat o paghawak sa mga bagay na natalamsikan ng droplets na may sars virus pagkatapos ihipo sa mata, bibig o ilong.

Naiiwasan ang sars sa pamamagitan ng mahigpit na screening sa mga airport o seaport ng mga pasahero na mula sa mga bansang may sars; pag-quarentina sa mga taong maaaring nagkaroon ng contact sa mga pasyenteng may sars, pati na ang mga bagong salta mula sa mga bayan na mayroong sars epidemic.

Dahil bagong tuklas lamang ang sakit na ito wala pang tiyak na gamot para dito.  Ang mga sars patients o iyong hinihinala na mayroong sars ay kailangang dumulog kaagad sa Department of Health sars referral hospital upang pangalagaan ng wasto o hindi kaya makipag-ugnayan kaagad sa DOH National Center for Disease Prevention and Control.


August 31, 2009
219 Pagluluha



Top | Home

Dalawa ang  pangkaraniwang dahilan ng pagluluha: Ang una ay kapag nagbara ang tinatawag na nasolacrimal duct o labasan ng luha patungo sa ilong.  Para itong drain ng lababo na kapag nabarahan ay umaapaw ang tubig.  Ang pangalawa ay iba’t ibang uri ng iritasyon at impeksyon sa mata katulad ng conjunctivitis, at iritasyon mula sa paggamit ng contact lenses, abnormality ng eyelids, o kaya pagkatuyo ng mata o dry eyes.

Ang pinakamadalas na  pinagmumulan ng paminsan-minsang pagluluha lalo na sa matatanda  ay ang dry eyes.  Dinadiagnose ito sa pamamagitan ng clinical history  at mga simpleng tests sa klinika ng doktor.

Normal na dami at kalidad ng luha ang kailangan upang maging mahusay ang lagay  ng cornea at ng conjunctiva ng mata.  Kapag hindi normal ang luha, madali itong mag-evaporate at nagiging dahilan ng tuyong mata. Sa mga sandaling ito maaaring makadama ng hapdi, panlalabo at pagkapagod ang mata.  Dahil sa pagkatuyo nito, ang reaksyon ng mata ay gumawa pa ng mas marami pang luha.  Ang isang gamot dito ay mga tears supplement o artificial tears.  Ang mga ito ay tumutulong na maging normal ang dami at kalidad ng luha upang hindi kaagad matuyot ang cornea at conjunctiva. 

Mayroong isang sakit na dahilan ng pagluluha ng mata na ang tawag ay dacryocystitis.  Impeksyon ito ng lacrimal sac.  Ang lacrimal sac ay isang bahagi ng nasolacrimal duct kung saan naiipon ang luha papunta sa ilong.  Kapag nagkaimpeksyon ang sac na ito, mamamaga ito, mababarahan ng nana at magsasara. Dahil dito hindi makakadaan ang luha.

Ang dacryocystitis ay ginagamot muna ng antibiotic sabay sa pagsasalasak ng lacrimal duct upang maalis ang bara.  Kung sakaling hindi sapat ito, kailangan na ang isang operasyon upang gumawa ng ibang daanan ng luha papunta sa ilong.  Upang maiwasan ang operasyong ito, komunsulta agad sa espesyalista sa mata kung kayo ay nagluluha.  Kung maaagapan agad, ito ay maaaring makuha sa gamot lamang.

January 09, 2009 221 Dark Circles & Puffy Eye Bags

Top | Home

Tunghayan natin ngayon ang problema ng dark circles sa mata at ang mga eye bags.

Ang dahilan ng dark circles ng mata ay ang madalas na pagkuskus ng mata, kakulangan ng tulog dahil sa stress, depression o sleep disorder, allergies, katandaan at dehydration. Minsan rin ang dark circles ay namana.

Maaaring malunasan ang dark circles kung nagagamot ang dahilan nito. Subukan na iwasan ang pagpupuyat at komunsulta sa doktor para malunasan ang kati at allergy. Uminom ng wastong dami ng tubig upang manariwa ang balat.  Kung hindi pa rin  maalis, maaaring gumamit ng concealer o hindi kaya gumamit ng tinted eye glasses upang ito ay matakpan. Huwag gumamit ng bleach creams dahil ibabaw lamang ng balat ang abot nito. 

Ang eye bags naman ay may ibat-iba ding dahilan. Kung gusto ninyong maalis ang eye bags dapat rin malaman ninyo ang dahilan nito. Sometimes ang dahilan ay allergy, retained extra fluid, at heredity.  Katulad ng dark circles may mga dahilan na hindi maiiwasan.

Kung hindi ka sigurado kung ano ang dahilan, mainam na komunsulta sa doctor.  Kung minsan ang pinagmumulan ay mga sakit sa katawan katulad ng sakit  sa thyroid.
Maaari ring masiguro sa doktor kung allergy nga ba ang sanhi upang mabigyan ng kaukulang gamot.

May mga dahilan naman na madaling lunasan, katulad ng  mga eye bags na dahil sa retained fluid.  Kung kapansin pansin ang eye bag paggising sa umaga, subukang matulog na mataas ang ulunan upang hindi tumigil ang fluid sa mukha.

May ilan pang karaniwang payo na maaaring ninyong subukan upang maalis ang eye bags katulad  ng paglalagay ng pipino o tea bag sa ibabaw ng eye bags.  Maaari rin ninyong subukan pahiran ng hemorrhoid cream ang eye bags. May sangkap ang hemorrhoid cream na maaaring effective sa problemang ito.

September 27, 2006 223 Jet Lag

Top | Home

Ang jet lag ay kondisyon na nararanasan pagkatapos ng paglipad sa ilang time zone ng mundo sa maiksing panahon.

Ang mga may jet lag ay hirap mag-maintain ng kanilang pattern ng pagtulog at paggising sa bagong kinaroroonan nila.  Maliban sa parang pagod na pagod at hirap sa pag-adjust ng pagtulog at paggising, kung minsan ang jet lag ay may kasama ring insomnia, day time fatigue, sakit ng tiyan, sakit ng ulo at kung minsan pagkamainitin ng ulo.

Walang tiyak na gamot sa jet lag.  May mga maaaring gawin upang mapabilis ang pag-adjust sa bagong time zone.  Halimbawa, i-set kaagad ang relos sa oras ng bagong time zone at pilitin na matulog lamang sa tamang oras ng pagtulog sa bagong time zone na ito.

Maiiwasan ba ang jet lag?  Ang epekto ng jet lag ay hindi pareho sa lahat ng tao, ngunit tiyak na lahat ay makararanas ng epekto ng jet lag sa iba’t ibang paraan. Kaya kanya kanya ang  pagma-manage ng jet lag, kasama na dito ang mabuting pagtulog, wastong nutrition, at kung minsan paggamit ng gamot tulad ng melatonin.   Ang mabuti ring gawin ay iwasan ang mga factors na nakadaragdag sa jet lag. Matulog ng mabuti bago bumiyahe  ng malayo.  Iwasan ang caffeine, alcohol at nicotine.

May mga ibang biyahero na sinusubukang gumamit ng melatonin, isang hormone na gawa ng pineal gland sa utak. Sinasabi na ina-advance ng melatonin ang biological clock ng katawan.  Kahit walang scientific proof na totoo ito at talagang hindi pa inererekomenda, ang mga biyahero ay nagsasabi na nakakatulong ito sa kanila sa pag-iwas sa jet lag.

Short acting sleeping pills ang gamit naman ng iba upang sila’y makatulog sa oras ng pagtulog.  Tiyakin lamang na walang epekto ang gamot kinaumagahan lalo na kung kakailanganin nang magtrabaho.

October 02, 2009 125

 Be the Boss of Your Healthcare


Top | Home

Ang expression na “personalin mo” ay tugmang tugma pagdating sa kalusugan ng isang tao.  Dahil may kinalaman ito sa inyong buhay, maigi na malaman ninyo ang tama at epektibong pakikipag-ugnayan sa inyong doctor.

Dahil mahalaga ang oras na inyong ginugugol sa pagkonsulta sa doctor, dapat sulit. Nais naming bigyan kayo ng kaunting payo kung papaano ninyo magagamit ng wasto ang pagdalaw sa doktor.

Samantalahin ang bawat pagdalaw sa doktor.  Bago pumunta, gumawa ng listahan ng lahat ng nais ninyong itanong sa kanya.  Huwag mag-atubiling itanong  kung ano man ang nasa isip ninyo. Linawing mabuti kung kailan at paano inumin ang mga hatol na gamot.  Maiging humingi ng written schedule na siya ninyong susubaybayan sa araw-araw.

Linawin sa doctor kung papaano siya makocontact kung sakaling mayroon kang tanong, problema o emergency.

Humingi kayo ng kopya ng inyong medical records pati na ang kopya ng mga blood tests, x-rays at iba pang laboratory results.

Kung kayo’y lilipat sa ibang doktor, humingi ng medical summary sa dati ninyong doktor kung saan nakasalaysay ang inyong medical history at lahat na nagawa ng doktor sa inyo katulad ng mga gamot na kanyang inihatol at mga diagnostic procedures na kayang ipinagawa.

Kung sakaling kakailangin ninyo ang inyong doctor dahil sa isang emergency alamin ng maaga pa kung saan kayo tutungo at anong telephono ang inyong tatawagan.  

Huwag ipaubaya ang inyong kalusugan at kaligtasan sa kahit kanino man. Personalin mo ito.

November 21, 2007 224

Palsong Doktor/Quack Doctor


Top | Home

Sa english, quack, ang tawag sa palsong mangagamot. Ito’y mga taong nagpapanggap na may kaalaman sa pangagamot.  Marami silang nalolokong may sakit na mahirap gamutin o walang pag-asang gumaling katulad ng mga biktima ng kanser.

Ang pinsalang dulot ng mga ito sa mga canser victims ay lubos lubosan.  Malaking pera ang nalulustay, lumalala ang sakit o lalong umiikli ang haba ng buhay dahil sa maling  therapy, gamot, at mga diet na walang bisa.

Marami ang tumitigil sa pagkonsulta sa mga totoong doktor, o hindi kaya, itinitigil ang mga gamot at therapies na ipinayo ng kanilang doktor na maaaring magpagaling o magpahaba ng buhay ng may sakit.  Ang resulta ay karagdagang psychological at physical harm na hindi dapat mangyari.  Ipinalalaganap ng mga quacks na mas mabisa ang non-traditional o alternative medicine, kaysa orthodox o researched medical practice.  Unti unti nilang sinisira ang paniniwala ng mga may kanser sa mga gamot at sa mga institution na sumusuposta laban sa kanser.  Napapaniwala nila na sila na lang ang huling pag-asa ng mga cancer victims.

Kadalasan, ang may cancer ay dadanas ng limang emotional stages: denial, o hindi pag-amin sa sakit, anger o galit, bargaining o pagtawad, depression o pagkalungkot at acceptance o pagtanggap ng kanilang kalagayan.  Ngunit dahil sa pagbibigay ng false hope, naiiwasan ang mahinahon at mabilis na pagtanggap ng kanser patient ng kanyang kalagayan upang ang nalalabing panahon niya ay magamit sa makabuluhang gawain.  Ang lahat ng ito ay hindi nakapagtataka.  Ang mga may kanser ay kumakapit sa patalim, ika nga.  Kahit anong bagay na makapagbigay pag-asa ay gusto nilang subukan pati na ang paniwala na walang mawawala sa pagpapagamot sa mga palsong doktor o quacks.

Tinitiyak ko sa inyo na mali ang ganitong pag-iisip.  Malaking pera ang mawawala sa inyo, pati na ang munting pag-asa na maaari pang gumaling ang may kanser kung hindi maaantala ang paggamot dahil sa pakikialam ng mga quack doctors.

November 20, 2007 215

Constipation o Tibi


Top | Home

Para sa hindi nakakaalam, ang tawag  sa wikang tagalog ng constipation o mahirap na pagdumi ay tibi’.  Kung hindi kayo nakakadumi ng tatlong beses sa isang linggo mayroon kayong constipation kung saan ang dumi ay matigas, maliliit at mahirap ilabas.

Ang madalas na dahilan ng tibi’ ay kakulangan ng fiber sa kinakain, kakulangan ng exercise lalo na sa matatanda, mga gamot, gatas, pagbubuntis, pagbibiyahe sa ibang lugar, kakulangan sa pag-inom at mga sakit na maaaring maapektuhan ang normal na function ng colon, rectum at anus.

Nakatutulong ang maraming fiber sa diet na ating makukuha sa mga prutas at gulay.  Nakatutulong rin ang kumain ng whole grains katulad ng oatmeal, corn meal at brown rice. Nakakatulong rin ang pag-inom ng maraming tubig ngunit iwasan ang mga inumin na may caffeine, cola drinks at alcohol.  Masama rin ang kulang sa physical activity.

Mayron ring  mga gamot na nakakatitibi katulad ng pain medicines especially narcotics, antacids, mga gamot sa altapresyon, diuretics, iron supplements at iba pa.  Kung minsan, hinahatulan ng doktor ang tinitibi ng laxatives. ngunit maaari lamang gamitin ito sa maikling panahon upang maiwasan na masanay ang inyong katawan, kung hindi, palagian na kayong mangangailangan ng laxative upang dumumi.

Kung sakaling matagal na ninyong iniinda constipation, mabuting komunsulta na sa doktor upang masuring maigi ang dahilan nito.

October 9, 2006 86

Anti Aging Therapy



Top | Home

Noong unang panahon halos inukol ng explorer na si Ponce de Leon ang kanyang buhay sa paghahanap ng fountain of youth. Ngayon, marami pa rin ang patuloy sa paghahanap nito sa pamamagitan ng paglaban sa aging o pagtatanda.

Wala pang nakikitang paraan ang mga syentipiko upang baliktarin ang epekto ng aging o pagtanda, ngunit marami ang mga inaalok na formula at mga pamamaraan.

May bisa nga ba at hindi mapanganib ang mga ito?  Nandiyan ang anti-oxidants na sinasabing panlaban sa free radicals na may kinalaman raw sa aging. Mabisa rin daw ang anti-oxidants laban sa heart disease at diabetes. Walang pruweba na ang mga anti-oxidant pills ay mabisa para sa kalusugan. Sa katunayan kung heavy smoker ang iinom ng beta carotene na isang anti-oxidant, tataas ang kanyang risk sa lung cancer.

Ang hormones ay kemikal na kailangan ng ating vital organs. Habang tumatanda ang tao bumababa ang kanyang hormone levels. May mga naniniwala na kung ibabalik sa dati ang hormone levels ay babagal ang pagtanda. Ang madalas mabanggit na mga hormones ay: DHEA, testosterone, melatonin, at HGH o human growth hormone

Mayroong menopausal hormone therapy para sa mga babae. Tinataya na nakatutulong ito sa post-menopausal symptoms katulad ng hot flashes. Ngunit napag-alaman na nakapagpapataas ito ng panganib sa blood clots, heart disease, cancer at heart attack.

Walang matibay na medical evidence na ang mga hormones ay mabisa laban sa pagtanda. Napag-alaman na ang DHEA at testosteron ay nakakasira sa atay.  Marami naman ang nahihikayat sa supplements dahil ina-advertise ito bilang natural remedies, katulad ng ginseng at iba pa. Hindi  pa rin  napapatunayan ang bisa ng mga ito laban sa pagtanda.

May mga calorie restricted diets na inaalok. Sinubukan ito sa mga hayop kagaya ng daga, isda at mga langaw. Humaba daw ang buhay ng mga ito ng binawasan ang carbohydrates sa kanilang pagkain. Ngunit hindi pa napapatunayan na uubra rin ito sa tao. Ang maaaring mangyari ay calorie restriction leading to malnutrition at sobrang pangangayayat.

Ang pagtanda ay intricate at complex process. Walang tableta, gamot o suplemento na maaaring tumugon sa lahat ng sakit na dala nito sa ating katawan.  Kung nais ninyo ng mahabang buhay, sikapin na palaging malusog at iwasang magkasakit. That’s the best!

October 10, 2006

 

216

Fountain of Youth: Growth Hormone



Top | Home

Ang growth hormone ay nanggagaling sa pituitary gland. Kailangan ito ng mga bata upang sila ay tumangkad.  Bumababa ang level ng growth hormone sa mga tumatanda at sa mga labis ang katabaan.

May mga tao na gustong palabasin na kung patatasin ang level ng growth hormone sa katawan ng mga matatanda, babalik ang kanilang muscle, mababawansan ang kanilang taba, mag-iimprove ang sex life, vision at memory, lalago ang buhok, magiging normal ang blood sugar at magbibigay ng ibayong lakas. Samakatuwid, ang isang matanda ay maaring mapabata.  Kahit na walang basihan ang mga haka-hakang ito, maraming gustong magbenta ng growth hormone sa publiko.

Dahil sa maraming lumalabas na balita tungkol dito, nagpahayag sa New England Journal of Medicine ang ibat ibang eksperto na ang mga pagsusuri sa growth hormone ay nagpapatunay na mayroon itong mga serious side effects at hindi pa alam ang epekto ng matagalang paggamit nito.  Hangang ngayon, wala pang naiibigay na katunayan sa mga inaangking epekto nito sa katawan.  Sa katunayan, ang paggamit nito sa matatanda ay maaaring maging dahilan ng cancer, cardiovascular disease at behavioural changes.

Ang growth hormone ay mainam lamang gamitin sa mga bata o matatanda na sadyang kulang sa growth hormone. Ang paggamit nito upang ang isang tao ay bumata ay hindi ipinapayo.  Maliban sa walang bisa ang gamot na ito upang pigilan ang pagtanda, higit pang napakamahal ang halaga nito. Gugulin na lamang ang pera sa mga tamang pagkain, tamang execise at regular medical check up.

“Ang pagtigil sa pagtanda ay panaginip lamang ng mga isip bata”.

October 11, 2006 129

The Best way to Get Anti-oxidants



Top | Home

May bagong study na sumusuporta sa posisyon ng mga health organizations na ang prutas at gulay ay mas mabisang source ng antioxidant. Napatunayan na ang antioxidants ay nagbibigay proteksyon sa ating kalusugan. Pinipigil at nirerepair ang sira dala ng masasamang molecules, katulad ng free radicals. Dahil dito nakakatulong ang antioxidants laban sa kanser, sakit sa puso, mga sakit sa mata, at pagkasira ng muscles dala ng katandaan.

Napatunayan ng study na ang mga kumakain ng prutas at gulay ay nababawasan ang sira sa cells ng katawan na sanhi ng oxidation.  Ang level ng antioxidants katulad ng betacarotene, lycopene at vitamin c,  flavonoids at phytochemicals ay tumaas lamang sa pagkain ng prutas at gulay.

Sinasabi rin ng mga researchers na ang pinaka kumpletong approach sa healthy diet ay ang kombinasyon ng prutas, gulay na may dagdag na grains, beans, nuts na naglalaman din ng antioxidants, vitamins at healthful plant chemicals.

Imbis na gumasta sa pagbili ng vitamins at iba pang mga health supplements,
Mas matipid at mas mainam ang kumain ng prutas at gulay.

September 3, 2007 228

Problema ba ang Pagtulog?



Top | Home

Ang madalas na dahilan ng hindi makatulog ay stress.  Kapag humiga kayong balisa o nababahala hindi  magiging mahimbing ang pagtulog at magigising kayo sa hating gabi at tiyak na sira ang inyong araw kinabukasan.

Kailangang baguhin ang mga routine at adjustment ng ilang attitudes upang makatiyak na mahimbing na pagtulog.

Ang alam ng karamihan ang magising sa hatinggabi ay masama.  Kapag nangyari ito  nagpapanic sila kaagad. Ang resulta, lalong hindi na makakatulog uli. Ayon sa pananaliksik, maling akala ito.  Kahit magising ng 60 to 90 minutes ang isang tao sa gitna ng kanyang pagtulog, bahagi lamang ito ng normal sleep cycle basta’t walang nararamdamang kahit anong sakit.

Sa buong maghapon stressed tayo dahil sa trabaho, kaya kailangan pabagalin natin ang ating kilos at pag-iisip upang marelax ang katawan bago matulog. Nakakatulong ang pagligo, pag-inom ng decaf na kape, at napatunayan na ang mahaba at malalim na paghinga mula sa tiyan ay nakakarelax rin.  Padilimin ang ilaw sa kwarto upang ipahiwatig sa katawan at sa utak na naghahanda na tayong matulog.

Mas malamang na dala ng mga babae sa pagtulog ang kanilang mga problema kaya mas hirap silang matulog ng mahimbing.  Huwag isipin ang stress sa pagtulog at ipagpabukas ang mga problema.

Kung maaari, huwag buksan ang mga mata.at huwag na huwag tumingin sa relos kapag nagising sa hatinggabi, dahil lalong nakaka-stress ito. Mag-deep breathing exercise at mag-concentrate sa mga bagay na nakakarelax.

Pagkalipas ng 15 minuto kung hindi pa rin makakatulog, lumipat ng kwarto o higaan ngunit iwasan ang maliwanag na mga ilaw upang hindi magising ng tuluyan.

Kung hindi pa rin makatulog subukan ang mga gawain na nakakarelax katulad ng pakikinig sa nga mellow music o gawin uli ang mga pre sleep routine.  Huwag magpumilit na matulog at hintaying antukin bago mahiga.

Ang maghimbing na pagtulog ay kalakip sa wastong formula ng kalusugan.

October 23, 2006 230

Ang Masamang Epekto ng Bunker Oil Spill



Top | Home

Ang bunker oil spill katulad ng nangyari sa guimaras ay talagang malaking disaster.  Hindi lang ito masama sa kapaligiran, napakasama rin nito para sa kalusugan. 

Ang bunker fuel ay langis na malapot at malagkit. Mas mura ito kaysa ibang uri ng langis panggatong.  Maaari itong lumitaw o lumubog depende sa kondisyon ng tubig.

Iwasan ang paghipo sa bunker oil lalo na kung may sugat o allergic sa mga produktong langis. Gumamit ng gwantes na hindi nalulusaw ng bunker fuel.  Magsuot ng damit na natatakpan ang mga braso at binti at hindi sumisipsip ng langis.  Gumamit ng bota o sapatos sa paglalakad sa lugar na may langis.  Hugasan kaagad ang bunker oil kapag dumikit sa balat.  Panatilihing bukas ang mga bintana kung may kalat ng oil sa loob o paligid ng baha.  Lumikas ng tirahan kung kailangan.  Kung magkaroon ng sakit sa balat dahil sa bunker fuel, huwag magpainit sa araw habang hindi pa ito gumagaling.

Maaaring maging sanhi ng ilang sakit ang paghawak o paglinis ng bunker fuel katulad ng sakit sa balat.  Ang pagkain ng mga isda o hayop na contaminated ng bunker oil ay maaaring maging sanhi ng diarrhea at iba pang sakit sa tiyan.  Ang usok at amoy nito ay nakakairita sa mata, ilong, bibig at baga.

Kapag nasunog ang bunker oil, malaking pinsala ito sa ozone layer na siyang sumasangga sa ultraviolet rays mula sa araw na sanhi ng kanser at global warming pati na ang El Niño.  Ang mga tanim at yamang dagat na tatamaan nito ay masisira o mamatay.  Ang mga paninirang ito ay malaking hadlang sa ekonomiya, turismo at kabuhayan ng mga tao sa lungsod na apektado.

Kaya kailangan na ang pamahalaan at pribadong sektor ay gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang sakuna sa mga lugar na mayroong imbakan ng bunker fuel o dinadaanan ng mga barkong may lulan nito.  Samantala, lahat ng magagawa ay gawin upang malinisan ang oil spill upang hindi ito kumalat pa sa mga karatig na lugar.

Kung mayroon tayong maitutulong kailangang kumilos na ngayon.  Tandaan na ang nakakasira sa ating kapaligiran ay tiyak na nakakasira rin sa ating kalusugan.

November 1, 2006 234

Ang Batang Autistic



Top | Home

Autism spectrum disorders o ASD ay isang grupo ng disability na nagsisimula bago mag-tatlong taon ang bata.  Panghabang buhay at walang gamot ang kondisyon na ito. Ang autism ay nangyayari sa lahat ng lahi at socio economic class.  Autism ang pangalawa sa pinakamadalas na developmental disorder, sunod ito sa mental retardation.

Ang nakapagtataka may mga autistic na severely challenged ngunit mayroon rin namang napakagifted.

Hindi parepareho ang sintomas ng autism. May mga palatandaan na malakas sa isa ngunit mahina naman sa iba. Sa larangan ng social skills ang autistic ay maaaring walang  interest sa kapwa. Ang iba naman ay hindi makatingin sa mata ng kausap at nais lamang na nag iisa.  Hindi niya nauunawaan ang damdamin ng iba at ayaw niyang magsalita tungkol sa kanyang damdamin.

Itinataya na 40% ng mga autistic ay hindi nagsasalita.  Ang iba nanan ay mayroong echolaliakung saan inuulit nila ang mga sinasabi sa kanila. Ang may ASD ay hindi alam ang ibig sabihin ng pagkaway, o baliktad ang pananalita.  Sinasabing “ako” kahit ang ibig sabihin ay “ikaw”.  Hindi nila nakokontrol ang lakas ng boses at hirap silang makinig sa kausap.

Ang mga autistic ay kakaiba ang paglaki sa ibang bata.  Ang mga normal na bata ay sabay ang development ng motor,cogntive at social skills.  Ang may ASD hindi  pantay ang development ng mga skills nila.  Maaaring mabagal ang pagdevelop ng kanilang language, social at cognitive skills ngunit mabilis naman ang kanilang motor skills.  Maaari silang magaling sa pag-solve ng computer problems at mga puzzles ngunit hindi mahusay magsalita o makipaglaro sa ibang bata.

May hinala na ang dahilan ng ASD ay interaction ng genetic at environmental factors. Maaaring may kinalaman ang mga nakain o nainom ng ina nang siya ay nagbubuntis.

Walang gamot ang autism.  Ang kailangan ay ang maagang pagtuturo o behavioral intervention upang matuto ang bata ng iba’t ibang kasanayan katulad ng pagsasalita, pakikitungo sa iba, pakikipaglaro at pangangalaga sa sarili.  May mga gamot din na makakatulong upang maibsan ang mga sintomas.

September 18, 2007 28

Prostate Cancer, Complications & Risk Factors



Top | Home

Kadalasan, ang prostate cancer ay mabagal ang paglaki. Ang posibilidad ng pagkamatay sa sakit na ito ay depende sa sumusunod:

  • Ang general health ng lalaki 
  • Ang edad noong magkaroon ng cancer 
  • Ang grade at stage ng cancer. 

Iba-iba ang opinyon ng mga eksperto sa kung makakabuti at makakapagpahaba ng buhay ng lalaki ang paggamot ng localized prostate cancer o cancer na hindi pa kumakalat sa labas ng prostate.  Maraming lalaki na hindi ginagamot ang localized prostate cancer ang nabubuhay ng kasinghaba ng mga lalaking walang ganitong sakit.  Karamihan sa may prostate cancer ay hindi namamatay dahil dito, kung hindi dahil sa ibang sakit.  Marami rin namang lalaking may prostate cancer na napapagaling ng aggressive prostate cancer treatment. 
Ang prostate cancer ay maaaring kumalat sa pelvic lymph nodes,  buto, baga o  iba pang organs. May mga komplikasyon rin ito katulad ng:

  • Baradong urinary bladder dahil sa tumor na dumidiin sa urethra.
  • Panghihina at pangangayayat.
  • Pananakit ng buto.
  • Tumor o masses sa pelvic area at sa iba pang parte ng katawan.

Maaaring lumalala ang prostate cancer (risk factors) dahil sa:

1) Edad.  Mas dumarami ito habang tumatanda ang lalaki mula 50 anyos.  75% ng bagong prostate cancers ay nada-diagnose sa mga lalaking higit sa 65 years old. 90% naman ng mga namamatay dito ay ang mga lalaking mahigit sa  65 years old.

2) Family history. Kung mayroon siyang kamag-anak na lalaki na nagkaroon ng prostate cancer bago mag 55 anyos, katulad ng ama o kapatid, doble ang tsansang  magkaroon  din siya  nito.

3) Lahi. Mas mababa ang bilang ng prostate kanser sa mga lalaking Asyano kaysa mga puti o African-Amercian.

Ang iba pang risk factors ng prostate cancer ay ang sumusunod:

1) High-fat diet. Mas mataas ang mortality rate sa prostate cancer ng mga bansang may high-fat diet.

2) Hormones.  Ang high levels ng male hormone (testosterone) ay may kaugnayan sa prostate cancer.

3) Exposure to certain chemicals katulad ng mga nalalanghap mula sa usok ng  sigarilyo.                                                
Magpacheck-up ng maaga at alamin kung kayo ay may problema sa prostate.

February 26, 2009 118

Hearing Loss in Children



Top | Home

Sa bawat isang libong bagong luwal na sanggol, 3 ang may kapansanan sa pandinig. Hindi pa kasama dito ang mga bata na nagkakaroon ng  problema sa tenga sa kanilang paglaki. Ang mga batang ito ay maaari nating tawaging mga binging anghel.

Iba’t iba ang uri ng hearing loss o pagkabingi. Ang mga ito ay: conductive, sensory, mixed at neural.  Sa conductive hearing loss ang problema ay ang transmisyon ng tunog mula sa outer ear o sa middle ear papunta sa nerves sa inner ear na tumatanggap ng tunog para dalhin sa parte ng brain na nag-iinterpret nito bilang tunog na maiintidihan natin. Ang halimbawa ng conductive hearing loss ay ang pagkabingi dahil sa pagbabara ng tenga dahil sa maraming tutuli.

Ang sensory hearing loss naman ay dahil sa may pinsala ang cochlea o mga butong maliliit sa loob ng tenga na nagta-transmit ng tunog sa hearing nerves.  Dito, madalas nagiging permanente ang pagkabingi.  Dahil kakaunti o hindi nakakarinig ang mga batang may pinsalang ganito, hindi sila matututong magsalita. Ang neural hearing loss naman ay dahil sira ang connecting nerve sa pagitan ng cochlea at ng utak. Dahil dito ang sound o tunog ay hindi makarating sa utak at wala tayong marinig.

Ang pagkabingi ay maaaring dahil sa may mga parte ng tenga na hindi nabuo o napinsala nang ang bata ay nasa sinapupunan pa lamang o habang ito ay isinisilang.  Maaari ring maging dahilan ng pagkabingi ang mga sumusunod:  tubig o impeksyon sa middle ear, brain infection katulad ng meningitis, head injury, at madalas at matagal na exposure sa sobrang malalakas na tugtugin o tunog.

Maraming bata ang nagkaka-ear infection at nagiging dahilan ito ng pagkabingi.
Ang mga batang pinaghihinalaang may problema sa tenga ay kailangang dalhin sa espesyalista na makapaglalapat ng wastong diagnosis at treatment.

Ang paggamot sa pagkabingi ay depende sa klase ng hearing loss at kung gaano kalala ito. Kung kinakailangan, magmumungkahi ng operasyon ang espesyalista. Madalas, ang hearing aid ay nakatutulong upang bumuti ang pandinig ng mga batang ito.

Kung  hindi pa rin malunasan ang pagkabingi ng isang bata, sila ay maaaring ipasok sa mga special schools na magtuturo ng ibat-ibang paraan ng pagko-communicate katulad ng sign language o kaya lip reading.

Huwag kayong mawalan ng pag-asa kung mayroon kayong binging anghel sa pamilya.  Lumapit sa inyong doktor at isangguni kung ano ang dapat gawin at kung saan o sino ang inyong espesyalistng maaaring konsultahin. Maaari rin kayong magtanong sa departamento ng ears, nose and throat sa Philippine General Hospital o sa Philippine Children’s Medical Center.

October 01, 2009 119

Hearing Loss in Adults



Top | Home

Ang pamimingi o hearing loss ay isa sa karaniwang problema ng mga matatanda.  Thirty three percent (33%) ng 60 years old at halos kalahati o 50% ng mga 75 years old and above ang mayroon nito.  Kung minsan nawawala lamang ang pandinig sa high pitched sounds o matitinis na tunog ngunit ang iba naman ay nagiging bingi ng lubusan.

Ang pamimingi ay may dalawang antas: ang nagagamot o conductive hearing loss at ang sensorineural o permanent hearing loss. 

Presbyacusis ang tawag sa pangkaraniwang pamimingi ng katandaan.  Unti-unting lumilitaw ito habang ang tao ay tumatanda.  Ang ibang kadahilanan ay heredity, prescription drugs, mga sakit at impeksyon sa tenga o sa utak, pagkabugbog sa ulo, altapresyon, at matagal na exposure sa malalakas na ingay.

Ang isa pang laganap na hearing problem ng mata tanda ay ang tinnitus.  Ang mga palatandaan nito ay ringing, hissing o roaring sounds sa loob ng tainga. Kadalasan ito ay sanhi ng katandaan, exposure sa malalakas na ingay at ilang uri ng gamot.  Ang tinnitus ay sintoma na maaaring kasabay ng pamimingi o di kaya palatandaan ng ibang problema katulad ng mga allergy at sakit sa puso at ugat.  Ang tinnitus ay maaaring maramdaman ng minsan lamang ngunit karaniwan ito ay nagpapaulit-ulit.

Kadalasan ang mga taong mahina ang pandinig ay ayaw umamin sa kanilang kapansanan.  Kung minsan nade-depress sila at ayaw makihalubilo sa iba.  Napagkakamalan tuloy silang confused, unresponsive o hindi kaya uncooperative iyon pala ay hindi lamang sila makarinig ng mabuti.

Ang hearing problems na pinababayaan at hindi ginagamot ay tiyak na lalala.  Kung may hearing problem kayo pumunta sa inyong ear specialist.  May mga paraan  na makakatulong katulad ng hearing aids, special training, mga gamot o kung kailangan, operasyon.

Arugain ang inyong mga matatanda na hindi makarinig.  Malaking bagay ang inyong suporta at pagmamahal.

December 04, 200 96

Heimlick Maneuver for Adults or in General



Top | Home

“Laging handa”. Hindi lamang dapat ito sa mga boy at girl scouts. Lahat tayo ay dapat handa sa mga emergency katulad ng may nalulunod, nasusunog, nasusugatan, nababalian, hinihimatay, inaatake sa puso o nabibilaukan at hindi makahinga, lalo na kung may nanganganib na buhay at walang doktor o espesyalista na makakasaklolo kaagad.

Isa sa mga dapat nating malamang emergency measures ay ang heimlich manuever. Paraan ito upang maalis ang isang nakabara, katulad ng piraso ng pagkain sa lalamunan ng  isang tao.

Sa heimlich manuever,  pinipisil pataas ang diaphragm upang umubo ang biktima. Ang hangin ay napupuwersang palabas mula sa baga hanggang matanggal ang  nakabara sa lalamunan.

Ganito ang paraan:
 
Habang nakatayo ang biktima, tumayo sa likod niya at likumin ang baywang . Gawing kamao ang isang kamay na nakapasok ang hinlalaki sa loob nito. Ilagay ang kamao sa sikmura sa ilalaim ng tadyang sa itaas ng pusod.  Itakip ang kabilang kamay sa kamao, sabay diin nito pataas sa sikmura ng biktima. Huwag diinan ang tadyang at baka mabali ito, ang pressure ay dapat nasa kamay at kamao lamang. Ulit-ulitin ang pagdiin hanggang matanggal ang bara.

Kung hinimatay ang biktima o kung ang tumutulong ay hindi malilikom ang baywang ng biktima, ito naman ang paraan:

Pahigain ng patihaya ang biktima. Harapin ang biktima nang paluhod sa bandang baywang nito. Ilagay ang palad ng isang kamay sa sikmura sa ilalim ng tadyang sa itaas ng pusod. Gamitin ang bigat ng katawan at diinan ng pataas ang sikmura ng biktima. Ulit-ulitin ito hanggang lumabas ang bara. Kung hindi magising ang biktima gawin ang cardio pulmonary resuscitation o cpr. Habang ginagawa ang heimlich manuever o cpr, magpatawag na ng doktor o ambulansya  at dalhin kaagad ang biktima sa hospital.  Huwag tapikin sa likod ang biktima. Nakasasama pa ito.        Mag-ingat sa lahat ng uri ng aksidente.

December 13, 2007 98

Depression in the Elderly



Top | Home

Kadalasan, ang mga sintomas ng depression sa matatanda ay hindi masyadong nahahalata.  Kahit ang mga kasama sa bahay ay hindi alam na depressed pala si lolo o lola.   Minsan, ang pagkawala ng gana sa pagkain lamang ang napupuna at madalas itong hindi pinapansin ng pamilya.  Hindi ito nakikita bilang sintoma ng depression.

May  mga iba pang maaaring palatandaan ng depression sa matatanda na dapat nating malaman.  Ito ay ang mga sumusunod:
 pamamamayat o biglang pagtaba;

  • hindi makatulog o sobra pagtulog;
  • walang sigla; malungkot o irritable;
  • pagkawala ng interes sa dating gawain;
  • pagsasabing wala na siyang silbi;
  • at kung misan nagsasabi silang gusto na nilang mamatay.

Kung ang mahal ninyo sa buhay ay may ganitong mga palatandaan, kailangang kumonsulta kaagad sa inyong doktor dahil maaaring magamot ito.  Bago natin akalain na ito ay bahagi lamang ng pagtanda siguraduhin nating hindi ito depression o isang medical condition na maaaring malunasan.

Karaniwan, ang mga matatanda ay may iniinom na mga gamot para sa puso, arthritis at blood pressure na maaaring maging dahilan ng katamlayan.  Maaaring resulta din ito ng mga ibat-ibang sakit katulad ng thyroid disease, urinary tract infection o anemia.

Kung ang ating matanda ay may depression, ang unang step ay counseling.  Kadalasan may mga volunteer counselors ang mga simbahan o other religious organizations.  Kung ito’y hindi epektibo, kailangan makipagkita siya sa isang psychologist o  psychiatrist at maaaring mabigyan din siya ng kaukulang gamot.

Alalahanin na ang depression ay nagagamot.  Sa darating ng mga araw ng pasko malimit na nagkaka-roon ng depression ang mga matatanda.  Regaluhan ninyo sila ng pamaskong handog sa pamamagitan ng pagkilala at paggamot ng kanilang problema.

December 24, 2008 99

Holiday Blues



Top | Home

Ang holiday season katulad ng  pasko at bagong taon ay panahon ng family reunion, parties at kung ano pang salu-salo.  Panahon ng kasayahan at kaligayahan. Ngunit may mga taong tinatamaan ng tinatawag na holiday blues, o depression at tension.

Marami ang mga dahilan: 

  • pagkapagod,
  • mga unrealistic expectations,
  • kakulangan sa pera,
  • kalungkutan dahil sa hindi makakasama ang mga mahal sa buhay.
  • stresses dala ng labis na activities tulad ng shopping, parties, family reunions at pagaasikaso sa mga panauhing bahay.

Kung minsan and nagiging manifestation ng depression at stress ay pisikal, tulad ng sakit ng ulo at panghihina.  Di kaya, labis na pag-inom at pagsisigarilyo, sobrang kain, at problema sa pagtulog.

May mga paraan upang maiwasan ang depression at tension sa panahon ng pasko:
.

  • Huwag maghangad ng mga bagay na mahirap abutin  o marating.
  • I-organize ang inyong mga schedule, gumawa ng listahan ng mga kailangan at  nais gawin, at huwag pilitin ang hindi ninyo kaya.

Hindi nawawala ang  kalungkutan o pangnungulila dahil pasko.  Bagkos ay lumalala ang mga ito kung hindi tayo gagawa ng paraan para hindi tayo masyadong maapektuhan.

  • Huwag masyadong isipin ang mga nakalipas at huwag ihambing ang kasalukuyan sa sinasabing “good old days”.
  • Tumulong sa ibang nangangailangan. Pwede tayong mag-volunteer na mag-caroling sa mga ospital at ampunan o magdala at magbigay ng pagkain sa mga kababayan nating sawing-palad.
  • Pakinabangan ang mga kasayahang walang gastos, tulad ng pag-iikot upang tingnan ang mga christmas decorations, mag-window shopping kasama ng inyong mga pamilya at mahal sa buhay
  • Tandaan na ang labis na pag-inom ng alak ay magpapalala ng inyong depression
  • Subukang ipagdiwang ang holidays sa bagong pamamaraan
  • Makipag-ugnayan sa mga kamag-anak at kaibigang malaon ng hindi nakikita o nakakausap.  Ang pasko ay panahon nang pagpapatawad, hindi lamang ng ibang tao kundi ng sarili nyo.
  • Maglaan ng panahon para sa sarili.  Ang hindi kayang gampanan ay huwag gampanan.  Mas importante ang palagay ang loob kaysa sa maraming decorasyon sa bahay at maraming pagkain sa hapag.
May 01, 2009 72

Headache 



Top | Home

Lahat tayo ay nagkaka-headache o sakit ng ulo, ngunit may mga taong nagdudusa ng husto dahil dito.

Dalawang uri ang headache – primary at secondary.

  • Primary headache – kasama ang migraine, cluster headache at tension headache.
  • Secondary headache - sakit ng ulo na ang sanhi ay mga ibang problema sa ating katawan katulad ng tumor sa utak or kaya sakit ng ulo kasabay ng flu.

15% ng mga tao ay nakakaranas ng migraine at higit sa kalahati ay mga babae.  Ang sakit ng ulo na ito ay pangkaraniwang tumatagal ng 4 - 72 hours.

Maraming uri ang migraine. 

  • Common migraine, kung saan ang matinding sakit ng ulo ay sinasabayan ng pagsusuka, sensitivity sa liwanag, ingay at masasangsang na amoy tulad ng pabango.  Ang may migraine na ganito ay nagiginhawahan sa pagtigil sa isang madilim at tahimik na lugar. 
  • Classical migraine, nagkakaroon muna ng linagnag o aura bago magkaroon ng lahat ng sintomas na nabangit na natin sa common migraine. Nakakapansin sila ng blind spots, flashing or zigzag patterns of lights sa kanilang paningin mga 15 minutes hanggang isang oras bago sumakit ng tuluyan ang ulo. Kung minsan, nagkakaroon lang ng aura ang tao at hindi na ito natutuloy sa sakit ng ulo.
  • Abdominal migraine, madalas nararanasan ng mga bata. Kaunti lang ang sakit ng ulo  ngunit meron itong kasamang matinding sakit ng tiyan.
  • Hormonal migraine, may kinalaman sa pagdating ng kanilang menstrual period. Karaniwan, aatakihin  sila ng migraine mga dalawang araw bago o matapos ang kanilang regla.
  • Ocular migraine na  kapag umaatake ay lumiliit ang lawak ng paningin ng ilang minuto. 

Tunghayan naman natin ang cluster headache. Napakatindi ang sakit ng ulong ito. Tumatagal ito ng i5 minutes to three hours at maaring magpaulit-ulit ng hanggang walong beses sa isang araw, for 6 to 8 weeks. Pagkatapos bigla na lang mawawala at uulit lamang after many years.

Ang huli nating tutunghayan ay ang tension headache.  Ito ay mararamdaman sa mga sentido. Di kaya, ang sakit ay parang binibigkis ang palibot ng ulo. Kadalasan kaugnay ito ng stress o anumang problema na nakakabagabag sa isang tao.

December 25, 2008 110

Holiday Eating



Top | Home

Pasko, pasko, pasko na naman.  Pinakahihintay na panahon sa buong taon. Simbang gabi, pagtitipon, kainan at inuman.  Handaan sa bahay, sa mga kaibigan, pati sa opisina.

Magsaya tayong lahat ngunit ingatan natin na hindi tayo magmalabis sa ating pagkain, pag-inom, pagpupuyat at pagpapagod.  Kung hindi, magkakaproblema tayo sa ating kalusugan lalo na sa ating timbang.

Narito ang ilang mga payo para sa lahat.

  • Huwag pumunta sa salu-salo nang gutom.  Mahirap magdesisyon tungkol sa kakainin kung sobra ang inyong pagkagutom.  Kumain ng kapirasong prutas bago tumulak upang maiwasan ang pagmamatakaw.
  • Huwag kumain ng labis o ng makasasamang pagkain para lamang mapagbigyan ang nag-imbita.  Pagpinipilit kayo, tumanggi ng maayos.  Ipagtapat na masama sa iyo ang isang pagkain o nagdidieta kayo.
  • Piliin mabuti ang kakainin.  Ang pasko ay minsan lamang sa isang taon kaya’t kumain ng mga pagkaing pampasko ngunit katamtaman lamang.
  • Lumayo ng bahagya sa hapag lalo na kung buffet ang handaan.  Masmadaling ilagan ang magpaulit-ulit sa pagkuha ng pagkain kung medyo malayo kayo dito. Pagkatapos  kumain, ibaba kaagad ang walang lamang pinggan upang maiwasan na kumuha uli ng pangalawang serving.
  • Grabe ang dami ng mga inumin kapag pasko, lalo na ang alak.  Ang alcohol ay puno ng calories at nakakasira sa ibat-ibang  organs ng katawan.  Mag-enjoy but in moderation.
  • Lalong maraming nakain at nainom, lalong kailangan ang ehersisyo.  Nakakatulong ito upang labanan ang stress at nakakatunaw ng extra calories na dala ng sobrang pagkain at alcohol.

Ipagdiwang natin ng wasto ang pasko.  Kasama dito ang pag-aalaga sa ating katawan at kalusugan para handa na naman tayong ipagdiwang ang pasko sa susunod na taon.

January 02, 2009 20

Alcohol and Heart Disease: Other Disease and Alcohol Dependence

Top | Home

Ang atay ay isa pang organ na malalang naaapektuhan ng alcohol. Kapag busy ang atay sa pagtunaw nang alcohol, hindi na nito nagagawa ang kanyang ibang normal functions. Ang sobrang alcohol ay nakakalason sa mga liver cells at nagdudulot ng permanent damage. Kapag lumaon ang tao ay maaaring makaroon ng cirrhosis sa atay. Ito ay pagkakaroon ng scarring, fat clogs at impaired blood flow papunta sa atay. Iisa lang ang ating atay at ang failure nito ay siguradong magdudulot ng malalang sakit at kamatayan kung hindi maaagapan.

Bukod sa mga sakit, ang sobrang pag-inom ay may masamang epekto sa ating judgement, puwedeng maging sanhi ng domestic violence, aksidente habang nagmamaneho o nagta trabaho at iba pa. Hindi lang makasasama ang alcohol sa taong umiinom, maaari din itong maka-apekto, emotionally o financially sa pamilya niya.

Ang mga sumusunod na tanong ay isang screening test para ma-assess natin ang ating drinking habits. Ang mga tanong na ito ay hindi naglalayon na maging basehan ng diagnosis o recommendation o treatment. Subukan nating sagutin ito ng oo o hindi.

  1. Pakiramdam mo ba na ang pag-inom ng parehong dami ng alak ay hindi na nakapagbibigay ng dating epekto sa iyo? Kinakailangan mo bang uminom ng mas marami upang maramdaman ang dating epekto ng alcohol sa iyo?
  1. Kung hindi ka ba iinom ng alak ng ilang araw, mararamdaman mo ba ang sumusunod; pagsusuka… panginginig… pamamawis… pagbilis ng pulso o pintig ng puso… hallucinations o pagkita o pagdinig ng mga bagay na hindi nararamdaman ng iba… pagiging nerbiyoso at matatakutin…balisa at pagkakaroon ng kumbulsyon?
  1. Napapansin mo ba na lumalakas at tumatagal ang pag-inom mo ng hindi mo sinasadya?
  1. Sinubukan o ginusto mo na bang bawasan ang iyong iniinom pero hindi mo kaya?
  1. Napapansin mo ba ang sarili mong masmatagal maka-recover sa epekto ng alak?
  1. Mas pinipili mo bang uminom kaysa gumawa ng ibang hobbies, interests at magtrabaho?
  1. Patuloy ka pa rin bang umiinom sa kabila ng pagka-pahamak dahil dito ng iyong pamilya at kabuhayan?

Ang taong sumagot ng oo sa tatlo o higit pang katanungan ay pinapayuhang kumonsulta sa doctor, sa psychologist, sa counselor o kaya ay sa religious advisor para malapatan ng lunas ang kanyang problema sa pag-inom.  

January 1, 2008 7

Water Overload



Top | Home

Kailangan ng ating katawan ng tubig upang gumana ito ng maayos. Water is part of all our body cells including the blood at kailangan ito para sa tamang pagdaloy ng dugo at pagdala ng nutrients, at sa pag-alis ng dumi sa lahat ng parte ng ating katawan. Bukod dun water is something that keeps our body cool. Pero sabi nga nila too much of a good thing is bad, so kung sobra ang intake natin ng tubig ang tawag dun ay over hydration.

Paano nakakasama ang overhydration o pag-ooverload ng tubiog sa katawan?

Minsan sa sobrang bilis ng ating water intake hindi makahabol ang ating kidneys sa pagpoproseso ng tubig. Kapag nangyari ito, magkakaroon tayo ng tinatawag na water intoxication na maaaring pagmulan ng ating pagkahilo, panghihina o pwede rin tayong maging comatose. Over hydration can lead to wetting accidents lalong lalo na sa mga matatanda dahil napupuno masyado ang pantog at nawawalan ng kontrol sa pag-ihi. Alalahanin natin na ang tubig ay nasa lahat ng pagkain din, tulad ng gulay, kanin, pasta at tinapay. Nasa sabaw din ito, gatas at beverages tulad ng sofdrinks at juice. Kaya minsan nao-overload ng tubig ang ating katawan.

On the otherhand, pagkauhaw ang building warning system na nagsasabi na kailangan ng ating katawan ng tubig. If you engage in extraneous exercise kailangang uminom ng tubig upang maagapan ang pagkawala nito dahil sa pagpapawis. Kapag nasa labas kayo at nakabilad sa araw kailangang damihan ang inyong fluid intake para hindi tayo madehydrate. Kaya uminom ng tubig kapag nauuhaw.

October 3, 2007 147 Reflexology 



Top | Home

Reflexogy, foot spa, foot massage, accupressure, ang dami! May bisa ba talaga ang  mga ito?

Ayon sa proponents nito ang reflexology ay zone therapy, kung saan ang bawat bahagi daw ng katawan ay may koneksyon sa kamay at paa. Kapag pinisil ang iba’t ibang parte ng paa o kamay, may therapeutic effect raw ito sa ibang bahagi ng katawan. Sabi nila ang katawan daw ay hati sa sampung longitudinal zones, tiglilima sa bawat panig. Naniniwala sila na ang bawat organ ay represented sa kamay at paa kaya maaari daw madiagnose  ng reflexologist ang ibat ibang sakit sa pagpisil lamang ng kamay at paa.

Dagdag pa nila na  ang pagpisil at pagmamasahe ng mga wastong bahagi ng kamay at paa ay magpapaganda ng daloy ng dugo, energy, at nutrients sa katumbas na parte ng  katawan kaya gagaling ang sakit sa mga bahagi na iyon.

Ang reflexology raw ay naglilinis ng toxins, pinalalalakas ang sirkulasyon, pinagagaling ang sakit sa tenga, anemia, kombulsyon, almoranas, pagkabingi, pagkakalbo, emphysema, prostate problem, etc.  Naku napakahaba ng listahan.  Bago ko makalimutan nakaka relieve din raw ito ng stress, sabi pa nila.

Biro ninyo ang lahat ng benepisyo na ito sa halaga ng pailan-ilang reflexology sessions lamang?  Kung gagamitin lamang natin ang konting pag-iisip halatang halata na napaka-outrageous ng mga claims tungkol sa benepisyo ng reflexology, di ba?  Hindi na kailangang pagaksayan pa ito ng panahon upang sayasatin.

Ang totoo lamang sa nabanggit na claims ay nakakarelax ang reflexology katuad rin ng pangkaraniwang masahe.  Maliban diyan huwag kayong maniwala na nagagamit ito sa pagdiagnose o kaya nitong gamutin ang halos lahat ng uri ng sakit.
 
Ang reflexology ay hindi kinikilala ng batas kaya hindi kailangan ng pormal training o lisensya upang magpraktis nito.

Kaya ang masasabi ko lang sa inyo huwag kayong paloko.  Kung magpapa-reflexology man kayo mag-enjoy na lang kayo sa relaxation na dulot nito. Tapos ang kwento.

January 10, 2008 117 Truths and Myths about Flu Vaccine



Top | Home

Ang flu vaccine ngayon ay epektibo lamang sa human flu at hindi sa bird flu. Ngunit importante pa ring magpa-flu vaccine  dahil mapipigilan nito ang pagsasama ng human at bird flu virus na siyang magiging umpisa ng paglabas ng bagong strain of flu virus na maaring lubos na mapanganib.

Dapat ay hindi kayo magkaka-flu kung kayo ay nabigyan ng flu vaccine.  Pero kung minsan ang nabakunahan na ay nagkaka-flu pa rin.  Mangyari man ito, ang mararamdaman ninyo ay mild symptoms lamang at higit na mababawasan ang mga flu-related complications katulad ng pneumonia, heart attack at stroke. Ang mga matatanda ay madaling kapitan ng mga kumplication na ito kaya mahalagang mabigyan sila ng flu vaccine.

Walang makakapagsabi kung gaano katindi ang darating na flu bawat taon. Dapat magpaba-kuna lalo na ang mga nasa high-risk groups kagaya ng: mga baby hanggang 2 yrs old; mga 60 years or older; mga may asthma, diabetes, sakit sa puso, at sakit sa baga; mga buntis; mga nakatira sa mga orphanages at homes for the aged; mga workers sa health facilities na may contact sa pasyente; at mga yaya ng baby.

Magpabakuna taun-taon dahil nagbabago ang flu virus taun-taon. Ang bakuna noong naka-raan ay sinadya para sa virus ng taon na iyon. Mayroong komite ang world health organization na nag-aaral kung anong virus ang magiging laganap sa isang taon. ito ang basehan ng kaukulang vaccine na gagawin ng mga drug companies.  Mga dalawang linggo bago ume-pekto ang vaccine. magpabakuna mula september hanggang november kung huli man kayo ay  pwede pa rin.  Dahil ang flu season ay hanggang marso pa.  Huwag magpabakuna kung allergic kayo sa itlog ng manok, sa mga nakaraang flu shots at kung mayroon kayong lagnat. During flu season palaging maghugas ng kamay; iwasan ang mga crowded na lugar; at huwag ilagay ang kamay sa mata, ilong o bibig.

September 15, 2009 229

Nightmare/Bangungot



Top | Home

Bata man o matanda, lahat ay nakakaranas ng nightmare o bangungot. Mga masasamang panaginip na nakakagising sa tao at nagdudulot ng pagkabalisa at nerbyus.  Ang  mga kahulugan ng nightmare ay mahirap intindihin.  Kakaiba ito sa normal nating pag-iisip kapag tayo ay gising.

Ngunit maaaring may kapakinabangan rin ang nightmare dahil may ipinahihiwatig itong mensahe na may problema tayong kailangang harapin.

Ang mga importanteng pangyayari sa buhay katulad ng pag-aasawa, paghihiwalay, o pagbubuntis ay maaaring magdulot ng bangungot. Ganon rin ang ilang pagkain at mga gamot sa depression at anxiety.  May hinala na ang Vitamin B-6 at melatonin ay trigger rin ng nightmare.

Makakatulong ang ilang simpleng pamamaraan upang malabanan ang bangungot maliban na lamang kung ang sanhi nito ay isang traumatic experience dahil  professional help ang kakailanganin dito.

Isaisip ang four R’s:

Reassurance.  Kausapin ang binangungot upang mapalagay ang loob niya.

Rescripting.  Subukang baguhin at gawing mas maganda ang ending ng istorya ng nightmare.

Rehearsal Kung ang bata ay masyadong balisa dahil sa kanyang masamang panaginip, baguhin ang istorya ng kanyang nightmare at bigyan ito ng magandang ending.

Resolution   Kapag naiintindihan na ng bata kung ano ang kinalaman ng mga panaginip sa kanyang buhay, kusa na lang itong mawawala.

Ito pa ang mga dagdag na tips para maiwasan ang nightmare:

* Kapag inaantok na, paalalahanan ang sarili na pagandahin ang ending ng panaginip.

* Maghanda ng lapis at papel at kapag nagising ay isulat ang mga bagay o images na
       napanaginipan

*  Gumamit ng tone alarm at hindi radio alarm

*  Ikwento ang inyong nightmare bilang paraan ng pagbabawas ng tension.

Ipagpatuloy ang ibat ibang paraan sa pagsugpo sa mga masasamang panaginip hanggang sa tuluyang mawala ang mga ito.

September 14, 2009 176

Insomnia

Top | Home

Kung nahihirapan kang matulog; madalas kang magising at nahihirapang matulog muli, masyado kang maagang magising at hindi refreshed paggising, mayroon kang insomnia. Ang resulta ng insomnia ay ang pagka-antok, pagkapagod, kakulangan ng concentration at irritability. Mas madalas ang insomnia habang tumatanda ang tao.

Dalawang uri ang insomnia: primary insomnia na hindi nagmumula sa ibang sakit; at secondary insomnia na sanhi ng ibang kondisyon katulad ng problema sa kalusugan, sakit, alcohol, depression at iba pa.

Acute insomnia ang tawag kung pangmadalian lamang ito. Chronic insomnia kung pangmatagalan ito at kung pawalawala intermittent insomnia aang tawag dito.

Ang mga dahilan ng acute insomnia ay stress, katulad ng pagkamatay ng minamahal, paglipat ng tirahan o pagkawala ng trabaho, sakit; ingay, extremes in temperature, jet lag, at pagbabago ng shift sa trabaho. Kung ang tao ay may insomnia tatlong gabi sa isang linggo sa loob ng isang buwan mayroon siyang chronic insomnia.  Kadalasan sanhi ito ng depression, stress o masakit na katawan.

Kung mayroon kang insomnia komunsulta sa iyong doktor upang malaman ang pinagmumulan nito.  Maaaring papuntahin ka niya sa sleep center kung kailangan.

Ang acute insomnia ay maaaring gamutin ng mga bagong gamot na minimal ang side effects dahil ang side effects ng sleeping pills ay problema rin kaya kailangang mag-ingat sa paggamit nito. Ang treatment ng chronic insomnia ay nakasalalay sa pakilala ng pinagmumulan ng hindi pagkakatulog. Ang treatment ay maaaring kombinasyon ng mga gamot at behavioral therapy.

Malaki ang magagawa ng good sleeping habits upang maiwasan o magamot ang insomnia.  Matulog at magising sa takdang oras bawat araw, iwasan ang cat naps upang antukin ng maaga; iwasan ang caffeine, nicotine, at alcohol, mag exercise regularly tatlong oras bago matulog, huwag kumain ng marami bago matulog.  Tiyakin na komportable ang tulugan, tahimik, madilim at wasto ang temperatura.  Kung nasisilaw gumamit ng sleeping mask.  Kung naiingayan gumamit ng ear plugs, magrelax bago matulog.  Magbasa, makinig sa mellow music o maligo.  Kung hindi kaagad makatulog tumayo at gumawa ng ibang bagay na hindi masyadong stimulating.  Huwag mahiga at mag-isip ng mga problema, gumawa ng listahan ng mga gawain upang marelax.

Napakahalaga ng mahimbing na pagtulog sa ating kalusugan.

January 22, 2007 167 All About Cancer



Top | Home

Ang ating mga cells ay nagmu-multiply dahil kailangan ito upang tayo’y manatiling malusog.  Normally, maayos ang prosesong ito.

Ang problema kung minsan patuloy ang production ng cells kahit hindi na ito kailangan. Kaya ang sobrang cells ay nagiging isang mass, bukol o tumor.

Ang  tumor ay maaring benign o malignant. Ang benign tumor ay hindi cancerous. Kadalasan inaalis lamang ito at maaaring hindi na umulit. Ang malignant tumor ang siyang cancerous.  Hindi normal ang mga cells ng malignant tumor at dumarami ito nang walang control. Nasisira tuloy ang mga katabing tissues pati mga maseselang body organs kagaya ng baga, atay, utak at iba pa.

Komplikado ang mga factors na dahilan ng kanser. May kinalaman ito sa heredity, diet, kakulangan sa physical activity, pati rin sa mga nakalalason na mga chemicals at substances.

Ngunit ang mga tiyak na pinagmumulan ng cancer ay ang mga sumusunod:

Paninigarilyo:  Walumput lima sa bawat isandaang kaso ng lung cancer ay dahil sa smoking. Sanhi rin ito ng kanser sa bibig, lalamunan,  pancreas at gall bladder.
Sobrang pag-inom ng alcohol:  Ang malalakas uminom ay mas malamang magkaroon ng cancer sa bibig, lalamunan, atay at breast cancer.
Maling diet: Malaki ang kinalaman ng diet sa kanser lalo na sa bituka at mga reproductive organs katulad ng ovary, uterus at iba pa.
Mga chemicals at iba pang substances:  Ang  mga chemicals, metals, pesticides, asbestos, nickel, cadmium, uranium, radon, vynil chloride, at benzene ay kilalang mga carcinogens.

Mahirap maiwasan o mapigil ang kanser. Ang mahalaga ay kilalanin ang mga risk factors, gawin ang wastong pag-iwas. Tumigil sa paninigarilyo, huwag uminom ng labis, kumain ng healthy diet, umiwas sa mga cancer causing metals, chemicals,  at carcinogenic substances at mag exercise .

Napakaimportante ang early detection at tamang treatment  kaya komunsulta kayo sa inyong doktor regularly.


September 5, 2007
165 Colon Cancer



Top | Home

Ang colon cancer ay pang-anim sa mga babae at pampito sa mga lalake sa talaan ng kanser dito sa atin.  Noong 1998 mahigit sa 1,500 ang namatay sa sakit na ito.

Ang colon cancer ay lalong madalas kapag mahigit na sa limampung taon ang gulang ng isang tao.  Ang sakit na ito ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:  family history, mga inflammatory na sakit sa bituka, at polyps sa colon mismo.  May hinala na may kinalaman rin dito ang diet na mataas sa fat at kulang sa mga whole grains, prutas at gulay.

Mag-ingat kapag may nahahalata kayong pagbabago sa inyong pagdumi katulad ng paulit-ulit na diarrhea, o constipation, lalo na kung may kasamang abdominal discomfort, pangangayayat, anemia, at dugo sa dumi.

Hindi madaling ma-diagnose ang colon cancer dahil sa wala itong masyadong sintomas, ngunit may mga screening method na maaaring maka-diskubre ng maaga sa cancer na ito katulad ng Barium Enema at Colonoscopy, isang paraan upang masilip ang bituka sa pamamagitan ng maliit na teleskopyo. Ang screening na ito ay iminumungkahi sa mga taong lampas na ng 50 anyos.

Dahil ang sintomas ng colon cancer ay katulad rin ng ibang karaniwang sakit sa bituka, kadalasan ito ay napagkakamalang isang benign na problema lamang.  Dahil dito, bago pa malapatan ng tamang paggamot, kumalat na ang kanser.

Tandaan na ang maagang pag-diagnose at pag-opera sa kanser na ito ang makakatulong sa matagumpay na paggamot dito.

January 25, 2007 1 Cervical Cancer



Top | Home

Ang cancer of the cervix o cancer ng kwelyo ng bahay bata ay pinaka karaniwang cancer ng reproductive organ ng kababaihan.  Ninety nine percent (99%) ng cancer na ito ay nagmumula sa sexually transmitted virus na tinatawag na human papilloma virus o  HPV.  HPV can spread through skin to skin contact at lubha itong nakakahawa sa panahon ng pagtatalik.  Kung kayat mahigit sa 70% ng sexually active young adults ay mayroon nito.  Sa kasamaang palad, hindi lubusan ang proteksyon na idinudulot ng paggamit ng condom.

Nakakaalarma ba?

Sa kabutihang palad, karamihan ng HPV infections do not lead to a pre cancer o cancer of the cervix.  In adolescence and early adulthood, most of the HPV weaken and disappear after 3 years.  At ang cancer of the cervix sa mga kababaihan under age 19 ay hindi malimit.  Upang maiwasan ang sakit na ito inirerekomenda na ang mga babae at ang kanyang partner ay maging tapat sa isa’t isa.  Stick to one lang.  Kasi mas malaki ang risk na mahawa at magkaroon ng HPV kapag marami ang sexual partners.

Para malaman ng babae kung mayroon siyang HPV infection o cervical cancer, kailangan niyang magpa papsmear test.  Para sa mga babaeng 21 hanggang 30 years old at sexually active, kailangan siyang magpa papsmear  taon-taon.  Kung over 30 naman kayo at may 3 taon nang nakalilipas na regular ang inyong papsmear test, gawing every 3 years na lamang ang pagpapa papsmear.

Tandaan na ang cancer of the cervix ay sexually transmitted disease.  Pinaka karaniwang kanser nga ito ng kababaihan ngunit pinakamadaling iwasan at gamutin kung naaagapan sa unang stages ng sakit.

August 10, 2009 78 Lung Cancer Part 1



Top | Home

Dito sa atin, alam ba ninyo kung alin sa mga cancer ang mas nakamamatay?
Breast cancer? Colon cancer? O prostate cancer? Ang tamang sagot  ay lung cancer.

Mas marami nga ang nagkaka breast  cancer ngunit ang survival rate nila ay 85%.  Sa kabilang dako 90% ng mga may lung cancer ay namamatay sa loob ng dalawang taon. Pagsama samahin man ang lahat na namamatay sa breast, colon at prostate cancer, mas marami pa rin ang namamatay sa lung cancer. Ganito kalubha ang sakit na ito.

Ang siste mo diyan, alam ng lahat na halos 100 percent ng lung cancer ay preventable at alam rin ng lahat kung papaano - stop smoking! Dahil 80%  ng lung cancer ay sanhi ng smoking.

Kung alam natin na ang lung cancer ay nakamamatay at ang pangunahing sanhi nito ay ang cigarette skoking, bakit marami pa rin ang hindi tumitigil sa paninigarillo?  Ang pangunahing dahilan ay ang nicotine addiction, ngunit may iba pang sanhi katulad ng fear of failure o hindi paniniwala na sila’y magkakakanser. Totoo na mahirap tigilan ang paninigarilyo ngunit with a strong commitment hindi imposible ito.   

Sa umpisa, maaaring walang sintomas ang lung cancer at maaaring hindi ito makita sa x-ray.  Ang masama pa, kapag lumabas na ang mga sintomas, kadalasan advanced na ang cancer.

Ang mga sintomas na ito ay ang sumusunod: ubong hindi naalis, pagdura ng dugo, pamamaos, paulit-ulit na impeksyon sa baga tulad ng bronchitis at pneumonia, pamamayat at panghihina at pagkapagod.

Maliban sa smoking na siyang number one risk factor ng lung cancer, maaari ring dahil ito sa passive smoking o paghitit ng usok ng sigarilyo ng ibang tao, at exposure sa radiation, pollution, asbestos at arsenic. 

January 07, 2009 46 Laughter



Top | Home

Ang kasabihan na “laughter is the best medicine”.ay  mukhang may katotohanan. Base sa research na ginawa ng University of Maryland School of Medicine. Napag-alaman  na ang pagtawa ay nakakabuti sa kalusugan lalo na sa puso.

Pinag-aralan ng mga researchers kung ano ang nangyayari sa blood vessels ng mga kasali sa study habang nanonood sila ng mga  nakakatawa at nakakatense na mga pelikula.  Napag-alaman nila na ang blood flow ay tumataas ng 22% pagtumatawa ang mga study participants at bumababa ng 35% kapag tense ang mga ito.

Kaya pinapayo kong manood kayo ng mga masasaya at nakakatawang pelikula, at makisama sa mga taong nakapagpapasaya sa inyo. Kahit 15 minuto lamang nang pagtawa bawat araw ay may maganda nang epekto sa katawan.

Napatunayan din na ang pagtawa ay mabuti  para sa ating immune system dahil ibinababa nito ang level ng adrenaline, ang hormone na nagpapataas ng heart rate. Ang mataas na level ng adrenaline ay masama sa mga internal organs pati na ang puso at mga ugat.

Kung tayo ay masaya o palagay, sa pamamagitan ng pagtawa, meditation, dasal, musika at sayaw, nagbabago ang biology ng ating katawan.  Para bang  may mga  nakabubuting gamot tayong nainom na walang kagastos-gastos at walang masamang side effect.

Ang isang halimbawa ay si Norman Cousins na may malalang sakit na arthritis.  Bilang therapy, ginawa niyang ugali ang panonood ng nakakatawang pelikula. Gumaling siya at isinulat niya sa isang libro ang kanyang karanasan.  Ngunit tandaan din na ang pagtawa at relaxation ay hindi kapalit ng exercise, wastong pagkain at healthy lifestyle.

February 19, 2009 93 Teething Pain



Top | Home

Kapag tumutubo ang ngipin ni baby masakit ito sa para sa kanya, masakit rin ito sa ulo ni nanay, lalo na kapag may kasamang lagnat at hindi makatulog si baby.

Ang sakit ng ngipin ng bata ay mahirap na issue dahil unang una, hindi pa siya  marunong magsalita. Pangalawa, mahirap tiyakin kung kailan nagsisimula at natatapos ang sakit. Ang tanging magagawa lamang ay obserbahang mabuti ang bawat kilos ng bata sa panahong tumutubo ang kanyang ngipin.

Maaaring sabihin na mababaw ang kaligayahan ng mga babies dahil hanggang sipsip lang sila. Seriously, haping-hapi sila  kapag sinisipsip ang daliri o tsupon, at  kung ano anong bagay ang inilalagay sa bibig.

Kaya naman, kapag masakit ang bibig nila dahil may tumutubong ngipin, naloko na. Iyak dito iyak doon at balisang balisa.

Mabuti na lang at kadalasan nasa kamay lang nila ang gamot, ika nga. Napupuna ba ninyo na kapag tumutubo ang ngipin ng baby panay ang lagay niya ng kanyang kamay sa loob ng bibig?  Ito ay dahil dinidiinan niya ang kanyang gilagid upang humupa ang sakit.  Matutulungan ninyo siya kung  mamasahihin ninyo ng malinis na daliri ang  kanyang gilagid upang siya ay marelax. Maaari ring  bigyan siya ng malamig na mga bagay para ngatngatin katulad ng bimpong galing sa freezer, o malamig na plastic teether. Tiyakin lamang na malinis ang  mga ito at sapat na malaki para hindi niya malunok.

Ngunit para sa mas malakas na pain relief at pampatulog, maaari siyang  bigyan ng pang-baybing  acetomenophen o ibuprofen.

May mga  anaesthetic teething gels na nakakamanhid ng gilagid at nakakabawas  ng sakit ngunit hindi lahat ng bata ay gusto ito at kung minsan pa nga mayroong nagkaka-allergic reaction dito.

Pagdating sa gamot  mabuting sumangguni muna sa pediatrician bago ibigay sa baby.

Ang magandang balita ay pansamantala lamang ang problemang ito. Bago ninyo malaman dalagita o binatilyo na si baby at ngumunguya na ng inihaw na mais.

February 7, 2008 57 Bad Breath



Top | Home

“Bad breath”, ibinubulong, itsinitsismis.  Nakakahiya lalo na kung ikaw ay dalaga o binata.  Ang bad breath o halitosis ay sanhi ng sumusunod:

  1. Mga bacteria at tirang pagkain, plema, etc. Na maaring naipon sa dila, lalamunan at tonsil.
  1. Mga tinga na naiiwan sa bunganga  at ngipin  na dinadapuan ng bacteria at  nabubulok;
  1. Mga pustisong di nalinisan ng mabuti
  1. Mga pagkain tulad ng bawang at sibuyas na may masasangsang na substances na naabsorb sa bituka at dindala ng dugo sa baga kung saan inilalabas ito kapag tayo ay huminga.
  1. Mga naiipon na plaque sa ngipin na siyang pagmumulan ng pamamaga at pagdudugo ng gilagid. Ang tawag dito ay periodontal o gum disease. Nagiging sanhi din ito ng pagkasira ng ngipin at pagkakaroon ng dental cavities.
  1. Dry mouth o panunuyo ng laway na sanhi ng pag-inom ng coffee, alcoholic drinks, acidic beverages, mga gamot katulad nga anti-allergy pills, antidepressants at mga pagkaing masyadong matamis.
  1. Smokers breathe na dala ng tar, at nicotine. Ang smoking ay nakapagpapatuyo din ng laway.

Ang bad breath ay maaaring sintomas din ng ibang sakit katulad ng infection sa lalamunan, sinusitis, bronchitis, liver or kidney ailment.

Upang maiwasan ang bad breath, gamutin ang gum disease;

  • Huwag manigarilyo,
  • Panatiliing malinis palagi ang bibig,
  • Gumamit ang flouride tooth-paste, magdental floss;
  • Tanggalin ang pustiso kung gabi;
  • Alamin din kung may mga gamot kayong iniinom at mga nakakain o naiinom na maaaring maging sanhi ng bad breath.

Ang good news ay hindi nakakahawa ang bad breath.  Hindi ito naililipat kahit kayo ay makipaghalikan.  The bad news, ang mga mouthwashes ay pansamantala lamang ang epekto at hindi nakakagamot ng bad breath.

January 24, 2008 87 The Cardiovascular System



Top | Home

Ang number one killer sa ating bayan ay sakit sa puso at ugat o cardiovascular disease.  Itinataya na mahigit sa isang daang libo ang mga biktima nito bawat taon at tuloy-tuloy ang paglaganap nito.

Ang sakit sa ugat at puso ay sanhi ng lifestyle at heredity, kung papaano tayo mamuhay at kung ano ang namana natin.

Ngunit mayroon bang magagawa upang labanan ang sakit na ito? 

Opo, mayroong epektibong paraan at ito ay: pag-iwas o prevention.

Dalawang uri ang risk factors na pinagmumulan ng cardiovascular disease:

  • unmodifiable risk factors na wala tayong magagawa katulad ng family history, male sex, age at heart disease;
  • modifiable risk factors katulad ng: smoking, high blood pressure, high cholesterol, obesity, lack of exercise, stress at diabetes na maaari nating iwasan.

  Wala tayong magagawa tungkol sa family history dahil nasa genes na natin ang predisposition sa CVD.  Ang mga lalaki ay mas malamang magkaroon ng CVD kaysa mga babae.  At habang tayo’y tumatanda malaki ang posibilidad ng cardiovascular disease.

Samantala maaari nating maiwasan ang paninigarilyo, controlin ang alta presyon, diabetes at cholesterol, mag-ehersisyo ng regular at bawasan ang tensyon o stress.

Isipin lamang na kapag nagkasakit kayo sa puso at ugat, habang buhay ang paggagamot nito, o mangangailangan kayo ng operasyon.  Mabigat pasanin ang sakit sa katawan, pahirap sa pamilya at malaking gastos.  Tandaan: prevention ang solusyon.

January 25, 2008 88 Our Magical Heart



Top | Home

Ang ating puso ang siyang tinataguriang centro ng buhay.  Ang pagpintig nito ang nagbibigay buhay sa atin, literally at figuratively.

Ang puso ang nagpapadaloy ng ating dugo na siyang nagbibigay ng ating pangkalahatang kalusugan.  Di ba sa puso din nagmumula ang ating katapatan, pag-ibig at katapangan?

Talagang kamangha-mangha ang ating puso, di ba? Tiyak na marami pa kayong di alam tungkol sa ating puso.  Makinig kayo:

  • Ang puso ang siyang unang bahagi ng katawan na nagkakaroon ng buhay. 28 days pa lamang ang paglilihi ay pumipintig na ito.
  • Kapag tayo ay namatay, ang puso din ang pinakahuling bahagi ng katawan na nawawalan ng buhay.
  • Ang puso ay pumipintig ng average of 70 times sa isang minuto. Sa loob ng pitumpong taon pipintig ito ng humigit kumulang nga 3 billion times.
  • Alam ba ninyo na ang puso ay dalawang bomba o pump at hindi lamang isa?
  • Maliit lamang ang puso. Kasinglaki ito ng ating kamao. Ngunit napalakas nito. Nakapagbobomba ito ng average na 8,000 liters sa isang araw o 3 milyong litro ng dugo sa isang taon.
  • Ang puso ay may sariling electrical system na siyang nagpapapintig dito. Mayroon din itong mga standby generators upang hindi magkaroon ng power failure, ika nga.
  • Ang puso ay puro muscles at napakatibay. Hindi ako nagbibiro kung sasabihin ko na guaranteed for life ito, huwag lamang madapuan ng sakit na gawa ng ating pang-aabuso at pagpapabaya katulad ng: paninigarillyo, labis na pagiinom, masasa-mang pagkain, katabaan, sobrang stress, at marami pang iba.
April 30, 2009 196 Non-Cardiac Chest Pain



Top | Home

Hindi lahat ng chest pain ay dahil sa heart attack. Kadalasan nga, ang chest pain ay walang kinalamanan sa sakit sa ugat at puso. Ito ang paksa natin ngayon: non-cardiac chest pains.

Isa sa pinakamadalas na dahilan ng chest pain ay heartburn, kung saan ang  acid sa tiyan ay umaakyat  pabalik sa lalamunan. Matindi ang sakit nito.  Parang napapaso ang likuran ng sternum o breastbone.  May kasama itong maasim na panglasa at pakiramdam na parang bumabalik ang pagkain sa bibig. Nangyayari ang heartburn pagkatapos kumain at tumatagal ng ilang oras.

Ang panic attack ay sanhi ng sobrang takot na nagdudulot ng chest pain na may kasabay na mabilis na heartbeat at paghinga, labis na pagpapawis at pangangapos ng hininga.

Ang pleurisy ay inflamation ng membrane ng chest cavity na bumabalot sa baga. Maraming dahilan ang pleurisy katulad ng pneumonia o lupus.  Localized ang chest pain dahil sa pleurisy at lumalala kapag humihinga o umuubo.

Ang costochondritis ay pamamaga ng cartilage ng ribcage partikular ang cartilage na nagdurugtong sa tadyang at sternum. Ang chest pain na dulot nito ay bigla kung sumumpong kaya napagkakamalan na heart attack.

Ang pulmonary embolism naman ay nangyayari kapag may blood clot na bumara sa artery ng baga. Ang isa sa mga sintomas ng nakamamatay na sakit na ito ay biglaan at matinding chest pain na nagsisimula kapag humihinga ng malalim o umuubo. May kasabay ito na shortness of breath at rapid heartbeat.

Ang pag-collapse ng baga, high blood pressure sa lung arteries at asthma ay dahilan rin ng chest pain.

Masasakit na muscles, ribs na may injury, o naipit na nerves ay mga dahilan rin ng localized na chest pain.

May chest pain rin na sanhi ng mga swallowing disorders katulad ng  esophageal spasm. Dito ay nawawala ang koordinasyon ng muscles ng esophagus na ang tungkulin ay dalhin ang pagkain papunta sa stomach.

Ang shingles, na impeksyon ng nerves dahil sa herpes simplex virus ay dahilan rin ng chest pain, pati rin ang gall bladder at pancreatic problems na kung saan ang sakit ng mga ito ay gumagapang hanggang  sa dibdib.

Mahirap hulaan ang dahilan ng chest pains. Maaaring simpleng heartburn lamang ito o matinding heart attack. Pinakamubuti ang magtungo agad sa hospital o emergency room at magpa check-up. It could save your life or at least bring peace of mind kung  wala makitang serious na problema..

February 12, 2008 197 Cardiac Chest Pain



Top | Home

Bawat taon libu-libo ang mga naipapasok sa emergency rooms dahil sa chest pain. Hindi lahat ng chest pain ay naghuhudyat ng heart attack. Kadalasan nga ang chest pain ay walang kinalaman sa sakit sa puso. Kaya lang  mahirap malaman kung ang puso nga o hindi ang dahilan.
Gayun man, kahit  parang hindi sa puso galing ang sakit, mabuting siyasatin pa rin ito upang makasiguro.

Tatalakayin natin ngayon ang mga chest pains na cardiac in nature o may kinalaman sa puso.

Unang una ang heart attack: kung saan nababarahan ng blood clot ang ugat na nagdadala ng dugo sa puso. Ang sintomas ay matinding sakit na gumagapang sa balikat, likuran, leeg, panga, lalo na sa kaliwang braso. Maaaring may  kasabay itong malamig na pawis, mahirap  huminga, pagkahilo at nausea.

Ang angina o angina pectoris. Dahil ito sa pagsikip ng mga ugat papunta sa puso sanhi ng fatty deposits. Paminsan minsan kinukulang ng dugo ang puso lalo na pag may mabigat na gawain o emotional stress. Nawawala ang sakit sa dibdib kapag tumigil na ang physical o emotional causes.

Pericarditis o pamamaga ng sac na bumabalot sa puso. Dahil ito sa viral infection. May kasama itong lagnat at hindi tumatagal kapag nagamot agad.

Aortic dissection. Ito ay pambihirang sakit ngunit mapanganib dahil napupunit  ang walls ng aorta, ang  malaking ugat na nagdadala ng dugo mula sa puso papunta sa buong katawan.  Matinding sakit na parang nabibiyak ang dibdib at likuran ang mararandaman. Ang pangyayaring ito ay maaaring dahil sa biglang pagtaas ng blood pressure.

Ang coronary spasm ay isang uri rin ng angina. Ito ang sanhi ng iba’t ibang degree ng chest discomfort and pain. Ang mga atake ay maaaring kusa lamang lumalabas, minsan habang natutulog.  Ngunit kadalasan nati-trigger ito ng mga stimulants katulad ng  caffeine at nicotine o kaya biglang pagtaas ng blood pressure dahil sa matinding pagkagalit.

Huwag magbakasakali. kapag mayroon kayong persistent chest pain komunsulta sa inyong cardiologist upang alamin kung ito ay cardiac related o hindi. Mabuti  na ang nag-iingat.

January 28, 2008 37 Dengue



Top | Home


Tag-ulan na naman. Tag-lamok na naman, mag-ingat tayo sa dengue fever.

Halos taon-taon nagkakaroon tayo ng outbreak ng dengue fever. Dahil kapag tag-ulan  maraming lugar ang pinagbabahayan ng lamok. Ang lamok na aedes egypti ang siyang carrier ng dengue fever.
 
Tatlong  uri  ng sakit dengue ang kilala natin :

  1. Typical o classic dengue
  2. Dengue hemorrhagic fever
  3. Dengue shock syndrome

Para tayo ay makaiwas sa dengue fever:

1.  Alisin ang mga pinagbabahayan ng lamok sa kapaligiran

2.  Sarhan ang mga pinto’t bentanang walang screen

3.  Gumamit ng kulambo

4.  Ireport sa health center ang mga pinaghihinalaang kaso ng dengue fever

5.  Kapag nasa labas ng bahay, gumamit ng mosquito repellent na may deet at       magsuot ng long pants, long sleeves, medyas at sapatos.

Hindi naililipat ang dengue diretso mula sa tao sa kapwa tao.  Ang impeksyon ay dala ng kagat ng lamok na nakakagat ng infected na tao.

Ang mga sintomas ng dengue ay:

Mataas na lagnat, sakit ng ulo, sakit sa likuran ng mata, sakit ng mga joints at muscles, panghihina, pagkahilo at pagsusuka, at mapupulang skin rashes.  Ang lagnat ay nagsisimula lima hanggang anim na araw mula ng makagat ng infected na lamok. Ang skin rashes ay lumalabas 3 hanggang apat na araw mula sa pag-uumpisa ng lagnat.

Maliban sa mga nabanggit na sintomas ng classic dengue, kapag may bleeding  sa ilong, gums o ilalim ng balat mayroon kang hemorrhagic dengue o H-fever.

Kung mayroon kang classic dengue fever symptoms, pati sintomas ng hemorrhagic fever pagkatapos mayroon ka pang bleeding sa  bituka, baga at utak at nagkaroon ka ng shock o napakababang presyon ng dugo, dengue shock syndrome ang tumama sa iyo.

Kahit hindi gamutin, karamihan ng may dengue ay gumagaling sa loob ng 2 linggo. Ang iba naman, nakararanas ng ilang linggong panghihina. Iyong mga batang may hemorrhagic fever o dengue shock syndrome ay maaaring mamatay kung hindi maagapan ng wastong lunas

October 11, 2007 71 Insect Repellent for Children



Top | Home


Maraming mga insektong mapanganib tulad ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Alalahanin natin na ang lamok na nagdadala ng dengue virus ay lumalabas sa bandang dapit hapon 0 takip silim.  Kaya’t kailangang lahat tayo, lalung-lalo na ang mga bata, ay mayroong proteksyon laban sa lamok sa mga oras na iyon.

Tandaan ang mga paraan ng pag-iwas sa kagat ng lamok na nagdadala ng dengue:  magsuot ng long pants at long sleeved shirts.  Iwasan ang mga lugar na may maraming lamok.  Iwasang lumabas kung takip silim o madaling araw, at gumamit ng insect repellent na mayroong chemical na deet.

Narito ang wastong paggamit ng insect repellents. Basahing mabuti ang label ng insect repellent.  Huwag gumamit ng sobrang dami at matagalan. Huwag lagyan ang balat na sunburned o may iritasiyon.  Ingatan na hindi mapunta sa mata at kung sakaling mangyari ito,  hugasan kaagad ng maraming tubig ang mata. Mag-spray  habang nasa isang lugar na may bentilasyon at ingatan na hindi ito malanghap. Ilayo ang pag-i-ispray sa pagkain.  Huwag lagyan ang kamay ng mga bata upang hindi nila ito mapahid sa mata o sa bibig. Kapag di na kailangan ang insect repellent, hugasan ang parte ng katawan na na-isprayan  ng sabon at tubig.  Kung may reaction sa bata, hugasan  kaagad ang parteng apektado at kumonsulta sa doktor.  Ipakita ang lalagyan ng insect repellent sa doctor upang malaman niya kung ano nga ba ang insect repellent na  ginamit ninyo. Alalahanin na ang mga buntis o inang nagpapasuso ay hindi dapat gumamit ng insect repellent.  Huwag gumamit ng insect repellent, citronella, at lavender oil sa mga sanggol na wala pang anim na buwan.  Ang mga sanggol na anim na buwan hanggang dalawang taon ay  maaaring gumamit ng produktong may 10% deet  minsan sa isang araw. Huwag gamitin ito ng matagalan.  Hindi rin dapat ang citronella at lavender oil sa mga ito.  Para sa mga teenagers, angkop ang insect repellent na may 30% deet or less.  Tumatagal ang bisa ng 30% deet ng anim na oras, limang oras kung 15%, tatlong oras kung 10% at dalawang oras kung 5%.

Kahit walang sinasabing  hazard para sa mga buntis ang paggamit ng repellent na may deet, mas mabuti na huwag sila gumamit nito. Mabisang panangga sa dengue at iba pang insect bites ang insect repellent, but make sure you use it safely.

June 11, 2009 70 Colds Among Very Young Children



Top | Home


Kapag tag-ulan, mas laganap ang mga viruses na pinagmumulan ng ubo at sipon lalo na sa mga maliliit na bata.

Kung ang inyong baby ay wala pang tatlong buwan, ilayo siya sa mga taong may sipon at ubo.  Dahil pag siya’y nahawa malaking pinsala ang mangyayari sa kanyang maselang kalusugan.

Kumonsulta kaagad sa doktor. ang ubo’t sipon sa mga sanggol ay madaling mauwi sa ibang mas malalang sakit, katulad ng bronchio-litis, whooping cough o pneumonia. Ipaalam kaagad sa doktor kung ang inyong baby ay hindi humihinto sa pag-ubo, nawawalan ng ganang kumain, mayroong lagnat na mahigit sa 39 degrees centigrade, sobrang iritable, palaging inaantok o mahirap gisingin.

Walang gamot sa common cold.  Ang tanging magagawa lang ay tiyakin na komportable ang baby, pagpahingahing mabuti at painumin ng maraming fluids.  Ang batang anim na buwan na ang gulang ay maaaring bigyan ng wastong dosage ng paracetamol o ibuprofen kung siya’y may lagnat at hindi nagsusuka o dehydrated.   Ipinagbabawal ang mga cough and cold preparations sa mga batang below 3 years old kung walang pahintulot ng doktor. Ang pag-ubo ay paraan ng paglilinis ng baga kaya hindi basta pinipigilan.

Kung nahihirapan ang baby sa pagsuso dahil barado ang ilong gumamit ng rubber suction bulb. Epektibo ito lalo na sa mga baby na below six months old. kung labis ang congestion maaaring magre-seta ang doktor ng salt solution nose drops para lumabnaw ang plema at madaling mailabas.  Ang paggamit ng dehumidifier ay nakakatulong din.

Sa kabutihang palad, karamihan ng mga colds ay kusang gumagaling, ngunit mas mabuti na rin na ngayong tag-ulan, ingatan na hindi magkaroon ng colds ang inyong baby.

August 12, 2009

80

Asthma on Children



Top | Home

Ang asthma o hika ay isang chronic disease ng respiratory system.  Kapag may asthma, ang mga bronchial tubes na dinadaanan ng hangin papunta at palabas sa ating baga ay namamaga at kumikipot. Dahil dito humihirap ang paghinga.

Kailangang gamutin ito para guminhawa ang paghinga at upang hindi mauwi sa permanenteng pagkasira ng bronchial tubes at pagsama ng lung function.  Lalo na sa mga batang may hika, lumalaki ang risk na magkaroon ng bronchitis at pneumonia.

Marami ang maaaring pagmulan ng asthma katulad allergy sa mga usok ng tabako, balahibo ng hayop, ipis, dust mites, pollen, at  iba pang mga allergens. Marami ang mga batang may mga allergies na mayroon ring asthma.

Ang asthma sa bata ay maaari ring namamana mula sa kanilang mga magulang. Bukod dito, may hinala ang mga eksperto na ang mga batang hindi na e-expose sa certain types of bacteria or infection ay hindi nakakadevelop ng resistensya ng immune system na panangga sa asthma.

Ang sintomas ng asthma attack ay: ubo, lalo na ang ubong may kasamang tunog na parang huni o sipol, paninikip ng dibdib, mababaw, mabilis, at mahirap na paghinga, balisang pagtulog at hapo.

Kapag hindi inaatake ng hika, ang bata ay kadalasang walang nararamdaman at para siyang walang sakit. Kung minsan naman, matindi at madalas ang atake ng hika at dahil dito ay animong nanghihina ang bata.

Ang mga sumusunod ay ang mga kadalasang pinagmumulan ng atake ng hika: respiratory illness kagaya ng sipon na dala ng virus, pag-eehersisyo nang malamig ang panahon, lahat ng uri ng polusyon, labis na pag-iyak o pagtawa, at allergy sa gamot tulad ng aspirin. Ang asthma attacks ay madalas nag-uumpisa o lumalala kung gabi.

Walang isang test na maaaring gamitin sa pagdiagnose ng asthma. Aasa ang doktor sa medical history, physical examination at spirometry. Ang spirometry ay ang pagsukat ng bilis at dami ng hangin na pumapasok at lumalabas sa baga ng bata.      X-ray ang makakatiyak kung may ibang sakit sa baga na maaaring dahilan ng asthma attacks. Blood test at skin test ang magpapatunay kung allergy nga ba ang ugat ng asthma.

Ang pag-iwas sa mga respiratory infections at sa exposure sa mga allergens ang importanteng gawin natin kung ayaw nating dumalas at lumala ang hika ng ating mga anak.

Ang ating doktor naman ang maghahatol ng kaukulang gamot katulad ng antibiotics, inhaled corticosteroids at bronchodilators na siyang magpapaluwag ng daanan ng hangin sa ating baga. Alagaang mabuti ang batang may asthma para lumaki siyang malusog at puno ng buhay.

July 23, 2009 122 Fight Highblood Pressure: Eat Vegetables



Top | Home

Marami ang mga adults sa ating bayan na may alta presyon. Ayon sa katatapos lamang na National Nutrition & Health Study o NNHES na ginawa ng Philippine Society of Hypertension kasama  ang Department of Health at labing apat na medical societies, 17% ng mga  Pilipino na 20 years old and above ang may alta presyon.

Sinasabi rin sa report na mas mabuti sa puso at ibinababa ng vegetarian diet ang blood pressure.  Dahil ito sa potassium, amino acids at magnesium na nilalaman ng gulay. Mas magaan rin ang timbang ng mga vegetarians kaysa mga kumakain ng karne.

Ang findings ng NNHES ay katugma sa resulta ng research na ginawa sa  4,700 katao sa England, America, Japan at China.

Ang akala ng karamihan, nakukuha lamang  ang protina sa karne, manok, at isda. Dapat ninyong malaman na maraming maprotinang gulay. Mas maiging uri ng protina ang nakukuha sa mga ito na maiging panangga sa alta presyon at heart disease.

Ang mga gulay na matataas sa protina, potassium, amino acids, at magnesium ay ang mongo at soy bean.

Maaaring niluluto ang gulay ngunit ang iba naman ay makakain ng sariwa katulad ng mga isinasalad na mas mataas ang food value na makukuha.

Mas mura ang kumain ng maraming gulay upang maiwasan ang sakit sa puso at alta presyon. Masyadong mamahalin ang gamot ng alta presyon at  habang buhay ninyong kakailanganin ito.

Ugaliing kumain ng maraming gulay para sa malusog na pamilya.

February 10, 2009 142 Low Blood Pressure



Top | Home

Ang low blood pressure, kung walang kasamang mga sintomas ay maaaring isang tanda ng malusog na puso at katawan.  Maraming mga atleta na mababa ang kanilang blood pressure.  Ang tinatawag na mababang blood pressure ay yung presyon na mas mababa pa sa 90/60.

Ngunit maaari din itong maging palatandaan na ang katawan ay hindi mahusay mag-regulate ng blood pressure.  At sa ganitong pagkakataon may mga sintomas na kayong mararamdaman.

May dalawang madalas na dahilan ng mababang blood pressure.  Ito ay ang orthostatic o postural hypotension at ang neurally mediated hypotension o NMH.

Ang orthostatic hypotension ay madalas sa mga matatanda.  Ang katawan nila ay hindi makakapag-adjust kaagad ng pressure kapag nagbago ng position.  Kaya ang mga mayroon nito ay nakakaramdam ng pagkahilo kapag biglang babangon o kaya biglang tatayo.  Pinapayuhan ang mayroon nito na dahan-dahanin ang pagbangon at pagtayo. Kung kakailangin, i-aadjust ang mga gamot na kanyang kasalukuyang iniinom.

Sa NMH naman ay hindi makapag-adjust ng mahusay ang blood pressure ng katawan lalo na kung sila’y nakatayo.  Tinataya na dahil ito sa communication problem sa pagitan ng utak at nerve sensors na nagkokontrol ng blood pressure at  heart rate.
Madalas temporary lang ito.  Ito’y nakikita sa mga hinihimatay kung nakakakita ng dugo o injection.  Ngunit kung minsan, maaaring masmalala pa sa postural hypotension at madalas nahihilo at nanghihina ang mga mayroon nito.

Kung palagian ang low blood pressure, ito’y maaaring dahil sa sumusunod:

  • mahinang pagbomba ng puso,
  • dilated o lumawak na mga ugat,
  • mga sirang balbula sa puso,
  • mataas na dosage ng gamot na pampababa ng blood pressure,
  • side effects ng ibang gamot,
  • malakas na mens,
  • sobrang mainit na tubig o sauna,
  • kakulangan ng tubig sa katawan,
  • sunstroke, o biglang emotional shock.

Ito ang mga sintomas ng low blood pressure: pagkahilo, panlalabo ng mata, nausea  o masamang tiyan, panghihina ng muscles, fainting, mabilis at mahina na pulso, panglala-mig ng balat, mabilis at maba-baw na paghinga, fatigue,  headache. Ang lahat ng ito ay sanhi ng kakulangan ng dugo sa buong katawan dahil sa mababang presyon.

Ang biglang pagbagsak ng blood pressure ay maaaring makamatay lalo na kung dahil ito sa hemorrhage o internal bleeding, mababang body temperature, sobrang taas ng body temperature, severe allergic reaction, reaction sa gamot, heart attack o ibang sakit sa puso, pagkawala ng tubig sa katawan, o infection sa dugo o sepsis.

Iba’t ibang paraan ang ginagamit sa pag-diagnose ng low blood pressure dahil sa dami ng mga kadahilanan nito.  Kaya marami ding paraan ang paggagamot dito.

Ang pinakamabuti ay mag kumonsulta sa cardiologist upang tiyakin ang lahat ng dapat gawin.

December 17, 2007 137 Asukal Matamis; Asukal Mapait



Top | Home

Asukal! Matamis! Yan kaagad ang pumapasok sa ulo natin.  Honey, muscovado, panocha, brown sugar, powdered sugar, corn syrup, etc,, lahat ito ay sugar din, matamis, at syempre, masarap! Mayroon bang mapait na asukal? Mayroon. Pag-usapan natin ito.

Bakit may problema tayo tungkol sa asukal? Unang-una empty calories lamang ang nakukuha natin sa asukal.  In other words hindi nakapagbibibay ng tamang sigla o energy na kailangan ng katawan kundi nagpapataba lamang.  Hindi malayong maging dahilan din ito ng cardiovascular disease at diabetes.

Ano ang matamis at mapait na asukal?

Para sa akin, yung matamis na asukal ay nagdudulot ng kalusugan.  Karamihan nito ay nakukuha sa natural foods. Kabilang dito ang sugars ng prutas katulad ng suha, pina, saging, mangga, at milon.  May healthy sugars din na nakukuha sa vegetables katulad ng carrots, kamatis, sayote, singkamas , pipino at iba pa. 

Ang mapapait na asukal ay yung walang value sa kalusugan, bagkos magpapataba at magbibigay ng sakit sa katawan, katulad ng asukal na nasa cakes, donuts, candies, soft drinks, at marami pang iba.

Ayon sa mga dalubhasa, kaunti lamang ang kailangan nating asukal araw-araw. 32 grams o walong kutsarita lamang.  Kaya hindi natin kailangan ang maraming matatamis.

Malaking bagay ang magtimpi pagdating sa dami sa mga matatamis na pagkain at mga inumin.  Palaging isaisip na hindi lahat ng matamis ay masarap.  Ang iba nito dahil masama sa atin ay mapapait din.

January 01, 2009 19 Alcohol &  Heart Disease



Top | Home

Kahit maaaring makatulong ang alcohol sa ibang tao, ang kahit kaunting pag-inom ay puwedeng makasama sa iba.. Kasama na rito ang may mga personal o family history ng alcoholism o sakit sa atay.
 
Para sa babae, ang pag-inom ay iniuugnay sa pagkakaroon ng breast cancer.  Ang mga babaeng umiinom ng 2 to 5 drinks per day ay may one and a half times na tsansang magka-breast cancer kumpara sa babaeng hindi umiinom.  Ang pag-inom naman habang buntis ay iniuugnay sa birth defects. Ito rin ang nangungunang sanhi ng preventable mental retardation.

Ang matagal na malakas na pag-inom o pag-inom ng three or more drinks per day ay nakapagpapalaki ng tsansang magkasakit sa atay, sa utak at sa pancreas. Puwede ring magka-high blood pressure o hypertension o hemorrhagic stroke.

Ang mga gamot tulad ng anti-epressants, antibiotics at painkillers ay hindi magandang isabay sa alcohol.

Kapag uminom ng alak ang isang tao, ang ibang alcohol ay na-a-absorb ng stomach lining, ang iba naman ay natutunaw ng enzymes sa stomach at ang iba ay napupunta sa small intestines papunta sa blood stream.   Ang dugo na may alcohol ang siyang iikot sa lahat ng organs ng katawan, kasama na ang puso at utak. May mga pag-aaral na nagsasabi na ang sobrang alcohol ay nakasisira ng brain cells, ito rin ay nau-ugnay sa iba’t ibang sakit sa puso. Halimbawa  ang cardiomyopathy kung saan ang puso ay namamaga at nanghihina at bumababa ang kakayanan nitong mag-pump ng dugo sa buong katawan.

Ang holiday heart syndrome naman ay ang pagbilis ng pintig ng puso matapos uminom ng marami. Kung bata pa ang nagkaroon nito at kung walang ibang sakit sa puso babalik sa dati ang heart rhythm matapos ang ilang oras. Ngunit kung may coronary heart disease ang magkaroon nito, maaari siyang atakihin sa puso sa oras na bumilis ang pintig ng kanyang puso. Kadalasan, ang mga taong may holiday heart syndrome ay walang kamalay-malay na mayroon na silang heart disease. Kaya sinumang nakararanas nito ay dapat magpatingin kaagad sa doctor.

March 06, 2009 101

First Aid: Burns First Aid Treatment

   

Top | Home

Ang ating balat ang siyang unang depensa natin laban sa impeksyon.  Kapag nasunog ang balat, madaling makapasok ang mikrobyo na may dalang impeksyon.  

Ang sunog sa balat o thermal burns ay may tatlong antas depende sa lalim ng pagkapaso  ng balat. Ang tawag sa mga ito ay first, second at third degree burns. Ang first degree burn ay parang sunburn lamang. Sa second degree, paltos na ang balat at masakit ito. Ang third degree burn ay ang pinakamalalim ang paso. Namamatay ang balat at namamanhid ang lugar na nasunog.

Ang lapad at location ng paso o sunog ay importante. Mas malapad ang paso mas malakas ang fluid loss at inflammation.  Kung ang paso ay nasa leeg, ilong o bibig, maaaring maapektuhan ang paghinga ng biktima.  Maselan rin ang paso sa mata dahil nakakabulag ito lalo na kapag nasira ang cornea.

Heto ang mga first aid tips para sa sunog ng balat:

- Alisin muna ang mga damit, alahas, at iba pa
- Linisin at  buhusan kaagad ng malamig na tubig. Huwag na huwag gumamit ng yelo.       - Maaring linisin ang paso ng chlorhexedine solution
- Huwag gumamit ng tinta, mantikilya o anumang oil o langis
- Kung kailangan, magpa-inject ng antitetanus.

Ang first degree burns ay maaaring pahiran lamang mga topical na antibiotics at antiseptics na nabibili sa botika.  Kung mayroon kayong tanim na aloe vera, maaari ring ipahid ito.

Ang second and third degree burns lalong lalo na sa maseselang bahagi ng katawan ay kailangang isangguni kaagad sa doktor upang malapatan ng kaukulang gamot.  Alalahanin na kapag 15 por ciento na ng katawan ang nasunog, nangangailangan ang pasyente kaagad ng intravenous fluid infusion upang maiwasan ang shock. Dahil dito dapat kaagad madala sa hospital ang pasyente.

Ang paso dahil sa kuryente at chemicals ay dapat masuri ng mabuti ng doctor. Ang paso sa kuryente ay nakakasira ng muscle tissues, mabilis makawala ng electrolytes sa katawan at kung minsan humahantong sa kidney failure. Madalas ang damage ng electrical burns ay nasa loob ng katawan. Samantala, ang chemical burns naman ay kagaya rin ng thermal burns subalit mahalaga na mahugasan ng mabuti ang nasunog ng kemikal upang maalis at mabawasan ang posibleng masira nitong parte sa ating katawan. Huwag na huwag gumamit ang ibang kemical upang I-neutralize ang pagkasunog.  Dapat alamin muna ang dapat ilapat upang mabawasan ang masisirang bahagi sanhi ng burns.  Kung hindi kayo segurado dalhin ng biktima sa pinakamalapit na emergency room.

March 10, 2009 143 Sun Burn

   

Top | Home

Summer na naman.  Panahon ng tumataginting na init.  Panahon din ng outing, camping, swimming at paglaro ng iba’t ibang outdoor sports at mga gawaing panlabas.

Kapag tayo ay nabibilad sa araw huwag nating kalimutang maaari tayong masunog ng init nito o ultraviolet rays nito.

Sun burn ang tawag kapag nasusunog ang balat dahil sa pagbilad sa araw o tama ng ultraviolet rays.  Nangyayari ito dahil hindi na kaya ng melanin, ang protective pigment ng balat, na proteksyonan ang balat laban sa sobrang init.

Ang resulta ng sunburn ay namumula at masakit ang balat na lalong tumitindi pagkalipas ng anim hanggang apatnapu’t walong oras.  Napapaltos ang balat.  Madalas namamaga ang bahaging may sunburn lalo na sa binti; susundan ito ng pagkatanggal ng balat pagkalipas ng tatlong araw.  Kung minsan maaaring magkakaroon ng lagnat.

Mag-cold shower, maligo, o maglagay ng malamig na bimpo o basahan sa sunog na bahagi.  Huwag gumamit ng mga produktong may benzocaine, lidocaine, o petroleum kagaya ng vaseline.  Kung namamaltos takpan ng malinis at tuyo na bandage upang hindi magka-infection.  Makakatulong sa pananakit ang pag-inom ng ibuprofen. Kung hindi namamaltos ang balat maaari itong lagayan ng moisturizing cream.

Makakaiwas sa sun burn kung gagamit nga kaukulang damit kagaya ng long sleeves,  mahabang pantalon, malapad na sombrero, at salamin na may ultraviolet protection.  Ipinapayo din ang pagamit ng sun screen o sun tan lotion na may spf level na thirty o mas mataas pa sa mga bahagi ng katawan na walang takip.

Kung hindi kailangan, huwag magbilad sa araw. Manatili sa mga lugar na malilim. Kung maari hintayin na bumababa ang araw bago magbabad sa dagat kung sobra ang init.

Panghuling paalaala ang sobrang pagbilad sa araw ay maaaring maging dahilang ng skin cancer. Kaya mag-ingat tayong lahat.

March 12, 2009 172 Rabies Part 2



Top | Home

Ang rabies ay impeksyon ng virus. Inaatake nito ang nervous system ng hayop at oras na lumabas ang sintomas, tiyak na mamaatay ang naturang hayop kung hindi ito maagapan ng gamot. Sari’t samot ang mga hayop na maaring carrier ng rabies. Dito sa atin madalas ito sa aso, pusa, chonggo, paniki, baka, baboy, kabayo, at daga.

Pumapasok ang rabies sa katawan sa mga sugat at galos, o di kaya sa mucous membrane ng bibig. Aakyat ito sa utak sa pamamagitan ng nervous sytem. Pagkatapos. Gagapang  ang impeksiyon sa mga nerves pupunta sa ibang organs ng katawan.

Ang incubation period sa tao ay mula limang araw hangg-ang isang taon ngunit ang average ay dalawang buwan. May stage 1 at stage 2 ang impeksiyon ng rabies.  Sa stage one, magkakaroon muna ng vague symptoms sa loob ng sampung araw katulad ng lagnat, sakit ng ulo, masam-ang pakirandmam, walang  ganang kumain, at pagsusuka. Maliban dito masakit at makati ang sugat.

Sa stage two, mahirap maglunok kahit laway, natatakot sa tubig, paralysis, coma dahil sa complikasiyon, o kamatayan.

 Direct flourescent antibody test o dfa ang test upang alamin kung nay rabies ang isang hayop o wala. Sa loob lamang ng ilang oras mala-laman na ang resulta nito. Mahalaga ito sa mga nakagat dahil hindi na sila manganga-ilangan ng antirabies inject-ion. Samantala sa tao kailan-gan ang ilang uri ng test upang tiyakin kung may rabies ang biktima o wala. Ang tests ay ginagawa sa samples ng serum, saliva at spinal fluid.

Walang gamot ang rabies oras na lumabas na ang mga sinto-mas.mabuti na lang at mahaba ang period of incubation at maaring bigyan ng vaccine ang biktima. Maari din magpa-bakun kahit hindi pa nakaka-gat ng hayop.

Ang maigi ay magiwas. Huwag umawat ng mga nagaaway na hayop; iwasan ang mga di kilalang hayop lalo na kung may sakit; huwag guluhin ang hayop na kumakain; talian ang hayop pag na sa labas ng bahay; piliin ang aalagaan na hayop; huwag iwan ang mga batang paslit na magisa kasama ng hayop; ang mga aso’t pusa ay pabakunahan ng antirabies; huwag lumapit o laruin ang mga gala na hayop; ingatan na ang alagang hayop hindi mahalo sa mga gala o wild animals. At ipahuli ang mga stray animals.

Huling paalaala: ang galos gawa ng kuku ng mga hayop na may rabies ay mapanganib din dahil dinidilaan nila ito. Ang sintomas ng rabies ay kahawig ng mga palatandaan ng ibang sakit. Pag kayo ay nakagat ng hayop magkonsulta kaagad sa doktor o dumulog sa pinakamalapit na animal bite treatment center.

March 8, 2007 47 Womens Top Health Threats



Top | Home

Do you know what is the most common cause of death among Filipino women? Kung ang sagot ninyo ay cancer, mali kayo. 

Sa ngayon ito ang limang sakit na pumapatay ng mas maraming kababaihan dito sa ating bansa:

  1. Sakit sa puso.  Kasama na dito ang heart attack, heart failure, at iba pa. It claims the lives of 35 thousand Filipinas taon. Mas marami ito kahit pagsamahin pa ang lahat na biktima ng cancer. Hindi rin totoo na ang sakit ng puso ay laganap lang sa kalalakihan, marami na ngayong babae ang namamatay ng heart disease hindi lang sa ating bansa kundi worldwide.

Stroke.   Sanhi ito ng ibat ibang risk factors katulad ng high cholesterol at high blood pressure.  Ikinamamatay ito ng mahigit na 15,000 filipinas every year.

Ang sakit sa puso at stroke ay maaring iwasan kung susundin ang mga sumusunod: huwag manigarilyo; limitahan ang paginom ng alcohol; controlin ang blood pressure; magexercise regularly, eat a healthy diet na low in fats; controlin ang cholesterol at diabetes. Komunsulta sa cardiologist. Kunkailangan, maaari siyang magreseta ng aspirin na isang preventive para sa heart diseases at stroke.

  1. Pneumonias and tuberculosis:  15,000 and 10,000 women die each year.of these two diseases. Poverty, poor sanitary conditions, overcrowding, malnutrition and smoking ang dahilan ng paglaganap ng respiratory diseases na ito.  It is advisable na magpa-bakuna para sa pneumonia lalo na ang mga matatanda.

4.   Female cancer. Eight thousand ang biktima nito bawat taon. Nangunguna dito ang breast, uterine at cervical cancers with 6,000 deaths per year. Panga-lawa ang lung cancer with 2,000 deaths most of it linked to smoking. Pangatlo ang colo-rectal cancer with 1,000 deaths.

Upang mabawasan ang risk sa cancer, sundin ang sumusunod:

  • Don’t smoke or chew tobacco;
  • Exercise regularly;
  • Eat a healthy diet;
  • Avoid sun exposure;
  • Limit alcohol intake;
  • Have regular preventive sceenings lalo na kung kayo ay may family history ng cancer.

5.   Diabetes:  It affects at least 4 million Filipinos and claims the lives of 6,000 women.  Diabetes is a disease that affects sugar or glucose metabolism na nagiging dahilan ng pagtaas ng asukal sa dugo.  The most common type of diabetes is type 2 diabetes na lumalabas at around age 40.  Maraming tao ang mayroon nito ngunit hindi nila alam dahil hindi sila nagpapa-blood test o kaya, kanilang binabaliwala ang pagtaas ng kanilang asukal sa dugo dahil wala silang masamang nararamdaman at nagpapakonsulta lamang sila kapag lumitaw na ang mga mapanganib na complications katulad ng pagkabulag, kidney failure, sakit sa puso, alta presyon at stroke.

Preventable ang mga complication na ito.  Kailangan lamang mag-maintain ng healthy weight, healthy diet, regular exercise at controlin ang blood sugar level

Kaya women, be aware of these five top health threats waiting to pounce on the unwary.

March 9, 2007 49 Aspirin: Womens Stroke Preventer



Top | Home

Mayroon ngayong ebidensya na ang aspirin ay nakakatulong hindi lamang sa kalalakihan kundi sa kababaihan rin upang pigilin ang strokes na ang sanhi ay ang pagbabara ng ugat sa utak.

Dati nang napatunayan ang bisa ng aspirin sa pagpapalabnaw ng dugo. Ngunit napatunayan ngayon na sa pag-inom ng low-dose aspirin maiiwasan ang stroke sa mga kababaihan. 

Nitong huling meeting ng Amercan College of Cardiology ipinahayag ang resulta ng women’s health study na sinalihan ng apat na libong mga babae na may gulang na mahigit sa kuwarenta y sinco anyos.

Lahat sila ay binigyan ng 100 milligrams of aspirin, katumbas ng isang baby aspirin bawat ikalawang araw. Ang pagsusuri ay ginawa sa loob ng sampung taon.

Ang resulta: bumaba ng 17% hanggang 24% ang stroke sa mga babae at nabawasan ang heart attack by 33% sa mga babaeng 65 years or older.
Matagal ng napatunayan na mabisa ang aspirin laban sa heart attack at stroke sa kalalakihan kahit anong gulang.

Ngunit mahalaga ang findings na ito sa mga kababaihan dahil marami rin ang mga babaeng tinatamaan ng stroke at heart attack taon taon.

Ang problema lang, may mga taong nagkaka-allergy sa aspirin. Mayroon ring naiirita ang sikmura o nagkaka hyperacidity na maaaring tumuloy sa ulcer kapag umiinom ng aspirin nang matagalan.  Merong mga substitutes na maaaring ipalit as aspirin na kasing bisa rin nito. Ang masama lang, ang mga ito ay higit na mas mahal kaysa sa aspirin.

Kailangan bang uminom ng low dose aspirin ang malulusog na babaeng mahigit sa 45 anyos ang gulang?

Opo, lalo na kung mayroon siyang risk factor for stroke katulad ng smoking, high blood cholesterol o kung siya ay may altapresyon. Ngunit magsiguro sa pamamagitan ng pagkonsulta sa inyong doktor.  Huwag rin kalimutang mag healthy lifestyle, at iwasan ang paninigarilyo.

Incidentally, napatunayan din sa study na walang bisa ang Vitamin E bilang preventive sa Heart attacks at Strokes.

May 13, 2009 227 Birth Control with IUD



Top | Home

Intra Uterine Device ang ibig sabihin ng I.U.D.  Isa itong maliit na bagay na inilalagay sa matris upang pigilin ang pagbubuntis.  Naaapektuhan nito ang galaw ng mga sperms at ang mga itlog galing sa ovary upang hindi matuloy ang fertilization.  Ang iud ay 99% na epektibo bilang birth control device.

Ang IUD ay sa clinic ikinakabit.  Ngunit bago ito ilagay  kailangan ang masusing check up katulad ng pelvic at breast exam, pap smear, sexually transmitted infection check-up, at pregnancy test.  Kung may problema kailangang ayusin muna ang mga ito.

Ikinakabit  ang iud habang may regla dahil mas tiyak na hindi buntis ang babae sa panahon na iyon.  Ang procedure ay tumatagal ng 5-15 minuto lamang.  Ang IUD ay maaaring tumagal at maiwan sa matris ng hangang 10 taon.

Ang IUD ay may maliit na tali na nakalawit sa vagina.  Dito chinecheck kung ayos  ang lagay nito.  Maaaring alisin ang IUD kahit anong oras.  Mas madali ang pagtanggal nito kaysa pagkabit.

Ang IUD ay hindi para sa lahat.  Ang sumusunod ay hindi dapat kabitan ng IUD: Ang mga madalas magkaroon ng pelvic at cervical infection, ang mga buntis, ang may cancer sa genital area, ang may unexplained vaginal bleeding, ang may hiv/aids at ang may history ng ectopic pregnancy.

Ang kabutihan ng IUD ay: Hindi ito hadlang sa pagtatalik, hindi kailangan ng atensyon araw araw, epektibo ito kaagad, at pangmatagalan.

Ang hindi kasiya-siya sa IUD ay:  Kailangang magpunta sa doktor upang ikabit at tanggalin ito, mayroon ring pagkakataon na biglang matanggal ng kusa ang IUD.

Ang paggamit ng IUD ay isa sa mga options na bukas para sa kababaehan.  Pansariling desisyon niya ang gamitin ito o ibang uri ng contraceptions.

October 28, 2009 166 Breast Cancer Part 1



Top | Home

Breast cancer ang no. 1 cancer sa mga Filipina.  Ito ay pangalawa kapag pinagsama ang mga babae at lalake.  Itinataya na mahigit sa anim na libo ang namamatay taon-taon sa sakit na ito.

May mga definite risk factors ang breast cancer katulad ng: 

  • family history of breast cancer,
  • hormone replacement therapy
  • radiation.

May mga palatandaan ang breast cancer katulad ng mga sumsusunod: bukol, pamama-ga o pangangapal ng suso; di karaniwang paglaki o hugis ng suso; mas mababa ang isang suso; pagkaroon ng parang dimple sa suso; pagpas-ok ng nipple; masakit na nipple.

Kapag maagang nadiskubre ang kanser sa breast at mabigyan ng wastong lunas, malaki ang pag-asang gumaling ito.

Mamography, isang x-ray diagnostic test na ginagamit as screening procedure para sa breast cancer at ang breast self examination ay pawang mahalaga sa maagang pagdetect ng breast cancer.

Kahit walang family history ng breast cancer, ang babaeng umabot na sa kwarenta anyos ay kail-angan magpa-mamography bawat dalawang taon. Ang mayroong family history ng breast cancer lalo na kung malapit na kamag-anak katulad ng lola, ina, tiya o kapatid ay magpamamography taon-taon.

Mabisa ang mammography ngunit kung hindi ito maaaring magawa, ang breast self examination ang pinakamahusay na alternatibo.  Gawin ito buwan-buwan isang linggo pagkatapos magmens. Sa pamamagitan ng breast self examination magiging familiar ang isang babae sa hugis at pakiramdam ng kanyang suso, kaya kung may konting pagbabago mahahalata niya agad ito.

Walang prevention sa breast cancer lalo na kung may family history.  Ngunit maaaring bawasan ang mga risk factors: kumain ng healthy diet na mayroong high fiber na matatagpuan sa mga vegetables, prutas, at mga pagkaing mayaman sa vitamin A at C. Mag-exercise regularly at I--maintain ang tamang body weight.

May isang consolation, ang breast cancer ay ang pinaka-curable sa lahat ng mga cancer basta’t madiskubre ng maaga.

October 29, 2009 194 Breast Cancer Part 2 - More on Breast Cancer



Top | Home

Isa sa labing dalawang babae ay nagkakaroon ng breast cancer lalong tumataas ang bilang habang tumatanda.

Ang suso ng babae ay binubuo ng lobules, ducts, fatty tissue, blood at lymph vessels. Ang suso ay maraming glands na may mga cells na gumagawa ng gatas. Normally, dumarami ang mga cells na ito sa maayos na paraan. ngunit kung minsan sa hindi pa malamang dahilan sumusobra ang pagdami at nagiging bukol o tumor. Maaaring benign o malignant ang mga tumors. Ang malignant ang siyang cancerous at maaring kumalat sa ibang bahagi ng katawan. Kapag ang kanser ay kumalat sa labas ng suso at ibang bahagi ng katawan, ang tawag dito ay metastasis.

Natitiyak ng mga doktor kung malignant o hindi ang tumor sa pamamagitan ng pagkuha ng sample o biopsy, upang tignan sa microscope. May ilang factors na tinatayang dahilan ng breast cancer ang isa dito ay family history, ngunit hindi tiyak na ito lamang ang dahilan. Halimbawa, napag alaman na ang mga hindi nagkaroon ng anak, o nagka-anak ng matanda na, ang mga nagkaroon ng mens na bata pa at ang mga huli nang nagmenopause ay mas mataas ang risk na magkakanser. Ganun rin ang mahihilig kumain ng taba, mga matataba at ang malalakas uminom ng alak. Ngunit kalahati ng mga biktima ay walang kahit anong risk factors.

Ang palatandaan ng breast cancer ay: bukol sa suso, biglang paglaki ng isang suso, pagkakadimple ng balat ng suso, at pagbaliktad ng nipple.

Ang mga tests na ginagamit upang madiagnose ang breast cancer ay: xray o mammography, ultrasound; needle aspiration o pagkuha ng sample tissue gamit ang karayom at excision biopsy o pagkuha ng kapirasong tumor. Susuriin ng doktor ang medical history.  Gagawa siya ng physical examination at titingnan niya kung may mga enlarged na lymph nodes.

Ninety percent ng mga tumor ay benign at mga cysts lamang.  Ang pinakamagandang balita ay ang breast cancer ang siyang pinaka curable sa lahat ng kanser.  Kailangan lamang madiskubre ito ng maaga. Kaya kapag mayroon kayong bukol sa breast pumunta kaagad sa inyong doktor.

July 10, 2009 45 Acute Bronchitis



Top | Home

Ang acute bronchitis ay infection sa bronchioles na siyang malalaking daanan ng  hangin sa baga.  Ang impeksyon ay madalas na nagmumula sa virus ngunit kung minsan sanhi rin ito ng bacteria.  Maaari ding dahil ito sa pollution, chemicals, maruruming pagkain o ibang foreign bodies na naligaw sa daanan ng hangin ng isang tao.

Ninety percent (90%) ng acute bronchitis ay sanhi ng virus. 10%  lamang ang  mula sa bacteria.  Kadalasan, ang acute bronchitis ay kasunod ng sipon o flu. Lumilipat ang infection mula sa upper respiratory tract na binubuo ng bibig, ilong at lalamunan, patungo sa bronchial tubes ng baga o ang tinatawag na lower respiratory tract.

Ang simula ng acute bronchitis ay tuyong ubo na sinusundan ng plema sa baga pagkalipas ng ilang araw.  Walang routine test para sa acute bronchitis. Ibinabase lamang ang diagnosis sa physical examination, medical history at sintomas ng pasyente. Ang iba pang tests na maaaring isagawa ng doktor ay chest x-ray at sputum examination

Gumagaling ang acute bronchitis sa loob ng dalawa hanggang  tatlong linggo ngunit ang ubo na kasabay nito ay tumatagal naman hanggang apat na linggo.  Ang paggaling ay depende sa edad at kalusugan ng may sakit at sa organismo na pinagmulan ng infection.  Kung ang pinagmulan ng impeksyon ay virus, mas mabilis ang paggaling. Ngunit kung bacteria naman, mas matagal ang recovery lalo na kung ang pasyente ay smoker.

Iwasan ang caffeine, alcohol, at paninigarilyo.  Magpahinga, uminom  ng ibuprofen o aspirin.  Uminom ng cough syrup at maraming tubig.  Iwasan na mairita ang baga. Gumamit ng humidifier o mag-steam inhalation upang mapalambot ng moisture ang plema upang mas madali itong mailabas.  Sa nobenta porsyento ng acute bronchitis na hindi sanhi ng bacteria, hindi epektibo ang antibiotics.

Komunsulta sa doktor kapag hindi gumagaling ang ubo sa loob ng isang linggo. Maaaring ito ay acute bronchitis na o iba pang komplikasyon.

March 21, 2007 84 Is COPD the same as Asthma



Top | Home

Dahil parehong baga ang naaapektuhan ng copd at asthma, marami ang nagtatanong kung ano ang copd at kung magka pareho ba sila ng asthma. Ang ibig sabihin ng copd ay chronic obstructive pulmonary disease. Ang sintomas nito ay kahawig ng asthma, ngunit magkakaiba sila. Ang sira ng baga dahil sa copd katulad ng emphysema at chronic bronchitis, ay permanente. Samantala ang asthma ay pansamantalang pamamaga at pagsisikip ng daanan ng hangin sa baga. Nagagamot at gumagaling ito.

Madalas ang copd ay sanhi ng matagal na paninigarilyo. Maaaari ring dahil ito sa paulit-ulit na impeksyon sa baga. Ang sintomas nito ay matinding ubo tuwing umaga na may kasamang plema. Ang mayroong copd ay maaaring lumaki ang dibdib dahil sa dami ng hangin na naiipon sa baga, barrel chest ang tawag dito.
Ang sintomas naman ng asthma ay biglaang atake ng hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib at sumisipol na paghinga lalo na kung gabi. Ang asthma ay maaaring dahil rin sa paninigarilyo ngunit kalimitan ay dahil sa mga allergies. Kung ang hirap ng paghinga ng pasyente ay hindi kumpletong nalulunasan ng inhaled bronchodilator o corticosteroids. Malamang copd ang kanyang sakit.

Kailangang matiyak kung copd o asthma ang sakit ng pasyente dahil magkaiba ang gamot ng bawat isa. Kung kayo ay may mga sintomas kagaya ng nabanggit ko, komunsulta sa dokto upang matiyak kung kayo ay may copd o asthma.

August 19, 2009 54 Tuberculosis: Part1



Top | Home

Two thousand years ago, Hippocrates described a disease which today we call tuberculosis o TB.  Noong araw dahil sa kakaunting kaalaman tungkol dito, ang TB ay naging number one killer sa napakaraming bayan sa buong mundo. Sa ngayon even though meron na tayong hustong kaalaman at bagong mga gamot marami pa rin sa ating mga kababayan ang may TB. 

Ang TB ay sanhi ng bacteria na kung tawagin ay mycobacterium tuberculosis.   Nakikita lamang ito sa pamamagitan ng microscope kung saan makikita silang mahahaba o rod-shaped o sausage shaped cells na ang tawag ay bacilli. 

Ang mycobacteria ay aerobic.  Ibig sabihin, gusto nila sa mga lugar na may oxygen, at sensitive ito sa init at sa ultraviolet rays. Kaya noong araw, pinapaarawan ang mga pasyente, sa paniniwalang makakatulong ito sa kanilang paggaling. Ito rin ang dahilan kung bakit pinakukuluan o pinapasteurize ang gatas upang mapatay ang mycobacteria.

May tatlong stages ang TB. Sa early infection stage ang impeksyon ay hindi nararamdaman at maaaring gumaling ng kusa. Ang susunod ay ang dormant stage. Ang TB ay lumaganap sa katawan ng biktima ngunit hindi pa rin ito nararamdaman. Finally, sa active stage ang paglala at pagkalat ng TB infection ay magbibigay na ng sintomas na mararamdaman ng maysakit.

Sa umpisa, o during the early infection stage, kaya ng katawan na gumawa ng depensa laban sa TB bacteria. Dahil sa immune system natin naa-isolate ang bacteria sa pamamagitan ng paggawa ng tubercles. Diyan galing ang katagang tuberculosis.

Maaaring for many years, ang isang tao ay mayroong inactive o dormant tuberculosis. Hanggang kaya ng immune system, ang impeksyon any makokontrol at hindi kakalat. Pero sa oras na nanghina na ang katawan

pati na ang immune system, kakalat na ang impeksyon at magiging active na ito.

Kung active na ang impeksyon, sisirain na ng TB ang baga at ito ay magkakaroon ng mga “cavities”. Ang pus o nana  sa mga cavities na ito ang inilalabas bilang plema kapag umuubo. Kadalasan may kasamang dugo ang plema ng taong may active cavitary tuberculosis.

Sa stage na ito, ang infection ay maaaring kumalat sa buong katawan  at maging dahilan ng pagkamatay.  Dahil sa highly infectious stage ito, kung hindi kaagad malapatan ng tamang gamot, madaling kakalat ang TB sa ibang tao lalong lalo na sa mga kasam-bahay.

Mag-ingat sa TB. Mapanganib ang sakit na ito sa bata man o matanda.

August 20, 2009 55 Tuberculosis: Part 2



Top | Home

Bagamat meron ng mga bagong gamot para sa tb, laganap parin ang TB sa ating bansa. Alamin natin kung bakit.

Ang mga sintomas ng TB ay matagalan at matinding pag-ubo, lagnat na tumatagal ng mahigit sa isa o dalawang linggo, pangangayayat, pagpapawis kung gabi, pagkapagod, at kawalan ng ganang kumain. Kapag advanced na ang TB may sumasamang dugo sa plema tuwing uubo.

Napaka infectious ng TB. Madali itong naililipat sa ibang tao lalo na sa mga kasam- bahay at kapamilya. Kung mayroong may TB sa inyong bahay, ang lahat ng kasambahay ay kailangang magpacheck up upang tiyakin kung sila ay may TB rin.

May mga tests upang tiyakin kung tb nga ang sakit, katulad ng tuberculin skin test kung saan may liquid na ini-inject sa ilalim ng balat ng braso at sinusuri ito pagkalipas ng dalawang araw kung negative o positive ang resulta.  Sa sputum test,   sinusuri sa laboratoryo ang plema  kung ito ay may TB bacteria.. Sa chest x-ray, makikita rin kung may TB ang baga.

Ang TB ay madaling gamutin kung tama ang pag-inom ng gamot. Subalit ngayon ay mayroon nang tinatawag na mrtb o multi-drug resistant tuberculosis. Ang bagong strain ng TB bacteria na ito ay lumabas dahil hindi iniinom ng wasto ng pasyente ang kanilang mga gamot. Ang bacteria kasi ay palaging nagbabago o nagmumutate upang ilagan ang gamot na pumapatay sa kanila. Kapag vhindi kumpleto and pag-inom ng gamot lumalabas ang mga bagong strain na hindi kayang patayin ng dating gamot.

Ang pagka-antibiotic resistant ng mga bagong bacteria na ito ang isang dahilan sa paglaganap na TB dito sa atin. Ang masama pa, papaunti ng papaunti ang mga epektibong gamot laban sa bagong bacteriang ito.

Pinapayuhan ko ang mga may TB na inumin ang gamot hanggang makumpleto ang treatment cycle na inuutos ng doktor.

January 14, 2009 51 Weight Loss Program Part 1



Top | Home

Alin ang nararapat sa iyong weight loss programs? Atkins, South beach?, Weight loss supplements?

Kung ang inyong sagot sa sumusunod na tanong ay, oo, malamang na tugma sa inyo ang weight loss program na iyon.

1. Kumpleto ba ang mga grupo ng pagkain na nasa dietary plans katulad ng prutas, grains, gulay at dairy products?  Kapag kulang ang mga ito maaaring kakapusin ka sa bitamina, mineral at iba pang sustansya at mahihirapan kang ipagpatuloy ang pagdidiyeta ng matagalan.

2. Mayroon bang sapat na calories ang nasabing plano para sa pangangailangan ng katawan mo?  Ang mga babae ay nangangailangan ng a minimum of  1,400 to 1,600 calories per day. Ang mga lalake naman ay, a minimum of  1,800 to 2,000 calories per day.

3. Kasama ba sa plano ang ilang paborito mong pagkain?  Kapag wala ang mga paborito mong pagkain malamang ang dietary plan na ito ay hindi mo masusunod.

4. Tugma ba sa iyong lifestyle at budget ang nasabing plano?  If not, tiyak na hindi matutuloy ang iyong pagdidiyeta.

5. May activity at exercise component ba ang plano? Mahalaga ang mga ito sa pagme-maintain ng weight loss.  Ang mga planong nangangako ng mabilisang pagbaba ng timbang kahit walang kasamang exercise ay dapat iwasan.

Alalahanin na mas mabuti ang gradual weight loss.  Ang pagbaba ng isa o dalawang libra bawat linggo ng timbang ay o.k.  Sa mga taong nangangailangan ng mas mabilis na pagpapapayat, a doctor’s supervision is necessary.

Mag-ingat sa mga programang nangangako ng madalian at mabilisang weight loss na walang kaukulang pagbabago ng food intake at activity levels.  Malamang hindi ito epektibo.

January 15, 2009 52 Weight Loss Program Part 2



Top | Home

In one corner, the veteran Atkins diet introduced by Dr. Robert Atkins noong 1970’s. Sa kabila naman the new kid on the block, the South beach diet,  introduced in 2003 by Dr.aAthur Agaston.  Alin kaya ang mas magaling?

Ang totoo niyan hindi masyadong nagkakalayo ang dalawa. Both emphasize na ang kanilang program ay panghabang buhay na plano para sa wastong nutrition at pag-iwas sa ilang maseselang sakit.  Ang weight loss (pagbaba ng timbang) ay natural na resulta lamang ng mga pangunahing objectives na aking binanggit.

Parehong low carbohydrate diets ang dalawang programa.  Sa unang dalawang linggo malaki and igagaan ng dieter.  Ang sabi ng atkins ay “substantial loss”, ang south beach naman ay tinatayang maaaring gumaan ang dieter ng walo(8) hanggang labing tatlong (13) libra sa unang dalawang linggo.

Nagkakasundo ang dalawang programa na mula sa pangatlong linggo, isa hanggang dalawang libra bawat linggo ang mawawala hanggang sa maabot ang wastong timbang. Mula dito may mga patakaran pa rin na dapat sundan upang ma-maintain ang tamang timbang.

Parehong ipinagbabawal ng atkins at south beach diets ang mga carbohydrates katulad ng kanin, pasta, alcohol, asukal, french fries at baked goods. Ang teory nila ay masama ang epekto ng mga ito sa blood sugar at insulin level na nagiging sanhi ng katabaan at iba pang sakit.  Pinapalitan ang mga ito ng mga carbohydrates galing sa gulay at prutas na siya raw nagbabalanse ng blood sugar level at nagpapababa ng insulin. Ang resulta ay weight loss.

Both camps allow consumption of meat and meat products.  Inirerekomenda ng south beach diet ang lean meats.  Ang atkins naman ay pumapayag ng meats maski na may taba.

Ang pagkakaiba ay na sa approach.  Ang atkins ay masyadong structured at parang restrictive para sa maraming tao.  Ang south beach naman ay medyo maluwag. Pinapayagan dito ang dieter na sumubok ng ibat ibang low carb na pagkain at kumain ng kaunting panghimagas.

Kaya nasa inyo na kung alin sa dalawang program ang inyong susundin: atkins o south beach, pareho itong mabisa bastat susundin lamang ng husto ang mga patakaran nito.

Maliban sa weight loss, nababawasan rin ang paghahanap o craving sa sobrang pagkain at dahil dito, mas malaki ang tsansa na mapanatili ang wastong timbang ng isang tao matapos niyang makapagreduce.  Ang katumbas nito ay less risk ng sakit sa puso, altapresyon, diabetes, at iba pang mga sakit na dala ng sobrang katabaan.

Mas maiging komunsulta muna kayo sa inyong doktor bago magsimula ng atkins, south beach o ano pa mang klaseng diyeta na pangpapayat.  Alalahanin na ang atkins at south beach diet ay hindi para sa lahat at maaaring hindi umepekto o makasama ito sa iba kung hindi wasto ang paggamit ng mga ito.  Bukas:  how safe are weight loss supplements?
Lose your excess weight and stay healthy!

January 19, 2009 53 Weight Loss Program Part 3



Top | Home

Napakaraming mga weight loss supplements ang ibinebenta ngayon. Safe at talagang epektibo ba ang mga ito?

Kapag sinabi bang “natural” , safe na ito?  Ano ang ibig sabihin ng “ Doctor’s recommended” o kaya ay “clinically proven”.

Sa totoo lang, hindi madaling malaman kung tunay ang mga claims na ito. Unang una, “natural” doesn’t necessarily mean “safe”. Alalahanin na may mga natural ingredients na maaaring makaapekto sa puso at iba pang parte ng katawan.  Alalahanin din na
Walang ahensya ng pamahalaan o  pribadong sektor na nag e-evaluate ng ibat-ibang benepisyo na isinasaad ng mga labels na ito.

Dahil may kahinaan ang regulating body na nag-aalaga ng interest ng publiko tungkol sa bagay na ito, ang manufacturers ay maaaring maglagay ng kung anu anong claims katulad ng “clinically proven” sa kanilang produkto kahit na wala silang hawak na katibayan tungkol dito.

Matuto tayong maging suspicious sa mga claims na ito.  Katulad na rin ng mga product endorsement ng mga tinaguriang experts.  Maaaring hindi ito sinasangayunan ng nakararami sa kanilang propesyon.  Kadalasan, ang endorsement ay galing sa mga taong may financial interest sa produkto.

Halimbawa, totoo kaya ang claims ng isang produkto na ito’y makakababa ng timbang habang ang umiinom nito ay natutulog?

Marami sa mga weight loss products ay mayroong diuretic o water pill.  Ang sangkap na ito ay naglalabas ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Kaya mas magaan ang timbang  mga ilang oras matapos inumin nito.  Hindi taba ang nawawala kundi tubig lamang.

Kaya binabalaan ang lahat ng nais magpapayat.  Maraming pera ang natatapon sa mga produkto oserbisyo na hindi lamang walang epekto ngunit mapanganib pa sa inyong kalusugan.

Alalahanin, mas makakabuti pa ang mag-exercise regularly at kumain ng healty at balanced diet na mas kakaunti kaysa dati.

March 30, 2009 150 Bungang Araw



Top | Home

Hindi itinatanim, ngunit tumutubo, hindi naman inaalagaan ngunit malakas magbunga na hindi naman naani? Ano siya?

Parang bugtong na nakakaloko di ba? Talagang nakakaloko ang bungang-araw dahil sa kati nito. Kapag minalas pa napapaltos ito at napakahapdi.

Tag-araw na naman panahon ng bungang araw.  Hindi ito nakakamatay ngunit hindi nakakatuwa dahil sa discomfort na dulot nito.

Ang bungang araw ay sanhi ng pagkabara ng mga sweat glands. Dahil dito lumalabas ang parang maliliit na butlig na makati.  Madalas tumutubo ito sa noo, sa likod, dibdib at mga braso.  Lumilitaw ito kapag mainit at humid ang panahon.

Makati at parang tinutusok ng maliliit na aspili.  Naiiwasan ang bungang araw sa pamamagitan ng pagpaligo araw-araw, iwasan ang labis na pagbilad sa araw, patuyuin palagi o pahiran ang pawis sa katawan, gumamamit ng maluwag at magagaan o manipis na mga damit.

Ang kailangan lamang sa paggamot ng bungang araw ay ang maingat na paglinis ng mga bahagi na mayroon nito, lagyan ng corn starch o baking soda ang bungang araw at kung labis ang pangangati o nagkaroon ng infection ay kumonsulta sa doktor.

Maaari din ninyong gamitin ang pinakuluang mga dahon ng neem tree – one-third dahon ng neem tree at two thirds tubig.  Ipaligo ito araw-araw hagang mawala na ang bungang araw.

March 13, 2009 145 Heat Stroke



Top | Home

Kapag tumaas ng labis ang temperatura ng katawan at hindi na nito kayang palamigin,  heat stroke  ang tawag dito.  Ito ang pinakamatinding sakit dahil sa init. Nangyayari ito kapag wala ng maipapawis ang katawan dahil tuyo na ito o dehydrated o di kaya  dahil sa sobrang humidity.  Ang pagpapawis ang siyang natural na paraan ng pagpapalamig ng katawan.

Ang isang tao ay maaaring magkaheat stroke dahil sa sumusunod:

  • Sobrang init ng panahon
  • Labis na pag-eehersisyo habang mainit ang panahon o ang kapaligiran
  • Nawawalan ng tubig ang katawan o dehydration
  • Labis na pagbilad sa init ng araw.

Ang mga unang sintomas ng heat stroke ay:

  • mainit na balat
  • pagkahilo
  • halos nawawalan ng malay
  • panghihina
  • masakit na ulo.

Maaari itong lumala at umabot sa emergency condition kapag tumaas ang lagnat hanggang 41° C; bumilis ang heart beat, magkaroon ng convulsion, delirium at pagkawala ng malay tao.

Upang maiwasan ang heat stroke tandaan ang mga sumusunod:

  • Bawasan ang pagpapainit sa labasan.
  • Iwasan ang mga lugar na masyadong maiinit lalo na kapag may physical exertion;
  • Uminom ng  maraming tubig at gawin itong madalas
  • Magsuot ng kaukulang damit katulad ng long sleeve shirt, mahabang pantalon at malapad na sombrero pag na sa init ng araw
  • I-schedule ang mga mabibigat na physical na trabaho sa umaga o sa hapon kung kailan mas malamig ang panahon at mahina na ang init ng araw.

Ito naman ang mga emergency treatment para sa heat stroke:

  • ilipat kaagad ang bikitma sa malilim o malamig na lugar.
  • pahigain ito na nakataas ang mga binti
  • kung may malay, painumin ng malamig na tubig
  • alisin ang damit, basain ng malamig na tubig ang balat at paypayan
  • lagyan ng ice pack sa kilikili, pulso, sakong at sa singit
  • kaagad dalhin ang biktima sa ospital pagkatapos malapatan ng emergency treatment.

Tandaan! Ang heat stroke ay isang medical emergency. Huwag magaksaya ng panahon.

April 13, 2009 154 Its Summer na Naman



Top | Home


It’s summer time na naman! Excited ang lahat. Ang mga chiquiting, mga teenagers, si pop at si mom, pati si lola at lolo.  Sunny days! Fiesta! Swimming sa pool, sa beach. Picnic. Camping, sightseeing! Pasyal sa probinsya.

Para segurado na todo enjoy sa buong summer  kailangan ang maayos na paghahanda at pag-iingat dahil ang summertime ay may dala rin na mga panganib katulad ng:

  • Mga sakuna sa daan
  • Pagkalunod
  • food poisoning
  • diarrhea at iba pang sakit
  • mga sugat at bali

Ito’y ang ilang paalaala:

  • Bago lumakad check-upin ng mabuti ang sasakyan
  • Mag-dala ng tool
  • repair kit at first aid kit
  • huwag magmaneho kapag nakainom
  • sundin ang lahat na traffic rules
  • huwag payagan magmaneho ang hindi pa marunong.

Huwag pabayaan ang mga batang lumangoy na walang kasama, magsuot ng life vest kapag nasa laot.  Huwag lumangoy kung nakainom, huwag magbabad sa init ng araw ng mahigit sa 3 oras upang maiwasan ang sunburn, sunstroke at ang heat stroke.  Uminom ng maraming tubig upang hindi ma-dehydrate.

Lutuin ng maiigi ang pagkain. Huwag magbaon ng mga madali mapanis.  Kung maaari bagong luto ang pagkain o initin bago ihain.  Iwasan ang pag-inom ng tubig na hindi tiyak ang kalinisan.  Pakuluin ang tubig o lagyan ng chlorine kung kailangan. Hugasan ang mga prutas at gulay bago ihain.  Tiyakin na malinis palagi ang mga kamay pati rin ang mga kagamitan.

Iwasan ang mga destination na may red tide, malaria, o iba pang nakakahawang sakit. Tiyakin na malinis ang beach o ilog na pupuntahan at mayroong toilet facilities.  Magdala ng mga pang-emergency na gamot para sa sama ng tiyan, sakit ng ulo at mga sugat. Iwasan ang paglalasing at pakihalobilo sa mga taong naglalasing o magugulo lalo na kung hindi kilalala.

Alamin kung saan maaaring pumunta kung may medical emergency o kailangan ang tulong ng pulis.

Summer is meant for fun. Prepare well and think safety first all the time.

April 3, 2007 75 Hindi Love Ku'to



Top | Home

Ang paksa natin ngayon ay tungkol sa kuto. Di makakaila na marami parin sa atin ang may kuto sa buhok.  Ang kuto ay maliit na insecto na naninirahan sa katawan ng tao at nabubuhay sa pagsipsip ng ating dugo.

May tatlong uri ng kuto. Ang una ay ang head lice o kuto sa ulo na matatagpuan sa buhok ng ulo.  Ito ay makikita sa mga bata at matanda lalo na kung silay magkasamang nakatira at magkatabi kung natutulog.  Ang isa pang uri ng kuto ay ang tinawag na pubic lice  o crabs sa ingles, na nagpupugad sa pubic area, pilik mata at buhok ng kili-kili.  Meron din tayong tinatawag na body lice na tumitira sa ating mga damit at lumilipat lamang sa ating katawan upang kumain.  Ang mga kuto ay maaaring maging carrier ng ibat-ibang sakit.

Ang kuto ay madaling lumipat sa ating kapwa through body contact, hiraman ng damit, suklay at sumbrero.

Ang pangkaraniwang sintomas ng kuto ay pangangati sa apektadong bahagi ng katawan.  Ang labis na pagkamot ay maaaring mauwi sa infection ng anit o balat at pagkalagas ng buhok.

Madali malaman kung ang isang tao, lalo na kung madalas siyang nagkakamot, ay may kuto. Ang kailangan lamang ay isang masusing pagtingin sa buhok ng ulo, pubic area o damit.

Mahirap mawala ang kuto kung hindi magamitan ng tamang gamot.  Karaniwan, ang kuto ay nasusugpo sa pamamagitan ng paggamit ng cream, lotion o shampoo na may gamot na laban sa kuto na nabibili sa botica.

Ngunit may napakamura at epektibong gamot sa kuto na nais naming ipaalam sa inyo.  Ito ay makukuha sa puno ng neem o neem tree.  Ang  tubig ng pinaglagaan ng dahon ng neem tree ay napatunayan na mabisang pangpatay nang mga kuto kapag ginamit ito na shampoo o panligo sa katawan. Maaaring ulit-ulitin ang pag-shampoo o paligo ng pinaglagaan ng neem leaves hangang wala ng kutong  makita.  Kadalasan dalawa o tatlong beses lang ay patay na lahat ng kuto.  Mahalaga na lahat ng kasam-bahay ay mag-shampoo o maligo din nito.

Paano hinahanda ang neem  shampoo?

  • Maglaga ng dahon ng neem, one-part neem, three-parts water;
  • Palamigin, hanguin ang pinaglagaan;
  • I-shampoo. Ibabad ang buhok ng ilang minuto bago banlawan.

Maaaring ipaligo ito kung may body lice.  Mahalaga ding ibabad ang lahat ng damit at ibang gamit na maaaring tinitirhan ng kuto.

At isa pa, alam ba ninyo na mahusay din itong ipaligo sa mga asong may pulgas.

April 4, 2007 48 Sore Eyes



Top | Home

Ang sore eyes o conjunctivitis ay inflammation o pamamaga ng conjunctiva,  ang clear lining sa puting bahagi ng eyeball, at ng loob ng eyelids.

Ang sintomas ng sore eyes ay: pamumula, pangangati, at pagluluha ng  mata. Minsan nakakaramdam din ng parang may buhangin sa mata.  Paggising sa umaga maaaring naninikit ang mga pilikmata dahil sa eye discharge o muta.  At kuminsan sensitive ang mga mata sa liwanag. Mayroong tatlong uri ng sore eyes: Viral, bacterial at allergic.

Lahat ng nabanggit nating sintomas ay maaaring makita sa tatlong ito. Ngunit in general,  masasabing viral ang sore eye kung masyado ang pagluluha at kakaunti lamang ang  eye discharge.   Kung marami naman ang muta malamang ito ay bacterial.  At kung allergic type naman, nangingibabaw ang pangangati ng dalawang mata. 

Kung minsan sa mga sintomas lamang ay malalaman na ang dahilan ng sore eye.  Kaya mahalaga ang wastong pagsasalaysay ng mga ito sa inyong doctor para makagawa siya ng tamang diagnosis at makapaglapat ng tamang gamot.

Kung kailangan, maaari ring kumuha ng swab o sample ng discharge sa mata for analysis ang doctor upang makatulong sa pag diagnose kung anong uring sore eye ito. Napaka-infectious nang  viral at bacterial types na sore eye.  Madaling kumalat ito sa mga kasambahay.
 
Sa may sore eye, we advise na iwasang hawakan o kamutin ang mata.  Maghugas lagi ng kamay lalo na matapos hawakan ang mata. Maiging maghugas lagi ng kamay  ang mga kasambahay upang maiwasan na mahawa sila.  Huwag gumamit ng tuwalyang  pampunas ng mata. Tissue paper ang gamitin at itapon agad pagkagamit.

Huwag makishare ng  cosmetics na pangmata. Ang ibang sakit sa mata ay maaaring mapagkamalang sore eye.  Kaya kailangan kapag parang nagkaka-sore eye ka komunsulta sa espesyalista sa mata upang malapatan kaagad ng kaukulang lunas. Your eyes are your window to the world.  Keep them  beautiful and healthy.

March 31, 2009 128 Circumcision



Top | Home

Ang circumsicion o tuli ay ang pag-alis ng nakatakip na balat sa dulo ng penis o ari ng lalaki.  Maaaring gawin ito sa baby na may ilang araw pa lamang ang gulang ngunit maraming mga magulang ang naghihintay na lumaki ang bata bago sila ipatuli.

Ang pagtuli ay maaaring dahil sa religious, social o cultural na kadahilanan. May kaunting medical benefits ito ngunit hindi sapat upang irekomenda ng Phil. Pediatric Society na gawin ito sa lahat ng mga bata.  Kaya ipinapababahala sa mga magulang ang magpasya tungkol dito.

Ang benepisyo sa pagtuli ay ang sumusunod:

  • bumababa ang risk ng urinary tract infection o UTI;
  • bumababa din ang risk ng cancer of the penis sa mga tuli kahit hindi ito pangkaraniwan;
  • mababa din ang risk ng STD’s o sexually transmitted diseases pati na rin ang HIV at AIDS;
  • naiiwasan ang fore skins infections;
  • naiiwasan din ang phimosis kung saan hindi maiurong ang balat sa dulo ng penis at nagsisikip ang pagdaan ng ihi.

Maliban dito, mas madali linisin ang penis kapag tuli.

Kung may dahilan na magpatuli mayroon ding dahilan ang iba na umayaw katulad ng:

  • infection na dala ng surgery bleeding,
  • kung minsan mapaiksi o masyadong malaki ang na alis na balat na maaaring maging problema sa erection ng penis.

Dahil dito mas mabuti na kung ang bata ay magpapatuli, sa doctor sila sumangguni upang maiwasan ang mga complication na ito.

October 26, 2007 175 Measles



Top | Home

Ang measles ay napaka contagious na sakit. maari ito magsimula ng epidemic. mabuti na lang at mula noong 1963 ng magkaroon ng bakuna para dito, nakontrol na ito, ngunit hindi eradicated completely.

Kahit sino ay pwedeng magkasakit ng measles. ang karamihan ng nagkakaroon nito ay ang mga batang hindi nababakunahan o mga adults na hindi nakapagpabakuna uli. Naikakalat ang measles sa pamamamagitan ng contact sa mucous secretion ng lalamu-nan o ilong ng mga may sakit.

Dalawang baytang ang sintomas ng measles. sa una, sipon, ubo at konting laganat. pamumula ng mata at pagka-silaw sa liwanag. susunod, pagkalipas ng tatlong araw  ay mataas na lagnat, at lala-bas ang mapupulang butlig. tatagal ito ng apat hanggang pitong araw. ang mga butlig ay magsisimula sa mukha at kakalat sa buong katawan.
Maaari ding may lumabas na puting singaw sa loob ng pisngi at gilagid. ang tawag dito ay koplik spots.

Ang measles ay nakahahawa limang araw bago lumabas, hanggang limang araw na lumitaw ang rashes.  Ang mga complikasyon mula sa measels ay pulmonia, encephalitis o inflammation ng utak, sakit sa loob ng tainga at kombulsyon.
Maiiwasan ang measles sa pamamagitan ng bakuna na mmr o measles mumps and rubella.  Dapat gawin ito pag ang bata ay 12-15 months old, at sundan ng pangalawang dose pag ang bata ay anim na taon. kadalasan ang pangala-wang bakuna ay kasabay ng  bakuna sa diptheria o dtap, at booster dose para sa polio. ang mga taong hindi pa na bakunahan mula ipina-nganak ay maari ding magpakuna.  Dumulog sa inyong doktor o sa malapit na government hospital or health center at mag tanong tungkol sa libreng bakuna.  Ang gamot sa measles ay nutritional support, pag-inom ng maramaing tubig at juices, at antibiotics na reseta ng doktor. ingatan na hindi maikakalat ang sakit sa ibang tao. huwag palabasin ang may sakit hanggang hindi pa lubusang magaling.

Ang mga baby ay may mana na proteksiyon sa kanilang ina hanggang walong buwan.  ang mga nagkaroon na ng measles ay may immunity habang buhay. bawal bigyan ng measles vaccine ang mga buntis, ang may tb, o may cancer. ang maybalak magkaanak ay magpabakuna na muna.

April 14, 2009 151 Pigsa



Top | Home

Isang maling paniniwala na ang pigsa ay singaw na lumalabas sa katawan dahil sa init. Walang katotohanan ito, dahil ang pigsa ay nagsisimula bilang impeksiyon sa hair follicle o ugat ng balahibo. Paglumala ang infection nagiging boil o pigsa na puno ng nana. Kung minsan ang nana na ito ay tumitigas na siyang nagiging parang mata ng pigsa.  Ito ay sanhi ng bacteria na staphylococus aureus. Nakukuha ito sa pamamagitan ng direct skin contact o contact sa mga lugar na mayroong bacteriang  ito. Mas malimit ang sakit na ito sa mga bata, lalo na kapag may diabetes, malnutrition, o iba’t ibang dahilan na may kinalaman sa mahinang immune system.

Ang mga palatandaan ng pigsa ay pamamaga at pamumula ng balat sa infected area; at unti-unting pagkatunaw ng balat sa gitna ng infection habang dumadami ang nana.
Madaling maiwasan ang pigsa. Kailangan lamang palaging linisin ang katawan. Sabunin at hugasan ang mga kamay at maligo ng isang beses kada araw.  Kung mayroon na kayong pigsa tandaan ang mga sumusunod:  Huwag hawakan ang pigsa lalo na kung marumi ang kamay; huwag pisilin o pisain ang pigsa dahil lalong kakalat ang impeksyon; lagyan ng hot compress upang maibsan ang sakit; pansamantalang takipan ang pigsa upang hindi madumihan; ang malalang pigsa ay kailangan buksan upang alisin ang nana; uminom ng antibiotic  alinsunod sa utos ng inyong doktor.

Masakit ang pigsa ngunit mas masakit ang panghabang buhay na resulta nito lalo na sa mga kababaehan, dahil kung ang pigsa ay tumubo sa mga exposed na bahagi ng katawan katulad ng mga binti o braso mag-iiwan ito ng pangit na peklat.

April 15, 2009 174 Mumps



Top | Home

Ang mumps o beke ay isang viral disease na may kasamang lagnat,  at pamamaga ng salivary glands.  sanhi ito ng virus na paramyxovirus. Kadalasan, ang mga biktima ng beke ay mga bata na may gulang na lima hanggang labinglimang taon. ngunit kung minsan nagkakaroon din nito ang mga mas matatanda.  marahil hindi sila nabakunahan sa mulat mula pa.

Nakahahawa ang beke kaya dapat manatiling nakakulong sa bahay ang may sakit hanggang sa gumaling na siya.  Nakukuha ang mumps o beke pagnagkakontact sa laway o sipon ng mga may sakit. Ang incubation period nito ay labing anim hanggang labing walong araw na maaring tumagal hanggang 25 days. Nakaaapekto ito sa central nervous system na maaaring mauwi sa encephalitis o inflamation ng utak, o meningitis o inflmanation ng covering ng utak at spinal column. Ang iba pang compli-kasiyion ay sa kidney, thyroid glands, suso, arthritis, at pagkabingi.  Ang mga adult na lalaki na nagkakabeke ay maaaring mamaga ang testicles. Ito ay posibleng maging sanhi ng pagkabaog

Ang mga sintomas ng beke ay dalawang araw na masamang pakiramdam, at pagtaas ng temperatura. susundan ito ng  masakit na ulo, pagkasilaw, at  kung minsan pagsusuka, pani-nigas ng panga kasabay ng pamamaga ng parotid gland. Dahil dito magiging parang maga ang mukha.  Madaling ma-diagnose ng dok-tor ang sakit dahil kitang kita ang mga sintomas nito. Pambihira ang sakit na ito sa babae at walang epekto sa fertility.

Upang maka-iwas sa beke dapat na magpabakuna ang lahat ng mga bata ng mrr o measles, at mumps rubella vaccine. Dalawang beses ginagawa ang pagbabakuna: Pag ang bata ay 12- to 15 months na, at pag six years old na siya.  Ang mga hindi dapat bakunahan ay ang mga batang may mahinang immunity sa infection, may allergy sa itlog, under radiation and long term steroid treatment at mga buntis.

January 23, 2008 89 Heart Attack vs Stroke



Top
| Home


Marami ang nagtatanong kung ang heart attack at stroke ay iisa lamang.  Magkaiba ang heart attack at stroke. Ang heart attack ay nangyayari dahil sa biglaang pagtigil ng supply ng dugo sa heart muscle, samantalang ang stroke naman ay dahil sa pagkawala ng blood supply sa utak.

Ang puso ay binubuo ng heart muscles na nangangailangan ng patuloy na supply ng oxygen at nutrients na dala ng dugo. Ang nagsu-supply ng dugo sa puso ay ang coronary arteries.  Kapag sumikip ang isang parte ng coronary arteries dahil sa kapal ng taba sa mga walls nito, maaaring unti-unting sumara ito o kaya biglang magbara ang nasabing ugat dahil sa pagbuo ng mga blood clots.  Maaari ding manggaling sa ibang bahagi ng katawan ang mga nakakabara sa mga ugat na ito.   Lahat sila ay maaaring maging sanhi ng sudden heart attack.

Unlike stroke hindi napaparalize ang mga nagkaka- heart attack.  Ngunit katulad rin ng stroke, ito ay maaaring maging sanhi ng biglaang pagkamamatay.

Utak naman ang naapektuhan ng stroke.  Nangyayari ito kapag biglang tumigil ang daloy ng dugo patungo sa isang parte ng utak.  Ang maaaring sanhi nito ay katulad rin sa heart attack, ang pagsisikip ng mga ugat at biglaang pagbabara nito.  Ito ang tinatawag ng ischemic stroke.  Ngunit maaari ding ang pagputok ng ugat at pagkalat ng dugo sa utak ang sanhi ng stroke. Ito naman ang tinatawag na hemorrhagic stroke.

Kadalasan ang dahilan ng hemorrhagic stroke ay ang matagalang altapresyon o mataas na blood pressure.  Dahil dito humihina ang walls ng mga ugat sa utak at eventually it can rupture.  The other common cause of hemorrhagic stroke is head injury. Kaya importateng naka helmet tayo kapag nagmo-motorsiklo o kaya naglalaro ng sports na maaaring mapalo ang ating ulo. 

Maaaari ding magkaroon ng hemorrhagic stroke kapag may aneurysm o ballooning of the walls of the arteries.  Ito ang nagiging sanhi ng paghina ng ugat.  May mga taong ipinanganak na mayroon na nito.

Tandaan magkaiba ang heart attack at stroke ngunit pareho silang deadly.

February 18, 2009 193 Stroke Prevention



Top | Home

Hindi totoo na ang matatanda lamang ang nagkakastroke, at hindi rin totoo na hindi ito naiiwasan. Kahit sino, at ano mang gulang ay maaaring magkastroke.

Mabuti na lang at may mga paraan rin upang bumaba ang risk sa stroke. Kailangan lamang pag ibayuhin ng mga doktor at pamahalaan ang pagpapalaganap ng kaukulang impormasyon sa mga pasyente at sa mga mamamayan.

Utak ang naapektuhan ng stroke. Kapag huminto ang daloy ng dugo sa alin mang bahagi nito dahil may pumutok o nabarang ugat, paralysis, pagkasira ng pananalita o kamatayan ang maaaring kahinatnan, kaya pagsikapang iwasan ito.

Maaaring maiwasan ang stroke sa pamamagitan ng pagkontrol ng mataas na presyon o hypertension, pagtigil o pag-iwas sa paninigarilyo, pagtigil o pagbawas ng pag-inom ng alak, pag-e-ehersisyo, at pagkontrol ng cholesterol.

Number one risk factor sa stroke ang altapresyon. Tinatagurian rin itong silent killer dahil madalas hindi ito nararandaman o kahawig ang mga sintomas nito ng  ibang sakit. Kaya kailangang magpa-check palagi ng blood pressure. Napapababa ang presyon sa pamamagitan ng  exercise, weight loss, avoiding fatty  at maaalat na mga pagkain, at pag-inom ng gamot upang pababain ang blood pressure.

Ang paninigarilyo at paglanghap ng second hand smoke ay major risk factor rin. Pinasisikip at pinatitigas ng mga lason ng tabako ang mga arteries kaya tataas ang blood pressure.

Ang pag-inom ng kaunting alcohol, lalo na ang red wine ay sinasabing nakakapag prevent ng hypertension at heart disease. Huwag lang labis ang pag-inom nito dahil lalong makakasama ito sa inyong katawan.

Mahalaga ang exercise sa pagkontrol ng altapresiyon. Mabisa ito para sa magandang kondisyon ng mga ugat at nagpapababa pa ng kolesterol.

Kolesterol naman ang nagbabara sa mga ugat at nagpapataas ng presyon. Iwasan ang matatabang pagkain at uminom ng gamot na inireseta ng doktor upang hindi tumaas ang kolesterol level.

Tandaan, marami  ang magaga wa upang maiwasan ang altapresyon at stroke. Pag-ukulan ang mga ito ng tamang pansin at panahon. Maaaring dito nakasalalay ang inyong kalusugan o di kaya buhay.

April 18, 2007 69 Bedwetting



Top | Home

Ang bedwetting o pag-ihi ng bata sa higaan ay pangkaraniwang problema at di dapat maging dahilan ng malaking pagkabahala.  Ngunit upang mapalagay ang mga magulang pati rin ang batang medyo malaki na at umiihi pa rin sa higaan, atin itong bibigyan nang pansin.

Ang bedwetting ay namamana.  25% ang chance kung ang isang magulang ay bedwetter at 65% naman kung ang dalawang magulang ay bedwetters nung maliliit sila.

Madalas ang bedwetting ay dahil sa kalaliman ng pagtulog ng bata at hindi dahil sa emotional problems.  Kung minsan sanhi din ito ng maliit na pantog o sobrang pag-inom  bago matulog.  Pangkaraniwan ay humihinto ito kapag ang bata ay may lima o anim na taong gulang na.

Sa mga batang 5 taong gulang,  15% ay bedwetters pa.  Sa edad na 15, 1-2% na lang ang bedwetters.  Kadalasan, hindi kailangang gamutin ang bedwetting.

Huwag pagalitan o parusahan ang bata dahil sa bedwetting.  Syempre yung malalaki na, ikinahihiya nila ang problemang ito at kailangan bigyan sila ng kaukulan paliwanag upang mapalagay sila.  Kasabay nito, dapat gumawa ng paraan ang magulang upang mabawasan ang abala katulad ng sumusunod:

  • Paglagay ng absorbent pads o waterproof linings sa kama;
  • Kailangan siyang bumangon kung gabi at pumunta sa banyo kung nararamdaman niya na napapaihi na siya. 
  • Iwasan ang pag-inom ng marami bago matulog;
  • Paihiin ang bata bago matulog;
  • Huwag siyang pagalitan o hiyain para hindi masira ang kanyang self-esteem.

Paglampas ng bata sa anim na taon at umiihi pa siya sa kama, kumonsulta na agad sa inyong doktor.

April 19, 2007 199 Mapanganib ba ang Computer Games



Top | Home

Ang mga bata ay enjoy sa paglalaro ng computer games. Besides, nakakatulong rin ito sa pagbawas ng tension, pagpraktis ng kanilang visual, problem-solving, at motor skills. Kaya lang may mga panganib na dala ang computer games.

May mga pagsisiyasat na  nagpapatunay na:

Natututo maging violent ang mga bata kung ang kanilang nilalaro na computer games ay violent, lalo na kung Ipinakikita na ang violent behavior ay ginagantimpalaan. kailangang matuto ang mga bata  na ang violent na ugali ay may mabigat na consequences. Mas graphic ang violence sa computer game mas mataas ang impact nito sa bata. Maaaring matuto ng sexual violence ang mga bata, lalo na ang mga lalaking teenager dahil nasa development stage pa lamang sila at nagsisimula pa lamang  makipagrelate o makisalamuha sa mga kababaehan.

Piliing mabuti ang mga computer games bago bilhin. Kung minsan mukhang harmless ang mga ito. Huwag bilhin ang games na violent at  mayroong  sexual themes. Bilhin ang games na nagbibigay ng constructive learning, mas complex kaysa suntok, lundag, at barilan lamang at iyong nag-e-encourage ng group activity upang mapipilitan ang bata na mag-isip ng strategies, problem solving at gumawa ng desisyon.

I-monitor ang gamit ng computer at video games.  Maglagay ng mga rules tungkol sa paglalaro ng computer games. Linawin sa mga bata ang mga games na bawal nilang laruin, makigpagdialogue sa bata tungkol sa mga games, ang pagbabawal dito at kung ilang oras sila papayagang maglaro nito. Ilagay ang computer sa lugar na nakikita ng lahat, kausapin at tanungin ang mga bata tungkol sa games na nilalaro nila sa labas.

Obserbahan ang pangkalahatang kalusugan at kilos ng bata pagkatapos maglaro ng computer games: agresibo ba siya? Mukhang takot o nalulungkot?  Bantayan ang mga palatandaan na  ang bata ay nagiging addict sa computer games katulad ng pagbabago ng eating habits, mga moods, performance sa eskwela, at pakikisama sa mga kaibigan. Maaring mga babala ito na may problema.

October 30, 2009 114 Normal Skin Care



Top | Home

Ang balat ang ating pangunahing panangga laban sa ating kapaligiran at ito ay may mahalagang papel din sa ating kaanyuan.  Kaya dapat nating pangalagaan ang ating balat upang ito ay manatiling malusog at maganda.

Para nating mapangalagaang mabuti ang ating balat sundin ang mga payong ito: 

  • matulog ng sapat;
  • kumain ng tama;
  • kung kailangan, gumamit  ng tamang skin care products para sa inyong balat;
  • mag-exercise
  • iwasang mabilad ng matagal sa araw
  • huwag manigarilyo.

 
Ang kalinisan ang pinakamahalagang bahagi sa pangangalaga ng balat.
Anuman ang uri ng iyong balat: dry, oily o combination, be gentle with your skin.

Sa paghuhugas ng mukha, gumamit lamang ng tubig at mild soap.  Alalahanin na ang matapang na sabon ay nag-iiwan ng tuyong balat dahil sobra itong magtangal ng langis sa balat.  Kung kayo ay may sensitive skin, iwasan ang mga produktong may pabango at dyes and colorants na maaaring maging dahilan ng allergy.
 
Kadalasan, kailangan natin hugasan ang ating mukha sa umaga pagkagising, sa gabi bago matulog at pagpinawisan, halimbawa, matapos mag-ehersisyo.  Hindi kailangang hugasan ng madalas ang dry skin ngunit para sa oily skin naman, mainam na hugasan ito ng mas madalas.

Ang madalas na pagbibilad sa araw ay sanhi ng madaling pangungulubot at pagtanda ng balat.  Kapag nasa arawan, magsuot ng sumbrerong lililim sa mukha o magpayong.  Magsuot ng may mahabang manggas.  Makakatulong din ang gumamit ng sunscreen lotion upang ma-protektahan ang balat sa sobrang init ng araw.  Makakatulong ang mga ito sa pag-iwas sa skin cancer.

Tandaan: matulog ng sapat, mag exercise at kumain ng tama.

October 16, 2009 97 Tinea Infection: Fungal Infection



Top | Home

Ang an-an o ringworm at alipunga o athletes foot ay mga impeksyon dahil sa isang klase ng fungus na kung tawagin ay tinea.  Ito ay maaaring tumubo sa balat, sa kuko, at sa anit. Tumutubo itong pabilog na parang singsing kaya ang tawag dito sa ingles ay ringworm ngunit sa totoo lang, wala itong worms kundi fungus.

Maaari kayong mahawa ng fungal infection pag napahipo kayo sa taong mayroon nito. Gustong-gusto ng fungus ang mga lugar na medyo basa kagaya ng sahig ng mga public showers at locker rooms. Pwede rin ito makuha sa mga alagang aso, pusa. at pambukid na mga hayop na may fungal infection. Dapat mag-ingat!  Kadalasan ang balat ng hayop na nawawalan ng balahibo ay may fungal infection na.

Iba’t iba ang pangalan ng tinea infection, depende kung saan ito tumutubo. Kung sa katawan, tinea corporis ang tawag dito; kung sa paa, tinea pedis o athlete’s foot sa ingles; kung sa kuko, tinea unguim dahil unguium ang kuko sa wikang latin; kung sa singit, tinea cruris o jock itch sa ingles; at kung sa ulo o anit, tinea capitis.

Kumonsulta sa doktor upang matiyak kung tinea fungal infection nga ba ang  problema. May ibang mga sakit sa balat na sa biglang tingin ay parang fungal infection ngunit iba ang kailangan na gamot. Kung  kinakailangan naman, kukuha ang doktor ng sample sa infected area upang siguruhin ang diagnosis, pagkatapos ay magrereseta ito ng gamot. Kadalasan kailangan magpahid ng special cream laban sa fungus sa lugar ng may infection sa loob ng ilang linggo.

Ang mga infection sa katawan, ulo, at kuko ay matagal gumaling. Kadalasan, kailangang uminom pa ng gamot laban sa fungus. Ang pagagamot ay maaaring umabot ng ilang buwan.  Ang malinis at tuyong balat ang pinakamabisang panangga sa tinea fungus.

Gawin din ninyo ang mga sumusunod:
-Panatilihing tuyo at malinis ang mga paa
-Tiyakin na palaging malinis ang mga sapatos;
-Magpalit ng medyas araw-araw;
-Patuyuing mabuti at gumamit ng disinfectant sa paa lalo na pag-umapak sa sahig ng     mga public shower, locker room o sauna room;
-Huwag manghiram ng sapatos sa iba;
-Tiyakin na ang inyong mga hayop ay walang  fungal infection;
-Humingi ng tulong sa veterinario kung kailangan.

Mag-ingat sa fungal infection, dahil nakahahawa ito.

April 25, 2007 144 Chelation Theraphy



Top | Home

Ano ang chelation therapy? Epektibo nga ba ito?

Ang chelation therapy ay isang procedure kung saan hinahaluan ang dugo ng pasyente ng chemical na EDTA o ethylenediamine tetraacetic acid.  Ang EDTA ay kadalasang ginagamit sa lead o mercury poisoning dahil ito ay kumakapit sa mga metal na ito.  Ang paggamit ng EDTA sa ganitong paraan ay ang tinatawag na chelation.  Ang EDTA ay kumakapit din sa calcium.  Dahil dito mayroon silang paniwalang na ang calcium na nagpapatigas ng plaque na nakakabara sa mga ugat ay maaaring maalis sa chelation at maibabalik ang ugat sa dating kalusugan nito.

Pagkatapos ang mahabang pagsusuri ng lahat na data tungkol sa chelation therapy, ito ang sinabi ng iba’t ibang pangunanhing kuponan ng mga syentipiko at doktor na dalubhasa sa issue na ito.

“The AHA’s clinical science committee has reviewed the available literature on the use of chelation (edta) in the treatment of arterioschlerotic heart or blood vessel disease and finds no scientific evidence to demonstrate any benefit from this form of  therapy.... employment of this form of unproven treatment may deprive patients of ... many other valuable methods of treating these diseases.”

“We have concluded that the benefits claimed for this form of therapy are not scientifically proven. That is why we do not recommend this type of treatment”.

 “No party has ever provided us with an orgnized submission…to show that it is an effective therapy in ather-oschlerosis..under the circumstances we have had no choice but to prevent improper promotion of the drug and to point out its uproven status.

Halos ganon din ang sinabi ng Amercian Medical ASSN.  At ang ating national heart, lung and blood institute. Kaya suma total hindi napapatunayan ang bisa ng chelation therapy at maaaring maka-sama pa ito sa mga may sakit dahil hindi sila malulunasan ng tamang gamot. Maliban dito ang chemcal na edta ay nakakasira sa kidney, may cause bone marrow depres-sion, low blood pressure, convulsions, irregular heart rythm, allergic reaction at respiratory arrest.

Ang mga nagsasabi na epektibo ang chelation ay maaring dahil lamang ito sa ibang ginagawa nila, katulad ng pagtigil ng sigarlyo at pagbabago sa lifetstyle o kaya may ibang gamot silang iniinom.

Habang wala pang conclusive scientific evidence na ang chelation therapy ay mabisa, ang payo ko ay huwag kayo magsaya ng inyong pera at bagkus pa, maari din itong makasama sa inyong katawan.

December 30, 2008 164 Alzheimer's Disease



Top | Home

Nitong nakaraang ilang dekada, naging matunog ang sakit na alzheimer’s disease  dahil sa mga VIP na nagkaroon nito katulad ni dating U.S. President Ronald Reagan.  Nadiskubre ni Dr. Alois Alzheimer, isang doktor na Aleman, ang sakit na ito noong 1907.      .

Ang alzheimer’s disease ay sakit ng matatanda na sanhi ng unti-unting pagkasira ng brain cells na nagdadala ng mga mensahe o transmitters particular na ang mga cells na may kinalaman sa ating memory.  Dahil dito unti-unting hindi na makaalala ang may sakit nito.  Hindi alam ang dahilan ng pagkasira ng mga brain cells na ito.  Ang hinala, may kinalaman dito ay ang genetic factor o heredity.  Ibig sabihin malamang namamana ito.

Ang mga palatandaan ng alzheimer’s ay ito: 

  • Pagkawala ng memory. Hindi  maaalaala ang nakaraan,  mga bagong kakilala, mga pangyayari at mahalagang mga nimpormasiyon.
  • Nahihirapan isipin o sabihin ang mga wastong kataga.
  • Nahihirapan umintindi ng sinasabi ng kausap.
  • Nahihirapan gumawa ng mga pangkaraniwang gawain.
  • Pabago-bago ng mood at personalidad.

Dito sa atin hindi masyadong napapag-usapan o nahahalata ang dami ng may alzheimer’s. Marahil, maswerte tayo dahil sa ating extended family system kung saan ang mga matatanda ay inaalagaan ng mga kamag-anak sa sariling bahay.

Sa ngayon wala pang mahusay na paraan upang iwasan o gamutin ang may alzheimer’s disease.  Ang tanging magagawa lamang sa ngayon ay bigyan sila ng supportive medical care, mga gamot sa particular nilang mga sakit, pati rin gamot kung disruptive ang kanilang behavior, at suportang emotional para sa pasyente at kanyang pamilya.

Sa ngayon maraming pananaliksik ang ginawa upang malaman kung papaano mapre-prevent  ang sakit na ito at anong mga gamot ang maaaring magamit para dito.

Hanggang wala pang katiyakan sa mga ito, huwag nating pababayaan ang ating matatanda lalo na kung sila’y nagpapakita ng mga sintomas ng alzheimer’s disease.  Bahagi ito ng ating mapagkalinga at mapagmahal na kaugalian.

April 27, 2007 181 Gonorrhea



Top | Home

Ang gonorrhea ay sexually transmitted disease na sanhi ng bacteriang neisseria gonorrhoeae na mabilis dumami sa loob ng uterus, cervix, fallopian tubes ng babae, at sa urinary canal ng mga babae at lalake. Tumutubo din ito sa bibig, lalamunan, mata at anus.

Kumakalat ang gonorrhea pagnakipagtalik sa infected na ari ng babae o lalaki, bibig, o anus. Naililipat din ito sa baby kapag ipinanganak.  

May mga infected na lalake na walang nararamdaman, ang iba naman, pagkalipas ng 2 to 30 days pagkatapos mainfect at saka lalabas ang sintomas, kagaya ng nakakapasong pakiramdam kung umiihi, o dilaw o maberdeng nana na lalabas sa penis. Kung minsan mamamaga din ang testicles .

Medyo mild ang sintomas ng sa babae. Ang iba nga ay walang nararamdaman. Kung mayroon man, madalas na napagkakamalan pa itong sintomas ng bladder o vaginal infection. Ang babaeng may gonorrhea ay makararanas  ng masakit na pag-ihi, vaginal discharge o bleeding between menstrual periods.

Kapag hindi nagamot ang gonorrhea, mauuwi ito sa health problems ng babae at lalaki. Ang babae ay maaaring magkaroon ng pelvic inflammatory disease o P.I.D. na magiging dahilan ng pagkabaog, o ectopic pregnancy.  Ang mga lalake naman ay maaaring magkaroon ng epidimytis. Sakit ito sa testicles na maaaring mauwi sa pagkabaog. Ang may gonorrhea ay madaling matablan ng HIV virus na dahilan ng  aids at pagkumalat ito sa dugo at joints ay mapanganib sa buhay. Kapag nahawa ang baby, maaari itong mabulag o mamatay.  Kaya ang buntis na may gonorrhea ay kailangang magpagamot kaagad.

May mga laboratory tests para sa gonorrhea kung saan sinusuri ang ihi o sample mula sa infected areas. Nandiyan din ang gram stain kung saan sinisilip sa microscope ang sample na kinuha sa cervix o urethra.

Maraming antibiotics ang magagamit para sa gonorrhea. Kaso marami ngayon ang strain ng gonorrhea bacteria na resistant sa ilang mga antibiotic. Kaya kailangan ang supervision ng doktor at sa pag-inom ng lahat na gamot na irereseta niya.

Maiiwasan ang gonorrhea kung hindi makikipagtalik o makikitalik lamang sa isang partner. Ang paggamit ng condom ay nakakatulong din.

Habang may gonorrhea huwag makipagtalik. Magsadya sa doktor at gamutin ito kaagad upang hindi mahahawa ang inyong partner.  Mag-ingat dahil kahit na nagamot na ito maaari pa rin kayong mahawa muli.

April 30, 2007 168 Bacteria vs Virus



Top | Home


Bacteria at virus ang dahilan ng karamihan ng mga sakit na kilala ng mga tao, kaya ang akala nila ay pareho lamang  ang dalawang ito.

Para sa inyong dagdag na kaalaman, malayo ito sa katotohanan.  Ang virus at bacteria ay magkaiba  Magkalayo ang laki ng bacteria at virus.  Malaki ang bacteria at napakaliit ng virus.  In fact, ang pinakamalaki na virus ay kasinliit ng pinakamaliit na bacteria lamang.

Ang structure ng bacteria ay komplikado.  Ang bacteria ay mayroong cell wall,    chromosome at DNA kaya nakakapag-multiply ito. Mayroon rin itong flagella na parang sinulid na siyang nagpapagalaw dito.  Samantala ang virus ay simple lamang. mayroon lamang itong protein coat at DNA o DNA and that’s it. Ang pinakamalaking pagkakaiba ng virus at bacteria ay ang paraan ng kanilang reproduction o pagdami.  Dahil Kumpleto ang bacteria ng lahat ng kasangkapan upang magreproduce napaparami nito ang sarili ng mag-isa. Dumarami ang bacteria sa pamamagitan ng tinatawag na cell division kung saan ang isang bacteria ay nagiging dalawa, and so on.

Ang virus naman ay kailangang pumasok sa ibang mga cells, at inaangkin nito ang reproductive machinery ng host cell at ginagamit upang makapag-multiply o gumawa ng maraming virus.  Marami pang pagkakaiba ang bacteria at virus na napaka-technical at kumplekado. Ang isang halimbawa ay ang bacteria ay hindi lamang nagdadala ng sakit, maraming rin itong naitutulong sa atin, katulad ng pagtunaw ng pagkain, at iba pa.   Wala pang nadidiskobreng pakinabang sa mga virus.  Ang alam ng lahat, ito ang may sanhi ng ilang matitinding sakit kagaya ng aids at bird flu na pawang wala pang gamot o bakuna na natutuklasan.

Basta tandaan ninyo. Ang virus at bacteria ay magkaiba.

May 1 , 2007 104 Human Intestinal Parasites



Top | Home


Kahit saan ay mayroong parasites. Karamihan nito ay madaling lumipat sa tao at nagiging bulate sa katawan. Lumililipat ito sa tao sa maraming paraan katulad ng pag-inom ng maruming tubig, pagkain ng hilaw ng karne, isda, maruming gulay at prutas. 
35% ng parasites sa katawan ng tao ay na sa bituka. Ang pinaka common ay ang mga bulateng roundworm o ascaris, hook worm at pinworms.

Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng bulate sa tiyan ay:
-Pagtatae                                                      -Madaling mapagod
-Pagdudumi na may kasamang dugo           -Pagsusuka
-Palaging puno ng hangin ang tiyan            -Rashes at pangangati ng puwet
-Pananakit ng tiyan                                      -Paglabas ng bulate sa dumi
-Pangangayayat
                                        
Alalahanin na madaling magkaroon ng bulate ang mga batang maliliit lalo na kung nakatira sila sa maruruming lugar.  Ang mga walang malinis na tubig na inumin, hindi wasto ang sanitasyon sa pagluluto ng pagkain, at masamang personal hygiene ay ilang mga dahilan kung bakit ang tao nagkaka bulate.

Ang roundworm o ascaris infection ang pinakalaganap sa buong mundo. Ang madalas na sintomas nito ay pagsasakit ng sikmura. Kapag sobra ang dami ng bulate sa bituka, maaaring makabara ito ng bituka o kaya maging dahilan ng appendicitis o abscess sa atay.

Ang hookworm larva naman ay dumadaan sa balat upang makapasok sa ating katawan. Maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng iron sa katawan, sakit ng tiyan at kawalan ng ganang kumain.

Isa sa limang batang maliliit ay mayroong pinworm. Pangangati sa puwet ang sintomas nito.

Preventable ang intestinal parasites kung gagawin ang sumusunod:

  1. Tiyaking malinis ang tubig inomin
  2. Hhuwag kumain ng mga hilaw na karne at isda
  3. Panatilihing malinis palagi ang mga kamay at kuko
  4. Huwag ilagay ang kamay sa bibig
  5. Huwag maglangoy sa polluted na ilog o swimming pool
  6. Tiyaking  walang parasites ang mga alagang hayop
  7. Huwag maglakad o maglaro sa maruming kapaligiran na nakapaa lang
  8. Pagsikapan na malinis ang personal hygiene.

Ang inyong doktor  ang nakakaalam kung anong gamot ang nararapat sa inyong parasite problem. Alamin ang tamang dose at tagal ng pag-inom ng gamot.

May 2 , 2007 81 Adult Asthma



Top | Home

Ang asthma o hika ay hindi lamang sakit ng bata.  Sakit din ito ng matatanda.  Isa sa bawat sampung adults ang maaring magkaroon nito.

Kalahati ng adult asthma ay sanhi ng allergies mula sa pollen, amag, balahibo ng hayop, dust mite, ipis at iba’t ibang uri ng polusiyon.  Maaaring lumabas ito pagkatapos ng sipon o flu.  Sa mga babae maaaring ang hormonal changes na dala ng menopause o pagbubuntis ang dahilan ng atake ng asthma.

Sa asthma, namamaga at kumikipot ang bronchial tubes na siyang daanan ng hangin papasok at palabas sa baga.  Dahil dito, napipigilan ang maluwag na pagdaan ng hangin.  Ang resulta:

  • ubong may kasamang huni o sipol,
  • paninikip ng dibdib;
  • mabilis, mababaw at mahirap na paghi-nga,
  • balisang pagtulog,
  • hapo at panghihina.

Mahirap i-diagnose ang adult asthma dahil maraming ibang sakit na sa biglang tingin ay parang asthma din katulad ng congestive heart failure, pulmonia, cancer at chronic obstructive pulmonary disease o emphysema.  Ang mga chronic smokers ay karaniwang mayroon hindi lamang ng emphysema kundi pati asthma din.

Pag-iwas sa respiratory infection at mga bagay na nakaka-allergy sa atin at nakaiirita ng ating baga ang pinaka-importanteng dapat gawin para maiwasan ang asthma attacks. Ang pangunahing hakbang ay ang tumigil sa paninigarilyo.

At paggamit ng wastong gamot katulad ng inhaled corticosteroids in combination with inhaled long-acting bronchodilators ay mabisa sa pangmatagalang control ng asthma.  Ang mga short acting bronchodilators naman ay ginagamit lamang sa mga acute asthma attacks.  Hindi nito nasusugpo ang pangmatagalang inflammation ng bronchial tubes.  Alalahin din na ang labis na paggamit ng mga short-acting ay nagdudulot ng pagtaas ng heart rate at panginginig ng mga kamay at katawan; ang iba namang maaaring side effects ng matagalang paggamit ng inhaled corticosteroid ay osteoporosis at cataract. 

Ang inyong doctor ay makakatulong upang malaman kung ano ang optimum dose with the minimum risk of side effects na angkop sa inyo.

Inyo ding alalahanin na may mga gamot para sa ibang sakit na maaaring mag trigger o magpalala ng mga symptomas ng asthma.  Mabuting sabihin niyo sa inyong doctor kung anu-ano pang mga iba pang gamot na inyong iniinum upang maiwasan ang mga ito.


January 23, 2009 161 Iodine Defiency Disorder (Goiter)



Top | Home


Ang iodine ay kailangan sa paggawa ng thyroid hormones na kung tawagin ay T3 at T4. Kapag kulang o walang iodine ang ating katawan bababa ang level ng thyroid hormones.
Ang mababang level ng thyroid hormones ay maaaring maging dahilan ng mental retardation at growth retardation sa mga bata.  Sa mga magdadalang tao naman, miscarriages at still births.

Upang maiwasan ang iodine deficiency:

  • gumamit ng iodized salt
  • kumain ng mga pagkaing  mayaman sa iodine katulad ng dilis, pusit, kuhol, seaweeds, at kung walang red tide: talaba, tahong, alamanag, crabs, at hipon
  • Kung kailangan pa uminom ng iodine supplement alinsunod sa payo ng doctor.

Ang iodine deficiency ay malimit sa mga tao na naka-tira malayo sa dagat o sa mga lugar na kulang sa iodide ang lupa.  Ang pinakamalinaw na palatandaan ng iodine deficiency disorder ay goiter o bosyo sa leeg.

Ngunit kung minsan ang goiter ay resulta din ng labis na pagkain ng soybeans, repollo, mani, peaches, at spinach.  Ang mga pagkaing ito ay pinipigil ang pagprocess ng iodide.

Ang goiter ay mas madalas makita sa mga babae; sa mga may gulang na 40 o higit pa. Maaari ding namamana ito.

Hindi kailangan gamutin ang goiter kung maliit lamang.  Kapag sobra na ang laki at nakakaabala sa paghinga o paglunok, kailangan na itong alisin.

Ang mga taong nakatira na malayo sa dagat o mga lugar na kulang sa iodide ang lupa ay mas malamang magkaroon ng iodine deficiency.  Kaya minumungkahi na gumamit ng iodized salt lalo na sa mga lugar na ito upang mabawasan ang complication ng iodine deficiency.

By the way, ang goiter ay hindi kanser.

August 21, 2009 112 Brain Aneurysm



Top | Home

Ang aneurysm ay isang pagnipis at paglobo ng isang parte ng anumang ugat o blood vessel sa ating katawan. Ang peligro dito ay kapag masyadong numipis ang bahagi ng ugat at biglang tumaas ang presyon ng dugo sa parteng ito, maaaring pumutok ang aneurysm at dumugo sa kapaligiran nito. Kung ang aneurysm ay nasa ugat ng utak, magkakaroon ng brain hemorrhage sa utak o stroke. Ang kalalabasan ay batay sa tindi ng pagdurugo:maaring paralysis at maaaari ring ikamatay ito.
Ang aneurysm ay maaaring nasa lahi ngunit maaari ring magkaroon nito mula sa atherosclerosis o paninigas ang ugat.

Ang mga sumusunod ay mga risk factors na maaaring magpataas ng probabilidad na magkaroon ng aneurysm:
Family history: ang galing sa angkan na may history ng brain aneurysm, ay doble ang tsansa na magkaroon rin nito.
Previous aneurysm: Kung mayroon kang aneurysm maaaring hindi lamang isa ito.
Gender: doble ang risk ng aneurysm at hemorrhage sa mga babae kaysa mga lalake.
Hypertension o altapresyon: dahil dito mas malamang ang pagputok ng aneurysm at hemorrhage.
Mas malamang rin ang pagkakaroon ng brain aneurysm sa mga naninigarilyo. Kadalasan, walang sintomas ang aneurysm at matutuklasan lamang ito kapag may sinusuring ibang sakit sa katawan. Kung minsan naman, dahil sa laki ng aneurysm naiipit ang ilang bahagi ng utak na nagiging sanhi ng sintomas. Halimbawa, sakit ng ulo, pagdidilim ng paningin, pagkabulol, at pananakit ng leeg, batay sa kung nasaan ang lumalaking aneurysm.

Ang mga sintomas ng pumutok na aneurysm sa utak ay ang mga sumusunod:
1. Bigla at matinding sakit ng ulo o leeg
2. Pagkawala ng malay-tao
3. Seizures o kumbulsyon.
Kung mangyari ito sa inyo o sa iba dumulog kaagad sa doktor o pumunta sa ospital.

Nadadiagnose ang aneurysm sa pamamagitan ibat ibang uri ng brain scans tulad ng:
1. CTA o computed tomography angiogram
2. MRA o magnetic resonance angiogram
3. X-Ray angiogram.

Ang mga tests na ito ay ginagamitan ng contrast dye na ini-inject sa dugo upang makita kung saan at gaano kalaki ang aneurysm. Ang paggamot ng aneurysm ay depende sa gulang, laki ng aneurysm, mga risk factors at over all health condition ng pasyente.
Maaaring i-manage lamang ito sa pamamagitan confinement sa ospital at mga gamot. Maaari ring kailanganin ang isang operasyon.

October 29, 2007  115 Acne



Top | Home

May dalawang uri ng acne:  acne sa mukha o facial acne; at acne na kumakalat sa mukha at sa ibang parte ng katawan na nagmumula sa hormonal disturbance.

Karaniwan ang mas malalang acne ay lumalabas sa mukha, dibdib, likod at balikat, kung saan may mas maraming pores at active na oil glands.  Ang mga oil glands ay nag-sesecrete ng oily substance na tinatawag na sebum na lumalabas sa pores. Kapag nabara ang pores dahil sa sobrang sebum o naipon na dumi sa balat aatakihin ng bacteria ang mga baradong pores na ito.  Bilang panangga magpapadala ang immune system ng white blood cells upang sugpuin ang bacteria.  Sa labanan na ito mamamaga at sasakit ang balat at magkakaroon ng infection na magiging pimples, ang pangunahing manipestasyon ng acne.

Mas mahirap alagaan ang balat na may acne dahil sensitibo ito sa cosmetics, pagkain, at stress.  Hugasan ang mukha minsan sa umaga, minsan  sa gabi,  at sa pagitan kung pinapawisan.gumamit ng clean water at mild soap o facial cleanser.  Kamay ang gamitin sa paghihilamos.  Huwag gumamit ng scrub, sponge o bimpo.  Bawal din gumamit ng mga cleanser o sabon na may malalakas na pabango dahil magti-trigger ito ng allergic reaction.

Dapat maingat  sa paggamit ng cosmetics.  Bawal ang mga cosmetics na nagpapatubo ng pimples o comedones.  Bilhin ang cosmetics na may tatak “noncomedogenic”.  Gumamit ng oil-free cosmetics lamang. Iwasan din ang malangis na hair products dahil maaari itong kumalat hanggang sa noo.

Sa madaling sabi, oil glands, heredity, patay na balat, at hormonal imbalance ang dahilan ng acne. 

Ngunit hindi lahat ng dulot ng acne ay masama. Ang magandang balita ay nakakalamang ang mga may acne sa kanilang pagtanda dahil ang kanilang oily skin ay mananatiling flexible kaya mas maganda ang kanilang complexion at hindi kukulubot ang balat sa kanilang katandaan.

May 8 , 2007 62 Surgery 



Top | Home

Maraming pasyente ang nangangailangan
 ng operasyon.  Kadalasan ito ay elective surgery at hindi emergency.  Kaya may sapat na panahon ang mga pasyente na mag
tanong sa doktor tungkol sa operasyon at makapag desisyon kung sila ba ay magpapaopera , kung kailan, kung saan, at kung
sino ang surgeon.

Kung kailangan ninyo ng  operasyon, mahalaga na alam ninyo kung bakit
kailangan ito at kung may mga alternatibong paraan upang maiwasan ito.

Kadalasan, ang  inyong doktor ang magmumungkahi na kailangan kayong operahan at magrerekomenda siya ng siruhano o surgeon na siyang gagawa nito. 

Kausapin ninyo ang surgeon na ito upang kunin ang lahat ng mga mahahalagang impormasyon. Kung  ito ay major operation, baka mabuti ring humingi ng second opinion sa ibang surgeon.  Huwag kayong padala sa mga pananakot ng doktor na  “kapag hindi kayo maoperahan kaagad ay mamamatay kayo”. Kapag ganito ang sitwasyon, kalimitan ay mabuting humanap ng ibang siruhanong handang magpaliwanag  ng mabuti at sumagot sa lahat ng inyong tanong tungkol sa napipintong operasyon.

Narito ang mga tanong na dapat sagutin ng inyong doktor upang makagawa kayo ng wastong desisyon.

-Ano ang operasyon na gagawin at paano ito ginagawa?

- Bakit kailangang gawin ang operasyon? Kailangang malinaw sa inyo ang dahilan at ang benepisyo at panganib ng operasyon.

-Ano ang mga alternatibo sa operasyon? Maraming paraan ang paggawa ng operasyon.  Halimbawa mayroong bagong paraan ng pag aalis ng gall bladder o apdo na tinatawag na laparoscopic holecystectomy.  Sa paraang ito, maliit lang ang sugat at mabilis ang paggaling ng pasyente, kaya’t ito ay angkop sa inyong gall bladder problem.  Hindi man mas mura, mas maigi pa rin ito kaysa pangkaraniwang gall bladder operation. 

Kung minsan naman baka hindi talagang kailangan ang operasyon  at maaari itong ipagpaliban sa ibang panahon. 

-Ano ang mga panganib sa gagawing operasyon? Lahat ng operasyon ay mayroong risk. Kaya mahalaga na mapagdesisyunan ninyo kung kayo ay magpapaopera  base sa laki nang benepisyong matatamo kumpara sa mga komplikasyon at side effects na maaaring mangyari.

-Saan gagawin ang operasyon? Kung minsan, importanteng malaman kung aling hospital ang may mataas na success rate sa isang partikular na operasyon.  Mabuti ring alam natin kung magkano ang approximate na magiging gastos sa bawat hospital.  Alamin rin kung kayang gawin ang operasyon on an outpatient basis upang hindi na kayo ma-confine  sa hospital.

-Anong klaseng anesthesia ang kailangan? Local, regional o general.

-Kailangan ba ng anesthesiologist o hindi?

-Gaano katagal ang recovery period?

-Kailangang malaman kung ano ang mga mararamdaman pagkatapos ng operasyon at kung ano ang bawal na gawain. Kailan maaaring bumalik sa exercise, at iba pa.

-Magkaano ang babayaran? Alamin ang lahat ng mga babayaran pati ang fees ng lahat ng mga doktor. Alamin riin kung iyong mga doktor’s fees ay kasama na ang mga bisita at check up pagkatapos ng operasyon. Kung mayroon kayong health insurance alamin rin kung magkano ang coverage nito at kung magkano ang sasagutin ninyo.

Seryosong bagay ang isang operasyon. Kailangang alamin ang lahat na dapat malaman bago kayo
magdesisyong magpa opera.

September 25, 2009 214 Warts or Kulugo



Top | Home

Ang warts o kulugo ay sanhi ng virus na HPV o human papilloma virus.  Maaari itong tumubo kahit saang bahagi ng katawan: sa balat, sa loob ng bibig, sa genital at rectal  areas. May mga taong immune dito ngunit ang iba ay hindi.

Madaling lumipat ang kulugo. Kapag nahawakan ang gamit ng taong may kulugo lilipat ito sa inyo.  Ang warts sa genital areas ay lubhang nakakahawa. Naililipat ito through vaginal, oral o anal sex. Sa mga babae, tumutubo ito sa loob ng vagina nang hindi niya alam at naipapasa sa kanyang partner.  Kaya mahalaga ang palaging pagpa- praktis ng protected sex.

Kadalasan ang kulugo ay kusang nawawala kaya lang matagal.  Ngunit ang iba ay  hindi talaga nawawala. Hindi maipaliwanag ng mga doktor kung bakit malaking istorbo ang  kulugo. Ito ay dumudugo at masakit kapag nabangga, pangit at nakakahiya.

Iba’t iba ang paraan ng pag-alis ng kulugo.  Komunsulta sa doktor bago galawin ang warts sa muka at genital areas.  Kung ang kulugo ay nasa kamay, paa, at tuhod lagyan ng salicylic acid ng ilang araw matapos maligo.  Kuskusin ng emery board o panghilod kinabukasan bago maligo. Gawin ito hanggang sa mawala.
Maaari ring takpan ito ng duct tape ng isang linggo, tanggalin ang duct tape, ilubog sa tubig ang apektadong parte at  kuskusin ng emery board o panghilod.  Iwang bukas sa magdamag, ulitin ito hanggang sa maalis ang kulugo.  Kung hindi umobra ang dalawang procedure  na ito komunsulta sa doktor.

Ang ibang paraan ay mangangailangan ng doktor, katulad ng paglalagay ng cantharidin.  Ito ay chemical na ipinipinta  sa warts hanggang sa maalis. Ang isa pa ay ang paggamit ng liquid nitrogen  o cryotherapy sa loob ng isa hanggang tatlong linggo. Ang huli ay pagsunog, paghiwa o laser removal. Kaya lang maaaring mag iwan ito ng peklat.

Ang kulugo sa genital areas ay kailangang doktor ang gagamot.  Ang mga paraan ay:  chemical treatments gamit ang podophyllin, trichloroacetic acid, loop electrosurgical excision procedure o leep, CO2 laser sugery, at interferon injections.

Kadalasan permanenteng nagagamot and warts sa balat.  Kung may kaunti mang matitira, kaya na ito ng immune system ng katawan.  Ang problema ay ang genital warts dahil sa walang gamot sa virus na may sanhi nito kaya maaari itong umulit.


May 10 , 2007 127 Pain Reliever for Pregnant Women



Top | Home

Ang mga buntis ay dapat maingat sa mga gamot na iniinom nila. Kasama na dito ang  mga gamot para sa sakit ng ulo at pananakit ng katawan. Narito ang ilang mahalagang impormasyon para sa mga buntis:

Ang pinaka-safe na gamot sa sakit ng ulo o katawan na maaaring bilhin na walang reseta ay ang paracetamol.  Sumunod dito ay ang ibuprofen at aspirin.

Sa wastong dosage , napatuna-yan na ang paracetamol ay hindi  nagiging dahilan ng miscarriage, birth defects sa sanggol, o mental retardation nito. Safe din ang paracetamol sa mga nagpapasuso ayon sa american academy of pediatrics.
Huwag uminom ng paraceta-mol na mahigit sa 4000 mg. Sa isang araw. Buntis  ka man o hindi, ang overdose  ng para-cetamol ay mapanganib. Alalahanin ding basahin ang  packaging upang malaman kung ito ay may kahalong asprin o caffeine.

Ang sumunod na drug of choice para sa mga buntis na may sakit sa ulo o katawan ay ang ibuprofen. Binibenta ito sa ilalim ng maraming mga brands. Safe ito mula first hanggang second trimester. At pwede inumin kahit nagpa- pasuso. Huwag gumamit nito kung kayo’y nagnanais pa lamang mabuntis. Maaring makahadlang  ito sa implantation ng fetus na maging  sanhi ng miscarriage. 

Sa third trimester, o huling tatlong buwan ng pagbubuntis,  iwasan ang ibuprofen. Maaari itong maging dahilan ng tinatawag na patent ductus arteriosus , isang kondisyon sa puso na paglaon ay maaaring mangailangan ng operasyon para malunasan. Pinatatagal din ng paracetamol ang  labor o panganganak at pinauunti ang amniotic fluid sa bahay bata.

Ang aspirin naman ay o.k din.  In low doses mula 50 hanggang 100 mg. Nakakatulong ang aspirin na maiwasan ang still birth at pre-eclampsia. Huwag uminom ng aspririn kung kayo ay nagpapasuso. Sumasama ito sa gatas at maaaring pagmulan ng reye’s syndrome, isang uri ng sakit sa utak at liver ng mga baby.

Kaya kung masakit ang inyong ulo o may lagnat at kayo’y buntis, maari kayong uminom ng mga nabanggit kong gamot. Kung hindi maalis ng paracetamol, ibuprofen o aspirin ang inyong sakit sa loob ng dalawa o tatlong araw, makabubuting   magkonsulta na sa inyong doktor.



August 27, 2007
25 Aspirin: People Who Should Not Take



Top | Home

Kahit napatunayan na na mahusay ang aspirin sa prevention ng heart attacks at stroke, hindi ito para sa lahat. Kumonsulta kayo sa inyong doktor para malaman kung ang pag-inom ng aspirin ay angkop at nararapat sa inyo.

Ang aspirin therapy ay pinakamabisa sa prevention ng heart attacks at stroke sa mga taong normal ang blood pressure, cholesterol at timbang. Kaya dapat pa rin tayong kumain ng wasto, mag-exercise at magpagamot ng ating alta presyon, high cholesterol at diabetes

At kung ang tao ay nakakaramdam ng undesirable side effects mula sa pag-nom ng aspirin tulad ng pangangasim ng sikmura, hindi dapat ipagpatuloy ang pag-nom nito.

Sa kabuuan hindi dapat uminom ng aspirin ang mga sumusunod;

  1. Mga buntis lalo na yung nasa mga una at huling buwan ng pagdadalantao. Maaari kasing makapagpatagal sa labor at delivery o magbigay ng iba pang  komplikasyon ang aspirin sa mga panahong ito.

  2. Mga taong malapit ng sumailalim sa operasyon. Ang aspirin ay maaaring magdulot ng excessive bleeding during the operation. Karaniwan ang mga pasyente ay pinapayuhan na huwag uminom ng aspirin for about five days before the operation.

  3. Mga batang under 18 na nagpapagaling sa chicken pox o flu. Ang aspirin ay naiuugnay sa isang di pangkaraniwan at malubhang sakit na tinatawag na Reye’s syndrome.

  4. Heavy drinkers. Yung mga umiinom ng 3 or more drinks per day. Iniuugnay ang aspirin sa stomach irritation, liver damage at sobrang bleeding ng mga  taong malakas uminom.

  5. Yung may chronic intestinal problems, kasama na ang peptic ulcer, gastritis, inflammatory bowel disease at bleeding conditions sa sikmura at bituka

  6. Mga taong umiinom ng iba pang anti-inflammatory drugs o mga gamot para sa sakit at rayuma..

  7. Mga taong may allergy sa aspirin.

  8. Yung may uncontrolled high blood pressure o hypertension
May 14, 2009 153 Tubal Ligation



Top | Home

Ang tubal ligation ay ang pagtali o pagputol ng fallopian tube  upang hindi makadaan ang female egg  mula sa ovary patungo sa uterus kung saan sila nagtatagpo ng male sperm upang mafertilize. Kapag walang female egg walang pagbubuntis.

Simpleng procedure lamang ang tubal ligation.  Maaaring gawin ito sa klinika ng doctor, o hospital.  Iba’t ibang technique ang paggawa nito.  Ang doktor ang magpapaliwanag kung ano ang mga ito at kung alin ang angkop para sa inyo. 

Ang isang halimbawa ay ang laparoscopy kung saan gagawa ng maliit na incision sa ibaba ng pusod upang ipasok ang maliit na teleskopyo at isa pang incision sa itaas ng pubic hairline na papasukan ng instrumentong pangtali, pamputol o pangsunog. Kalahating oras ang tagal ng operasyong ito.

Ang tubal ligation, maliban sa abstinence, ay ang safest and most effective form of birth control. Nakakaalis pa ito ng menstraul cramps at abnormal bleedings.  Ngunit katulad rin ng ibang abdominal surgery meron rin itong mga risk katulad ng impeksyon at bleeding.  Kung sakaling hindi mahusay ang pagputol ng fallopain tube at mabuntis, maaaring maging sanhi ito ng ectopic pregnancy.

Kung nais ninyo ng karagdagang impormasyon o magpapa-ligate kayo dumulog sa inyong doktor o sa health center.


May 17 , 2007 157 Vasectomy



Top | Home

Ang vasectomy ay birth control method para sa lalake.  Halos 100% itong epektibo,  ligtas, permanente, at madaling gawin.

Ang sperm na gawa ng testes ay ang siyang nagfe-fertilize ng female egg.  Ang seminal fluid o semen na galing sa prostate ay ang liquid carrier ng sperm.  Kapag nagtagpo ang sperm at female egg, fertilization occurs at mabubuntis ang babae.

Sa vasectomy, hinaharangan ang paglabas ng sperm sa pamamagitan ng pagligate o pagsasara ng tubo na kung tawagin ay vasa deferentia.  Ang tubo na ito ay naka konekta sa testes.  Dahil sa pagsasara nito hindi makakasasama sa semen ang mga sperm.  Kapag walang sperm walang pagbubuntis.

Sa vasectomy, tuloy pa rin ang paglabas ng semen, hindi nagbabago ang pakiramdam sa pagtatalik, hindi naaapektuhan ang erection o anumang hormones sa katawan, at walang parte ng reproductive organ na inaalis.

Angkop ang vasectomy kung kayo ay naghahanap ng epektibong birth control method lalo na kung delikadong mabuntis ang asawa o  kaya may ayaw ipamanang sakit kagaya ng mental illness.

Hindi mapanganib ang vasectomy.  Ngunit tulad ng kahit aling procedure, minsan may komplikasyon ito katulad ng impeksyon o pakiramdam na masakit habang humihilom ang sugat.  Ngunit minor lamang ito at nagagamot o gumagalling ng kusa sa paglipas ng maiksing panahon.

Kung nais ninyo ng dagdag na impormasyon tungkol sa vasectomy o kung saan ito maaaring gawin komunsulta sa inyong doktor.

Huling paalala, ang vasectomy ay hindi nagbibigay proteksyon sa anumang sexually transmitted diseases katulad ng aids. 

May 18 , 2007 56 Herbal Supplement



Top | Home

Herbal remedies or supplements such as echinacea, gingko, saw palmetto, ampalaya & hundreds of others claim a gentle, natural means of enhancing your health.

Totoo ba ito? 

Ayon sa U.S. Food and Drug Administration o FDA, at sa ating Bureau of Food & Drugs o BFAD, ang mga herbal vitamins at mineral supplements ay dietary supplements lamang at hindi gamot, kaya hindi sila maaaring magsabi na nakapagpapagaling sila ng anumang sakit.

Ano ang mga herbal supplements?

Ito’y nanggagaling sa natural sources, kalimitan sa halaman, katulad din ng ibang totoong gamot.  Ang kaibahan, ang mga totoong gamot ay dumaan sa masusing pagsusuri sa mahabang panahon upang patunayan ang bisa nito pati na rin ang mga side effects kung mayroon man.  Samantala, ang herbal products at supplements ay hindi dumadaan sa kasing-higpit na proceso ng pagpapatunay, lalo na dito sa atin.  Ang inuutos lamang ng BFAD ay kailangan maglagay nang disclaimer ang manufacturer na ang mga ito ay hindi na evaluate ng BFAD at ang mga supplements na ito ay hindi maaaring gamitin sa ss:

  • Pag-diagnose
  • Paggamot
  • Pagpapagaling
  • Pagsangga sa  anumang uri ng sakit, dahil walang sapat na katibayang scientifico na ang mga ito ay may bisa.

Kung sakaling balak ninyong gumamit ng herbal supplements, makipag-usap muna sa inyong doktor.  Alam ng doktor kung ang isang herbal supplement ay:

  • Mayroong mapanganib na side effect;
  • Kung bagay ba ito sa iyo o’ hindi;
  • Kung magkakaroon ba ito ng masamang interaction sa mga gamot na iniinom na ninyo.

Kadalasan ang mga doktor ay nag-aatubiling mag-endorso ng herbal supplements dahil sa kakulangan ng scientific studies.  Sa katunayan ilan lamang ang herbal supplements na maaaring mairekomenda ng mga doktor na safe na inumin.

Samantala, ang mga doktor at syentipiko ay patuloy sa pagsuri ng safety at efficacy ng herbal supplements.  Sa kabilang dako ang ating mga mambabatas ay nagkukulang pa rin sa paggawa ng mga panukalang batas upang pangalagaan ang kabutihan ng mga bumibili nito.

Dahil dito ang pag-iingat at pagsusuri ang pinakamaiging proteksyon.  Basahing mabuti ang mga labels nito at makipag-ugnayan sa inyong doktor.  Hindi yung doktor na nagbebenta o nag-aadvertise ng herbal supplements, ha!

Paalala lamang, pagdating sa herbal or other food supplements, let the buyer beware.

December 10, 2007 190 What is Foodborne Disease?

 

Top | Home

Maraming mga sakit ay mula sa contaminated na pagkain at inumin. Karamihan ay sanhi ng sari-saring bacteria,virus at parasites na nasa pagkain at inumin. Ang iba naman ay dahil sa lason, toxins at kemikals na nahahalo sa pagkain kagaya ng nakalalason na mushrooms, pesticides at iba pa..

Ang pinakamadalas na pinagmumulan ng sakit dahil sa pagkain ay ang salmonella, E.Coli at mga sai saring viruses. Nandyan rin ang mga lason at toxins na nagmumula sa staphylococcus, botulism bacteria at mga poisonous na isda.

Kapag nakapasok ang bacteria, virus, toxins, o chemicals sa katawan, mayroon munang incubation period ng ilang oras o ilang araw, bago maramdaman ang sakit. Dahil pumapasok ang mikrobyo at lason sa lalamunan papunta sa bituka, ang madalas na sintomas ay  pagsusuka, nausea, stomach cramps at diarrhea. Laboratory test ang kailangan upang tiyakin ang dahilan ng isang foodborne disease. Bago ito malapatan ng wastong lunas.

Komunsulta sa doktor kung kayo ay may diarrhea, lalo na kung may kasamang mataas na lagnat, may dugo ang dumi, pagsusuka, dehydration- katulad ng tuyong lalamunan, kaunting ihi, at pagkahilo at diarrhea na tumagal ng mahigit sa tatlong araw.

Walang bisa ang antibiotic kung virus ang dahilan ng diarrhea. Antibiotic ang gamot kung bacteria ang  sanhi nito.  Kailangang ubusin ang inireseta na antibiotic kahit huminto na ang pagdudumi.

Maiiwasan ang foodborne disease kung susundin ninyo ito: lutuin mabuti ang karne, manok at itlog, ingatan na hindi ma contaminate ang pagkain na inihahanda, linising mabuti ang mga lutuan, tadtaran, at kutsilyo bago gamitin ito.  Ilagay ang mga lutong pagkain sa malinis na  lalagyan. Irefrigerate kaagad ang mga sobrang pagkain, hugasang mabuti ang mga gulay at prutas.  Huwag maghanda ng pagkain kung kayo ay may diarrhea, maghugas mabuti ng kamay pagkaggaling sa toilet o pagkatapos magpalit ng lampin ng bata.  Piliin ang mga lugar na kakainan katulad ng mga resaurant.  Huwag bumili ng pagkain sa street vendors o food stalls na walang  malinis na supply ng tubig.

December 11, 2007 203 Digestive Disorder or Impatso

   

Top | Home

Kayo ba’y madalas kabagan o hindi matunawan at parang mabigat ang tiyan pagkatapos kumain? Maaaring mayroon kayong isa sa maraming sakit ng digestive system. 

Ang  digestive system ay  napaka importanteng bahagi ng ating katawan. Kaya. kailangan maintindihan natin kung ano ang dahilan at kung bakit ganoon ang ating pakiramdam at kung ano ang dapat nating gawin ukol dito.
 
Ang digestive system ay binubuo ng bibig, tiyan, 7 metro ng maliliit na bituka, 1.5 metro ng malalaking bituka, rectum hangang sa butas ng puwet o anus. Ang pagkaing tinunaw ng digestivesystem ay nagiging nutrients na pampalakas, pampalaki, at nag- aayos ng ating katawan.

Ang ating Digestive system ay “temperamental” o sumpungin.  Kapag sumobra ang kain o inom, parang puno kaagad ang pakiramdam o di kaya sasakit ang tiyan. Ito ang tinatawag na indigestion o dyspepsia na sintomas ng kahit anong uri ng disruption sa digestive system.

May iba’t ibang uri ng indigestion. Ang  isa ay ang tinatawag na acid reflux, kung saan labis ang dami ng acid sa tiyan at umaakyat ito sa lalamunan.  Masakit-sakit rin  ang dibdib at tiyan, mapait ang panlasa at parang gusto mong dumighay.

Antacid at acid reducers ang gamot sa acid reflux. Ini-neu-neutralize ng antacid ang acid. Ang produksyon ng acid sa tiyan ay pinipigil ng acid reducer medicine.

Kabag: sanhi ito ng maraming gas na naipon sa tiyan. Kaya ang  pakiramdam ay punung puno ito, parang gusto mong dumighay ngunit hindi natutuloy, kung minsan masakit-sakit ang  tiyan at parang gusto mong umotot. Kailangang uminom ng antiflatulants upang lumiit ang mga gas bubbles sa tiyan at madali itong maidighay o mai-otot.

Mabigat na tiyan: kasama nang mabigat na tiyan ang nahilolong pakiramdam. Dahil ito sa mabagal na pagtunaw at pagtagal ng pagkain sa loob ng tiyan. Ang kailangan dito ay ang tinatawag na motility restorer.

Maliban sa gamot,  kailangang baguhin  ang lifestyle upang maiwasan ang indigestion.  Iwasan ang maaanghang, matataba, at sobrang dami ng pagkain, lalo na kung gabi. Bawasan ang pag-inom ng tsa-a, kape, carbonated drinks, at alcohol. Huwag madaliin ang pagkain, huwag mahiga kaagad matapos kumain, taasan ang unan sa pagtulog upang hindi bumalik ang acid sa dibdib o lalamunan.

October 23, 2009 204 Okay Ba Ang Instant Noodles?



Top | Home

Marami ang nagtatan0ng kung ok ba ang instant noodles.

Ang mga nutritionists ay hindi magpapayo na kumain kayo ng instant noodles araw araw. At bakit hindi?

Here are the facts:
Ang instant noodles ay mataas sa carbohydrates, fats, potassium carbonate.
Ang  kasama nitong condiment pouch ay may laman na pangkulay, high  salt content at kadalasan mayroon ring monosodium glutamate o msg.

Totoo na mahusay ang carbohydrates sa katawan ngunit ang instant noodles ay mataas rin sa starch o gawgaw. Ayon sa mga mananaliksik, mayroong kaugnayan ang high-starch diet at diabetes.  Dahil kapansin pansin ang  pagtaas ng level ng blood sugar kapag kumain ng kakanin na high in starch.

Ang susunod na pinakamataas na nilalaman ng instant noodles ay ang fat. Ang instant noodles ay hindi katulad ng spaghetti na mababa ang fat. Ang dahilan nito ay ang  instant noodle ay pinapatuyo sa pamagitan ng deep frying. Kadalasan, ang instant noodle ay mayroong 18% fat na maaaring maging sanhi ng  sakit sa puso.

Ang potassium carbonate naman sa instant noodles ang nagbibigay ng kulay dilaw at nagpapatigas dito. Walang nutritional value ito ngunit hindi naman ito masama sa katawan.

Ang kasamang condiment pouches sa supot ng instant noodles ay naglalaman ng maraming asin. Ang asin ay nakakataas ng blood pressure kaya bawal na bawal ang instant noodles sa may altapresyon.

Pinapayo na haluan ng ibang sahog ang noodles katulad ng itlog at gulay upang madagdagan ang sustansiya.

Sa kabuuan, hindi mabuti ang madalas na pagkain ng instant noodles. Iwasan ito lalo na kung kayo ay mayroong hypertension o diabetes.

Isang dagdag na paalala: ingatan na hindi mamihasa ang  mga bata sa palaging pagkain ng noodles dahil hindi na sila kakain ng ibang masustansyang pagkain na kailangan nila sa paglaki.

May 25 , 2007 192 Virgin Coconut Oil: Fact or Fiction?



Top | Home

Isa sa pinakamainit na usapin ngayon ay tungkol sa virgin coconut oil. Ano talaga ang totoo?  Miracle potion nga ba ito na mabisa para sa puso pati sa pagpapababa ng timbang o ito’y sabi sabi lamang ng mga gumagawa ng produktong ito? May mga panganib bang nakatago sa likod ng lahat ng matutunog na mga claims na ito?

Karamihan ng coconut oil ay mula sa hinog na laman ng niyog na pinatutuyo sa init ng araw, copra ang tawag dito. Pino proseso ito at ang kalalabasan ay refined, bleached, deodorized, o rbd coconut oil na hindi maaaring inumin.

Ang virgin coconut oil ay galing sa sariwang laman ng hinog ng niyog o non-copra. Hindi ito ginagamitan ng high heat at chemicals.

May dalawang proseso sa paggawa ng virgin coconut oil: quick drying ng sariwang coconut meat gamit ang kaunting init at mechanical press, ang isang paraan.  Ang pangalawa ay wet-milling kung saan hindi pinatutuyo ang laman ng niyog. Kaagad itong pini-press, at inaalis ang tubig sa pamamagitan ng enzymes, pagpapakulo,  fermentation, refrigeration, o centrifuge.

Ang pagkakaiba ng virgin coconut oil sa refined coconut oil ay nare-retain ng virgin coconut oil ang sariwang amoy at lasa ng niyog. Ang refined coco oil ay walang amoy dahil naaalis ito ng refining process. Kung may lasa man, ito ay mapait o parang sunog.

Ngayon, inaalok ang virgin coconut oil bilang protectant ng puso at pampababa ng timbang.  Ang totoo, ay wala pang malawakang pananaliksik na nagpapatunay nito. Sa kabilang dako ginagamit ng mga scientist ang coconut oil kapag nais nilang  magbara ang ugat ng mga  hayop sa kanilang  eksperimento. Ang coconut oil ay  92% saturated fat. Ounce for ounce, mas maraming saturated fat ang langis ng niyog kaysa mantikilya, o sebo ng karne kaya ipinapayo ng nakararaming doktor at nutritionists na iwasan ito dahil nagpapataas ng cholesterol.

Sinasabi ng mga pro virgin coconut oil na ang mga pilipino na nasa mga bayan na malakas gumamit ng gata ay normal ang cholesterol. Napag-alaman na ang mga taong ito ay walang  ibang kinakain na may mataas na saturated fat kaya hindi tumataas ang kanilang kolesterol.

Kaya habang hindi pa napapatunayan sa pamamagitan ng malawakang research kung ano talaga ang bisang dulot sa puso at weight loss ng virgin coconut oil, mas mabuti na iwasan muna ang pag-inom nito. Gamitin lamang muna ito bilang pampakintab ng buhok at pampalambot ng balat.

May 28, 2007 36 Arthritis Part 1



Top | Home

Ang arthritis ay general term sa isang grupo ng may 100 na diseases. Ang ibig sabihin ng salitang arthritis ay joint inflammation. Ang inflammation o pamamaga ay isa sa natural na reaksyon ng ating katawan sa sakit o injury, kasama na dito ang swelling, pain at stiffness. Ang matagal na inflammation tulad ng sa arthritis ay maaaring makasira ng joint tissues.

Ang joint ay ang dugtungan ng dalawa o higit pang  mga buto tulad ng balakang at tuhod.  Ang buto sa joint ay natatakpan ng smooth at spongy material na tinatawag na cartilage. Ito ay sumusuporta sa buto at nakatutulong sa hindi masakit na paggalaw ng joint.

Ang joint ay naka-enclose sa isang fibrous casing na tinatawag na synovium. Ito ay gumagawa ng madulas na fluid na nagbabawas ng friction sa joint. Ang ligaments ay matitibay na tissue na nagdudugtong sa buto para maging stable ang joint.  Tumutulong rin ang muscles at tendons sa joints sa ating paggalaw.

Kapag may arthritis, namamaga ang joint at ang paligid nito. Nagreresulta ito sa pananakit, paninigas at kung minsan ay hirap sa paggalaw. Maaari ring maka apekto ang arthritis sa ibang bahagi ng ating katawan tulad ng balat at internal organs.

Ang mga common types ng arthritis ay ang sumusunod:

Osteoarthritis.  Ito ang pinaka karaniwang uri ng arthritis.  Nangyayari ito kapag na-damage ang cartilage na tumatakip sa dulo ng buto. Kung wala ang proteksyon ng cartilage, magsisimulang kumiskis ang buto sa isa’t isa na nagdudulot ng pananakit at pamamaga.

Ang Osteoarthritis ay maaaring mangyari sa kahit saang joint pero madalas ito sa kamay at joints na nagdadala ng ating timbang tulad ng tuhod, baywang at joints sa spine. Nangyayari ito kadalasan kapag nasisira ang cartilage o humihina dahil sa katandaan. Dahil dito, ang osteoarthritis ay tinatawag ring degenerative joint disease.

Rheumatoid arthritis. Ang Rheumatoid arthritis ay pang matagalang sakit sa joints lalo na sa kamay, wrist at tuhod.  Dito, ang ating immune system ang siyang nagpapamaga sa joint lining.  Ang pamamagang ito ay kumakalat sa nakapaligid na tissues at maaaring makapinsala ng cartilage at buto.  Sa malalang kaso, ito ay nakaaapekto sa balat, mata at nerves.

Ang Gout ay masakit na kondisyon na nangyayari kapag tumataas ang uric acid levels sa ating katawan. Ang uric acid  crystals ay naiipon sa joints na siyang nagdudulot ng pamamaga at pananakit. Ang Gout ay madalas nangyayari sa big toe, tuhod at wrist joints.

May 29, 2007 65 Arthritis Symptoms/Diagnosis & Treatment



Top | Home

Iba’t ibang uri ang arthritis.  Ayon sa mga mananaliksik ito ay maaaring namamana at maaaring may kinalaman rin sa lifestyle ng isang tao.  Hindi pa matiyak ang ibang dahilan nito.
 
Ang pinaka karaniwang klase ng arthritis ay ang osteoarthritis. Tinatawag rin itong degenerative joint disease dahil ito ay lumilitaw habang ang tao ay nagkaka-edad. Kung baga, nagagasta na ang mga kasu-kasuan.  Ang mga sintomas nito ay pananakit, pamamaga, paninigas na mga knee, hand, hip at shoulder joints na madalas naiibsan habang ang mga joints na ito ay iginagalaw.

Ang mga risk factors ay ang mga sumusunod:

Gulang o edad. Habang tumatanda ang isang tao mas malamang magkaroon ng siya ng arthritis.
Kasarian. Ang mga babae ay mas madalas magkaroon ng arthritis kaysa sa mga lalaki.
Katabaan o obesity. Ang sobrang kabigatan ay nakakasira ng mga joints. 
Ang pagbubuhat ng mabigat o di kaya’y paulit-ulit na galaw maghapon sa trabaho ay maaaring pagmulan rin ng arthritis.

Nada-diagnose ang arthritis sa pamamagitan ng pag-usisa ng mga sintomas at family history, at pag-eksamen ng kasu-kasuan.  Gumagamit ng X-ray, at MRI kung may hinalang kakaiba ang uri ng arthritis. Mayroon ring mga laboratory tests ng dugo, ihi o tubig na galing sa joints na maaaring gawin para mawari kung anong klaseng arthritis mayroon and isang tao.

Ang doktor ay magrereseta ng non-steroidal anti-inflammatory drugs o nsaids para bawasan ang pananakit at pamamaga ng joints. Ang mild to moderate exercise, hot or cold compress at paggamit ng joint protectors ay makakatulong rin.  Kung talagang kailangan, may mga operasyon tulad ng pagpapalit ng joints na pwede ring gawin.

Naiiwasan ba ang arthritis? Hindi po. Ngunit maaaring maiwasan ang maagang pag-atake nito at mapabagal ang permanent damages na dulot nito. Kailangan lamang       i-maintain ang wastong bigat, at mag-exercise para palakasin ang mga muscles na nagsusuporta sa joints.  Gumamit ng joint protectors at kumain ng balanced diet.

Kung pinahihirapan kayo ng arthritis komunsulta sa isang rheumatologist.

May 30, 2007 213 Knee Problem



Top | Home

Marami sa atin ang mayroong masasakit na tuhod. Kadalasan, ito ay dahil sa usual wear and tear katulad ng osteoarthritis o kaya dahil sa kapinsalaan na natamo ng tuhod.

Ang problema ng tuhod ay maaaring maiwasan. Ito ang ilang mga payo.

Bago mag exercise, mag warmup muna. Maglakad-lakad, mag streching exercise ng mga muscles ng hita at binti. May mga libro o trainers na nagtuturo nito. Palakasin ang mga binti at hita sa pamamagitan ng paglakad ng paakyat, biking, at weights. Kailangang gradual lamang ang intensity o duration ng exercise na gamit ang tuhod. Tiyakin na palaging maayos ang kondisyon at tama sa inyong paa ang gamit na sapatos. Kung kailangan, gumamit ng inserts sa sapatos na akma para sa mga flat footed at sakang.  Masama sa tuhod ang sobrang katabaan, tiyakin na palaging nasa ayos ang timbang.

Ang mga malalang sakit sa tuhod ay ginagamot ng orthopedic surgeon, o doktor na espesyalista sa paggagamot ng mga buto, joints, ligaments, tendons, at muscles. Ang mga hindi nangangailangan ng operasyon ay maaari ring komunsulta  sa rheumatologist na siya namang espesyalista sa arthritis.

Kailangang tugma ang diagnosis ng sakit sa tuhod upang magamot agad ng tama. Ang madalas na sakit sa tuhod ay: arthritis, ligament at cartilage injury o sakit ng litid, patellar tendonitis, dislocation ng kneecap, at bursitis.

Magsadya sa doktor kapag mayroon kayo ng mga sumusunod na sintomas: hirap at masakit na paglakad, may bukol ang tuhod, masakit na tuhod lalo na kung gabi, mahirap itiklop ang tuhod,  pamamaga at ilan pang sintomas na naghuhudyat ng  impeksyon sa tuhod katulad ng lagnat, pamumula at mainit ang tuhod.

Kung sakaling biglaang sumakit ang inyong tuhod, subukang gawin ang mga sumusunod: Pagpahingahin ang tuhod at kung kailangan gumamit ng crutches o tungkod. Gumamit muna ng ice pack sa unang 48 hours at  pagkatapos kung kakailanganin, hot pack, upang humupa ang natitirang pamamaga. Mild stretching ng mga muscles sa paligid ng tuhod at gumamit ng anti inflammatory medications katulad ng ibuprofen.

July 01, 2009 82 No Smoking



Top | Home

Sasabihin na naman ng iba: lumang tugtugin na ito. Parang sirang plaka, dahil wala namang nakikinig.  Ngunit ang totoo ay dapat makinig at sumunod ang lahat kung ayaw nilang magsisi sa huli.

Ang lahat ng uri ng paggamit ng tabako ay napakasama lalo na ang paghitit nito. Walang pagkakaiba kung ang hinihitit ay sigarilyo, pipa, o tabako.  Pati second hand na usok ay napakasama din lalo na para sa mga bata.

Ang mga filters ay walang bisa upang pigilin ang masamang epekto ng smoking.katulad ng lung cancer, emphysema at cardiovascular disease, mga sakit na pawang magastos at nakakamatay.

Ang usok ng tabako ay dahil sa alanganing pagkasunog nito.  May kasama itong mga lason na ang pinaka kamandag ay ang nicotine at carbon monoxide.

Ang mantsa na nakikita sa daliri ay kulay lamang ng tabako, ang nicotine ay walang kulay, walang lasa, at walang amoy.  Ang nicotine ay ginagamit na insecticide noong unang panahon.  Isang tulo lamang nito ay maaaring pumatay ng elepante.

Ang mga nagawa ng carbon monoxide ay

  • nagpapabilis ng pulse rate,
  • nagpapasikip at nagpapatigas ng mga ugat,
  • nagpapataas ng presyon
  • nagpapababa ng sirkulasyon ng dugo
  • nagpapadami ng produksyon ng cholesterol

Ang carbon monoxide at nicotine ay nagpapababa ng oxygen sa dugo na pinagmumulan ng pagkukulang ng oxygen sa cells ng katawan.

Matagal nang napatunayan na ang smoking ang pinakamalaking dahilan ng lung cancer at emphysema o pagkasira ng mga maselang bahagi ng baga.

Kaya kung kayo’y walang takot, matigas ang ulo o nais pumanaw ng maaga. Huwag kayong makinig.  Ngunit kung hangad ninyo ay malusog at walang problemang pamumuhay huwag magsimulang manigarilyo o tumigil kaagad.  Ang pagtigil ay mahirap ngunit nagagawa ito.

June 24, 2009 83 I Quit Smoking



Top | Home

Kanser sa baga, emphysema, sakit sa puso at ugat. Mga sakit na magastos at malakas magpahirap. Lahat nakakamatay. Tatlo lamang ito sa mga sari saring sakit na sanhi ng smoking.

Ang pinakamainam sana ay huwag magsimulang maghitit ng kahit anong uri ng sigarilyo o tabako. Walang pagkakaiba ang sigarilyo, pipa o tabako lahat sila maaaring maging dahilan ng sakit sa baga at puso.

Sa mga gustong tumigil mayroong mga pamamaraan:

-una sa lahat isaisip at aminin na ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring makakamatay dahil sa mga sakit na kanser, emphysema at cardiovascular disease.

-itanim rin sa isip na kapag nagkasakit na, maliban sa gastos may kasama pa itong pahirap na pisikal at emosyonal sa sarili at sa mga kapamilya

-humingi ng payo at suporta sa inyong doktor, pati sa mga kapamilya at mga kaibigan

-mag set ng araw kung kailan hihinto at tuparin ito.

-tumigil ng biglaan at hindi paunti unti. Ito ang pinakamaiging paraan.

-humingi ng tulong at suporta sa mga tumigil na sa paninigarilyo at sumapi sa mga support groups.

-sabayan ang pagtigil ng kaukulang programa ng exercise at iba pang health and fitness activities kagaya ng pagpapapayat, pagbabawas ng salt at sugar intake, improvement ng diet at pag-iwas sa alcohol.

-ingatan na huwag mag backslide pagkatapos tumigil. Ang tentasyon na magsigarilyo muli ay labanan ng husto.

Napakahalaga ng premyo na maaani ng mga tumitigil sa paninigarilyo. Malusog na katawan, matahimik na pamumuhay, masayang pamilya at mahabang buhay.

Di ba talo pa nito ang nananalo sa lotto? Join na kayo. Tumigil na sa paninigarilyo.

May 06, 2009 120 Here are Your Cold Facts



Top | Home

Naniniwala ang iba na may mga alternative medicines katulad ng vitamin c, bawang, zinc, ginger tea, echinacea at sabaw ng manok na epektibo para sa common cold.  ano nga ba ang katotohanan?

Walang herbal o ibang mga supplements na napatunayan na nakakapigil o nakakagamot  ng common cold. Pinag-aralang maigi ang epekto ng vitamin c at ng herb na echinacea  sa common cold:  Ang resulta,  walang bisa ang mga ito. Hindi rin naniniwala ang mga doctor na nakakatulong ang bawang at ang luya o ginger tea sa common colds.

Dapat din nating malaman na ang labis na pag-inom ng zinc ay masama sa immune system at ang sobrang vitamin c ay maaaring maging sanhi ng diarrhea.

Kaya kung kayo man ay susubok ng mga alternative medicines, tandaan na maaaring makasama sa inyo ang mga ito, lalo na kung lalabis ang inyong pag-inom. Alamin din sa inyong doctor kung may reaksyon ito sa mga gamot na inyong iniinom para sa iba ninyong karamdaman.

Mahirap iwasan ang common colds.  Ang tanging magagawa lamang ay tamang pangangalaga sa sarili. husto at balanced diet, maayos na pagtulog, at regular exercise.

January 9, 2008 116 Be Flu Smart



Top | Home

Number one ang flu sa dami ng  biktima. Ibang uri ng virus ang pinagmumulan ng flu  kaysa ordinaryong colds. Mas matindi ang dulot nitong lagnat, chills at pananakit ng katawan. May kasabay rin itong ubo, baradong ilong, at masakit na lalamunan.

Ang flu virus ay nabubuhay at dumarami kapag nakapasok sa katawan ng tao. Naikakalat ito sa ibang tao sa pamamagitan ng pagbahin o pagubo ng may sakit ng flu. Ang nakalanghap o nadapuan ng flu virus ay malamang magkaflu din.

Ang flu virus ay nabubuhay sa labas ng katawan ng ilang oras. Kaya kapag nahawakan ang mga bagay na may virus at nailagay ang kamay sa mata, ilong o bibig maililipat ito sa panibagong biktima.

Dapat lalong mag-ingat ang mga tinatawag na high-risk individuals katulad ng mga baby, mga 65 years or older, iyong mga may asthma at iba pang sakit sa baga, may diabetes, mga buntis, mga taong maraming kasama sa tirahan tulad ng mga nakatira sa orphanages at home for the aged, mga health care workers, at mga tagapag alaga ng mga baby.

Sa mga work areas naman, magaling sana na ang mga kompanya ay magkaroon ng health care plan para sa mga empleyado na kasama ang annual flu vaccination, dahil ang flu ang pinakamalaking dahilan ng loss of work hours sa buong mundo. Napag-alaman na kapag naiwasan ang flu bumababa ang health care cost at absenteeism, kaya ang laking savings ang nagagawa sa kompanya ng flu vaccination program.

Narito ang ilang payo sa mga namamasukan: kung may flu kayo huwag pumasok; magpabakuna taon-taon; komunsulta kaagad sa doktor upang mabigyan ng kaukulang gamot; ang flu season ay ang mga buwan ng nobyembre hanggang marso. Mag-ingat sa panahong ito. Huwag umubo sa kamay kung di sa siko; punasan ng alcohol ang mga telepono, door knob, at desk tops; itapon kaagad ang mga gamit na tissue sa basurahan; hugasan ng madalas ang kamay ng tubig at sabon. Huwag ipagamit sa iba ang inyong makinilya o computer keyboard kung laganap ang flu sa opisina.

Ang flu ay nakakamatay. Kaya be smart. Isaisip ang mga payong iniwan ko sa inyo.

April 28, 2009 74 Leptospirosis



Top | Home

Ang sakit na leptospirosis ay sanhi ng bacteria na leptospira.

Kadalasan ang dahilan sa mga outbreak ng leptospirosis ay ang paglalakad o paglalangoy sa maruming tubig na contaminated ng ihi ng mga infected na hayop katulad ng daga, aso, baboy, kabayo, baka at ilang uri ng wild animals.  Ang ihi ng mga hayop na ito na nagdadala ng leptospira ay maaaring macontaminate ang ating  pagkain at  tubig. Maaaari rin itong makuha sa pag-apak sa infected na lupa at direct contact sa mata, ilong o bukas na sugat.

Kadalasan ang sakit na ito ay nagsisimula sa paglalagnat, sakit ng ulo, pananakit ng muscles, chills at pagsusuka.  Maaari ring manilaw ang mga mata at balat, sumakit ang tiyan at magkaroon ngdiarrhea.

Kapag hindi ito nagamot ng agaran maaaring humantong ito sa pagkasira ng kidneys, liver failure, meningitis, at respiratory distress.  At ito ang maaaring maging dahilan sa pagkamatay ng may sakit nito. 

Dapat nating mabatid na madalas, ang mga nabanggit na sintomas ay napagkakamalang sintomas ng ibang sakit.  Natutuntunan lamang ang tamang diagnosis sa pamamagitan ng  pagsuri  ng dugo at ihi.

Lalo na ngayong tag-ulan, sa lugar na nagbabaha,  alalahin lagi na kapag mayroon kayong mga sintomas na nabanggit, komunsulta agad sa doctor.  Nasusugpo lamang ang sakit na ito kung mabigyan kaagad ng tamang antibiotic laban sa bacteriang leptospira. Huwag magtampisaw sa maruruming tubig.  Mag-ingat sa tubig baha.

June 7, 2007 155 Red Tide



Top | Home

Ang red tide ay sanhi ng sea algae o lumot na dumadami sa panahon ng tag-araw dahil ang init ng araw ang nagpapalago sa mga ito.  Maraming kulay ng algae ngunit pula ang pinakamatingkad kaya siya ang nakikita.

May angkin na lason ang red tide.  Ito ay mga amino acid based toxins.  Ang kombinasyon ng lason na ito at ng bacteria sa nabubulok na lumot  ay nakamamatay sa isda at naiipon sa shellfish katulad ng tahong, talaba, halaan, pusit, alamang hipon, sugpo at iba pa. Ang kumain nito ay malalason. 

May tatlong uri ng lumot na nakakalason.  Ito ang alexandrum na may sanhi ng paralytic shellfish poisoning o psp; dynophysis na sanhi ng diarrh-etic shellfish poisoning, at pseudo-nitschia multiseries na sanhi ng amnesic shellfish poisoning.

Ang paralytic shell-fish poisoning o psp ay inaatake ang nervous system at ang resulta ay paralysis. Walang antidote o gamot para dito. Namamatay ang bikitma sa asphyxiation at respiratory paralysis. Ang diarrhetic shellfish poisoning naman o dsp ay sanhi ng matinding diarrhea. Kailangan gamotin din ito kaagad at maarin nakakamatay.ang amnesic shellfish poisoning maaring magresulta sa pagkahilo, disorientation at memory loss ng matagal na panahon.

Walang paraan upang matiyak kung alin sa mga shellfish o isda ang may lason ng red tide. Ang pinakamabuti ay huwag kumain ng mga shellfish, alamang, hipon, pusit, at isda na huli sa mga lugar na may red tide.

Ang mga sintomas ng red tide poisoning ay nararamdaman pagnagsimulang matunaw ang kinain. Pamamanhid sa paligid ng bibig o mukha; parang sinu-sundot ang  palad at talampa-kan; paralysis; panghihina; mabilis na pulso; mahirap mag-salita, maghinga’t maglunok; masakit ang ulo; masakit ang tiyan, pagsusuka  diarrhea.

Maraming mga lugar ang nag-kakaroon ng red tide.  Pinaka-madalas ang manila bay at mga karatig probinsiya. Aba-ngan ang babala mula sa bfar, department of health at iba pang ahensiyaupang alamin kung nasaan ang  red tide.

Ang  nalason ng red tide ay irush kaagad sa  hospital.

June 8, 2007 132 Altapresyon: Tagasira ng Kidneys



Top | Home

Ang alta presyon ay tinaguriang “el traidor” at “silent killer”.  Ang tawag ko naman dito ay: “the great destroyer”.  Totoo nga naman, traydor ang sakit na ito dahil madalas wala itong sintomas o kung mayroon man napagkakamalan na ibang uri ng sakit.  Bigla kung humataw ang sakit na ito.  Ang mga biktima ay nagiging inutil o namamatay.
Kaya “silent killer”.din ang tawag dito.
 
Ngunit bago maging “traydor” o “silent killer” ang alta presyon, “great destroyer” muna ito.  Marami muna siyang maseselang organs na sinisira bago mamatay ang biktima sinisira muna ang mga ugat na nagdadala ng sariwang dugo sa buong katawan.  Pinasisikip, pinakakapal, pinatitigas, at pinagagaspang ang loob nito.  Limitado at mabagal tuloy ang daloy ng dugo.  Kung minsan natitigil pa ng husto.  Dahil dito unti-unting nasisira ang puso, kidneys, mata, utak at iba pang bahagi na nawawalan ng supply ng dugo.

Ang kidneys ang siyang tagalinis ng waste products at iba pang dumi ng katawan na sumasanib sa dugo.  Kailangan ay maluwag at malakas na daloy ng dugo papunta sa ating mga bato upang masalang maigi ang dugo at mailabas sa ihi ang mga dumi ng katawan.  Maaaring masira ng alta presyon ang mga ugat ng kidneys.  Sa kalaunan ito ay hahantong sa kidney failure.  Ang taong may kidney failure ay mangangailangan ng dialysis para gampanan ang kidney function na pag-aalis ng dumi ng katawan.  Di kaya ay kakailanganin niya ang kidney transplant, kung hindi ay mapapasalangit na siya.
 
Kaya kontrolin ang alta presyon, ang traydor, ang silent killer at great destroyer. Sa ano mang palayaw, deadly ang alta presyon.  Iwasan ito habang maaga pa o kung mayroon na kayo kumonsulta sa doktor.

July 20, 2009 220 Huwag mag W.I.L.D.



Top | Home

Ang mga sakit na babanggitin ko ngayon ay pinagtuunan na natin ng pansin noong nakaraan.  Ngunit dahil tag-ulan at tag-baha na naman nais ko muling banggitin ang mga ito, bilang suporta sa panawagan ng ating Department of Health. ang mga sakit na ito ay ang w.i.l.d. short for: W- water born diseases; i- influenza; l- leptospirosis; at d- dengue.  Kailangang mag-ingat ng mabuti at iwasan na magkasakit.  Ating tunghayan isa isa ang mga ito.

Ang ilan sa matitinding  water borne diseases ay ang: cholera at dysentery.  Ang mga ito ay nakukuha sa marumi o contaminated na tubig. Kaya kailangan pakuluan ang tubig inumin kung hindi tiyak na malinis ito.  Kung mayroong water purifying tablets gamitin ito upang maiwasan ang sakit na dala ng maruming tubig

Ang influenza naman, ay dahil sa isang  virus at hindi dapat pabayaan.  Maaaring mapunta ito sa mas malalang sakit katulad ng pneumonia at bronchitis. Nagagamot ang mga sintomas nito ng paracetamol at iba pang analgesic/antipyretic medicines.  Ngunit ang pinaka-maigi ay magpabakuna ng flu vaccine bago dumating ang tag-ulan at tag-lamig.

Mag-ingat sa leptospirosis. Huwag maglakad sa baha lalo na kung kayo ay may sugat. Maaaring ang tubig baha ay may dumi o ihi ng, daga at iba pang mga hayop na maaaring magdala  ng bacteryang leptospira. Nakukuha rin ito sa lupa na infected ng ihi at dumi ng mga hayop. Bantayang mabuti ang mga bata dahil sila ang malimit naglalaro sa baha at maruruming mga lugar.

Alam na rin natin na ang dengue ay nakakamatay.  Kaya alisin ang mga maaaring pag-itlogan ng lamok, gumamit ng kulambo o screen kung mayroong mga kaso ng dengue sa inyong pook at komunsulta sa doktor kung mayroon kayong hinala na ang sakit ay dengue.

Kailangang mag-ingat tayo palagi kapag tag-ulan at tag-baha. Marami tayong sakit na maiiwasan at pati ang gastos ay tiyak na mababawasan rin.

June 12, 2009 222 Natures Way of Fighting Dengue



Top | Home

May mga natural na panangga sa dengue.  Ito ay ang palaka, butiki, bubuli, tuko,  gagamba at ibang pang mga hayop na kumakain ng lamok at mga itlog nito.  Ito ang tinatawag na biological solution sa dengue.

Ipinapayo ng Department of Health na bigyang pansin ang mga hayop na ito lalo na sa panahon ng tag-ulan kung saan laganap ang dengue.  Malaki ang naitutulong ng natural na paraan ng pagsugpo sa lamok.  Halos walang gastos ito. Ligtas pa ang lahat sa pagkalason na sanhi ng mga insecticide at mga gamot na ginagamit sa fumigation.

Ang iba pang pamamaraan ay ang pag-alis ng mga bagay na nag-iipon ng tubig sa paligid ng bahay katulad ng mga lata, paso, sirang gulong at iba pa.  Kung may mga mabababang lugar na pinag-iipunan ng tubig, tabunan ito ng lupa upang hindi tigilan ng tubig. Lagyan ng kaunting asin, alcohol, o  lumang langis ang mga pinag-iipunan ng tubig upang mamatay ang itlog ng lamok.

Kulitin ang inyong barangay officials na linisin ang lahat ng lugar na pinagpupugaran ng lamok.  Kung kailangan, mag-fumigate sila kung malawak ang sinasakupan ng pinagbabahayan ng lamok

Kung may hinala na ang isang tao ay may dengue, dalhin kaagad siya sa doktor o sa pinakamalapit na health center o hospital upang tiyakin ang kanyang sakit.  Ang mga sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, rashes, matinding sakit ng ulo, muscle at joint pains.  Ang may sakit ay maaaring makaroon ng bleeding sa ilong o sa gilagid at sa balat.  Ang pagdudugo sa balat ay maaaring babala sa pagkakaroon ng similar bleeding sa loob ng katawan.

Kung hindi kaagad maagapan, maaaring mag-collapse ang mga ugat at mamatay sa shock ang may sakit.  Kung kayo ay mayroon ng mga sintomas na nabanggit, komunsulta agad sa pinakamalapit na hospital.

August 24, 2009 60 Cataract Part 1



Top | Home

Ang ating mga mata ay parang kamera.  Katulad ng kamera, ang ating mga mata ay may lente rin.  Ang cataract  o catarata ay ang panlalabo ng lente na ito.  Maaaring magkaroon ang isa o magkabilang mata. Cataract is the most common cause of blindness dito sa ating bansa. 

Ang sintomas ng cataracta ay: panlalabo ng paningin lalo na sa gabi, mapusyaw na tingin sa kulay, pagkasilaw sa maliwanag  na ilaw; pagdodoble ng paningin.

Upang makompirma ang catarata,  kailangang pumunta sa isang eye specialist upang isagawa ang mga kaukulang tests  katulad ng visual acuity testing. Ito ay ang pagsukat ng linaw ng mata sa pamamagitan ng eye chart. Upang maiksaming maigi ang loob ng mata, a dilated eye exam is done kung saan nilalagyan ng gamot na pampalaki o pang dilate ang pupil o itim ng mata. Dito, ini-examine ng eye specialist kung maayos ang retina, isang parte ng mata na kung baga sa kamera, ito ang plaka or film. Tinitingnan rin ang optic nerve, ang nerve na nagta-transmit ng signal mula sa mata papunta sa ating utak.  Ang panghuli ay ang tonometry na sumusukat ng pressure ng ating mata. Mahalaga na ang lahat ng ito ay normal upang masiguro na catarata lamang ang dahilan ng paglabo ng mata.

Ilang uri ang catarata?  Karamihan nito ay dahil sa katandaan ngunit mayroong mga catarata na ang sanhi ay glaucoma, dala ng diabetes, o hindi kaya dahil sa paggamit ng steroid.  Ang traumatic cataract naman ay sanhi ng sugat o pagkabugbog ng mata. Ang congential cataract naman ay dala na ng bata ng ito’y ipinanganak.  Ang radiation cataract ay nakukuha sa radiation katulad ng x-ray.

Kung bago pa lamang ang cataract maaaring mapaiigi ang paningin sa pamamagitan ng bagong eye glasses, brigher lighting o anti-glare sun glasses.

Kailangang operahin na ang cataracta  kapag nakakaapekto na  ito sa mga karaniwang gawain katulad pagbabasa, pagmamaneho, o panonood ng telebisyon.  Komunsulta sa inyong eye care professional upang tiyakin kung kailangan nga ba ang operasyon at kung kailan ito dapat gawin.

June 14, 2007 144 Iridology



Top | Home

Ano ang Irridology?  Ayon sa mga practitioners ito raw ay paraan ng diagnosis ng iba’t ibang sakit ng tao sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa iris ng mata. Ang iris ay ang bilog na parte sa gitna ng mata na may kulay na dark brown.

Sinasabi ng mga irridologists na ang nakaraan at kasalukuyang kalusugan ng tao ay malalaman sa kulay, texture at kalagayan ng mga pigments sa iris.  Ayon rin sa kanila ang mga imbalances sa katawan ay malulunasan ng mga bitamina, minerals at herbs na ibinebenta nila.

May bisa nga ba ang irridology?  Sa totoo lang, wala. Dahil sa dami na ng pagsubok na ginagawa sa mga irridologists hindi nila napatunayan ang bisa nito.  Sa halip nahalata tuloy na wala silang kakayahan na hulaan ang sakit ng tao sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa mata.

Ito ang ilang halimbawa:  noon 1979 si Bernard Jensen, isang kilalang amerikanong irridologist at ang dalawa niyang kasama ay hindi pumasa sa scientific test kung saan ipinasuri sa kanila ang photograph ng mga mata ng 143 katao upang alamin kung alin sa mga ito ang may sakit sa kidney.  Hindi nila nahulaan kung alin ang may mga sakit sa kidney. 

Sa Australia naman isa sa sinasabing dalubhasa sa irridology ay binigyan ng dalawang pagsubok kung saan ipinabasa sa kanya ang photos ng mata ng 15 katao na napatunayang may 33 uri ng sakit. Wala kahit isang sakit siyang nahulaan.  Noong 1980’s limang (5) sikat na dutch irridologists ang pinakitaan ng colored slides ng iris ng 78 katao na ang iba ay may sakit sa gallbladder.  Wala kahit isa sa lima ang nakahula kung alin ang may sakit sa gall bladder at iyong wala.  Noong 1998 naman, ipinakita sa dalawang irridologist ni Eugene Emery, isang science writer sa America, ang mata ng walong (8) taong nadiagnose na may sakit. Wala kahit isa sa kanila ang nakahula kung ano ang  sakit ng mga pasyente.

Ilan lamang ito sa mga nagpapatunay ng kawalang bisa ng irridology.  Karamihan ng mga practitioners nito ay nagbebenta ng sari-saring  supplements at mga herbs.  Kung minsan sinasabi pa nila na nakakagamot ito ng mga sakit.  Kung sino man ang gumagawa nito ay kailangan lisensyadong doktor dahil ang pagpraktis ng medisina na wala lisensya ay labag sa batas.

Kaya mag-ingat sa mga walang bisa at mamahaling praktis na ito katulad ng irridology. Ang karamihan ng mga nagsasabi na epektibo ito ay mga ahente rin kaya huwag kayong masyadong maniwala sa mga testimonya nila. Hindi lang yan, kung may totoo kayong sakit, hindi kayo mabibigyan ng kaukulang lunas at maaaring buhay ninyo ang kapalit.

June 05, 2009 231 Avoiding Mosquito Bites



Top | Home

Ang dalawang pinaka tatakutang sakit ay dengue at malaria.  Kapag hindi nagamot kaagad, maaaring makamatay ito.  Pawang kagat ng lamok ang dahilan ng dalawang salot na sakit na ito.

Madalas na inuulit ulit ang mga pamamaraan ng pagsugpo sa  pagdami ng lamok.  Ngunit kailangang pagtuunan rin ng pansin kung paano maiiwasan ang hindi makagat ng lamok.

Kung kayo ay lalabas, maiging magsuot ng damit na natatakpan ang buong katawan. Mainam rin na neutral colors tulad ng  khaki, beige o olive ang damit. Magsuot ng light colors sa araw dahil ang dark colors sa araw ay kaakit-akit sa lamok.

May mga particular na amoy ng katawan na nakaka-attract sa mga lamok. Kaya may taong mas madalas makagat ng lamok kumpara sa iba.  Mainam ring huwag gumamit ng mabangong sabon, shampoo at lotion upang hindi maakit ang mga lamok.

Madalas ang lamok ay nangangagat mula takipsilim hanggang madaling araw. Ngunit may mga lamok ring nangangagat anumang oras. Mas mabagsik sila kapag mainit at humid ang panahon.

Tandaang lumayo sa mga lugar na may stagnant water. Gumamit ng mga approved insect repellent sa bahagi ng katawan na walang takip.

Habang maaari gumamit ng long sleeves, long pants at medyas.  Kung manipis ang damit bugahan rin ng insect repellent upang makatiyak na hindi makagat ng lamok.

Napatunayan na ang pag-inom ng  25 to 50 mg ng thiamine o vitamin B1 tatlong beses sa isang araw ay  nagbibigay ng amoy sa balat na ayaw ng mga babaeng na lamok.  Mabuti ito sa mga taong nagkakaroon ng allergic reaction sa mosquito bites.

Naaakit rin ang lamok sa pawis, init, carbon dioxide, at lactic acid.  Ang lahat ng ito ay lumalabas kapag nag exercise. Kaya  iwasan ang mag-exercise sa lugar na maraming lamok.

At huwag kalimutan, ang pinakamainam ng panangga sa kagat ng lamok ay ang kulambo. Kung walang screen ang inyong bahay, maiging gumamit kayo ng kulambo. Isang simpleng paraan upang maiwasan ang magkasakit.

June 18, 2007 191 Typhoid Fever



Top | Home

Ang typhoid fever ay isang malubhang sakit na pangkaraniwan dito sa atin at sa buong mundo. Ang sanhi nito ay ang bacteriang salmonella typhi.

Ang salmonella bacteria ay nabubuhay lamang sa tao. Matatagpuan ito sa dugo at bituka ng mga may typhoid fever at sa mga carriers. Ang mga carriers ay mga dating may sakit ng typhoid at gumaling na, ngunit may naiiwan pang bacteria sa kanilang katawan.  Ang mga carriers ay walang sintomas ng sakit ng typhoid ngunit katulad ng may sakit ng typhoid mayroon rin silang bacteria sa dumi o stool.

Nakukuha ang sakit sa pagkaing nahawakan ng mga taong may typhoid fever o mga carriers na hindi naghugas ng mabuti ng kanilang kamay; o di kaya sa inumin o tubig- panghugas ng pagkain na na-contaminate ng may typhoid infection.

Naiiwasan ang typhoid fever.  Iwasan ang pagkain ng hilaw na kakanin.  Iwasan ang kumain ng street food, balatan ang mga prutas at pakuluan ang tubig inumin ng isang minuto. Kung kayo ay exposed sa maruruming kapaligiran mabuting mag pabakuna laban sa typhoid.

Kapag nakapasok na sa katawan, mabilis dumami ang typhoid bacteria. Hahalo ito sa dugo at lilitaw ang mga sintomas katulad ng mataas na lagnat, masakit na tiyan at ulo, panghihina at kawalang ganang kumain. Matitiyak lamang kung ang sakit ay typhoid sa pamamagitan ng stool o blood examanination.

Kung palagay ninyo mayroon kayong typhoid fever dumulog kaagad sa doktor upang mabigyan kayo ng antibiotics na magpapagaling sa inyo sa loob ng 2 o 3 araw. 20% ng mga hindi nagagamot ay maaaring mamatay dahil sa komplikasyon.

Kahit nawala na ang sintomas maaaring mayroon pa kayong typhoid bacteria. Upang kayo ay hindi maging carrier, ituloy ang pag-inom ng antibiotic alinsunod sa payo ng doktor.  Panatilihing malinis palagi ang mga kamay.

Tandaan may bakuna laban sa typhoid.  Alalahanin rin na pagkalipas ng ilang taon nawawala ang bisa ng bakuna na ito. 

May 15, 2009 42 Malaria Part 3



Top | Home

Worldwide, tatlong milyon kada taon ang namamatay sa malaria na dala ng female anopheles mosquito.

Mayroon tayong malaria sa Mindoro, Palawan, Mountain Provinces at mga parte ng Mindanao. More or less 40, 000 filipinos are infected.

Dati halos walang malaria sa mga lungsod. Ngayon bumababalik na naman ito dahil sa urban migration, poor sanitation, at iba pa. Travel and tourism help spread it across borders while logging, new roads at irrigation bring people into malaria infested areas.  Ang masama pa, mayroon na ngayong malaria parasites na resistant sa dating mga mabisang gamot katulad ng chloroquine.  Ang malaria parasite na plasmodium falciparum ay sumisira ang liver, kidneys at utak na maaring ikamatay ng pasyente. Ang ibang uri ng malaria naman ay maaaring maging dormant pagkatapos ng unang pagkakasakit at maaaring lumitaw uli paglipas ng ilang buwan o taon.  Mahalagang malaman kung anong klaseng malarial parasite meron ang pasyente para malapatan ito ng wastong gamot.

Maaring maiwasan ang malaria kaya lang, medyo mahirap dahil walang bakuna laban dito. Ang pinakamabisa ay gumawa ng “anti-mosquito measures” sabay ang pag-inom ng mga gamot na pang-iwas sa malaria.  Iwasan pumunta o magbiyahe sa mga lugar na may malaria.  Ang anopheles mosquito na may dala ng malaria ay nangangagat lamang kung gabi. Iwasan na makagat ng lamok sa mga oras na ito.

Kapag nasa labas, magsuot ng long sleeves at long pants. Sprayan ang damit ng insecticide.na permethrine.  Lagyan ng insect repellent ang exposed na parte ng katawan.  Magspray ng insecticide  sa living at sleeping areas.  Gumamit ng kulambo kung walang screen ang bahay. Mas maiigi kung sprayan din ng permethrin ang kulambo.

Magkonsulta sa doktor upang maresetahan ng ant-malaria medicine bago tumungo sa mga lugar na may malaria.  Inumin ang gamot sa wastong araw at oras na inihatol ng doktor.  Mag-umpisang uminom ng gamot isa o dalawang linggo bago magbiyahe, habang nagbibiyahe at apat na linggo pa pagkatapos ng biyahe

Tandaan! Maaari pa rin kayong magkaroon ng malaria kahit uminom kayo ng anti-malarial drugs, dahil maaaring resistant sa ininom ninyong gamot ang malaria na tumama sa inyo.  Ang mga buntis at  mga bata ay mangangailang ng special instructions, dahil delikado ang ibang antimalarial drugs para sa mga ito.

February 11, 2009 208 Caring for Childs Teeth



Top | Home

Ang pag-aalaga ng ngipin ng bata ay dapat magsimula bago pa ito lumabas dahil ang ngipin ng baby ay nagsisimulang mabuo sa third trimester pa lamang ng pagbubuntis. Pagkapanganak sa baby may dalawang pung (20) ngipin nang naghahandang lumabas sa panga ng baby.

Sa simula pa lang, kailangang iwasan na magkaroon ng bacteria ang gilagid ng baby. Punasan ng malinis at mamasa masang tela ang gilagid  pagkatapos ng feeding, at kung may pailan-ilang ngipin nang lumalabas, maaari na itong I-brush ng malambot na toothbrush .

Kahit ang mga baby ay nagkakaroon rin ng tooth decay.  Ang pagpapatulog sa baby na nakasubo ang bote ng gatas o juice ay masama sa ngipin dahil ang asukal  ng juice  at gatas ay naninira ang enamel coating ng ngipin at nagiging dahilan ng paglabas ng cavities.  At kung sakaling masira kaagad ang mga front teeth ng baby, maaaring kakailanging bunutin na ang mga ito.

Pediatric dentists ang dapat mag-alaga sa ngipin ng mga bata.  Sila ang mga espesyalista sa prevention at maintenance upang tiyakin na hindi magkaroon ng problema sa ngipin ang mga bata.  Sila rin ang dapat magrekomenda kung kailangan nilang komunsulta sa orthodontist o kaya oral surgeons.

Upang maiwasan ang cavities dalhin ang baby regularly sa dentista.  Umpisahan sa 1st birthday niya upang maituro ang mga tamang paraan sa pag-aalaga ng ngipin at makita rin kung may problema na ito.  Gawing regular ang dentist check upang  masanay at hindi na matakot ang inyong anak pumunta sa dentista habang siya ay lumalaki.

Paglabas ng mga primary teeth  maaaring lagyan na ito ng dentista ng topical flouride upang tumigas ang enamel at maiwasan ang cavities.  Tuturuan ang  bata ng wastong pagsisipilyo at pag-floss pagkatapos kumain.  Magpa fluoride treatment sa inyong dentista kahit na gumagamit ng toothpaste na may fluuride.Kung minsan kailangang lagyan ng resin sealant ang  mga molars ng bata upang maging protective coating laban sa bacteria.

May mga taong madaling masira ang ngipin kahit alagaan ng regular tooth brushing. Kung ang isang magulang ay mayroong ganitong problema, maaaring malipat rin itong problema sa kanilang mga anak.

Isang paalaala: dalhin sa dentista ang inyong anak at least once a year. Pagbawalan silang kumain ng mga maasukal na kakanin, at magsepilyo ng ngipin regularly. Sa kanitong paraan, mapapanatili ninyong  maganda ang ngiti ng inyong mga anak.

October 19, 2009 68 Bottle Feeding



Top | Home

Ang gatas ng ina ang pinakamahusay para sa sanggol, ngunit kung hindi ito sapat o hindi ito palaging ma-ibi-bigay ang pwedeng gawin ay kombinasyon ng breast feeding at bottle feeding.  Kung hindi talaga maaring mag-breast-feed ang isang ina, hindi kasing husay ngunit puede na rin ang milk formula para sa baby.

Iba’t iba ang kadahilanan kung bakit hindi makapag-breast feed ang isang ina.

  • May sakit ang ina,
  • Maysakit ang baby,
  • Pre-mature ang baby,
  • Walang gatas ang ina,
  • May trabaho siya sa labas, at iba pa.

Maraming mapagpipilian na infant formulas para sa bottle feeding.  Nandiyan ang

  • cow’s milk-based;
  • soy-based;
  • hypoallergenic;
  • lactose-free;
  • home made;
  • transitional formulas

Ang mga cow’s milk-based formulas ay magkakahawig sa isa’t isa; ang soy-based formulas ay para sa mga baby na hindi kayang tunawin ang gatas ng baka o dahil vegetarian ang mga magulang at ayaw nilang painumin ang baby ng animal products. Ang hypoallergenic formula ay para sa mga baby na allergic sa gatas ng baka o soy-based formula.  Ang lactose-free formula ay ibinibigay sa mga baby na may lactose intolerance.  Ang mga home-made formulas na gawa sa gatas evaporada o condensada ay hindi dapat ibigay sa sanggol dahil kulang ang mga ito sa sustansyang kinakailangan ng baby.  Ang transitional formula naman ay ginagamit habang inililipat ang baby mula sa breast milk o milk formula patungo sa whole milk.

Kailangang maligamgam ang formulang ibibigay sa baby.  Huwag iwanang mag-isa ang baby habang siya ay sumususo sa bote, maaari siyang masamid.  Mas mabuting hawak ang baby at relaxed ang ina habang nagbo-bottle-feed.  Mahalagang maramdaman ng bata ang pag-aaruga at pagmamahal ng ina kahit siya ay nagbo-bottle feed at hindi nagbe-breast-feed.

Tiyaking malinis ang bote at ang tubig na ihahalo sa formula.  Kung maaari, gumamit ng bottled water.  Tiyakin din na malinis ang inyong mga kamay bago simulan ang pagpapasuso sa baby.

Ang gatas ng ina o bottle formula ay kayang solong i-supply ang nutritional needs ng baby hanggang anim na buwan.. Pagkaraan nito kailangan bigyan na rin siya unti-unti ng mga solid foods. Kapag may isang taon na ang bata maaari na siyang painumin ng whole cow’s milk at sabay itigil na ang bottle feeding upang maiwasan ang tooth decay.

June 27, 2007 211 Mapanganib Ba Ang Hairdye



Top | Home

Ang pagkukulay ng buhok ngayon ay medyo kontrobersyal.  May mga research na nagsasabi na maaari itong maging sanhi ng ilang mga kanser. Ngunit may mga pagsusuri naman na ang resulta ay hindi sumusuporta sa mga findings na iyon.

Sa amerika, iniutos ng FDA o Food and Drug Administration  sa mga dye manufacturers na maglagay ng warning sa label ng lahat ng pangkulay ng buhok na mayroong  compound na 4-methoxy-m-phenylenediamine (4-mmpd), at 4 methoxy-m-phenyledediamine sulfate (4-mmpd sulfate) na mula sa coal tar ingredients. Nangyari ito nang lumabas ang resulta ng tests sa mga daga sa National Cancer Institute sa Bethesda, Maryland kung saan ang mga hayop na ito ay mas madaling nagkaroon ng kanser nang nilagyan ng mga kemikals na ito ang kanilang pagkain.

Dahil dito, ipinagbawal ng  FDA sa mga dye manufacturers sa paggamit ng 4-MMPD at 4-MMPD sulfate,  pati rin ang ibang kemikals na napatunayang nagdudulot ng kanser sa mga hayop sa laboratory studies.

Ito ang sabi ni Dr. John Bailey, chemist, at direktor ng colors and costmetics program ng U.S.. FDA: “some of the studies raised questions about safety of hair dyes, but at this point there is no basis to say that hair dyes pose a definitive risk for cancer”. ‘use good judgment and moderation”, dagdag pa ni Dr. Bailey.

Ang payo ko naman upang maiwasan ang cancer risk dahil sa hair dye ay ito:  Huwag madalas magpalit ng kulay ng buhok, hintayin ang pagputi ng buhok bago magsimulang  magkulay muli, iwasan ang mga dye na may coal tar-based element, piliin ang mga dyes na henna o lead acetate-based, huwag iwan ang hair dye sa ulo ng mahigit kaysa kailangan, banlawang maigi ang ulo upang maalis ang dye, gumamit ng gwantes kapag nagkukulay ng buhok, at huwag paghalu-haluin ang iba’t ibang klase ng dye.

Patuloy ang research  tungkol sa cancer risk ng hair dyes. Habang hindi pa napapatunayan kung ito ba ay mapanganib o hindi, maging maingat pa rin sa pagpili at paggamit nito.

Pahabol na paalala: gawin ang patch test para sa allergic reaction bago gamitin ang isang hair dye. Sundin lamang ang instructions sa lalagyan ng dye.  Gawin ang patch test kahit sa salon nagpapakulay.

Para sa mga banidoso at banidosa, huwag na huwag kulayan ang kilay o pilik mata dahil maaaring magdulot ito ng impeksyon o maging sanhi ng pagkabulag. Kahit ang U.S. FDA ay  ipinagbabawal ito.

June 28, 2007 179 Ulcer-Causing Medicine



Top | Home

There are several medicines na maaaring maging cause ng ulcers or ulcer complications katulad ng aspirin, ibuprofen, at nsaids o nonsteroidal anti-inflamamatory drugs. Maaari ninyong itanong sa inyong doktor kung ano ang mga brands ng mga into.

Hindi madali magkaroon ng ulcer dahil sa mga ito. Ngunit dahil sa dami ng mga tao sa mundo na umiinom ng aspirin at nsaids, marami ang bilang ng mga nagkaka-ulcer at namamatay dahil dito.

Sino ang mga maaaring magka-ulcer dahil sa pag-inom ng aspirin at nsaids?

Ang masayadong sensitibo sa mga gamot na ito o kay matagal ng umiinom  ng aspirin at nsaids; ang mga mahigit sa 60 años; mga nagkaroon na ng ulcer dahil sa stress; ang mga umiinom ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo; mga umiinom ng oral coticosteroids katulad ng prednisone.

Tandaan ninyo ito: kung predisposed kayo sa ulcer o sensitibo kayo sa aspirin at nsaids, hindi nababawasan ang paninira sa bituka ng mga ito kahit inumin ito pagkatapos kumain; tinunaw o glazed o enteric coated; o  kahit bilang suppository o injection.

Ngunit ang mga acid reducing  medicines katulad ng h2 inhib-itors (zantac) o nizatidine (axid) ay makakatulong upang bawasan ang panganib na magkaroon ng ulcer.

Ang isa pang paraan ay iwasan ang pag-inom ng aspririn at nsaids. Maaaring gamutin ang anumang pananakit ng katawan, sakit ng ulo, migraine,  arthritis at gout, sa pamamagitan halimbawa ng  paracetamol, o mga cox-2 medicines. Huwag lamang gamitin ang mga ito sa mayroon ng ulcers.

Sa mga predispose sa ulcer na pinaiinom ng lowdose aspirin para sa  sakit sa puso at ugat, kailangan palitan ito ng ibang gamot katulad ng clopidogrel (plavix) or something similar.

Kung sa palagay mo ay mayroon kang ulcer, palaging may indigestion o pananakit ng tiyan, lalo na kung may sakit din kayo sa puso at ugat, kumonsulta sa doktor bago uminom ng aspirin o nsaids. 

July 02, 2009 105 Blood Donation Part 1



Top | Home

Kung kayo ay malusog at nais makatulong sa inyong kapwa mag-donate ng dugo. Bukod dito, ito ay makakabuti pa sa inyong katawan. Kung ang dugo na inyong ibibigay ay kakailanganin ng isang emergency patient, o kaya magagamit sa isang maselang operasyon, kayo ay nagkaroon ng pagkakataong makasagip ng isang buhay.  Dapat ninyong malaman na ang donated mong dugo ay maaaring maimbak upang gamitin mo o ng mga mahal mo sa buhay sa darating na mga araw.  Kapag nangailangan kayo ng dugo sa hinaharap, madali kayong makakakuha ng kapalit sa ibinigay ninyo noon.

Maliban dito, ang pagdodonate ng dugo ay nagpagpapasigla ng paggawa ng bagong red blood cells sa inyong katawan.

Madali lamang ang pagdonate ng dugo.

Pumunta lamang sa tanggapan ng red cross o magpa-endorse sa inyong doktor sa ospital na tumatanggap ng voluntary donation.
Simple ang proseso, hindi mapanganib, at hindi masakit. Magsisimula ito sa pag-fill up ng consent form at ng usual questionaire tungkol sa gulang, timbang, etc. Sasagutin rin ninyo ang confidential survey tungkol sa mga tattoo, paggamit ng droga, biyahe sa ibang bansa, medical at sexual history.

Tuloy na sa blood donation na pangangasiwaan ng mga espesyalista sa pagkuha ng dugo. Mga 380cc o katumbas ng isang lata ng coke ang maaaring makuhang dugo sa inyo. Pagkatapos  idi-deep freeze ito ng 60 degrees centigrade below zero. Sa ganitong paraan  maaari itong maimbak hangang 10 taon.

Pagkatapos magdonate ng dugo, ipagbabawal muna ang mabibigat na ehersisyo sa loob ng 24 oras. Ang inyong plasma level ay babalik uli sa normal  sa sunod na araw  at  ang inyong red cells sa loob ng 5 linggo.

Pambihira ang masamang reaksyon dahil sa blood donation. Sa kabilang dako may mga matatandang nagsasabi na lumakas ang kanilang katawan pagkatapos magbigay ng dugo.

December 12, 2007 123 Chocolate

   

Top | Home

Ang kasaysayan ng chocolate ay nagsimula sa mga Aztec sa South America. Natuklasan ito ng kastilang explorer na si Hernando Cortez.  Dinala niya ito sa Espana hanggang sa kumalat sa buong Europa.  Ang mga kastila din ang nagdala ng tanim na cacao dito sa atin.  Ang bunga ng cacao ang ginagawang chocolate.

May ilang uri  ng chocolate:

  • Dark o bitter chocolate, gawa sa cocoa paste at konting asukal;
  • Milk chocolate na gawa sa cocoa paste, cocoa butter, asukal, at  powdered milk
  • White chocolate na  ang halo lamang ay cocoa butter, asukal at gatas.

Maraming nutritional quali- ties ang chocolate katulad ng carbohydrates, fats, proteins, minerals at vitamins.  Puno ito ng anti-oxidant o falvonoids na nakakaprotekta sa ating mga ugat at plant phenols na nagpapababa ng blood pressure.

Ang chocolate na  mabisa sa ating katawan ay ang dark chocolate lamang.  Yung iba ay puno ng asukal at gatas at dumaan sa maraming proseso kaya nawawala ang na ang bisa, nakakataba pa.

Tatlong uri ang dark chocolate:

  • unsweetened baking chocolate,
  • bittersweet chocolate,
  • semisweet chocolate.

Napatunayan ng isang res-earch sa Italia na ang dagdag na gatas sa chocolate ay nakakahadlang sa absorption ng mga phenols at flavonoids.  Kaya iwasan ang milk chocolate at white chocolate.

Isang paalaala lamang: Dahil nakabubuti ang dark chocolate, hindi ibig sabihin na libre na kayong kumain ng marami nito.  Kailangan balansehin ang kinakain. Bawasan ang ibang bagay na nakakataba o mataas ang cholesterol upang hindi masayang ang benepisyo na nakukuha sa pagkain ng black chocolate. 

At least ngayon na alam na ninyo ang kabutihang dulot ng dark chocolate, tiyak na hindi na kayo magi-guilty kapag napakain kayo nito ng katamtaman lamang.

December 26, 2008 126 Softdrinks



Top | Home

Sino ba ang hindi mag-eenjoy ng malamig, mabula at matamis na soft drinks lalo kung nauuhaw tayo? Ang problema, may nakatagong mga panganib sa pag-inom ng soft drinks na dala mismo ng tamis, bula at acid ng inuming ito.

Ang isang 12 ounces na lata o bote ng soft drink ay may 150 calories.  Katumbas ito ng walong kutsarita ng asukal na diretsong pumapasok sa katawan.

Ang soft drinks ay mayroon ding dagdag na carbonic at phosphoric acid.  Kapag naghalo ito at ang acid mula sa asukal, kakainin nito ang enamel ng ipin at mapapabilis ang tooth decay.  May kasama ring caffeine ang karamihang soft drinks na maaaring makasama sa mga bata at sa mga taong sensitive sa caffeine.

Napag-alaman na ang mga teenagers na babae na palaging umiinom ng soft drinks ay mas mababa ang bone density kaysa mga hindi umiinom ng soft drinks.  Mauuwi ang kondisyon na ito sa madalas na pagkabali ng buto o osteoporosis.

Ang mataas na sugar content ng soft drink ay nakakapagpataba.  Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Harvard School of Public Health na ibinunyag sa 64th Scientific Session ng American Diabetes Association, ang mga babaeng umiinom ng isang sugar-sweetened soft drinks araw-araw ay mas madali magkaroon ng type 2 diabetes.  Ito ay dahil sa madaling maabsorb na uri ng asukal na ginagamit sa soft drinks.

Ang 150 calories ng soft drinks ay katumbas ng 40 baby carrots, o dalawang malaking apples, o walong cups ng pop corn.  Ang lahat ng ito ay mas masustansiya at nakakapagpalakas pa. Mas mabuti pang uminom na lang kayo ng flavored water, skim milk, soy milk, green o cham-onille tea, kape, skim latte, skim cappuccino, skim cafe au lait, o low fat cocoa.

Kapag sinunod ninyo ang payong ito, maiiwasan ninyo sa isang taon ang 26 pounds of fat,  diabetes at ang lahat ng mga komplikasyon na dulot nito.

By the way, ang diet soda ay mayroong acid din.  Kapag sinabayan ninyo ito ng pagkain na may maraming carbohydrates.  Masisira pa rin ang ngipin ninyo.

July 03, 2009 163 Blood Donation Part 2



Top | Home

Tatlo sa bawat sampu o 30% ng nangangailang ng dugo ay hindi mabigyan dahil sa kakulangan ng supply.

Ang lahat ng mga commercial blood banks ay sarado na. Ang mga nangangailangan ng dugo ay umaasa lamang sa red cross o sa mga hospital blood banks.  Ang dugo naman na mula sa mga nagbebenta nito ay malamang mayroong sakit katulad ng malaria, syphilis, hepatitis b, o aids.  Kaya talagang kailangan ang blood donation.
 
Madali lamang magdonate:  Kung kayo ay 16 up to 65 years old, may timbang na at least 100 pounds maaari kayong maging donor. Magsadya sa red cross, sa BCU o blood collection unit sa mga hospital ng gobyerno o sa pribadong ospital na tumatangap ng blood donation.  Kukunin ang iyong health history. Bibigyan kayo ng physical examination upang alamin ang iyong timbang, temperatura, pulso at presiyon. Aalamin nila pati ang iyong blood type.  Importanteng malaman ang blood type dahil kapag  kailangan ang blood transfusion madali maghanap ng tamang dugo.

Mabilis ang pagkuha ng dugo, 5 to 10 minutes lamang.  Kaunti lang ang dugong kukunin.  Mula 250 hanggang 450 milliliters.  Napapalitan kaagad ito sa loob ng tatlo hanggang limang oras.  Walang kailangang special na pagkain kundi dagdag na pag-inom ng tubig lamang.   Walang mararamdamang ill effects.  Pagkatapos mag-donate maaari kayong magbalik kaagad sa trabaho maliban lang kung kayo ay driver o operator ng heavy equipment.  Ang malusog ay maaaring mag-donate ng dugo bawat tatlong buwan na walang masamang epekto sa katawan. 

Hindi tatanggapin ang inyong dugo kung kayo ay may diabetes, cancer, sakit sa puso at ugat,  psychiatric dis-order, epilepsy, bronchitis, tb, aids, syphilis o iba pang std, malaria, kidney at liver disease katulad ng hepatitis,  o drug addict.

Uulitin ko. Napakadali at napaka-rewarding ang mag-donate ng dugo. Tiyak na makakasagip kayo ng buhay.

Malay mo, isang araw ang buhay na iyon ay maaaring buhay mo.

July 5, 2007 106 Dysmenorrhea



Top | Home

Dysmenorrhea ang tawag sa masakit na menstruation . May dalawang uri ito: primary at secondary. Mahigit sa 50% ng kababaihan ang nagkakaroon ng primary dysmenorrhea. Hanggang 15% sa kanila ang nakakaranas ng matinding sakit na nakakaabala sa kanilang gawain.

Kung may underlying gynecological disorder ang dysmenorrhea, ang tawag dito ay secondary dysmenorrhea.

Ang dysmenorhea ay nagsisimula sa adolescent years pa lamang. Upang maintindihan  ito, kailangang malaman kung ano ang  nangyayari sa isang menstrual cycle.

Bawat buwan ang lining ng uterus o sinapupunan ay kumakapal bilang paghahanda sa pagdating ng ovum mula sa fallopian tubes. Kapag hindi natuloy ang pagbubuntis, ang lining na ito o endometrium ay malalagas at lalabas sa uterus na kasama ang dugo palabas sa vagina.  Dahil sa contraction ng uterus upang lumabas ang endometrial tissues, nakakaramdam ng matinding sakit sa puson. Ang sakit ay lalong malubha kung masikip ang cervical canals o kaya ang uterus ay tilted backwards. Ang ganitong mga pangyayari ay ang sanhi ng primary dysmenorrhea.

Ang secondary dysmenorrhea ay maaaring  magmula  sa pag-tubo ng uterine tissue sa labas ng uterus na kung tawagin ay endemetriosis, muscle at fibrous tissue  growth sa uterus na kung tawagin ay fibroid tumors, at mga iba pang sakit ng uterus. 

Ang sakit sa puson ay  mararandaman bago sa simula ng menstrual period. Ang sakit ay maAaring tuloy-tuloy o patigil-tigil at kung minsan ay umaabot sa likod ng katawan. Paminsan-minsan may kasama itong sakit ng ulo at pagsusuka.

Nadadiagnose ang dysmenorrhea ng inyong gynecologist sa pamamagitan ng medical history, physical exam at pelvic o internal exam. Depende sa resulta ng mga ito, maaari siyang  mag order ng ultrasound o kaya kumuha ng biopsy ng tissue sa loob ng uterus.

Upang mabawasan ang sakit sa puson maaari silang mabigyan ng pain reliever katulad ibuprofen, naproxen o mefenamic acid. Mabuting inumin ito dalawang araw bago mag-umpisa ang menstrual period. Magpahinga at mag exercise. Kung matindi pa rin ang sakit, maaaari ring subukan ang low-dose birth control pills. Sa secondary dysmenorrhea, ang treatment ay batay sa kung ano ang nakitang depekto sa uterus ng inyong gynecologist.  Maaari itong hormonal therapy o kaya operasyon.

July 6, 2007 108 Hemorrhoids



Top | Home

Ang sakit na hemorrhoids o almoranas ay sanhi ng pamamaga ng mga ugat sa paligid ng anus o puwet.  Ang dahilan ng sakit na ito ay ang madalas na pag-iri kapag dumudumi lalo na kung may chronic constipation at o kaya nagdadalang-tao.

Ang almoranas ay hindi mapanganib na sakit.  Kadalasan nawawala ito pagkalipas ng ilang araw.  Kalahati ng mga lampas ng 50 anyos ay may almoranas.  Ang mga buntis ay nagkaka-almoranas din dala ng pressure ng fetus at panganganak.

Ang madalas na sintomas ng internal hemorrhoids ay dugo sa inyong dumi, sa toilet paper o kaya sa toilet bowl.  Maaari din itong makita o masalat kung ito ay external hemorrhoids. Kapag ito’y nakausli sa puwet, maaari itong mairita at mangati.  Kung minsan maaaring maging matigas at masakit ang almoranas dahil sa pamumuo ng dugo sa loob nito.

Kailangan ang isang masusing examination ng doktor kung kayo ay may pagdudugo sa puwet o may dugo ang inyong dumi upang matiyak na hindi ito isa sa mga maseselan na sakit ng bituka katulad ng colorectal cancer. 

Madalas, gagawa ang doctor ng digital rectal exam.  At kung kailangan magmumungkahi siyang gawin ang proctoscopy upang masilip ang loob ng rectum o kaya sigmoidoscopy upang silipin ang buong colon.

Upang mabawasan agad ang mga sintomas ng almoranas, sundin ang mga payong ito:

  • ilubog ang puwet sa mainit na tubig ng sampung minuto
  • maglagay ng hemorrhoidal cream o suppository.
  • upang hindi ito umulit, kailangan iwasan ang pag-iri kung dumudumi sa pamamagitan ng pagkain ng high fiber foods, prutas, whole grain, supplements katulad ng metamucil at citrucel, at uminom ng maraming tubig.

May mga operasyon na pwedeng gawin upang lumiit o kaya maalis ang almoranas.  Kung kakailanganin, ang mga iba’t ibang procedures na maaaring gawin ay maipapaliwanag ng inyong doktor.

Tandaan, iwasan na magkulang ang inyong dugo dahil sa almoranas. Huwag balewalin ang mga sintomas nito.

January 27, 2009 148 Detoxification With Pills & Fasting



Top | Home

May mga nagpapalaganap ng isang health concept na ang tawag ay detoxification o pag-aalis ng mga lason sa katawan na nasasagap sa polusyon at mga additives sa pagkain. Marami ang mga nae-enganyo dito lalo na ang mga tinatawag na food faddists dahil sinasabi na sa pamamagitan ng detoxification mAaalis sa bituka, colon at blood stream ang mga nababarang pagkain at mga lason, sabay pampagaan ng timbang o weight loss.

Iba’t iba ang mga inirerekomenda na detoxification programs.  Mayroong sa pamamagitan ng paggamit ng diuretics, laxatives at labatiba upang linisin ang bituka. Kung minsan fasting ang ipinapayo, halos walang kainin sa loob ng ilang araw. Tubig lamang at pulot na hinalo sa lemon juice, kasabay ang pag-inom ng ilang uri ng herbal capsules.  Susundan ito ng kombinasyon ng diet pills, lingguhang body wrap sa diet center at passive exercises.

Kailangan ba ang sistemang ito?  Mayroon bang tunay na benepisyo na napapala sa napakagastos na konseptong ito ? Hindi ba ito mapanganib?

Hindi kailangang gawin ang detoxification.  Pinalalaganap lamang ito ng mga individual at mga grupo upang kumita ng malaking pera. Dahil marami ang naniniwala kapag nababasa sa mga pahayagan, napapanood  sa tv o nakakausap ang mga door to door sales representatives.  Hindi lang ito radical kung hindi irrational pa.

Ito ang isipin ninyo. Kung totoo na ang katawan ay nag-iipon ng lason at hindi nito kayang kusang ilabas, lahat ng tao sa mundo ay hindi mabubuhay.  Ang totoo masama sa katawan ang mga paraan na pinaiiral ng detoxification katulad ng fasting, labatiba, laxatives, diet pills at iba pa.  Hindi kayang tiisin ng katawan ang abnormal na mga paraan na ito.  Pagmumulan pa ito ng iba’t ibang sakit sa halip na magdulot ng kalusugan

Ang wastong paraan ng pag-aalaga sa kalusugan ay simple lamang:  balanced diet, exercise at healthy life style lamang. Safe at hindi magastos, at hindi radical.   Ang pagtugon naman sa katawan ng may sakit ay ang wastong alaga at paggamot sa kamay ng mga espesyalista at dalubhasa.  Hindi ang palsong paglilinis nito na isang panlilinlang lamang  upang kumita ng pera.

July 31, 2009 186 Diptheria



Top | Home

Ang diptheria ay isa sa dating kinakatakutang sakit sa mundo. Pumapatay ito ng daan-daang libo. Kahit sa America, marami rin ang namatay dahil dito . Nakontrol lamang ito ng madiskubre ang antitoxin na panlaban dito noong 1890’s at nasundan sa pagdiskubre ng bakuna  at  sulfa drugs pagkatapos ng world war II.

Ang mga sintomas ng diptheria  ay panghihina, pagsusuka, chills, mataas na lagnat at masakit na lalamunan. Kung minsan hindi lumalabas ang mga sintomas na ito hanggang malala na ang infection.  Pagmalala na ang infection namamaga ang mga lymph nodes sa leeg at maaaring magsara ang lalamunan. Dahil dito mangangailangan ng tracheotomy  o intubation.  Tataas din ang heart rate at maaaring ma-cardiac arrest, paralysis ng mata, lalamunan at respiratory muscles. Kapag ganito ang lagay ng pasiyente, kailangan dalhin sa ospital upang mabigyan ng anti toxin. Walang bisa ang anti biotic sa ganitong sitwasyon. Ang silbi lamang nito ay patayin ang diptheria  bacterium upang hindi kumalat sa ibang tao.

Sa ngayon halos wala nang serious outbreak ng diptheria sa mga developed countries, pati dito sa atin dahil  sa bakunang D.T.P. o diptheria-tetanus-pertussis na ibinibi-gay sa mga batang mag-aaral.

Ngunit nanatili pa ring serious disease ito kahit sa mga developed countries.  20 % ang fatality rate nito sa mga batang below 5 years old at mga adults over 40. Nangya-yari ito sa mga hindi nababakunahan at nae-expose sa diptheria bacterium.  Kaya kailangan pa ring manatili tayong maingat lalo na’t may mga bacteria na nagiging  resistant sa mga gamot laban dito na nagamit  na ng maraming  taon.  Pabakunahan ang mga bata ng DTP.  Ang mga mahigit sa 40 años ay dapat magpabakuna din muli dahil ang epekto ng bakuna ay humihina habang tumatagal.  Magsadya sa pinakamalapit na hospital o health center, o di kaya tumawag sa tanggapan ng Department of Health.

July 11, 2007 185 Doktor's Lingo (Ano Kamo Dok?)



Top | Home

May mga nagsasabi na kapag nagsalita ang mga doktor, ang wika raw nila ay latin. Ang sabi naman ng iba ang salita raw ng mga doktor ay greek. May iba pang nagrereklamo na ang sulat raw ng doktor ay parang kinalahig ng manok at hindi nila mababasa o maintindihan.

Totoo itong frustration ng maraming mga pasyente na hirap silang intindihin ang sinasabi at sinusulat ng doktor.

Sa totoo lang, marami sa mga katagang ginagamit ng mga doktor ay galing sa latin o greek. Sa pagsusulat naman, maraming mga sinusulat sa reseta na technical dahil mga pangalan ito ng gamot, o di kaya mga abbreviations na kung susulatin ng buo ay hindi magkakasya sa reseta.

Halimbawa ang katagang gravid, o pregnant o buntis ay galing sa salitang latin, ganun rin ang coitus o sexual intercourse o pagtatalik. Ang katagang dysmenorrhea o painful menstruation o masakit na mens ay mula naman sa wikang greek.

Ang mga doktor ay kailangang gumamit ng mga exact terms dahil ito ang iniuutos ng kanilang training at professional ethics. Ganun rin sa pagsulat ng mga gamot at mga instructions sa pag inom  nito.

Halimbawa: prn- ibig sabihin, as needed o as needed to control the problem: bid- twice daily o dalawang beses sa isang araw minsan sa umaga at minsan sa gabi ; tid-three times daily o minsan bawat walong oras.

Ngunit paano naman ang pasyente? Ang kanyang karapatan na malaman ang mga sinasabi ng doktor tungkol sa kanyang sakit, gamot o operasyon?. Sa ngayon maraming mga botika at mga hospital ang nakikisali sa isyu na ito. Hinihiling rin nila sa mga doktor na isulat sa malinaw na ingles ang mga reseta at instructions upang maiwasan ang confusion.

Ito naman ang masasabi ko, bilang pasyente, may karapatan kayong hilingin sa inyong doktor na linawin ang lahat ng kanyang isinusulat o mga ibinibigay na instructions at kapag ibinigay ito sa inyo tiyakin na naiintindihan ninyong mabuti ang lahat ng sinasabi o nakasulat. Huwag kayong pumayag na hindi kayo pagbigyan ng inyong doktor sa bagay na ito. Ang malinaw na pagkaunawa sa inyong kondisyon, mga gamot, at  instructions ay may malaking kinalaman sa inyong kalusugan o  paggaling kung kayo man ay may sakit.

July 30, 2009 107 Corneal Transplant Donation



Top | Home

Ang cornea ay ang clear layer of tissue na nakasaklob sa mata na parang crystal sa mukha ng relos. Ang cornea ay isa lamang sa mga bahagi na bumubuo ng  lente ng ating mata.. Dahil sa cornea, nai-fo-focus ng malinaw ang imagen na tinitingnan ng ating mga mata sa ating retina.

Kapag lumabo ang cornea dahil sa sakit, pamamaga ng mata, nakayod at nasugatan, na impeksyon, o nasunog ng kemikal, ang tanging paraan upang makakita muli ay palitan ang cornea sa pamamagitan ng corneal transplant o keratoplasty. Sa operation na ito, aalisin ng doktor ang sirang cornea at papalitan ito ng cornea mula sa isang donor.

Isang oras lang ang tagal ng operasyon.  Kung walang ibang sakit sa mata katulad ng glaucoma at retinal degeneration,

-90%  ang success rate ng corneal transplantation. 

Marami ang namumuhay sa dilim dahil sa sirang cornea. Ang tanging pag-asa nila ay  mga donors na magdodonate ng kanilang cornea sa paglipas o pagkamatay nila..

Marami ang hindi pa naiintindihan kung ano ang kalahagaan ng maging isang donor. Marami rin ang hindi nakakaalam kung ano ang  ginagawa sa mga donor kung sila ay kukunan ng cornea..

Ito ang mga ilang inpormation ukol dito:

-Bata man o matanda ay maaaring magdonate. Walang gastos ito sa kanyang pamilya.
-Hindi  mahahalata na nakunan ng cornea ang donor
-Specially trained technician ang magtatangal ng cornea. At kanilang titiyakin na ang cornea ay mapupunta sa mga nangangailangan nito.

Pag-isipan ang pagiging donor. Makipag-ugnayan sa Sta. Lucia eye bank sa PGH upang alamin ang mga detalye sa pagiging corneal donor. The gift of sight ay isang dakilang handog na maiaalay natin sa ating kapwa.

December 22, 2008 217 Isang Pirasong Taba Ka Lang



Top | Home

Napatunayan ng mga mananaliksik na ang isang kainan ng saturated fat katulad ng carrot cake o milkshake ay nakakawala ng bisa ng good cholesterol laban sa pagbabara ng mga ugat.  Kaya kailangan, alaming mabuti kung ano ang kinakain at kung ano ang ginamit sa pagluto nito.

Sa isang study ng Heart Research Institute of Sydney, Australia, labing walong tao na may gulang mula 18-40years old, ay pinakain ng dalawang meals ng carrot cake at milkshake isang buwang magkalayo. Ang isa ay may mataas sa saturated fat dahil coconut oil ang ginamit, at ang isa ay mataas sa polyunsaturated fat dahil safflower oil ang gamit.

Pagkalipas ng tatlong oras, napatunayan na ang kumain ng cake at milkshake na gawa sa coconut oil ay nagsikip ang ugat. Pagkalipas ng anim na oras, ang anti-inflammatory effect ng good cholesterol ay nabawasan rin.

Sa kabilang dako, ang kumain ng polyunsaturated meal, maliban sa hindi sumikip ang ugat ay nagkaroon ng improvement sa anti-inflammatory quality ng good cholesterol.

Ito ay isa sa mga maraming patunay na kailangang iwasan ang pagkain na gumagamit ng saturated fats.  Ang mga pagkaing mataas sa saturated fats ay ang sumusunod: matabang karne ng baka, karneng baboy, mantika mula sa taba ng baboy, taba ng manok, mantikilya, gatas, mga keso, langis ng niyog, mga palm oil, at cocoa butter.

Ang polyunsaturated fats ay matatagpuan sa mga oil na galing sa ibang tanim kagaya ng safflower, sesame, sunflower seeds, corn, soybeans, mga nuts at iba pang seeds.

Tandaan, kapag kumain kayo ng maling pagkain ang paninira sa mga ugat ay hindi maiiwasan. Ang mga madalas kumain ng maling uri ng fats katulad ng double cheese burger with fries, cakes, at ice creams ay maaaring maging dahilan ng pagbabara ng  mga ugat.  Iwasan ang mga ito upang maiwasan rin ninyo na magkaroon ng heart attack o kaya ay stroke.

April 23, 2009 198 What is Computer Vision Syndrome?



Top | Home

Dahil sa marami na sa atin ang nagtratrabaho sa mga call centers at sa iba pang gawain na nangangailangan na humarap ng matagalan sa computer dumadalas ang mga dumadaing ng computer vision syndrome o cvs.
 
Wala pa namang napatunayang  permanenteng paninira ito sa mata, ngunit ramdam ng mga biktima ang sakit sa mata na dulot nito. Ang mga sintomas ng c.v.s. ay: iritasyon katulad ng panunuyo, pangangati, at pamumula ng mata, panlalabo ng paningin, sakit ng ulo, pananakit ng likod at leeg, at muscle fatigue.

Ang pinakamalaking dahilan ng c.v.s. ay dalawa: ang maling paggamit ng salamin at contact lenses  at hindi angkop na working environment.

Sa ilang simpleng  pagbabago lamang, maaaring maalis na ang  dahilan ng c.v.s:
Bawasan ang glare o matinding reflection sa computer screen sa pamamagitan ng pag-aadjust ng lighting conditions sa kwarto sa pamamagitan ng pagsasara  ng window shades, i-adjust ang contrast at  brightness ng computer screen, maglagay ng window shades at kung kailangan, maglagay ng filter sa harap ng screen.

Ilayo ang screen ng mga  20 to 26 inches at ang sentro ng monitor ay dapat apat  hanggang walong pulgada ang baba sa mata upang magrelax ang leeg. Sa ganitong paraan mas liliit ang mulat ng mata at maiiwasan ang pagkatuyo nito na madalas na dahilan ng pag hapdi at panandaliang panlalabo ng mata.

Ilapit ang mga reference materials sa screen upang maliit lamang ang galaw ng ulo at mata.  Ayusin ang sitting posture. I-adjust ang upuan kung kailangan.  Umupo ng matuwid  na nakasandal sa backrest, ang mga braso ay dapat nasa armrest, ang siko ay 90 degrees ang liko, flat ang paa sa sahig o footrest. Kailangang mas mababa ang keyboard at mouse kaysa siko.

Paminsan minsan, tumayo at magstretch, tumingin sa paligid upang marelax. Iwasan na tumama ang hangin sa mukha at mata, nakapagpapatuyo rin ito ng mata.

Kung kayo ay gumagamit ng salamin o contact lens at nagrereklamo rin kayo ng sakit sa mata, leeg at likod, pinakamabuti na pumunta sa inyong opthalmologist upang ma-check kung tama ang grado ng inyong salamin o contact lens for computer work.

Alalahanin, ang computer ay hindi nakakasira ng mata,  alamin lamang ang dapat gawin upang maiwasan computer vision syndrome.

December 26, 2007 205 Pesticide Sa Pagkain



Top | Home

Gumagamit ng pesticides ang mga farmers at producers upang pagandahin ang pagtubo ng mga gulay at prutas. Ang pesticide ay kanilang ginagamit upang kontrolin ang peste at sakit ng mga pananim. Ang masama dito maaaring may natitirang  pesticide residues sa mga gulay at prutas na ating nabibili.

Ang mga pesticides ay napatunayan na maaaring maging dahilan ng cancer, reproductive problems, at ng immune system dysfunction.
 
Sa ating bayan walang mga legal limits sa level ng pesticide na maaaring matagpuan sa ating pagkain. Kaya kailangang mag-ingat at alamin ang mga nararapat na gawin upang maiwasan ang lason ng  pesticides.

Hugasan ng malinis na tubig ang mga gulay at prutas bago kainin upang mabawan ang pesticide residue. Mainam na balatan muna ang prutas bago kainin.
Tanggalin ang sobrang taba sa karne dahil ang ibang pesticides ay naiipon sa taba.
Lutuing mabuti ang pagkain upang mabawasan ang pesticides.

Kung maaari, bilhin ang mga gulay at prutas na organically grown. Ang mga ito ay hindi ginagamitan ng anumang pesticides.  Ingatan ang mga bata sa pesticides dahil sa kanilang kaliitan, mas matindi ang epekto ng pesticide kapag nakapasok sa kanilang katawan.

Kung nagpapatubo kayo ng gulay at prutas, mabuting iwasan ang paggamit ng pesticides.  Alamin kung paano makokontrol ang mga peste sa pamamagitan ng organic farming. Sa technique na ito gumagamit ng katutubong  paraan upang hindi na gumamit ng pesticide at chemical fertilizer.

Ang masamang epekto ng pesticides sa ating pagkain ay hindi bigla. Ngunit sa katagalan maaari itong magdulot ng iba’t ibang sakit na makasisira ng ating kalusugan lalo na sa mga kabataan.

November 23, 2007 124 Tea Time



Top | Home

Mabisa nga ba ang tsaa sa kalusugan? Matagal nang  pinupuri ang health benefits ng tsaa ngunit nitong mga nakararaang taon lamang pinag-aaralan ang mga medicinal properties nito.

Ang benepisyo na dulot ng tsaa ay galing sa antioxidants nito o flavinoids. Nineuneutralize ng antioxidants ang mga unstable molecules o free radicals na nakakasira ng DNA at iba pang parte ng body cells.

May tatlong pangkaraniwang tsaa:

  • regular black tea,
  • green tea
  • oolong tea.

Katulad din ng kape, ang tsaa ay mayroon ding caffeine,  50mg bawat tasa.  Kalahati  lamang ng caffeine sa isang tasa ng kape.

Kahit hindi pa masyadong tiyak ang resulta ng pag-aaral tungkol sa bisa ng tsaa, may mga palatandaan na maaaring makabawas ito ng risk sa ilang cancers sa skin, breast, baga, colon, lalamunan at mga bladders.  Dahil ito sa anitoxidants na tinatayang pumipigil sa production ng enzymes na pinagmumulan ng kanser.  Sa ngayon, patuloy pa rin ang clinical trials upang tiyakin ang tunay na bisa nito laban sa kanser.

Kamakailan lamang, napatunayan din ng epidemiological studies sa mga hayop, na mas mababa ang risk sa sakit sa puso ng mga umiinom ng green at black tea.  Maaaring ito ay dahil pinipigilan ng anti-oxidants ang pagbubuo ng bad cholesterol at nakakatulong ito sa pagpapadami ng HDL o good cholesterol.

May Chinese study din  na inilathala sa archives of internal medicine kamakailan lang, kung saan makikita ang 45-65% reduction sa alta presyon sa mga uminom ng tsaa kaysa hindi umiinom nito.

Pinapayo na uminom ng tatlong tasa ng tsaa bawat araw.  Iwasan ang sobrang pag-inom ng tsaa dahil maaaring maapektuhan ang blood clotting, lumabnaw ang dugo at ang absorption ng iron mula sa prutas at gulay.

January 7, 2008 39 Influenza



Top | Home

Kapag tag-lamig o tag-ulan  kagaya ngayon,  siguradong tag-flu na naman.

Halos lahat ng tao ay tinatamaan nito paminsan minsan. Ang karamihan ay nakakarecover nang  walang problema,  kaya lang habang mayroon kayong flu kailangang tiisin ang dala nitong lagnat, pananakit ng ulo, ubo, loss of appetite, sore throat at panghihina.

Ang flu ay iba kaysa common cold. Flu symptons are usually more severe and will require more attention and medication. Ang flu ay maaaring maging dahilan ng karagdagang impeksyon sa tainga at sinus pati na bronchitis at pneumonia, kapag napabayaan ito.

Ang flu ay galing sa influenza viruses that cause sudden upper respiratory illnesses. Ang uri ng mga virus na ito ay nagiiba taon taon.

Ang sakit ay maaaring tumagal ng isa hanggang dalawang linggo. Ang mga matatanda na may sakit sa baga o puso ay maaaring magkaroon  ng  mga komplikasyon na sagabal sa mabilis na paggaling at mapanganib pa sa buhay nila.

Madaling madiagnose ng doktor ang flu lalo na kung kumpirmadong mayroong outbreak.

Nagagamot ito ng mga pain relievers at fever relievers katulad ng paracetamol o ibuprofen. Nakakatulong rin ang mga nasal sprays,  non-prescription cough medicines at complete rest. May mga anti-viral medicines na nakakapagpabilis ng recovery mula sa flu pero kailangang umpisahan ang pag-inom ng mga gamot na ito within 2 days from the start of the symptoms para maging mabisa.

Nababawasan ang tsansa na magkaroon ng flu sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng flu vaccine. Ang flu vaccine ay inirerekomendang ibigay sa mga babies mula 6 hanggang 23 months old, adults 60 and above, children 2 years and older na may asthma at mga taong may sakit sa puso o baga.

Mag-ingat sa flu. Iwasan na mahawa ng mga may sakit na. Komunsulta sa doktor.  Uminom ng wastong gamot at magpahinga.

July 21, 2009 146 La Niña



Top | Home

Ang La Niña ang kabalikataran ng El Niño. Ito ay isang weather phenomenon kung saan nananatili ang napakalamig na temperatura sa equatorial pacific na  nagi-ging dahilan ng maraming bagyo at malakas na pag-ulan.

Kapag umiiral ang la nina kailangang mag-ingat ang lahat sa dala nitong pagbaha at pagguho ng lupa. Kasama dito, siyempre ang ibat ibang sakit na lumalabas panahon ng tag-ulan at tagbaha.  Nandiyan din ang mga emergency cases na sanhi ng flood o landslide disasters.

Umiwas at paghandaan ang mga sakit katulad ng acute gastroenteritis, typhoid fever, cholera at hepatitis.  Iwasan ang paglakad sa baha na may ihi ng mga hayop dahil dito nakukuha ang mga sakit katulad ng leptospirosis.  Laganap din ang mga sakit na dala ng lamok katulad ng dengue at malaria.

Marami ang mga nabibiktima ng baha at landslide kaya kung maaari lumikas sa ligtas na mga lugar habang maaga upang maiwasan ang mga sakuna katulad ng pagkalunod, electrocution, pagkatabon ng lupa, mga bali, bugbog sa katawan, mga sugat at iba pa.

Kailangan pakuluan ang tubig na inumin dahil maaaring na-contaminate ito sa baha.  Kung maaari lagyan ang tubig inumin ng chlorine.

Ang mga sakit na gastroenti-rities, typhoid, cholera at hepatitis ay nakukuha at nailiipat sa pamamagitan ng mga kamay, kaya maghugas ng mabuti bago magluto lalo na kapag galing sa kubeta.

Kung kailangan maglakad sa baha magsuot ng bota kung maaari. Linisin ang mga lugar na maaaring pagtubuan ng lamok katulad ng mga lubak, mga lumang goma mga kanal, at iba pa.

Maghanda ng first aid kit na maaaring gamitin kung may mga sakuna o may mga nasusugatan.  Kung maaari magpaturo ng cardio pulmonary resuscitation.  Malaking tulong ito kung mayroong nahihimatay or nalunod.

July 23, 2007 178 Ulcers



Top | Home

Ang ulcers ay sanhi ng pagka-sira ng lining o mucosa ng stomach o ng upper part ng bituka na tinatawag ding duodenum. Kung ito ay nasa stomach, gastric ulcer ang tawag dito. Kung ito ay nasa doudenum, duodenal ulcer ang tawag dito.

Posible kayong magka ulcer kung mayroon kayong h pylori infection; umiinom ng aspirin, ibuprofen o nsaids; naninigarilyo; umiinom ng alak; mahigit sa 50 años ang gulang; at may mga kamag-anak na may ulcers

90% ng ulcers ay dahil sa helicobacter pylori bacteria ang iba ay dahil sa  pag-inom ng aspirin, ibuprofen at non-steroidal anti-inflamatory drugs: mga gamot laban sa  sakit ng ulo at katawan, arthritis, at rayuma. May kinalaman din ang  over production ng hydrochloric acid sa bituka, at kung minsan cancer sa tiyan o bituka.

Ang mga sintomas ng ulcer ay ang sumusunod: paulit-ulit  na sakit ng tiyan ng ilang araw o linggo na nagsisimula isa o dalawang oras pagkatapos kumain; sakit  ng tiyan kapag gutom na nawawala pagnakakain na. Pangangayayat; pagkawala ng ganang kumain; masakit na tiyan habang kumakain; at pagsusuka.

Ang peptic ulcer ay maaaring lumala. Pumunta kaagad sa doktor kung: bigla at matindi ang sakit ng tiyan at hindi ito nawawala; maitim o may dugo na dumi; pagsusuka ng dugo o suka na maitim na parang giniling na kape. Manganga-ilangan ito ng antibiotics upang patayin ang bacteria, proton pump inhibitors o histamine blockers upang tigilin ang production ng acids o di kaya operasyon kung may butas ang bituka o may hemorrhage. Makakatu-long din ang antacids upang tumigil ang pagdami ng acids, mabawasan ang sakit ng tiyan at pabilisin ang pagaling ng ulcer.

Hindi lahat ng may sakit sa tiyan ay may ulcers. Natitiyak ito sa pamamagitan ng  upper g.i. Series x-rays with barium; pagsilip sa lalamunan at bituka gamit ang isang maliit na fibre-optic camera o gastroscopy o endoscopy sabay kuha ng tissue para sa biopsy.

Mapanganib ang ulcer.  Bigyan ito ng kaukulang pansin. Kumonsulta sa inyong doktor kung may hinala kayong mayroon kayong ulcer.

October 18, 2007 226 Anorexia Nervosa



Top | Home

Kadalasan ang tawag ng marami sa anorexia nervosa ay anorexia lamang. Ito ay technically incorrect.  Strictly speaking ang ibig sabihin ng katagang anorexia ay ang  pagkawala ng ganang kumain. Ang anorexia nervosa naman ay isang psychiatric eating disorder na kung saan ang may sakit ay kusang ayaw kumain.
 
Kaya kung ang isa sa ating  butihing  senadora ay nagsabi na siya ay mayroong anorexia, ito ay nagpapahiwatig lamang na wala siyang ganang kumain.  Ang anorexia nervosa ay madalas na sakit ng mga kadalagahan, ngunit nabibiktima rin nito ang lahat regardless of age or sex.  Nais ng mga may anorexia nervosa na lagi silang payat.  Ang masama pa, iniisip nila na mataba pa rin sila kahit payat na payat na sila.  Ang anorexia nervosa ay hindi lamang problema sa pagkain at timbang.  Madalas may kaugnayan rin ito sa emotional problems ng may sakit.

Maliban sa hindi pagkain, napapababa ng anorexic ang timbang sa pamamagitan ng sobrang exercise at pag-inom ng laxatives.  Hindi natitiyak ang dahilan ng anorexia nervosa ngunit may mga bagay na maaaring magpasimula dito katulad ng:

Biological factors: kasama dito ang genetic factors at mga kaugnay na hormones

Cultural factors: ang paniwala na ang mas payat ay mas maganda

Personal feelings: walang bilib sa kanyang itsura at sa isip niya kailangan pa siyang       magpapayat.

Mga stressful na pangyayari: gaya ng paglipat sa bagong paaralan, bagong trabaho o iba pang traumatic events

Ang pamilya: kadalasa, impluwensya ng nanay o kapatid na anorexic.  Ang  palagiang pagpuna ng mga magulang sa katawan ng anak at sa diet nito ang isa ring dahilan ng pagiging anorexic ng bata.

Mapanganib ang anorexia nervosa.  Sanhi ito ng pagrupok ng buto o osteoporosis, mineral loss, mababang temperature, irregular heartbeat, pagtigil ng mense, pagsama ng mineral balance at pagbaba ng level ng phosphate sa katawan na maaaring maging sanhi  ng heart failure, mahinang muscles, pagkawala ng immunity at  kamatayan.

Ang unang dapat gawin sa anorexic ay pataasin kaagad ang timbang.  Kailangan rin ang input ng psychiatrist, clinical psychologist at iba pang mental health specialist.  May mga clinical studies na nagsasabi na ang psychotherapy ay epektibong gamot na makapagpapabalik ng timbang .

Dapat bantayang mabuti ng mga magulang ang kanilang mga anak.  Sa unang palatandaan pa lamang ng anorexia nervosa magsangguni kaagad sa espesyalista kung ano ang mabuting gawin upang maiwasan ang panganib sa buhay na dulot nito

September 03, 2009 225

Epilepsy

 

Top | Home

Ang epilepsy ay isang neurological condition at kilala rin ito sa tawag seizure disorder. Ang epileptic seizures ay maaaring may kinalaman sa pinsala sa utak o maaaring namana sa pamilya.

Ang seizure ay biglang bugso ng electrical activity sa utak  na may epekto sa pakiramdam o kilos ng isang tao sa loob ng ilang sandali.  Ang seizures ay  sintomas lamang  ng sari saring disorder na nakaka apekto sa utak.  May mga seizures na hindi kapansin pansin ngunit mayroon namang seizure na nakakapinsala.

Anuman ang edad ng tao, maaaring magkaroon ng epilepsy ngunit madalas lumalabas ito sa mga bata lalo na kung ito ay ipinanganak na may depekto sa isang parte ng utak o kaya may history na nabagok ang ulo o nagkaroon ng impeksyon ang utak. Bagaman marami sa mga may epilepsy ay hindi matunton ang dahilan, ang madalas na dahilan nito ay stroke, tumor sa utak o kaya head injuries.

Ang risk factors ng epelipsy:

  • mga baby na kulang sa buwan
  • mga baby na nagkaseizure sa unang buwan
  • mga baby na abnormal ang brain structure
  • hemorrhage sa utak
  • trauma sa utak o kakulangan ng oxygen sa utak
  • abnormal na mga ugat sa utak
  •  stroke
  • cerebral palsy
  • history ng kombulsyon o seizure dahil sa lagnat
  • alzheimer’s disease
  • drug addiction.

Electroencephalogram o EEG ang ginagamit ng doktor upang suriin ang mga abnormalidad sa utak.  May mga pattern sa eeg na maghuhudyat ng epilepsy.

Eighty percent (80%) ng mga epeliptic na ginagamot ng anti seizure medicines ay hindi nagkakaroon ng seizure sa loob ng dalawang taon.  Kung walang brain injury at normal ang EEG maaaring tuluyang mawala ang mga seizures.

Mahigit sa 50% ng mga bata ay ma-a-outgrow ang epelipsy.  Sa loob ng 20 years, 75% ay hindi na magkakaseizure sa loob ng limang taon.  Kailangan lamang uminom ng gamot araw araw.

Ang mga epileptic ay kailangan ng neurologist upang pangalagaan ang sakit na ito, lalo na kung ang pasyente ay  nagmamaneho o kung ang trabaho ay mapanganib.

February 12, 2009 3 Mitral Valve Prolapse Part 1



Top | Home

Kaya sinasabi ng inyong doctor na baka meron kayong mitral valve prolapsed ay mayroon siyang narinig na murmur o kakaibang tunog sa puso mo na pwedeng sintoma ng mitral valve prolapse. Ang mitral valve prolapse o MVP ay madalas na nao-over diagnosed kaya kailangan munang tiyakin sa pamamagitan ng pagsusuri kung MVP nga ba ang dahilan ng inyong nararamdaman.

Ang puso ay nae-expand at contract ng mahigit sa 100,000 beses bawat 24 oras. Ang puso ay may apat na chambers: Ang left and right atria at left and right ventricle. Ang mitral valve ay isang one way valve na nasa pagitan ng left atrium na syang tumatanggap ng sinariwang dugo mula sa baga at ng left ventricle na siya namang nagbobomba ng sariwang dugo sa buong katawan.
 
Bumubukas ang mitral valve para padaanin ang dugo mula sa left atrium papunta sa left ventricle at sumasara ito pagkatapos. Mayroon rin itong mga flaps na parang maliliit na daliri, kapag hindi nagsara ang mga flaps na ito, pwedeng bumalik ang dugo sa left atrium.  Ito ang tinatawag na mitral valve prolapsed.

February 13, 2009 4 Mitral Valve Prolapse Part 2



Top | Home

Dati ang akala ng mga doktor ay halos 1/3 ng populasyon ang mayroong mitral valve prolapsed, at mas common ito sa mga kababaihan. Ngunit mayroon ng makabagong test ngayon ang mga cardiologists na makapagpapatunay na ang mitral valve ay may iba’t-ibang tunog na hindi naman nangangahulugang may mitral valve prolapsed ang pasyente. Maaaari pa nga na ang barbula ay hindi nagsasara ng todo basta walang leakage, okay lang ito. Pero kapag may leakage, iyon ang masama.

Magiging dahilan ito ng fainting o pagkahimatay o heart failure. Ang pinakaimportanteng diagnostic equipment para sa mitral valve prolapsed ay ang ecocardiogram. Sa pamamagitan ng 2D ecocardiogram o ultrasound ng puso makikita kung ang puso ay may mitral valve prolapsed o may ibang abnormality. Base sa findings, madedesisyunan ng doctor kung ano ang susunod na hakbang.

Kapag napatunayan na mayroon kayong mitral valve prolapse, lalo pa kung ito ay may leakage ng dugo papunta sa left atrium, kailangan ninyong ipaalam sa inyong dentista bago kayo magpabunot o magpalinis ng ngipin. Kailangan kasi na painumin kayo ng antibiotic bago gawin ang anumang dentral procedure. Dahil ang mikrobyo na galing sa inyong bibig ay maaaaring mapunta sa blood stream at magdala ng impeksyon sa mitral valve at maging sanhi ng sakit na bacterial endocarditis. Ang kondisyon na ito ay maaaring dahilan ng heart failure o kamatayan.

Sa makatuwid ang mitral valve prolapsed ay karaniwan ngunit hindi kasing laganap katulad ng inaakala noon. Hindi lahat ng mitral valve prolapsed ay delikado. Kailangan lamang makasiguro ang doktor upang malapatan niya ng wastong gamot o di kaya maayos ito sa pamamagitan ng operasyon kung kinakailangan.

December 29, 2008 135 Cholesterol Equation



Top | Home

Cholesterol, masama ito kung sobra dahil maaaring maging sanhi ng sakit sa ugat at puso.

Saan nga ba ito nanggagaling?

Ang alam ng karamihan galing ito sa pagkain. Tama,  ngunit  may iba pang pinagmu-mulan ito.  Ang ating katawan ay mismong gumagawa ng choleterol.  Kaya huwag kayong  magtataka na kahit nagda diet at nag e exercise kayo, mataas pa rin ang inyong cholesterol.  Maaaring sadyang malakas gumawa ng cholesterol ang inyong katawan.

Ang mga pagkain na galing sa hayop katulad ng itlog, karneng baka at karneng baboy, shrimps, cheese, butter, ice cream, at iba pang dairy products, mga lutong pagkain tulad ng chicken & pork adobo, longganisa, tapa, tocino, at luncheon meat ay may cholesterol.

Ang mga pagkaing galing sa halaman ay walang cholesterol, kaya lang kung mayroon itong saturated fats, nagigiging cholesterol rin ito sa ating katawan.

Ang  pangalawang  source  ay ang cholesterol na gawa sa  liver o atay at iba pang cells ng ating katawan.  Ang cholesterol na ito ay hahalo rin sa bloodstream. Ang iba sa atin ay mahinang gumawa ng cholesterol sa katawan at ang iba ay malakas. Depende ito sa hereditary factor o kung ano ang namana natin sa ating pamilya.

Kaya kung hirap kayong magpababa ng inyong cholesterol lalong dapat iwasan ang mga pagkaing puno nito.  Maraming mga substitute na pagkain na maaari sa inyo katulad nang mga nakalista sa Healthy Heart Cookbook ng Philippine Heart Center.  Importante ang exercise.  Umakyat sa hagdan sa halip na gumamit ng elevator. Mag-gym, maglaro ng sports na enjoy kayo. Komunsulta sa doktor upang mabigyan kayo ng kaukulang gamot na pampababa ng cholesterol kung kailangan.

Ang wastong equation ay:

Food cholesterol plus(+) body cholesterol minus(-) diet/ exercise/ medication equals   (=) good health.

August 1, 2007 233 Hormonal Birth Control



Top | Home

Ang Hormonal contraceptive ay isa sa pinaka epektibong paraan ng birth control.  Ang pinaka popular ay ang pag-inom ng tableta o pill. Ang ibang pamamaraan ay patches  injections at implants.

Sa ngayon, 99% epektibo ang birth control pills at kakaunti ang side effects kaya mahigit sa 60 milyong babae ang gumagamit nito sa buong mundo.

Ang contraceptive pills ay may synthetic estrogen at progesterone hormones na nakaka apekto sa normal na menstrual cycle ng babae kapag ininum araw-araw.

Dahil sa pills na ito, hindi magre-release ng itlog ang ovaries, mahihirapang pumasok ang sperm sa matris dahil kakapal ang mucus sa cervix, at dahil sa pagbabago ng lining ng matris, mahihirapang ma-fertilized ang egg.

Maraming klaseng pills ang mabibili ngayon.  Matutulungan kayo ng inyong doktor kung alin ang dapat ninyong gamitin.  Ang doktor ang magbibigay ng malinaw na instruction sa pag-inom ng pills.  Ituturo rin niya  ang dapat gawin kung sakaling makalimot uminom ng pills.

Maliban sa epektibo ito sa  paghadlang ng pagbubuntis, may iba pang benepisyo ang pills katulad ng: nakakahadlang ito sa pagkakaroon ng ectopic pregnancy at nababawasan ng pills ang menstrual pains.

Minor lang ang side effects ng pills katulad ng breast tenderness, headaches at acne. Kadalasan, ito ay naiiwasan kung papalitan ng ibang klaseng contraceptive pills.

Ang paggamit ng hormonal contraceptive ay pansariling desisyon.  Nasa inyo kung ito ang pipiliin ninyong paraan upang hindi mabuntis.

December 07, 2007 102 First Aid: Fracture



Top | Home

Kapag ang buto ay nabiyak o nabali, fracture ang tawag dito. May dalawang uri ng fracture: ito ay ang simple at ang compound fracture.
Kung may bali subalit walang sugat ang balat, simple fracture ito. Kung may sugat o lumusot ang buto sa laman at balat, compound fracture ito.

Minsan mahirap malaman kung may bali o wala ang buto. Kung hindi matiyak, mas mabuting isipin na may bali ito.

Ang palatandaan ng fracture at ang mga paraan ng pagbibigay ng first aid habang naghihintay ng kaukulang medical assistance ay ang sumusunod:

  • Madaling makita kung ang buto ay may fracture. Ikumpara ang apektadong bahagi sa kabiyak nito na nasa kabila ng katawan.
  • Tingnan kung may sugat na maaaring magpapatunay ng bali.
  • Tingnan kung aling bahagi ang  masakit. Madaling maituro ito ng biktima. Salatin ang buto sa naturang lugar upang maramdaman kung may bali nga ba.. Mabilis na namamaga ang bahagi ng katawan na may bali.
  • Tanunging mabuti ang biktima upang makuha ang mga karagdagang impormasyon na makakatulong sa pagtiyak kung saang parte ang bali at kung gaano kalala ito.

Malaking bagay ang CPR at first aid training sa pagsaklolo sa mga may fracture. Nagbibigay nito ang red cross, boy scouts, at ilang mga medical associations.

Sa mga ito, matututunan ninyo kung papaano malaman kung naapektuhan ng fracture ang paghinga at circulation ng dugo.  Malalaman rin ninyo kung may pamamanhid sa extremities katulad ng braso, mga daliri, binti o paa. Ang  pamamanhid ay palatandaan ng posibleng spinal damage kaya kung mayroon nito hindi muna dapat galawin ang biktima.

Kung wala kayong cpr at first aid training, tumawag ng medical assistance kaagad.  Tiyakin na relaxed at komportable ang biktima, at ibigay sa medical team ang lahat ng impormasyon na nakuha na.
December 05, 2007 100 First Aid: Heimlich Manuever for Infants or Alone



Top | Home

Ang heimlich manuever ay isang emergency procedure para sa mga taong nabilaukan o nahirinan at hindi makahinga dahil may nakabara sa kanilang lalamunan. Maaaring gamitin ito sa bata at matanda, kaya lang magkakaiba ang proseso sa bata dahil mas maliit ang mga bata.

Papaano ito ginagawa sa mga infants?

  1. Ilapag ang bata ng patihaya sa isang matigas na lugar o hindi kaya ilagay ang bata sa inyong kandungan na nakaharap ng palayo sa inyo.
  2. Ilagay ang inyong index at middle finger ng dalawang kamay sa ibaba ng kanyang sikmura at sa itaas ng kanyang pusod. Mabilis at pabiglang diinan ng pataas ang itaas na sikmura ng bata. Ingatan na hindi maipit ang tandyang at baka mabali ito. Ulit-ulitin hanggang matanggal ang bara.

Kung hindi pa matauhan ang biktima gamitan ito ng CPR at dalhin kaagad sa doktor o sa hospital.

At kung kayo naman ay nag-iisa at may bumara sa inyong lalamunan, ito ang inyong gawin:

- Gumawa ng kamao sa isang kamay. Ilagay ang kamao sa itaas na bahagi ng sikmura sa ibaba ng tadyang.  Itakip ang kabilang kamay sa kamao sabay biglang idiin ng malakas at pataas sa inyong sikmura ng paulit-ulit hanggang sa matanggal ang bara.

- Ang isa pang paraan ay tumayo sa dulo ng isang matatag o matibay na mesa, railing o silya. Idiin ang sikmura sa dulo ng mga kasangkapang ito ng pataas at pabigla hanggang matanggal ang kung ano mang nakabara sa lalamunan.

- Pumunta sa doktor kaagad at magpa check-up pagkatapos nito.

July 14, 2009

113 Diabetes & Your Eyesight



Top | Home

Isa sa mga komplikasyon ng diabetes ay ang mga pinsala sa mata na dulot nito.  Halimbawa, catarata, glaucoma, at ang madalas na dahilan ng pagkabulag ng mga diabetiko, ang tinatawag na diabetic retinopathy. 

Ang retina ay isa sa mga bahagi ng likod ng loob ng mata. Ang retina ang tumatangap sa mga imagen na nakikita ng ating mga mata bago ito i-transmit papunta  sa ating utak. Kaya kung maypinsala ang retina, lalabo ang ating paningin.

Naaapektuhan ng diabetes ang sirkulasyon ng dugo sa retina. Pinakikipot at pinatitigas nito ang mga arteries  na nagdadadla ng dugo dito hanggang sa magkaroon  sila ng maliliit na hemorrhages at pagtagal ay magiging dahilan ng pamamaga ng retina at paglabo ng paningin. Dahil sa pagkukulang ng oxygen supply sa retina may tutubong maliliit na bagong ugat sa retina na madaling pumutok at magdugo.  Maaari itong maging dahilan ng biglaang paglabo ng mata o kaya ito ay  pagmumulan ng mga animoy naglalanguyang dumi o floaters na mapapansin sa paningin ng mga mayroon nito.

Ang mga madalas na sintomas ng diabetic retinopathy ay: panlalabo ng paningin, pagkita ng mga floaters, at biglaang pagkabulag. Ngunit binabalaan ang mga diabetiko na hindi dapat hintayin  ang paglabas nitong mga sintomas na ito bago sila magpa-examine ng mata. Kadalasan ang mga may diabetic retinopathy ay walang nararamdamang sintomas kung hindi malala na ang kanilang kapansanan.

Ang diabetic ay  kailangang maiksamin ng opthalmologist o espesyalista sa mata at least once a year.

Tandaan na ang diabetic retinopathy ay madaling gamutin kung maaga pa. Ang treatment ay maaring hindi na tumalab kung malala na ito.

Ang pinakamabisang treatment sa diabetic retinopathy ay ang laser treatment. Hindi lahat ng espesyalista sa mata ay dalubhasa sa pagtingin at paggamot ng diabetic retinopathy at sa paggamit ng laser sa mata. Kailangang siguraduhin ninyo na mahusay sa diabetic retinopathy ang ophthalmologist o eye specialist na gagamot sa inyo.

Sa pamamagitan ng laser, naaalis ang mga bagong ugat na madaling magdugo sa retina at napipigil rin nito ang paglabas ng mga bagong ugat. Nababawasan rin nito ang pamamaga ng retina.  Dahil sa kalubhaan ng retinopathy lalo ng kung marami na ang dugo sa vitreous at retina o kaya meron ng secondary retinal detachment o pagtuklap ng retina, hindi na tatalab ang laser at operasyon ng retina at vitreous na ang kailangan. Sa pamamagitan ng microsurgery, naaalis ang dugo sa loob ng mata at naisasa-ayos ang retinal detachment.

Tandaan, ang masusing pagkontrol  ng blood sugar levels, cholesterol at blood pressure ay malaking tulong upang hindi lumabas ang mga komplikasyon sa mata na dulot ng diabetes.

August 7, 2007 133 Altapresyon: Tagasira ng Mata



Top | Home

Ang alta presyon, traydor na, silent killer pa.  Ngunit bago ito makamatay,  destroyer muna ito.  Dahil sa dami ng mga maseselang organs ng katawan na sinisira nito: ugat, utak, puso, mata, at marami pa.

Ang alta presyon ay may mga komplikasyon sa mata at ito ay maaaring maging dahilan ng pagkabulag ng isang tao.

Ang pagkasira ng mga  pinong ugat na nagdadala ng dugo sa retina ng mata, na  dulot ng sobrang taas ng blood pressure ay maaaring makaapekto sa ating paningin.  Halimbawa, kapag nagkaroon ng bara ang artery papunta sa retina, uuwi ito sa tinatawag na retinal artery occlusion at biglang lalabo o tuluyang mabubulag ang mata.  Ganun din kung maipit ang retinal vein ng isang matigas na artery sa retina dahil sa matagalang alta presyon.  Maaari naman itong maging dahilan ng retinal vein occlusion kung saan magdudugo ang ugat sa retina ng ating mata at hahantong din ito sa paglabo ng paningin o sa pagkabulag.

Alta presyon: nakakamatay, nakakalumpo, nakakabulag.  Huwag balewalain ito o  magsisisi kayo.  Kung hindi pa kayo biktima, umiwas na.  Kung mayroon na, kontrolin ito ng maigi.

Mabigat na usapin ang masiraan ng mata.  Kaya, seriously, uulitin ko sa inyo: huwag magbulag-bulagan sa alta presyon.  Maaaring tuluyang dumilim ang inyong mundo.

August 07, 2009 67 Breastfeeding Part 2



Top | Home

Ang gatas ng ina ang siyang pinakamahusay na pagkain para sa sanggol at ang infant milk formulas ay alternatibo lamang kung sakaling hindi kayang magpasuso ng ina. Marami ring naidudulot na kabutihan sa ina ang pagpapasuso ng kanyang sanggol.

Pinakakumpleto ito sa lahat ng kinakailangang sustansya ng isang sanggol: vitamins, minerals, carbohydrates, protein, fats at enzymes. Ito ang mga magpapalaki, magpapalusog at magpapalakas kay baby.

Ang gatas ng ina ay mayroon ring mga antibodies na nagdudulot ng proteksyon laban sa respiratory at digestive infections, allergies, tooth decay, high blood pressure, at obesity na hindi makukuha sa milk formula.

Meron ring advantage sa ina ang pagpapasuso.  Ang inang nagpapasuso ay mas mabilis bumalik sa dating timbang, nadaragdagan ang  proteksyon laban sa ilang cancers, tumitibay ang mga buto at nakakaiwas sa muling pagbubuntis. At hawag nating  kalimutan, menos gastos at mas madali para sa ina ang mag-breastfeed. Pwede ito gawin kahit saan kahit anong oras. Wala ng kailangang timplahin at hindi  na kailangang maglinis ng bote.

Dahil sa mga benepisyo nito, inirerekomenda ng mga pediatrician ang breastfeeding sa unang anim na buwan o kung maaari hanggang isang taon.

Sundin ang mga sumusunod kung nais ninyong mag-breastfeed:

Pasusuhin kaagad ang baby kapag mukhang gutom na ito. Magpasuso sa posisyon na komportable kayo. Huwag yumuko, sa halip, ilapit ang baby sa suso, o di kaya humiga ng patagilid na nakaharap ang baby sa inyo ng patagilid rin. Magsuot ng maluwang na damit na nabubuksan sa harapan, o di kaya ay maluwang na t-shirt.  Huwag madaliin ang breastfeeding. Pagkakataon na rin itong lambingin si baby. Sa umpisa kailangang i-breastfeed ang baby ng mga labing dalawang beses sa isang araw, dadalang rin ito habang lumalaki siya. At magiging mas regular na ang feeding routine. Kung kayo ay nagtatrabaho sa labas, matutong gumamit ng breast pump para mag-ipon ng inyong gatas. Kailangang itago ang inipong breast milk sa isang refrigerator o freezer. Ang breast milk na inipon ay maaaring ipasuso kay baby sa mga panahong wala kayo sa bahay. 

Iwasan ang mga inuming may caffeine, huwag manigarilyo, huwag uminom ng alak, at umiwas rin sa second hand smokers. Ang lahat ng ito ay sumasama sa gatas at naililipat sa baby. komunsulta sa doktor bago uminom ng vitamina o kahit anong uri ng gamot dahil may mga gamot na maaaring makasama sa baby.

August 06, 2009 66 Breastfeeding Part 1



Top | Home

Walang masama sa milk formula para sa baby.  Marami ang gumagamit nito sa halip na magpasuso.  Ngunit kamakailan lang, pati ang Presidente ng ating bansa ay ikinampanya ang breastfeeding. Bakit?

Ang sagot?  Kung walang kapantay ang pagmamahal ng isang ina wala ring kapantay ang gatas niya para kay baby.

Ang gatas ng ina ay kumpleto sa lahat ng bitamina, protina, minerals, carbohydrates at fats na kailangan ni baby upang lumaki at lumakas. Puno rin ito ng antibodies na magbibigay ng immunity kay baby laban sa sari saring impeksyon katulad ng pulmonia, sakit sa tainga, sa baga, sa lalamunan, at sakit sa tiyan katulad ng diarrhea at constipation.

Mas madaling  tunawin ang gatas ng ina kaysa sa formula milk. Mayroon rin itong natatanging enzymes na nagpapabilis ng absorption ng lahat ng nutrients na kailangan ni baby.

Ang gatas ng ina ay nagpapababa ng risk na kapag lumaki si baby, magkaroon siya ng allergies, bulok na ngipin, altapresyon, at sobrang katabaan na magiging sanhi ng diabetes. Hindi pa alam kung paano ito nagagawang lahat ng gatas ng ina, ngunit ito ay totoo, maraming benepisyo ang breastfeeding para sa sanggol.

Pero dapat rin ninyong malaman na marami ring benepisyo ang breastfeeding para sa ina. Nakakatulong ito sa pagpapa-baba ng kanyang timbang dahil nakakatunaw ito ng taba na naipon niya noong ang ina ay buntis pa.

Bumababa rin ang risk ng ovarian cancer at premenopausal breast cancer ng inang nagpapasuso.  Maliban rito lumalakas rin ang mga buto ng inang nagpapasuso kaya mas malayo silang magka-osteoporosis.

At alam ba ninyo na ang pagpapasuso ay isa ring birth control technique? Habang ang isang ina ay nagbe-breastfeed, maliit ang chance na siya ay mabuntis.

Isa pa, sa breastfeeding, menos ang gastos. Hindii ka na bibili at magtitimpla ng gatas, maghahanda ng bote at nipple. Pwedeng pakanin mo si baby kahit saan kahit anong oras.  Mayroon pa bang mas magaling diyan? Tiyak na wala!

Ito rin ang pinaka-intimate na experience sa pagitan ng ina at ni baby.

August 11, 2009 79 Lung Cancer Part 2



Top | Home

Ang pinakamabagsik na cancer ay ang lung cancer.  Mas marami ang namamatay sa lung kanser dito sa ating bansa kaysa sa breast, colon at prostate kanser.

Karamihan ng lung cancer ay dahil sa paggamit ng sigarilyo dahil mahigit 50% ng ating kalalakihan ay smokers.  Ang masasamang elemento sa tobacco smoke na tinatawag na carcinogens ang sumisira ng mga cells ng baga.  Kahit ang second hand smoke o usok na galing sa sigarilyo na hinihitit ng ibang tao ay mayroon din nito.

Kung minsan, sa katagalan ng pagkakadarang ng ating baga sa usok ng sigarilyo, ang mga cells sa isang parte ng baga ay biglaang magiging cancer cells.

Eventually, ang cancer ay kakalat sa ibang parte ng baga at sa mga karatig na lymph nodes o kulane. Maaari din pagtagal, kumalat ang cancer sa utak, atay at sa buto.

Ang paggamot ng lung cancer ay batay sa stage o kalalaan ng cancer.  Maaaring  operation o radiation therapy o kaya chemotherapy o combination ng tatlong ito.  Ang treatment of choice ay batay din sa type of lung cancer at sa edad at general health ng pasyente.  Kung maaagapan kaagad ito, mas malaki ang pag-asang magrespond ang cancer sa treatment.
 
Ngunit bakit pa natin hihintayin ang oras na ito. Ang lung cancer ay 100% preventable.  Ang kailangan lamang ay huwag tayong manigarilyo o tumigil na tayong manigarillo.  Hindi lang ito aksaya ng pera kundi nagdudulot pa nang malulubhang sakit, at kahirapan sa inyo at sa inyong kamag-anakan.

July 15, 2009 138 Deadly Diabetes in Children



Top | Home

Parents, makinig ng mabuti.  Ang isang nakakatakot na sakit ng mga bata ay diabetes.  Oras na magkaroon sila nito, habang buhay na magdudusa sila. Maaari itong makontrol.  Ngunit hindi ito mawawala ng tuluyan.  Kadalasan, ito ay namamana sa kanilang magulang. Paminsan-minsan ito’y dahil sa sakit na nakuha ng bata.

Ang diabetes ay isang sakit kung saan ang katawan ay hindi gumagawa ng sapat na insulin o kaya hindi nagagamit ng husto ang insulin.  Ang insulin ay isang hormone na kinakailangan upang magamit ang glucose o asukal bilang energy source ng katawan. Kung kulang ang insulin o hindi ito nagagamit ng tama, dumadami ang glucose o asukal sa dugo at umaapaw ito sa ihi.  Dahil hindi nagiging energy ang sugar, nanghihina ang katawan.  Ang type1 diabetes ang pinakamadalas na klase ng diabetes sa mga bata at teenagers.  Ang may type1 diabetes ay mangangailangan ng araw-araw na injection ng insulin at nanganganib sila sa sakit sa ugat at puso, kidneys at mata.

Ang mga sintomas ng type1 diabetes ay:

  • pagka-uhaw
  • madalas na pagihi
  • palagiang pagkagutom
  • pangangayayat
  • panlalabo ng mata
  • panghihina.

Kung hindi mapababa agad ang mataas na blood sugar maaaring magka-diabetic coma ang biktima.

Mahirap ang management ng type1 diabetes sa mga bata dahil kailangan alalayan ang insulin schedule, uri ng pagkain, schedule ng pagkain, at monitoring ng blood sugar.  Kailangan turuan ang bata na gumamit ng glucose meter upang sarili niyang ma-chek ang kanyang kalagayan.  Kailangan din na mag-exercise araw-araw dahil nakakatulong itong magpababa ng blood sugar at controlin ang timbang.  Kailangan
balanse ang insulin injection at pagkain.  Dapat matutunan ng bata kung paano iwasan ang hypoglycemia o sobrang pagbaba ng blood sugar kapag siya ay nag-ehersisyo o sobrang physical activity.

Tandaan: ang type1 diabetes ay mapanganib at panghabang-buhay.  Kailangan nito ang close management at supervision ng isang espesyalista.  Higit sa lahat kailangang maunawaan ng pasyente at ng kanyang pamilya kung ano ang kanilang mga dapat gawin para maiwasan ang mga komplikasyon nito.

January 11, 2008 94 Sinusitis



Top | Home

Tutunghayan natin ngayon ang mga sinuses. Ang mga sinuses ay mga cavities o air pockets sa loob ng mga buto ng mukha. Sa isang x-ray ng ulo, inyong mapapansin ang mga ito sa bandang nuo, pagitan ng mga mata, sa pisngi at sa likuran ng ilong. Lahat sila ay konektadosa nasal passages ng ilong sa pamamagitan ng mga drainage canals. The sinuses filter, moisten and warm the air we inhale bago pumasok sa ating baga. Kapag nagbara ang mga drainage canals ng sinuses dahil sa bacterial infections, allergies o mga ibang dahilan ng inflammation, sinusitis will set in. 

Dahil sa ang sinuses ay karugtong ng ating ilong, anumang pamamaga ng lining ng ilong, katulad ng common colds at allergies ay nakakaapekto rin sa mga sinuses.  Air trapped in the sinuses, kasama na ang plema at secretions doon ang dahilan ng paninikip at pagtaas ng pressure sa loob ng sinuses. Ito ang dahilan ng matinding sakit na kasama ng sinus attack.

Ang mga sintomas ng sinusitis ay: pananakit sa mukha, pamamaga sa lugar ng mga sinuses, sakit ng ulo, malapot at may kulay ang sipon, ubo,  plema na tumutulo sa lalamunan (post nasal drip), mabahong hininga, sometimes masakit na panga at mga ngipin, at masakit na lalamunan.

Dalawang uri ang sinusitis: acute at chronic. Ang acute sinusitis ay sanhi ng sipon dahil sa virus na pagmumulan ng pamamaga ng mga sinuses. Kahit hindi ito gamutin, kusang lumilipas ito sa loob ng dalawang linggo.

Ang chronic sinusitis ay tumatagal kung minsan ng ilang buwan o di kaya taon . Ang dahilan naman ng chronic sinusitis ay mga allergies na gawa ng mga pollen, alikabok, amag, at iba pang mga pollutants sa hangin.

Ang maaring gamiting mga gamot ay decongestants, antibiotics para sa infection, at pain relievers. Kapag hindi nakuha sa gamot and sinus disorders, may mga operasyong maaring gawin para malunasan ito.

Upang tiyakin kung sinusitis nga ba ang sakit, komunsulta­­ sa doktor.

August 16, 2007 212 Paninigarilyo: Madali, Mahirap



Top | Home

Nakapagtataka! Sa umpisa, mapait, mabaho, nakakaubo, at hindi naman nakaka high. Ngunit kapag nasimulan napakahirap huminto. Ito ang puno’t dulo ng napakasamang bisyong  paninigarilyo o smoking.

Ayon sa pananaliksik, ito ang dahilan kung bakit nagsisimulang manigarilyo ang mga bata: Una, nais nilang “iba sila” sa karamihan, kaya nagsusuot sila ng kung ano anong damit, pambihirang ayos at kulay ng buhok, tattoo, at ang iba ay nagsisigarilyo. Ang ikalawa ay “peer pressure”. Sa barkadahan mahirap tanggihan ang mga  kasama, kailangang sundin ang  grupo, makisama upang hindi itakwil ng barkada. Ikatlo: “curiousity” kung ano ang ipinagbabawal ay lalong gustong malaman o gawin; ikaapat: nababagot. Walang ginagawa kaya kung ano-ano ang  naiisip gawin. Isa dito ang paninigarilyo; at ang huli: “advertising”: Napakalakas ng epekto ng advertising sa mga bata kaya nahihikayat silang magsimula sa pagsisigarilyo.

Bakit napakahirap tumigil sa paninigarilyo?  Dahil ang addiction nito ay parehong mental at physical.  Nakaka addict ang nicotine, hanggang sa hinahanap na ito ng katawan. Sumasama ito sa dugo at nagrerelease ng chemicals katulad ng dopamine at endorphin na siyang nagbibigay ng “high” feeling. Kapag natigil ang paninigarilyo, maaaring maging dahilan ito ng depression, insomnia, bad temper, headaches, pagkahilo at pagkagutom o sobrang ganang kumain.

Dagdag pa dito ang napakahirap na mental addiciton lalo na kung walang will power ang  isang tao.

Sa isang pagsusuri, 70 percent ng mga batang smokers ang  nagsasabi na kung alam lang nila ang masamang epekto ng smoking at kung gaano kahirap tumigil hindi na sana sila nagsimula. Sa mga sumubok tumigil, almost 60 percent ay nabigo. 

Iisa lamang ang nararapat gawin,  isagawa ang lahat upang hindi makapagsimulang manigarilyo ang bata. Dahil kung sila ay malulong sa masamang bisyo na ito,  napakahirap po itong alisin.

August 17, 2007 11 Cocaine & Shabu Part 1



Top | Home

Ang cocaine at ang derivatives nito na shabu ay malakas na stimulants sa utak, spinal cord at sa peripheral nervous system. Kahit saan man ito dumaan sa katawan, maging sa ilong, injection, paghithit, pagtunaw sa dila o kung ano pa mang mga paraan. Ito ay mabilis na naa-absorb sa bloodstream na nakapagbibigay ng biglaang lakas.

Napatunayan ng isang experiment na ang isang addicted na hayop ay patuloy na gagamit ng cocaine nang hindi man lamang tumitigil para kumain hanggang sa ito ay mamatay.

Ang ibang halimbawa ng panganib mula sa cocaine ay ang mga sumusunod:

1) Over stimulation ng puso na maaaring magresulta sa abnormal heart rhythms o arrhythmias. Ito ay maaaring fatal at pwedeng magdulot ng biglaang cardiac death.

2) Paninikip o pag-collapse ng coronary arteries na nagdudulot ng atake sa puso.

3) Paninikip o pag-collapse ng carotid artery papuntang utak na maaaring magresulta sa mini stroke, transient ischemic attack o kaya ay full-blown stroke.

4) Dilated cardiomyopathy, isang kondisyon kung saan nababawasan ang kakayahan ng puso na mag pump ng dugo dahil ang puso ay namamaga.  Ang panghihinang ito ng puso ay maaaring fatal.

5) High blood pressure o hypertension ang makapagbibigay ng matinding strain sa puso at sa blood vessels.

6)  Aneurysm at aortic dissection na parehong fatal.

August 21, 2007 195 Tosferina or Whooping Cough



Top | Home

Ang whooping cough o tosperina ay mapanganib na sakit ng mga baby na wala pang isang taon. Mabuti na lang at ngayon mayroon nang bakuna para dito at mga gamot laban sa impeksyon.

Noong wala pang bakuna tatlo sa apat na baby ang nagkakaroon nito at marami ang namamatay. Sanhi ito ng bordella pertussis, isa sa pinaka contagious na bacteria. Nakakahawa ang sakit na ito kaya kailangang ilayo ang may sakit sa mga kasam- bahay lalo na sa mga bagong silang na sanggol. Alalahin rin na ang proteksyon na dulot ng pagpapasuso ay walang bisa sa tosperina.

Nakukuha ang tosperina sa talsik ng laway ng umuubong may sakit.  Lumilitaw ang  sintomas nito pagkalipas ng lima hanggang labing limang araw mula ng makuha ang impeksyon.  Tumatagal ang sakit ng hanggang walong linggo

Nagsisimula ito sa sipon at mahinang ubo. Palakas ng palakas ang pag-ubo, pagkatapos susundan ito ng hirap at tumutunog  na paghinga.  Sa kalaunan, lalabas ang plema na may kasabay na pagsusuka.  Ang atake ng ubo ay maaaring maulit ng 40 beses sa isang araw.  Tumatagal ang ganitong sakit ng walong linggo. Kaya kaawa awa ang mga bata pati rin ang mga magulang nila dahil wala rin silang magawa.

Nagagawa ang diagnosis sa pamamagitan ng sintomas nito. Maaaring kumuha ang doktor ng swab sa ilong at lalamunan upang ipa-analyze. Nakukuha ang resulta sa loob ng limang araw.

Ang whooping cough ay maaaring mauwi sa komplikasyon katulad ng bronchitis, pulmonya at impeksyon sa tenga. Antibiotics ang gamot dito.

Ang mabuting pananga sa tosperina ay bakuna, at ihiwalay ang may sakit sa ibang bata.

Kaya importante na mabakunahan kaagad ang sanggol. Gawin ito sa mga gulang na dalawa, tatlo, at apat na buwan bilang bahagi ng tinatawag na “five-valent”:  diphtheria, tetanus, pertussis, hib, at polio. 100 % ang proteksyon na ibinibigay ng  dalawang beses na pagbabakuna.

August 22, 2007 13 Marijuana, Ecstacy & Solvents



Top | Home

Maraming tao ang nag-aakala na ang paghithit ng marijuana ay mas ligtas kesa sa paninigarilyo. Sa katunayan ang masamang epekto sa katawan ng limang marijuana cigarettes o joints kada linggo ay katumbas ng paninigariyo ng isang kahang sigarilyo kada araw. Nagpapabilis ang marijuana ng heart rate by 50% at maaaring makaapekto sa ating immune system. Ang taong gumagamit ng marijuana ay may malaking panganib na atakihin sa puso sa loob ng isang oras na ginagamit ito.

Ang ecstasy naman ay isang synthetic drug na ginagawa ng mga underground laboratories. Ito ay tinatawag na club drug dahil iniinom raw ito sa mga clubs, parties at concerts.

Iba’t-iba ang epekto nito.

1) Mula pleasant acceptance of self and others hanggang psychotic breaks

2) Pamamawis

3) Panginginig

4) Panlalamig

5) At pagcollapsed

Bilang stimulant, ang ecstasy ay nakapagdudulot ng ilang oras na intense physical activity. Ang masamang epekto nito ay ang pagpapataas ng blood pressure at pagpapabagal ng pumping efficiency ng puso. Ito rin ang sinasabing dahilan ng sobrang pagtaas ng temperature at heart failure. Kahit isang dose nito ay fatal.

Maraming iba’t-ibang inhalants mula sa nail polish remover hanggang sa rugby. Madalas itong ginagamit ng mga kabataan. Sa pamamagitan ng:

1) Pagsinghot ng kemikal mula sa kanilang container

2) Pagsinghot ng kemikal sa isang basahan

3) Paglalagay ng kemikal sa isang paper o plastic bag at pagsinghot nito.

Ang matagal na pag-amoy ng mga inhalants ay maaaring makapagdulot ng sudden sniffing death na maaaring makaapekto kahit na sa malusog na kabataan na sumusubok nito kahit sa unang pagkakataon.

Kung kayo ay may problema sa droga o kung may kakilala kayong nalululong dito, makipag-usap agad sa isang doctor, counselor o religious adviser.

August 23, 2007 23 Aspirin: (For Pain & Prevention)



Top | Home

Paano nakatatanggal o nakapipigil ng sakit ang aspirin?

Nakatatanggal ng sakit at pamamaga ang aspirin sa pamamagitan ng pagpigil sa  enzyme na cyclooxygenase o COX na siyang gumagawa ng chemical na  prostaglandin. Ang prostaglandin ang nagsi-signal ng injury at nagtitrigger ng sensation of pain. Halimbawa, kung mauntog ang isang tao, ang damaged tissue sa ulo ay nagre-release ng kemikal na naghuhudyat ng masakit na pakiramdam. Ilan sa mga chemical na ito ay prostaglandins. Hindi ginagamot ng aspirin ang injury o sugat. Binanabawasan lamang nito and pananakit at pamamaga dahil nalilimit ang pain signals ng pain alerters katulad ng prostaglandin papunta sa utak

Ang aspirin ay nakakabawas din  sa formation ng blood clots.dahil and  aspirin ay isa sa mga tinatawag na antiplatelets.  Pinipigil ng aspirin ang action ng platelets na nahahantong sa blood clots. Ang blood clots ay maaaring bumara sa mga arteries  at maging dahilan ng heart attacks at strokes.

Kaya nirerecomenda ng mga cardiologist ang aspirin para sa mahusay na pagdaloy ng dugo sa ugat. Kaya lang marami pa rin ang mga  maysakit sa puso na hindi umiinom ng aspirirn

August 24, 2007 24 Aspirin: (People Who May Benefit)



Top | Home

Sino ba ang mga taong maaaring makinabang sa pag-inom ng aspirin?

Ang mga taong maaaring makinabang sa pag-inom ng aspirin ay ang mga sumusunod;

  1. Yung may coronary artery disease or atherosclerosis.
  2. Yung mga nakaranas na ng heart attack o angina;
  3. Yung posibleng magka-heart disease tulad ng mga naninigarilyo, kulang sa exercise, may mataas na level ng cholesterol, may diabetes o mataas ang blood pressure
  4. Mga lalaking may edad na mahigit sa 40 at babaeng mahigit sa 65
  5. Mga pasyenteng may mataas na homocysteine levels o abnormal C-reactive protein
  6. Mga pasyenteng nagkaroon na ng mini-stroke o ischemic stroke

 

Ang aspirin therapy ay nakabubuti rin sa mga pasyenteng may angioplasty, coronary bypass surgery o atrial fibrillation. Gayundin, ang mga pasyenteng na naka-iskedyul sa operasyon para sa paluwagin ang mga blocked arteries ay makikinabang sa “super aspirins”. Ang mga ito ay binibigay intravenously habang may cardiac interventional procedures. Para sa mga ganitong pasyente, ang super aspirins ay nakababawas ng 40% sa tsansang magkaroon ng komplikasyon.

Ang mga taong allergic o hindi hiyang sa aspirin ay puwedeng bigyan ng ibang antiplatelet drugs tulad ng  clopidogrel.

August 28, 2007 26 Aspirin: (General Use & Guidelines)



Top | Home

Ano ba ang mga dapat isa-alang-alang sa pag-inom ng aspirin?

Ang low-dose o baby aspirin, ibig sabihin mga tableta na naglalaman ng 30 hanggang 100 mg. ng aspirin,  ay mabisang preventive dose para sa heart attacks at strokes.

Isa naman sa pinakamabisang first aid para sa taong inaatake sa puso ay ang pagnguya at paglunok ng 600 mg o dalawang tableta ng regular dose aspirin. Tandaan na walang ibang pain reliever na puwedeng ipalit dito bilang gamot sa  isang taong inaatake sa puso.

Ang aspirin ay iniinom matapos kumain, di kaya ay kasabay ng antacid para hindi sumakit ang tiyan. Kung hindi naman, pwede  nating gamitin  ang mga coated aspirins na hindi masyadong nakakairita ng sikmura. Ang mga coated aspirin ay hindi dapat nginunguya, o dinudurog unless in case of emergency, halimbawa ay pag-gagamitin sa  inaatake sa puso. Unfortunately, may mga taong ang mga bituka ay hindi kayang tumunaw nang coated aspirin at ang tableta ay mananatiling buo hanggang mailabas na lamang pagdumi nang hindi nagkakabisa.

Ang mga sumusunod ang maaaring side effects ng aspirin;

    • Hyperacidity o pangangasim ng sikmura  na maaaring humantong sa peptic ulcer.
    • Ang peptic ulcer ay maaring mauwi sa pagdudugo ng sikmura at bituka. Indikasyon nito ang pagdumi ng sariwa o maitim na dugo o ang pagsuka ng  dugo
    • Pamamaga ng mukha at skin rashes dahil sa allergy sa aspirin.
    • Asthma attack
    • Ringing in the ears o pagkabingi, kapag uminom ng matagal ng  high doses ng aspirin
    • Pagpapasa
    • Hindi pangkaraniwang pangyayari ang pagdudugo sa iba pang  parte ng katawan katulad ng utak.
August 25, 2009 61 Cataract Part 2



Top | Home

Ang cataract ay panlalabo ng paningin sa isa o magkabilang mata dahil sa pamumuo ng protein sa lente ng mata.  This is the most common cause of treatable blindness sa ating bansa.

Maliban sa katandaan maaari din magkaroon ng cataract as a complication ng ibang sakit sa mata katulad ng glaucoma at uvietis. Maaari din magkaroon nito after an eye injury.

Nada-diagnose ang cataract sa pamamagitan ng ilang tests na ginagawa ng eye care specialist o opthalmologists.  Mali ang akala ng ilan na makikita ang catarata sa labas ng mata dahil sa ang lente na may catarata ay nasa loob ng mata. Bago ma-opera, ang mata ay susukatan ng intraocular lens o IOL na ipapalit sa inalis na catarata.

Ang pinaka makabagong paraan ng pag-aalis ng catarata ay ang phaco surgery. Ito ay gumagamit ng ultrasound waves upang palambutin at durugin ang lente bago alisin ito sa pamamagitan ng suction. Matapos malinis ito, pinapasok sa loob ng mata ang

Intraocularlens.  Dahil sa plastic lens na ito hindi na kailangan magsalamin ang pasyent pagkatapos ng opration. Minsan, kung walang ultrasound machine, inilalabas ng buo ang laman ng lente at ang natitirang part ng lente ay sina-suction bago ilagay ang IOL.

Ang pagtanggal ng catarata ay isa sa pinakamadalas gawin na operasyon ito ay mayroon din risk katulad ng infection at bleeding.  Ganun pa man ang success rate ay mahigit sa nobenta por siento.

Ang operasyon ay nagagawa sa loob ng isang oras at halos walang nararamdamang sakit. Kung walang complication ipinauuwi ang pasyente pagkatapos ng operasyon. Ang healing period ay mga walong linggo.

August 31, 2007 158 Hepatitis A



Top | Home

Maraming uri ng hepatitis. Ang madalas na nakikita ng mga doctor ay ang  Hepatitis A, Hepatitis B at Hepatitis C. Tunghayan natin ngayon ang Hepatitis A.  Ang pinagmumulan Hepatitis A ay ang Hepa virus A at ang naapektohan na parte ng katawan ay ang atay.

Ang hepatitis A virus ay nakukuha sa pamamagitan ng pagkain contaminated ng dumi ng tao na may sakit na hepatitis a.

Ang mga sintomas ng hepatitis a ay:

  • Lagnat
  • Mga sintomas na kahawig ng flu katulad ng panghihina, pananakit ng mga muscle at joints, pagkawala ng ganang kumain, at pagkahilo;
  • Parang masusuka; masamang tiyan; at paninilaw ng mga mata at pagkalipas ng ilang araw paninilaw din ng balat.

Ang masama, walang tiyak na gamot na maaaring ibigay sa pasyente upang mapabilis ang paggaling nito.  Ang maaaring gawin lamang ay i-isolate o hiwalayin ang mga may sakit,
Payuhan silang magpahinga, uminom ng maraming fluids, at iwasan ang mga matatabang pagkain.

Sound hygienic practices at malinis na kapaligiran ang pinakamabuting panangga sa hepatitis a.

Hugasan ng mabuti ang mga kamay paggaling sa c.r., bago maghanda ng pagkain, at bago kumain.

Ayusin mabuti ang disposal ng human waste at mga basura.

Iwasan ang pagkain ng mga hilaw na oysters clams at iba pang mga shellfish. Pinakama-buting lutuin ang mga ito ng apat na minuto o i-steam ng isang minuto at kalahati;

Ugaliing itago ng mabuti ang mga pagkain at ingatan na hindi macontaminate ang tubig inumin.

May magandang balita, ang sakit na hepatitis ay kusang gagaling paglipas ng isa o dalawang linggo. At nagkakaroon ng lifetime immunity against the hepa a virus ang sino mang magkasakit ng hepatitis na ito. Tandaan din na mayroon minsanan na bakuna na makapagbigay proteksiyon habang buhay. Magsanguni sa inyong doctor tungkol sa bakuna para sa hepatitis.

September 6, 2007 159 Hepatitis B

\

Top | Home

Tatlong uring hepatitis ang madalas nating makita, hepatitis A, B at C.  Tunghayan natin ngayon ang hepatitis B.

Ang hepatitis B ay infection ng atay na ang dahilan ay ang hepatitis B virus o HBV. Dahil dito na-i-inflame o namamaga ang atay. Hindi ito namimili ng biktima. Bata man o matanda maaring magkaroon ng hepatitis B.

Malalaman na ang isang tao ay may hepatitis B dahil sa mga sumusunod na sintomas:

  • Panghihina;
  • masamang tiyan;
  • dark na ihi;
  • mapusiaw o maputlang dumi;
  • paninilaw o jaundice.

Naikakalat o naililipat ang hepatitis B virus sa: pamamagitan ng:

  • blood transfusion
  • mga unsterilized na karayom ng injection
  • mga kutsilyo at labaja o razors
  • through sexual intercourse o pagtatalik

At sa mga baby:

  • Naililipat ito mula sa nanay habang na sa sinapupunan pa ang bata
  • mula sa nanay habang ipinanganganak ang baby.

Maraming mga komplikasyon ang dulot ng hepatitis B, katulad ng:

Chronic hepatitis o paulit-ulit na hepatitis infection: cirrhosis ng atay kung saan unti-unting nasisira ang mga cells  nito; liver failure pag ang atay ay hindi na makakagawa ng nararapat niyang function;  at cancer sa atay.

Upang maiwasan ang hepatitis B tiyakin:

  • Na malinis at sterilized ang mga gamit pang-injection
  • na malinis ang dugo para sa  transfusion at hindi mula sa taong may hepatitis
  • gumamit ng malinis na kutsiliyo,  laba-ja o a safety razor
  • gumamit ng condom  sa pagtatalik

Sa mga baby naman:

  • Bakunahan ang mga baby ng hepatitis B vaccine pagdating sa ika 6, ika sampu, at ika labing apat na linggo ang gulang.

Kung ang hepa B infection ay acute o self limiting maaari itong gumaling ng kusa paglipas ng ilang linggo.  Ngunit kung HBV aT chronic maaaring maauwi ito sa cirrhosis at cancer.

September 7, 2007 160 Hepatitis C



Top | Home

Kagaya ng hepatitis A, B, C, D, at E, ang target ng hepatitis C ay ang atay din. Ang may sanhi nito ay ang hepatitis virus C, o HVC.

Ititinataya na hanggang 200 milyong katao sa mundo ang mayroon nito, pangalawa sa hepatitis C.  Ito ang madalas na dahilan ng liver transplant.

Ang hepa C ay natuklasan ni Dr. Matthew Hoare noong 1989. May dalawang uri din ito, acute at chronic hepa c.
 
Ang sintomas ng acute hepa C ay;

  • walang ganang kumain o anorexia
  • pagkapagod
  • masakit na tiyan
  • pangangati
  • paninilaw
  • parang nafu-flu.

Mga 25% ng mayroon HVC ay gumagaling ng kusa.  Kaya dati hindi ginagamot ang mga acute hepa C victims ngunit napag-alaman na napapadali ang paggaling nila kung lapatan ng gamot.

Ang nalabing 75% ay matutuluyang maging chronic hepa C na tatagal ng anim na buwan o mas higit pa.  Dito nagmumula ang cirrhosis ng atay, pati rin ang cancer.  Ang mga sintomas ng chronic hepa C ay halos katulad din ng acute hepa c.  May mga dagdag na sintomas kapag umabot na sa cirrhosis stage kasama dito ang:

  • pag-iipon ng tubig sa tiyan (ascites)
  • paglabas ng mga pasa
  • madali mag-bleed
  • inflammation ng thyroid
  • inflammation ng kidney,etc

Mahirap ma-diagnose ang hepa C habang nasa acute stage pa lamang.  Kapag nasa chronic stage na mas madali nang I-diagnose dahil lalabas na ang mga sintomas. Maaaring gawin ang liver enzyme at liver function tests, kidney tests, serological tests, at iba pa.

Ang hepa c ay na tatransmit through blood to blood contact. 90% ng mga biktima ay nakukuha ang sakit sa blood transfusion o sa mga blood products, at  injection  ng drugs, infected na mga medical at dental equipment na hindi nasterilize ng maigi, unprotected sex, tatooing, at shared personal items ng mga drug addicts. 

Kung may hinala kayo at maaari kayong makaroon nitong sakit na ito magpa-screen kayo for hepatitis.  Maigi din na magpabakuna na laban sa hepatitis A at B kung negative ang result.

By the way wala pang bakuna laban sa hepatitis C.

July 08, 2009 43 Immunization Part 1



Top | Home

As we age the best health insurance is prevention. Ang pinakamabisa ay ang pagbabakuna.

Ang problema , feeling ng karamihang mga adults hindi na nila kailangan magpa-immunize.  Maling mali ang pag-aakalang ito.  Maraming mapanganib na sakit ang maiiwasan ng mga matatanda kung magpabakuna.  Kaya maaari nating sabihin na ang immunization ay panghabang buhay na gawain upang pangalagaan ang ating kalusugan.

Kung maaalala ninyo na noong maliliit pa tayo, binakunahan tayo laban sa beke, chicken pox, small pox, polio, etc.  Pagtanda natin kailangan pa rin ng proteksiyon laban sa tetanus,  pneumonia, flu, hepatitis atbp., bakuna ang sagot diyan.

May mga vaccines na iniinom at ang iba naman ay injection. Ang vaccines ay pinahina o patay na mga bacteria or virus na pagpumasok sa katawan  ay magpo-produce  ng antibodies  na  sasangga sa sakit  kung sakaling dumating ito. Iyan ang tinatawag na immunity.

Kadalasan walang side effects ang vaccines, maliban sa konting pananakit o pamamaga sa lugar na pinag-turukan nito. Bale wala ito kumpara sa mahalagang proteksiyon  na matatamo natin laban sa mga nakamamatay na sakit.

Keep your shots up to date. Handang magbigay ng karagdagang impormasyon ang inyong doktor tungkol sa paksa na ito.

Huwag kalimutan na ang vaccination ay panghabang-buhay na gawain para sa panghabang-buhay na proteksyon hanggang sa pagtanda.

July 09, 2009 44 Immunization Part 2



Top | Home

Lalong kailangan ang bakuna habang tumatanda ang tao.  Ang pagbabakuna ay habang buhay na gawain upang walang patid ang proteksiyon o’ immunity laban sa mapanganib na mga sakit.

Ano ang mga sakit na ito?

  1. Tetanus o lockjaw na sanhi ng tetanus germ na pumapasok sa sugat  o galos.  Isa sa tatlong magkaroon ng tetanus ay namamatay. Kung hindi pa kayo nabakunahan ng anti tetanus vaccine bibigyan kayo ng tatlong magkasunod na shots. Yung nabakunahan na ay nangangailangan na lamang ng booster shots bawat sampung taon.
  1. Ang diphtheria ay isang infection na ang sintomas ay lagnat at sore throat, 

Swallowing problems at suffocation. Ito ay hindi pangkaraniwan ngunit isa sa sampu na magkaroon nito ay nanamatay. Ang diphtheria vaccine is usually combined with tetanus in what is called TD shots.

3.   Flu o  influenza.  Sanhi ng viruses.  Alam na natin ang mga sintomas nito -  lagnat, ubo, etc. Ang flu ay maaaring mauwi sa pneumonia which can be fatal. Kaya napaka importante na magpa-immunize yung mga high risk persons lalo na kung 65 years or older, ganun din yung may sakit sa puso, asthma, diabetes, lung disease, aids o cancer. Magpabakuna taon-taon dahil ang virus na nagdadala ng flu ay nagbabago din bawat taon.

4.   Pneumococcal disease katulad ng pneumonia. Epektibo din ito sa ibang sakit katulad ng meningitis. Yong mahigit sa 65 years old lalo na kung may chronic illness ay nangangailangan din ito. Pwede itong  ibigay kasabay ng flu vaccine. Kailangan ng booster shot bawat limang taon.

  1. Hepatitis A. Ito ay isang infection sa atay na dahil sa Hepatitis A virus. Nakukuha ito sa infected blood, contaminated food or water, at iba’t ibang waste matter.  Ang simtomas nito ay paninilaw ng balat at mata, flu-like symptoms at panghihina. Halos lahat ng nagkakaroon nito ay gumagaling ng kusa ngunit makabubuti na rin ang magpabakuna para maiwasan ang masasamang sintomas nito at ang pagka-absent ng matagal sa trabaho o eskwela.

6.   Ang  Hepatitis B.  Atay din ang nai-impeksyon ng Hepatitis B virus.. Magkahawig ang mga sintomas ng hepatitis A at hepatitis B, kaya lang mas malubha ang hepatitis B.  Nakakamatay ito dahil nauuwi ito sa liver cirrhosis at liver cancer sa mga sampung porsyento ng nagkakaroon ng hepatitis B.  Ang hepatitis B virus na madalas nakukuha sa infected blood at mga body fluids katulad ng saliva at semen. Kailangan ang bakuna lalo na sa mga intravenous drug users, at yung may contact sa Hepa B carriers katulad ng mga doktor, nurses, med-techs at caregivers. Kailangang ang tatlong initial shots at booster shot bawat 5 to 10  years.

Kung hindi pa kayo nabakunahan  para sa sakit na polio, measles, mumps o beke, german measles at chicken pox, kailangan magpabakuna kahit anong edad. One shot lang ang kailangan.

“The benefits of immunity far outweigh the risks of vaccination.”

September 14, 2007 2 Cervical Cancer Part 2



Top | Home

May mga pag-aaral na high risk ang mga babaeng naninigarilyo at ang gumagamit ng steroids at synthetic estrogen supplements katulad ng  DES sa cervical cancer lalo pa kung ito ay ginagamit ng isang ina noong siya ay nagdadalang tao. Sa ganitong sitwasyon naipapasa ng buntis sa kanyang anak ang impeksyon. At ang bata ang nagkaka-cancer hindi ang ina.  Kung kaya’t minamabuti na iwasan ang paninigarilyo at ang mga synthetic estrogen lalo na kung buntis.

Para malaman ng babae kung mayroon syang HPV infection o cervical cancer kailangan niyang magpa papsmear test. Para sa mga babaeng 21-30 years old at sexually active, kailangan niyang magpapapsmear kada taon. Kung over 30 naman kayo at may 3 taon ng nakalipas na normal palagi ang inyong annual papsmear test gawing every 3 years na lamang ang pagpapapapsmear. Tandaan ang cancer of the cervix ay sexually transmitted disease. Pinakakaraniwang cancer nga ito ng kababaihan ngunit pinakamadali namang iwasan at gamutin kapag naaagapan sa unang stage ng sakit.

September 17, 2007 27 Prostate Cancer (Definition)



Top | Home

Ang prostate cancer ay abnormal growth ng cells sa prostate gland ang maliit na walnut-shaped organ sa ilalim ng bladder ng lalaki. Bahagi ito ng male reproductive tract na gumagawa ng semen.

Hindi pa alam kung paano nagsisimula  ang prostate cancer ngunit ang gulang at family history ng isang lalaki ay may kinalaman ditto.

Kadalasan lumalaki ang prostate gland  habang tumatanda.ang lalaki. Hindi lahat ng malaking prostate ay may cancer ngunit kadalasan ang  kanser ay nakapagpapalaki ng prostate.
 
Prostate cancer usually does not cause symptoms in the early stage,  such that, 60% to 70% of men older than age 80 with prostate cancer do not have symptoms.

Ang sintomas nito ay ang sumusunod;

Hirap sa pagihi.
Paghina ng lakas ng ihi.
Paggising sa gabi para umihi.
Madalas na pag-ihi.
Masakit na pakiramdam tuwing umiihi
Pakiramdam na laging puno ang pantog o urinary bladder.
Dugo sa ihi.
Pananakit ng likod, tiyan, baywang at puson.
           
Ang mga sintomas na ito ay maaring may ibang dahilan din katulad ng:mga sumusunod;

            BPH (benign prostatic hypertrophy) o paglaki ng prostate
            Prostatitis (infection of the prostate gland)
            Urinary tract infection (cystitis).

Kapag kumalat na ang kanser sa ibang parte ng katawan ang mga sumusunod na sintomas ay maaring maramdaman;

Pangangayayat
Panghihina
Pananakit ng buto lalo na sa likod, baywang, puson at tiyan.
At pamamaga ng binti at paa.

Magpacheck-up upang malaman kung kayo ay may problema sa prostate.

September 24, 2009 14 Varicose Veins Part 1



Top | Home

Ang varicose veins ay mga ugat sa katawan na lumalaki, namamaga, umiitim at kadalasan ay pilipit sa halip na deretso. Madalas itong lumilitaw sa binti at pinagmumulan ng pamamaga o edema at pangingitim ng paa.
Pangit tignan ang varicose veins, ngunit maliban dito nagdudulot din ito ng matinding pananakit at pangangati. Ito rin ay maaaring maging sanhi ng leg ulcers. Kailangang gamutin kaagad ang leg ulcers para hindi lumala at maiwasan ang amputation.
Parehong tinutubuan ng varicose veins ang babae at lalaki kaya lang mas madalas ito sa kababaihan. Kalahati sa mga taong may edad 50 pataas ay mayroon nito. Maraming nagsasabing ito ay maaaring mamana. May iba’t-ibang paraan ng paggamot nito, tulad ng operasyon, injection therapy, at catheter-based therapy.

Ang mga sumusunod ay maaaring maging sanhi ng varicose veins:

1) Pagtaaas ng blood pressure sa veins

2) Panghihina o pagkasira ng mga valves sa loob ng veins

3) Ang mga valves na siyang nagmementena ng daloy ng dugo sa tamang dereksyon.

Mahalaga ito dahil kailangang kontrahin ng veins ang epekto ng gravity para mapadala ang oxygen-pure blood sa ugat mula sa hita at binti papunta sa puso. Ang posibilidad na magkaroon ng varicose vein ay sa mga taong may history ng deep vein thrombosis, pregnancy, lalo na sa una at huling mga buwan ng pagbubuntis, tumor sa tiyan, matagal na pagtayo sa isang posisyon, katandaan, obesity at family history ng varicose veins. Ang almuranas at hemoroid ay isang uri ng varicose vein.

September 21, 2007 189 Mercury Poisoning



Top | Home

Mercury poisoning ang tawag sa masamang epekto sa tao ng metalic substance na mercury.

Ngayong panahon na alam na ang panganib na dala ng mercury, marami na ang mga safe-guards na inilalagay upang kontrolin ang laganap na paggamit nito. Ngunit may mga mahahalagang gamit pa rin dito na hindi maiiwasan, katulad ng mga thermometer, thermostat, blood pressure aparatus o sphygmomanometer at iba pang industrial uses.

Ang paggamit ng fertilizer at ang waste disposal ng mga planta ay nagpapakawala ng mercury sa hangin. hindi rin mapipigilan ang natural na concentration ng mercury sa environment katulad ng mga watershed dahil sa erosion ng minmeral deposits, natural  emission ng mga tanim, at deposits ng coal. Kahit ang mushroom ay nakakaipon rin ng mercury mula sa lupa.

Ang mercury poisoning ay nakukuha kapag dumampi sa balat, malanghap o makain. Kaya delikado kapag nabasag halimbawa ang thermometer o ano mang bagay na may mercury.
 
Ayon sa World Health Organization(WHO), ang pinakamalaking source ng mercury poisoning ay ang pagkain ng ilang uri ng isda at mga pagkaing dagat katulad ng tuna, swordfish, at pating, dahil ang mga malalaking isda ay mas mataas rin ang concentration ng mercury sa kanilang katawan.ang madalas kumain ng mga isdang ito at mga maliliit na isda na huli sa mga lugar na mataas ang mercury level, ay maaring magkamercury poisoning.

Ang panganib sa mercury poisoning ay depende sa gulang ng biktima, uri, dami, at tagal ng exposure sa mercury.  Inaatake ng mercury ang central nervous system, at may masamang epekto rin ito sa bibig, gilagid, at ngipin.  Kung mataas at matagal ang exposure, mauuwi ito sa paglalaway, nerbyus, panginginig, dementia at kamatayan.  Ang mga batang nasa sinapupunan ay maaaring ipanganak na may kapansanan  o magiging autistic.  Ang sakit na minamata ay sanhi rin ng mercury poisoning.

Ang gamot sa mercury poisoning at iba pang heavy metal poisoning ay chelation therapy na sinasabing nakagagamot ng heart disease.  By the way, hindi totoong nakagagamot ito ng heart disease.

Mag-ingat sa mercury poisoning. Ingatan na hindi mabasag ang mga gamit na may mercury. Huwag kumain ng maraming malalaking isda na nabanggit ko kanina lalo kung buntis.

September 25, 2007 29 Prostate Cancer (When to See a Doctor)



Top | Home

Kumonsulta agad sa doctor kung nangyayari sa inyo and sumusunod:

1) Hindi maka-ihi
2) Masakit na pag-ihi at lagnat na mahigit sa 38° C,  giniginaw o sumasakit ang katawan
3)  May dugo o nana ang ihi

Kumonsulta din kung may symptoms ng urinary tract infection o U.T.I.  Ito ang mga sintomas:

1) Masakit na pag-ihi
2) Pananakit ng lower back o ng tadyang na hindi dahil sa injury o physical exertion.
3) Painful ejaculation.
4) Hirap sa pag-ihi at hirap sa pagkontrol ng pag-ihi

Magpatingin din kung mayroong hindi maipaliwanag na:

1) Pagbaba ng timbang
2) Pananakit ng likod, at balakang

Maaaring i-refer kayo ng  inyong doctor sa isang urologist o ispesyalista sa sakit sa genito-urinary tract including the prostate.

Ang inyong urologist ay maaaring magsagawa ng tests to evaluate your urinary symptoms. Ang mga tests ay ang sumusunod:

            1) Digital rectal exam.
            2) Urinalysis.
            3) Prostate-specific antigen o PSA test.

Ang PSA test ay mabisang screening test para sa prostate cancer pero hindi lahat ng may abnormal PSA Test ay may prostate cancer.  May iba pang kundisyon na pwedeng mag-resulta sa mataas na PSA level.

Kailangan ang prostate biopsy upang makumpirma ang pagkakaroon ng cancer.

Ang inyong doktor ay pwedeng magrekomenda ng transrectal ultrasound (TRUS) guided prostate biopsy.  Dito, kumukuha ng tissue sample sa prostate at ito ay ine-examine nang pathologist.

Delikado ang prostate cancer. Agapan ito. Magpa-eksamin sa inyong doctor.

September 26, 2007 30 Prostate Cancer (Early Detection)



Top | Home

Ang early detection screening tests para sa prostate cancer ay ang digital rectal exam (DRE) at ang  Prostate-specific antigen o PSA test.

Marami dapat ikunsidera bago magpa-test for prostate cancer at ito ay dapat ikonsulta muna sa inyong doctor.  Hati ang mga medical experts tungkol sa pagiging mabisa ng PSA test para mapabuti at mapahaba ang buhay ng isang lalaki.  Ang Philippine Cancer Society (PCS) at ang Philippine Urological Association (PUA) ay nagririkumenda ng screening kung ikaw ay high-risk man na higit sa edad 45.  Niririkumenda din nila na magpa-test taon-taon simula edad 50 ang mga lalaking malusog at may life expectancy of at least 10 years.
 
Ang iba namang medical organizations ay maingat sa pagrerekomenda ng taunang screening para sa mga lalaking hindi naman high-risk. Sabi nila, ang PSA screening daw ay kayang mag-detect ng early prostate cancer ngunit hindi nito ibig sabihin na ang pagpapagamot ng pasyente ay makabubuti sa kanyang kalagayan at makapagpapahaba ng kanyang buhay.

Nirerekomenda nila na ipaliwanag ang benepisyo at panganib ng PSA tests sa mga lalaking nais magpa- screen.

Ang prostate cancer, di tulad ng ibang cancer, ay mabagal ang paglaki o pagkalat. Kapag nagdesisyon kayong magpa-test dito dapat din nyong isipin kung ano pang ibang test ang payag kayong sumailalim. Ito ay kung sakaling ang unang test ay unclear o kaya ay positibo sa prostate cancer.

May iba ding medical condition na madalas sa matatandang lalaki tulad ng prostate enlargement (BPH) o infection (prostatitis) na puwedeng magpa-taas ng PSA level kahit ito ay walang prostate cancer

Isa sa lima o anim na lalaki na walang prostate cancer ay may PSA level na higit sa 4.0 nanograms per milliliter (ng/mL).

20% to 30% lamang ng mga lalaking may PSA test result na mahigit sa 4.0 ang may prostate cancer.

Maaari ding hindi ma-detect ng PSA test na may cancer ang isang pasyente. Humigit kumulang sa 25% ng mga lalaking na-diagnose na may prostate cancer ay may PSA na mas mababa sa 4.0.

July 07, 2009 156 Schistosomiasis



Top | Home

Ang schistosomiasis ay nagmumula sa isang parasite o blood fluke na ang tawag ay schistosoma japonicum.  Ang carrier nito ay isang maliit na fresh-water snail na mayroong scientific name na oncomelania quadrasi na nakikita sa mga endemic area para sa schistosoma katulad ng bicol.

Dapat ninyong malaman na ang parasite na ito ay kumakalat kapag ang dumi ng  taong na may sakit nito ay mapapunta sa mga tubigan katulad ng sapa o patubig ng palayan.  Lumilipat sa tao o hayop ang parasite na ito sa pamamagitan ng pagpasok sa mga pores ng balat.   Kaya ito ay madalas sa mga taong nagtatrabaho sa bukid lalo na sa mga may gawain na nangangailangan nakalubog sila sa tubig.

Sa early stages ng sakit na ito maari itong gamutin ngunit pag masiyadong malala na maaring ikakamatay ng biktima.

Ang mga sintomas ng schistosomiasis ay ang sumusunod:

  • Sa umpisa pa lamang
  • Masakit na tiyan
  • mababang lagnat
  • diarhea
  • dugo sa dumi;

Kapag malala na:

  • pamamaga ng atay
  • malaking tiyan
  • enlargement ng spleen
  • naapektohan ang utak at mauuwi sa epilepsy.

Stool examination sa pamamagitan ng kato katz method ang pinakamabisang paraan ng pagdiagnose ng sakit na ito.

Kagaya ng nasabi na maaaring gamutin ang sakit na ito kung bago pa lamang.  Ngunit kapag matagal na, mahirap itong gamutin at maaaring mamatay ang biktima.

May libreng gamot para dito na nakalaan sa mga DOH schistosomiasis control team centers o sa mga health centers.  Ang tawag sa gamot na ito ay praziquantrel tablets.

Kung kayo ay nakatira sa endemic areas for schistosoma, pag-ibayuhin ang inyong kaalaman tungkol sa sakit na ito.  Makipagkita sa schistosomiasis control team o pumunta sa health center upang magawa ang stool examination; gumawa at gumamit ng sanitary toilets upang hindi kumalat ang sakit na ito; iwasan ang mga matubig na lugar na mayroong schistosomiasis; suportahan ang mga kilusan sa pagkontrol ng sakit na ito; makipagkita sa schistosomiasis control team  o health centers upang kumuha ng karagdagang inpormasiyon tungko dito.

February 6, 2008 111 Gingivitis



Top | Home

Ang pinakamalaganap na gum disease ay ang gingivitis.  Ang mga sintomas nito ay pamamaga, pagpula at pagdudugo ng gilagid.  Kapag hindi naagapan ito, maaaring mauwi sa pagkasira ng mga ngipin at buto ng panga.

Ang gingivitis ay nagsisimula sa masamang oral hygiene katulad ng kulang o maling pagtoothbrush at hindi paggamit ng dental floss.

Dahil sa poor oral hygiene, magkakaroon muna ng mga invisible plaques ang mga ngipin.  Ito ay isang makapit na film na binubuo ng bacteria at tirang pagkain. Maaalis ito ng pagsisipilyo ngunit bumabalik tuwing matapos kumain lalo na ng matatamis na pagkain.  Kapag hindi naalis ang plaque sa loob ng dalawang araw titigas ito sa gumline at magiging tartar na pagbabahayan ng bacteria.  Hindi naaalis ang tartar ng pagsisipilyo o flossing.  Pagdaka, maiirita ng tartar ang gilagid sa puno ng ngipin.  Kapag namaga.ito iyan na ang simula ng gingivitis.

Ang pinaka mahusay na paraan sa paggamot ng gingivitis ay ang pagpunta sa dentista para magpa-prophylaxis o alisin ang tartar sa puno ng ngipin.  Sundan ito ng regular na paglilinis ng ngipin sa pamamagitan ng toothbrushing at flossing matapos kumain.

Gumamit ng wastong  toothbrush.  Ang flossing ang mabisang paraan para linisin ang mga pagitan ng ngipin.

Tandaan!  Sa pagsisipilyo mas importante ang brushing action kaysa ano mang toothpaste.  May toothpaste man o wala ‘matatanggal sa tamang pagsisipilyo ang plaque. Sa kabilang dako walang produktong makakatanggal ng tartar sa ilalim ng gilagid. Pumunta sa dentista upang patingnan ang inyong ngipin at gilagid, lalo na kung mayroon kayong gingivitis.

October 1, 2007 31 Prostate Cancer - (Treatment Overview)



Top | Home

Kadalasan ang prostate cancer ay ginagamot ng radiation therapy o surgery. Pwede din ang hormone therapy o watchful waiting o surveillance.

Ang pagpili ng treatment ay depende sa sumusunod:

  • Edad
  • Kalagayan ng kalusugan
  • Life expectancy.
  • Antas ng cancer. May mga cancer cells na mabilis lumaki at kumalat sa iba pang parte ng katawan.
  • Stage ng cancer.
  • Side effects ng treatment.
  • Personal beliefs and concerns.

Maaaring magamot ang prostate cancer kung ito ay madiskubre sa early stage. Di tulad ng ibang cancer, ang prostate cancer ay mabagal ang paglalaki. Maraming lalaki ang namamatay ng may prostate cancer ngunit hindi dahil dito.

Ang desisyon na magpa-additional test at treatment ay nagsisimula sa desisyon na magpa-screening test. Sa maraming kaso ito ay nagreresulta ng pagkadiskubre ng slow-growing prostate cancer.

Mababagabag ang taong madidiagnose ng prostate cancer.  Karamihan ay makakaranas ng denial, galit at pagkalungkot

Maraming bagay ang pwedeng makatulong sa inyong pagkabagabag. Isa na dito ay ang pakikipag-usap sa mga kapamilya at kaibigan.

Matagalan ang relasyon ng isang pasyente sa kanyang urologist. Kaya naman dapat tapat at totoo ang inyong pakikitungo sa kanya.  Sila kasi ang magbibigay sa inyo ng payo tungo sa inyong ikabubuti.  Ipapaliwanag ng urologist kung ano ang prostate cancer, kung anong stage at ang tsansang magamot ito.

Ang prostate cancer kadalasan ay maaaring magamot.  85% ng newly diagnosed cases ng prostate cancer ay nadidiskubre sa early stages, at 100% ng mga lalaking  ito ay nabubuhay pa ng mahigit sa limang taon.

October 2, 2007 103 Urinary Tract Infection



Top | Home

Ang urinary system ay binubuo ng apat na bahagi: ang kidneys o bato, ureters, bladder o pantog at urethra.. Ang kidneys ang sumasala sa ating dugo upang matanggal ang mga waste product of metabolism sa ating katawan.  Ang ureters ang dinadaanan ng ihi mula sa ating bato papunta sa ating pantog kung saan ito naiipon muna, bago lumabas sa urethra  kung tayo ay iihi.  Lahat ng mga  bahagi na ito ay maaaring magkaroon ng impeksyon, ngunit kadalasan ang impeksyon ay nangyayari sa urethra at sa bladder. Ang infection na ito ay ang tinatawag na urinary tract infection o u.t.i.

Ang sintomas ng u.t.i. ay ang mga sumusonod:

- Madalas na napapaihi          - Mahapding  pag-ihi          - Paunti-unting pag-ihi 
- May dugo sa ihi                    - Maamoy ang ihi.

Maliban dito may iba pang maaari ninyong maramdaman batay sa kung anong bahagi ng urinary tract ang may impeksyon.  Kapag kayo ay may impeksyon ng pantog o cystitis, kayo ay makakaramdam ng kabigatan sa puson at ang inyong ihi ay mapanghi. Sa urethritis naman o infection ng urethra., mahapdi ang inyong pag-ihi at kung minsan may kasamang nana ito.

Maaaring umabot sa kidneys ang u.t.i. mula sa urethra at bato. Ang tawag sa mapanganib na sakit na ito ng bato ay pyeloneprhitis. Ang  palatandaan nito ay: ang pananakit ng tagiliran at mataas na lagnat na may kasamang pagginaw.

Mas madalas ang u.t.i. sa mga babae sa kadahilanan na mas maiikli ang kanilang urethra.   at malapit ang kanilang butas sa puwitan na maaring panggalingan ng mga bacteria.. Ang pagtatalik ay isa ring dahilan ng cystitis kaya ang sexually active na mga babae ay mas madalas magkaroon nito.

Ang mga karagdagang risk factors ay:  enlarged prostate; stone sa kidney;  at matagal na pagamit ng mga urinary catheter.

Upang makaiwas sa u.t.i., iminumungkahi ang mga sumusunod:

- Uminom ng maraming tubig          -Huwag pigilin ang pag-ihi at umihi ng madalas
- Wastong feminine hygiene             -Umihi kaagad pagkatapos magtalik
- Iwasan ang mga feminine products katulad ng douches at powder na maaring makairita ng urethra.

Komunsulta sa doktor kung may u.t.i. Ang u.t.i. ay maaaring mauwi sa mas seryosong sakit lalo na sa mga bata, matatanda at mga buntis. Antibiotics ang kadalasang gamot dito. 

October 5, 2007 95 Ear Infection



Top | Home

Ang mga baby na dalawang taon o younger ay mas madalas magkaroon ng ear infection kaysa sa matatandang bata. Ganun pa man marami sa mga kabataan ang nagkakaroon ng otitis media.

Otitis media ang tawag sa impeksyon ng middle ear, ng espasyo   sa likuran ng ear drums.  Ang infection ay hindi pumapasok sa midle ear mula sa labas ng tainga. May dinadaanan na passage way ang bacteria  mula sa  ating lalamunan patungo sa loob ng ating tenga na ang tawag ay eustachian tube.

Ang eustachian tube ay nagsisilbing drainage canal para sa mga secretions which are normaly made sa loob ng tenga.  Ang tube na ito ay may mga pinong balahibo na waring conveyor belt na nagdadala ng mucus at bacteria palabas ng tenga papunta sa ating bibig. Ibinabalanse rin nito ang pressure sa loob ng tenga at sa ating paligid para makapagtabraho ng maigi ang ear drum at makarinig tayo ng mabuti.

Kapag maayos ang kalagayan ng eustachian tube, hindi makakapasok sa  middle ear ang mga germs tulad ng mga bacteria mula sa ilong at bibig. Kung meron mang makapasok, naflu-flush out ito ng mga cells sa lining ng eustachian tube. Kapag ang tubong ito ay hindi maayos, ang mga bacteria ay nakakapasok sa loob ng tenga. Ang resulta: otitis media o middle ear infection.

Respiratory infections, mga irritants katulad ng usok ng sigarilyo at mga allergies ang madalas na dahilan ng pagbabara ng eustachian tube. Ang mga ito ang nagiging dahilan ng pamamaga ng mga lymph nodes o kulane sa paligid ng tubo, blocking its outlet.

Mas madali magkaroon ng infection ang mga batang maliliit.  Maiksi at mas  maliit ang butas ng kanilang eustachian tube. Kaya madali itong pasukin ng bacteria at madaling magbara.

Alalahanin, hindi kayo magkakaroon ng impeksyon sa tenga dahil sa tubig o sabon na maaaring makapasok sa inyong tenga kung kayo ay naliligo. Bigyang lunas agad ang respiratory infection at allergies upang hindi ito humantong sa otitis media. 

October 07, 2009 121 Type D Personality



Top | Home

Nababahagi sa apat na grupo ang personality o ugali  ng tao: type A, B, C, at D.

Ang type A ay:

  • high energy,
  • mabilis mag-isip at kumilos
  • success oriented
  • hindi umuurong sa labanan.

Ang type B ang siyang opposite ng type A:

  • low energy
  • malagihay kumilos
  • masyadong relaxed.

Ang type C ay:

  • kinikimkim ang emotions sa sarili
  • ayaw ng gulo, in other words palagi siyang nice.

 Ang type D:

  • puro negatibo ang nasa isipan at emotion
  • pessimistic palagi
  • ayaw ipaalam sa iba ang nasa kalooban.

Noong dekada setenta, ang napagtuonan ng pansin ng mga researches ay ang relasyon ng cardiovascular disease sa type A  personality dahil sa ugali nitong mapusok, di patatalo at halos hindi nagpapahinga.  Napag-alaman na hindi totoong mas maraming taong may type A personality ang nagkakasakit sa puso kaysa sa ibang personality types.  Bagkos, ang lumitaw ay ang nga taong may type D personality ang siyang mas nagkakaroon ng cardiovascular disease.

Ayon sa mga findings, mas madaling magkaroon ng sakit sa puso at ugat ang mga type D.  Napatunayan sa isang study noong 2004 na kahit na nagawan na ng angioplasty ang mga may type D personality, madalas pa rin silang nagkakaroon ng heart attack.

Sa isang pag-aaral sa Duke University,  natuklasan na sa loob ng 5 taon,  50% ng mga type D na may sakit sa puso ay namamatay, kumpara sa 18% lamang na namamatay sa mga taong may sakit sa puso na marunong magbukas ng kanilang damdamin sa mga taong malapit sa kanila.

Ang matinding pagdamdam sa mga problema ay nagpapabilis ng pintig ng puso at nagpapataas ng blood pressure maski na habang natutulog.  May kinalaman dito and hormone na cortisol na siyang  nagpapataas ng blood pressure at heartbeat upang ihanda ng katawan sa mga panganib.  Ok lang tumaas ang heart rate at blood pressure paminsan-minsan.  Ngunit sa taong type D, palaging mataas ang level ng cortisol kaya puno ng tension ang  katawan at  malamang ang sakit sa puso at ugat.

Kung type D kayo, kailangan gumawa ng kaukulang paraan para mabawasan ang inyong tension. Mag-aral ng mga ‘stress management techniques’, mag-aerobic exercise, at matutong magbahagi  ng  problema sa taong ka-close ninyo.  Ang meditation at pagdarasal ay makakatulong din.

Ang negatibong personalidad ng tao ay isa lamang sa mga risk factors ng cardiovascular disease.  Suceptible man ang type D personality sa heart disease, marami pa rin siyang pwedeng gawin para iwasan ang sakit sa puso.

October 12, 2009 187 Growth Development ng Sanggol



Top | Home

May maling akala na ang mga isang buwan na sanggol ay tulog lamang ng tulog. Ang totoo maraming pagbabago ang nangyayari sa kanya. Una rito ang paglaki o physical development.  Paglabas ng baby, bababa ng kaunti ang timbang nito ngunit paglipas ng sampung araw babalik rin  ito. Bibigat siya ng  halos one fourth kilo bawat linggo at hahaba siya ng hanggang isa at kalahating pulgada sa  unang buwan.

Ang kakayahan ng baby na mag-isip, matuto, at makaalala o cognitive development ay sumusulong rin. Napapabilis ang paglaki at pag develop ng utak ng baby sa pamamagitan ng positive interraction  mula sa nag-aalaga.

Patuloy rin ang emotional at social development ng sanggol. Mabilis siyang matutong mag communicate sa pamamagitan ng pag-iyak upang ipaalam ang kanyang pangangailangan. Sumusunod ang paningin kapag may kumikilos at natutuwa ang baby kapag nilalaro o kina-cuddle.

Naririnig niya ang nagsasalita. Ito ang simula ng kanyang speech learning process o language development.

Ang sensory at motor development ng baby ay mabilis rin.  Madali nitong makilala ang mukha, boses at amoy ng nanay o tagapag-alaga. Ang sense of touch niya lalo na sa bibig ay nagiging sensitive. Mas gusto nito ang matatamis kaysa maaalat o maaasim.  Sa loob lamang ng ilang araw nakakarinig na siya ng mga matitining na tunog pati boses. Unti-unti na siyang makakakita at naiikot na ang kanyang ulo.

Matutulungan ninyo ang development ng inyong baby  sa pamamagitan ng matining na boses, paghahaplos, at paghalik halik sa kanya. Bigyan siya ng environment na mayaman sa stimulation, comfort at pagmamahal. Napatunayan na ang mga sanggol na palaging kinakausap ay mabilis matutong magsalita.

Huwag kayong  nalilito o nababahala lalo na kung ito ang una ninyong sanggol. Unti- unti ninyong matututunan ang tamang pamamaraan sa pag-aalaga.  Magbasa ng mga libro tungkol dito at magtanong  sa inyong doktor.  Ang pag aaruga ng sanggol ay isa sa pinaka satisfying na experience para sa isang ina. Huwag palampasin ang pagkakataong ito.

October 08, 2009 8 Anger Management Part I



Top | Home

Ang galit ay likas na bahagi ng emosyon ng tao, kinakailangan lamang na matuto tayong maghunos dili at mag-isip muna bago ilabas ang ating galit. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang domestic violence, child abuse at iba pang problema na dala nito sa ating lipunan. Bukod dito, nakakabuti rin ito sa ating kalusugan.

 Ang pagpipigil sa galit o di kaya pagwawala ay parehong masama sa puso. Kung mapapansin ninyo kapag kayo’y nagagalit, bumibilis ang pintig ng puso ninyo, nangangalit ang mga ngipin, tumitikom ang mga kamao, at namumula ang inyong mukha. Ito ang mga pisikal na pagbabago sa katawan kapag kayo’y nagagalit. Kaya hindi katakataka na ang galit ay magpapataas ng presyon na maaaring pagmulan ng stroke. Kapag tayo ay nagagalit, sumisikip ang mga arteries na nagsusupply ng oxygen–rich blood sa puso. Nagiging malapot ang mga dugo at maaaring pagmulan ng blood clot na magbabara sa ugat na siyang magdudulot naman ng atake sa puso o stroke.

Batay sa mga bagong pag-aaral, ang galit ay may kinalaman din sa pagtaas ng cholesterol at maaaring maglikha ng heart attack o sudden cardiac death. Ang galit o hostility ay mauuwi din sa unhealthy lifestyle and habits tulad ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at masamang diet. Lahat ng ito ay may kinalaman sa pagkakaroon ng sakit sa puso kaya kailangan matuto tayo ng Anger Management Techniques. Makakatulong ito upang makabawas sa stress at maaaring magligtas sa ating buhay.

October 09, 2009 9

Anger Management Part II



Top | Home

Stay cool at iwasan ang pag-init ng ulo dahil ito ay maaaring maging sanhi ng atake sa puso. The healthiest way to deal with anger o galit ay magsalita ng malumanay at huwag pasigaw.  Huwag kimkimin ang sama ng loob. Ang mga madaling mag-flare up sa mga maliliit na bagay o palaging galit ay mas malamang na tatablan ng sakit sa puso o magkaroon ng heart attack. Napatunayan sa pananaliksik noong 2004 na ang galit at frustration ay magdudulot ng abnormal heart rhythms o arrythmia na maaaring mag-uwi sa biglang pagtigil ng puso o kamatayan.

Ang mental stress naman ay mas mabilis na nagdudulot ng arrhythmia kesa sa physical stress, tulad ng exercise. May isang study naman na nagpapatunay na ung mga lalake na nagkikimkim ng galit ay may 75% higher chance na magkaroon ng coronary artery disease. Ang mga lalaking may intense level ng anger have 3 times greater risk of heart attack or angina pectoris kumpara sa mga lalaking hindi magagalitin.

Ang angina pectoris ay pananakit ng dibdib sanhi ng kakulangan ng supply ng dugo sa heart muscle. Batay naman sa ibang pag-aaral, kahit mababa ang level ng negative behavior ay maaaring makaapekto pa rin sa kalusugan ng puso. Halimbawa, mas nanganganib sa sakit ng puso ang mga taong mainipin, irritable o kaya ay dominante. Isang pag-aaral noong 2002 ang nagsabi na tumataas ang bilang ng inaatake sa puso ng mga taong madaling magalit, ipinapakita man ito o kinikimkim.

September 30, 2009 177 Sleep Apnea



Top | Home

Apnea is a greek word meaning “without breath”.mapanganib ang sakit na sleep apnea dahil tumitigil ang paghinga habang natutulog.

Ang mga symptoms nito ay:

  • sobrang pagkaantok sa araw;
  • malakas na paghilik;
  • tumitigil ang paghinga habang natut-ulog;
  • biglang pagising na humihingal;
  • tuyo ang bibig at masakit ang lalamunan pagi-sing;
  • sakit ng ulo sa umaga.

Sa sleep apnea nag-rerelax ang mga muscles ng lalamunan na sumusporta na soft palate, uvula, tonsil at dila. Pagrelax ng throat muscles, sisikip ang lalamunan at napuputol sandali ang paghinga nangyayari ito ng dalawampu hanggang tatlumpong beses sa isang gabi. Dahil dito kumukulang ang oxygen sa dugo. Bitin ang pagtulog at pagod ang biktima kinauma-gahan.g putolputol na pag-tulog. Hindi nararamdaman ang pangyayaring ito.

Kung magising man siya ay sandali lamang at hindi din  ito maalaala.

Sa central sleep apnea naman, nagmimintis ang utak sa pag-padala ng signals sa brea-thing muscles. Dahilan ito ng pagtaas ng carbon dioxide  at pagbaba ng oxygen levels sa dugo. Magigising ang biktima na hinihingal at malamang maaala niya ito.

Kahit sino ay maaring magka-roon ng sleep apnea pati mga bata.
 Mas malamang magka-roon ng sakit na ito ang mga: matataba; may enlarged tonsils o adenoids,  makikitid na lalamunan, mga lalake; mas matatanda; may family history ng sleep apnea; umii-nom ng alcohol, gumagamit ng sedatives at tranquilizers, mga nakaranas ng stroke, may neuromuscular disorders, congestive heart failure, at pagnasa mataas na altitiude.

Mapanganib ang condition na ito dahil ang biglang bagsak ng oxygen level ay nagpapa-taas ng presiyon, at nagpapa-hirap sa cardiovascular system. Magiging sanhi ito ng heart failure o stroke biglang pag kamatay..

Kung mayroon kayong sin-tomas ng sleep apnea magkon-sulta sa doktor o especialista.

Upang magamot o mabawasan man lamang ang panganib ng sakit na ito sa pamamagitan 
Ng pagamit ng mga especial na mga aparato, special proced-ures at surgery kung kailangan. Ang doktor ang magre-rekomenda ng nararapat na paraan.

December 03, 2007 180

Syphilis

Top | Home

Syphilis is a sexually transmitted disease na sanhi ng bacteriang treponema pallidum.
Kumakalat ang syphilis sa pamamagitan ng vaginal, oral o anal sex sa tao na may syphilis sore na tumutubo sa ari ng lalaki, sa vagina, rectum, labi o bibig. Nahahawa ang bata na nasa sinapupunan kung ang buntis ay may syphilis. Hindi nakukuha ang syphilis sa swimming pool, bath tub, toilet seat, damit o kubyertos.

Marami ang infected ng syphilis na ilang taon nang walang nararamdamang sintomas. Pati ang primary o secondary stage syphilis ay napagkakamalan ang sores na sanhi ng ibang uri ng sakit, kaya kadalasan ang panghahawa ay mula sa mga taong ito na hindi alam na carrier sila ng syphilis.

May tatlong stages ang syphilis:

Primary: Ang palatandaan nito ay ang paglabas ng sore o chancre sa bahagi ng katawan kung saan pumasok ang syphilis. Ang chancre ay maliit, bilog, matigas at hindi masakit. Lumalabas ang sore sa loob ng 10 to 90 days at nananatili ng tatlo hanggang anim na linggo. Gagaling ito kahit hindi gamutin.  Kaya mauuwi ang syphilis sa second stage kung saan lalabas na ang skin rashes at membrane lesions na magaspang, mapula o reddish brown ngunit hindi makati. Lilitaw ito sa palad o sa talampakan. Kung minsan napakapusyaw ng rashes at hindi napapapansin, o hindi kaya napagkakamalan ito na ibang sakit.  Ang iba pang sintomas ng secondary syphilis ay lagnat, maga na lymph glands, sore throat,  hair loss, headaches, muscle loss at fatigue.  Kapag lumaon mawawala rin ang mga  second stage symptoms na ito. Ngunit  kapag hindi nagamot, tutuloy ito na sa late stage ang syphilis, kung saan masisira na ang internal organs katulad ng utak, puso, nerves, mata, mga ugat, atay, buto at joints. Magkakaroon ng paralysis, pagkabulag at dementia at maaaring mauwi sa kamatayan.

Nadadiagnose ang syphilis  sa pamamagitan ng pagexamin sa microscope  ng tissue na kuha sa chancre  o sa blood test kung saan nakikita ang syphilis antibodies.

Madali gamotin ang syphilis sa unang taon. Isang intram-ascular injection ng  penici-llin ay gagaling na ito. Kung  matagal na ang syphilis kailangan dagdagan ang dose ng penicillin. Napapatay ng gamot ang syphilis ngunit hindi na maayos ang mga nasirang bahagi ng katawan.

Upang maiwasan ang syphilis at iba pang STD maging maingat sa sexual contact at dapat isang partner lamang ang laging katalik. Nakakatulong ang condom ngunit hindi ito 100% effective. By the way, maaaring umulit ang sakit na ito.

 
Powered by Design Ink
Copyright (c) InfoMedico 2007
OrientPhil Production Corporation